Mali ba Ang maging Isang katulong/yaya?

5 56
Avatar for Claire.24
2 years ago

Minsan napapaisip ako hindi ba Ako belong sa lipunan? Isang hamak na katulong/Yaya lang raw kasi ako. Ako raw ay isang anak na mas pinili ang magtrabaho kaysa mag-aral. Wala ba talagang lugar Dito sa ating lipunan ang tulad naming mga katulong? Oh! Sadyang tao lang ang may Mali?

Handa ka bang makinig sa aking kwento? Kung bakit pagiging isang katulong ang aking trabaho? Hindi mo ba ako huhugusgahan kapag ikiniwento ko sayo ang storya ng buhay ko? Bago ko simulan ang aking kwento sana bukas ang isipan mo para naman malaman at masabi mong "Kaya pala Yan ang trabaho mo". Oh! Simulan ko na huh? Makinig ka.

SISIMULAN KO SA PANGHUHUSGA

Masama ba ang maging katulong o di kaya Yaya?

Laging tatak sa isip sapagkat naranasan kong pagtawanan Ng aking mga kaklase na syang gagraduate na ngayon. Sabi pa nga nila " Sayang! Pagiging katulong lang pala bagsak mo e di sana binigay mo na lang talino mo sa amin" " oh! Claire Yaya raw trabaho mo Ngayon? Dude ito na graduating na kami sayang ka pano ba naman kasi pinili mo Ang pagiging Yaya imbis na mag-aral ka" Wala kang mapapala sa pagiging Yaya" " Oh ano Claire hanggang Yaya ka nalang bakit ayaw mong magtrabaho sa mall? College ka pa naman " " Yaya Claire oh gosh dude you're sick , akala ko ba maging teacher or accountant t*****a Yaya lang pala hahaha" Gamitin mo utak mo para mabuhayan ka na nasa maling landas ka"

Ilan sa mga tanong at pawang pang-aapak na rin sa aking pagkatao. Ako kasi ang tipo ng tao na Panay tawa pa Rin kahit na madaming mga negatibong naririnig sa paligid. Sa aking palagay sanay na ako. Alam kong may mga tao talagang mahilig manghusg kahit di alam Ang dahilan.

Bakit nga na ako naging YAYA/KATULONG?

I'll make it shorter in short shortcut lang to.

YEAR 2018 grumadweyt ako sa Grade 12 with matching medals (charot). Pasok sa top student an ABM student dahil pangarap kong mga isang CPA(Certified Public Accountant". Lahat excited na para sa aking pagkolehiyo pero may dumating na pagsubok dahil ang aking nanay ay inatake not knowing what happened dinala namin sya sa hospital at ayon malaman ko na may sakit si cancer si mama stage 1 di ko alam basta cancer yon . Ang sabi ng doctor maagapan pa . Kaya nagdesisyon ako na huwag na munang mag kolehiyo kundi maghanap ng trabaho na malapit lang sa amin para mabantayan at makatulong na rin sa gastusin sa gamot niya. 6 months after nalaman naming wrong findings pala ang binigay sa amin ng doctor such a relief walang sakit ang mama(Basta ugaling may pagka Dem****, malakas talaga). Nawala man ang kaba para Kay inay huli na naman para sa akin kaya okay lang sakin noon huwagagstop ng one year.

2019 this is it freshmen sa college and taking up BEED kasi yon lang Ang afford. Di ko alam bakit parang kinuha ang kaligayahan ko nang madisgrasya (July don't know the exact date)ang papa dagdag pa ang di ako nakuha sa scholarship ng gobyerno. Lahat parang nawala sa akin Yung excitement dahil nasa college ka na konting kimbot nalang marating mo na pangarap mo kaso may pagsubok na dumating. Isang linggo pagkatapos nabangga si papa naisipan kong magdrop out sa lahat ng subject ko at magfucos nalang sa trabaho ko noon pagiging cake maker(dating trabaho) medyo malaki ang sahod pero puyat ka naman at walang pahinga . Di man madali pero kinakailangan para Kay papa at matustusan ang pangagailan niya. Sa aking pagkamalungkutin noon dumating sa point na humingi Ako ng tulong at tinanong ko ang Panginoon"Bakit Ako pa ? Bakit Lord ?Bakit parang pasan ko lahat ng problema sa Mundo? Di ko ba deserve ang magkaroon ng matiwasay na Buhay? Lord please kong di man Ako makapag-aral pagalingin niyo lang si Papa sapat na sakin yon, please . Lord hiling ko lang ang makalakad siyang muli para di na sya mahirapan pa kahit yon lang Lord sapat na sakin yon, salamat" paulit- ulit na dasal at tanong sa Ama .

