Bakit?
Marso,29 2022
Sa aking pagsusulat ngayon tagalog na muna ang aking gagamitin na lengwahe alam kung marami dito ang mga taga ibang bansa kaya pasensya na muna sa ngayon at akoy talagang hindi pa nakaka move on kung bakit lage itong nangyayari sa akin pinaghirapan ko naman yung ipunin pero bakit parang bula lang itong naglaho.
Noong nakaraang araw akoy nag published ng article tungkol sa pagka disappoint ko sa aking kapatid sapagkat hindi na niya ma open ulit ang kanyang abra wallet na aking nilagyan ng worth 900 pesos at hanggang ngayon hindi na ulit nag message sa akin na parang walang nangyari parang balewala lang sa kanya na mawala iyung ganoong halaga.
Ngunit ganoon pa man hinayaan ko na lang sana iyun at ang sabi ko ay charge to experience nalang at kikitain ko pa ulit ang pera na iyun at akoy mag move on nalang.
At iyun na nga kahapun mga bandang alas dos ng hapon ang aking naipon na bitcoincash dito sa read.cash ay nagkakahalaga na ng 13$ ilang araw ko din iyung iniipon ito yung kita ko sa mga article ko na na i published.
At dahil nga ang abra wallet ay mayroon na silang staking na kapag nag stake ka ng bitcoincash ay magkakaroon ng interest at iyun ang balak ko sa kita ko dito sa articles ko ay doon ko ilalagak sa aking abra wallet, kaya naman nagdesisyon ako kahapun na ilipat na aking 13$ papunta sa aking abra wallet.
Ngunit sa hindi inaasahan hanggang ngayon ang 13$ ay hindi dumating sa aking abra wallet ,sana lang na traffic lang siya pero kasi impossible dahil mag iisang araw na kadalasan kapag ako ay nag transfer ilang oras lang dumadating na.
Unang beses ko lang din kasi itong na try ang proseso na ito dahil noong unang nag transfer ako ng fund inilipat ko muna sa bitcoin.com Wallet ko tapos papuntang abra wallet at iyun ay naging successful naman ngunit kahapun ay sa hindi ko malamang dahilan ay ito yung proseso na ginamit ko.
Sa abra wallet ganyan ang format ng kanyang bitcoincash address iyan ang kinopya ko at binuksan ko ang aking read.cash account at pumunta sa" send my money "at inilgay ko ang address na ito.
Ngunit ito yung lumabas
Para ma process ko yung pag transfer kailangan palitan ko ang address na iyan e click ko lang daw yung cashaddr.org para makuha ko yung format address at ito yung lumabas kapag na e click na iyang cashaddr.org.
Iyan ang inilagay ko na address dahil nakalagay naman na same lang at ganyan ang format na tatanggapin para ma process papuntang abra wallet pero nakakalungkot ay walang dumating na 13dollars kaya nakakapanghinayang dahil ilang araw ko din iyung iniipon at pinaghirapan mag English para may ma I published na article kahit minsan wala ng kabuluhan ang aking mga sinusulat ngunit itoy napapansin pa rin ni rusty.
Sa ngayon talagang lutang pa ako kasi nga 29dollars iyung nawala lahat sa akin sa buwan na ito mapapatanong nalang ako kung bakit?
Sabi kasi ang pera na galing sa hangin ay parang hangin din itong kay bilis mawala, pero yung sa akin pinaghirapan ko iyun pero bakit nawala?
Siguro move on nalang ulit ako.At bakit parang hindi maganda sa akin si Abra wallet na ito?
Anyway salamat po sa inyung lahat na patuloy na sumusuporta sa akin.
Naway pag palain tayong lahat na alalahanin natin na kung may pagsubok man tayo dapat nating isa isip na ang lahat ng itoy lilipas din.
Salamat sa pagbabasa!
Hmm, di ako masyadong maalam sa ABRA wallet, sis. I am using bitcoin.com wallet. I do hope maresolve eto sissy.