Halika sa Bundok, Hanap Tayo Signal

5 54
Avatar for Claire.24
2 years ago

Kamusta minamahal kong writers and readers Dito sa platapormang ito. Bago ko simulan Ang artikulong ito hangad kong nasa mabuti kayong kalagayan.

Naranasan mo na bang tumira sa lugar na walang signal? Iyong tipong aakyat ka pa nang bundok bago ka magkaroon ng signal. Nakakapagod ano?

January 7,2021 nang umuwi ako rito sa amin. Simula noong dumating ako rito malimit na lamang akong magbabad sa cellphone sa kadahilanan na walang Stable na Connection Dito sa probinsya namin. Isa ito sa malaking problema Dito sa amin kadalasan mga studyante rito ay palaging umaakyat ng bundok para lang makahagilap ng signal. Malaking problema man ito pero kung madiskarte ka walang problema Yan sa'yo.

DISADVANTAGE OF HAVING UNSTABLE CONNECTION:

  • Mahirapan kang kumuntak sa mga mahal mo sa Buhay.

  • Kapag may nga online class palagi kang nag gliglitch o di kaya lag at di makarinig ng maayos

  • Kung may online games ka kailangan mong akyatin Ang bundok mag-isa para may stable connection ka.

Dito sa lugar na ito lagi kaming pumunta upang magresearch para sa mga proyekto ng aking mga kapatid. Minsan din may mga Oras na wala talagang signal dahil siguro sa dami namin na nagsiksikan sa lugar na ito. Kung walang signal Dito sa Umaga tuwing Gabi naman kami rito para kahit papano mas malakas Yung signal Ng Data namin. Kita niyo Ang bundok na iyon? Diyan ang pinakamalakasang signal na hinahanap namin.

Sa Bakuran namin

Kung Minsan naman dito na lamang kami sa Palm Oil Farm namin pumunta para solo namin ang signal at para mas malakas pero hanggang 3:00 PM lang kami dahil takot kami sa multo at aswang. Dito kami lagi Ng aking mga kapatid nagsisisagutan nang kani-kanilang mga modules. Maganda rito dahil sa free na ang hangin sariwa pa .

Isa ito sa pinakamalaking problema Dito sa probinsya namin ang pagkakaroon ng Unstable na Connection at laging itong hinihiling nang aming punong Barangay ma sana may tower kami dito may source sa signal. Hindi lang Isa Ang naghihirap dito dahil sa signal na iyan. Reklamo Dito, Reklamo doon iyan Ang trabaho nang aming mga ka-barangay .

  • Alam niyo bang problema lamang ang internet koneksyon na Yan sa mga taong sosyal na ayaw pumunta ng bundok para magkaroon nang signal pero para sa aming mga mahihirap we're always prepared para diyan. Ang saya kaya umakyat ng bundok bukod sa makakuha ka nang signals ay para kana ring nag hiking o di kaya Mountain Climbing (Char). Tapos matatanaw mo pa kagandahan nang inyong Barangay at makakalanghap tayo ng masasarap na Hangin.

  • Walang problema yang internet koneksyon para sa mga gaya naming madiskarte sa Buhay at Hindi tamad maghanap Ng signal.

Maraming salamat sa inyong lahat  
at pasensya na rin kung madalas 
lang ako makagawa ng article hayaan 
NIYO kapag may bonggang signal na 
Todo ko na pagpublished ng mga drafts.
Ko.

Ikaw mas pipiliin mo bang umakyat ng bundok para magkaroon ng signal ? O magrereklamo ka lang sa inyong Barangay?

3
$ 0.20
$ 0.20 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
2 years ago

Comments

I also experience that po hahaha lalo na kapag pupunta kami ng bundok for just one week. It feels so comfortable and peaceful without gadgets thats distractive but ofcourse we are a 21st century learner, we need technology for everyday usage. It just need to be used in a proper way and a better purpose. Magandang umaga po. Keep safe.

$ 0.00
2 years ago

Magandang Umaga din po. Ta Yan marerefresh ka kapag nasa bundok ka

$ 0.00
2 years ago

Kahit ba naman magrereklamo eh wala naman at hindi masosolusyunan ng barangay kaya aakyat na alang ako sa bundok at magdadala ng tent at pagkain. Uuwi lang ako pag medyo gabi na. Hahaha

$ 0.01
2 years ago

Pwede din to haha. Minsan ganyan kami magdada la Ng food galing bahay para na rin kaming nag piknik

$ 0.01
2 years ago

Mas enjoy diba kesa magrereklamo sa barangay. Ma-stress ka lang. haha

$ 0.00
2 years ago