Around October papa is well nakalakad na sya nang maayos at nakapagtrabaho na rin pero need pa rin mag-ingat at pa check-up kung talagang magaling na sya. Sa laki nang aming utang para sa pagpapagamot ni papa Wala ng chance pa na makapag-aral akong muli. Tinanggap ko na sa panahon na iyon na di ko pa talaga panahon ang makapag-aral basta Masaya ako na dining ng Panginoon Ang aking hiling. October 13,2019 kinausap ko si papa na magtrabaho ako bilang Yaya dahil kapos na kami sa pera at wala ng chance para makapag-aral akong muli. Lubog kami sa utang kaya pumasok bilang Isang Yaya at katulong Dito sa aking amo. Unang dalawang buwan palang ay umutang na agad ako ng 50k sa aking mga amo para pambayad sa utang5 Namin sa kaibigan ni tatay dahil kinakailangan na nila. End of story

Pinasok ko ang mundo nang pagiging katulong Hindi dahil sa gusto ko kundi dahil sa kakulangan ng pera para makapag-aral kami ng aking mga kapatid. Di man magandang trabaho para sa iba ngunit para sa akin ito ay napakamarangal na trabaho. Kaya bago ka manghusga para sa aming mga Yaya subukan mo munang alamin Ang kwento niya kung bakit mas pinili niya ito. Kaya para sa akin di Mali ang pagiging Yaya dahil kumita ka sa magandang paraan.

KAYA IKAW TATANUNGIN KITA MALI BA ANG MAGING ISANG KATULONG?

Authors Note:

Salamat sa mga nagstay sa akin kahit sobrang tagal ko na nakapag-update Dito. Salamat Rin sa pagbasa.

Another out of nowhere article

Tahnk you and see you next time 

3
$ 0.01
$ 0.01 from @qheen_am
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
2 years ago

Comments

"Mali ba ang maging isang katulong/yaya?" No, never naging mali ang pagiging isang katulong/yaya, infact, isa ito sa pinakamarangal na trabaho. never let the world's negativity drag you down, never ever look down on yourself, heads up po ms. Claire! I am so proud of you! Ang brave nyo po! Keep going! God bless you and your family! Praying for your father's fast recovery.

$ 0.00
2 years ago

naranasan ko din maging katulong at sobrang hirap lalo na kapag yung amo mo pinagdadamutan ka ng pagkain maswerte ka dahil napunta ka sa mababait na amo.

hindi po masama ang maging katulong marami lang talagang taong grabe kung makapanghusga ng kapwa niya.

$ 0.00
2 years ago

wala masama maging katulong...bsta marangal..walang natatapakan na ibang tao...ok.lng po.yan...ako.din naging katulong po.aq ng mga pinsan ko noon kasi.nanay nilw ngpapa aral.skin noon...timiis ko.po yun hanggang mkatapls aq ng highschool...pati.pang momolestya nla sakin..tiniis ko.. laban lng po tayu.Godbless po s inyo...sna mging maayos at mas healthu pa po.ang parents nyu po

$ 0.00
2 years ago

Kailan man hindi naging mali ang pagtratrabaho lalo na kung ito marangal.Wag muna lang pakinggan yung mga tao bagkos magsikap ka at magdasal palagi ,baka one day makahanap ka ng paraan para maka pag aral uli at makamit mo yung mga pangarap mo.

$ 0.00
2 years ago

Salamat po ito nga po nagtatabi talaga ako ng konti-konti lang para makapag-ipon para sa makapag-aral ulit.

$ 0.00
2 years ago