Mini Thailand ng laguna
Ito ang kuha ko sa "Isdaan floating house" ng laguna. Dito marami kang pagpipilian na mga pagkain, meron silang mga sea foods, beef, pork, chicken, gulay at ibat ibang isda. Pwede ka rin manghuli ng isda para yun ang gagawin yung ulam.
Maliit lang ito na pasyalan pero malilibang kana sa pagkuha ng mga litrato kasi sa subrang ganda ng mga nasa loob nito. Sa entrance palang ma eexcite kana makapasok kasi nakikita muna yung mga part na gusyo mong kunan ng mga litrato.
Ito mismo ang ginagawang tagpuan ng mga lovers kasi dito walang entrance fee pero kailangan mong kumain dito. Bali yun na ang maging entrance fee mo sa kanila. Habang kumakain kayo meron mag haharana sa inyo. Diba ang sweet at romantic ang dating? Ganon nila ka alaga ang mga customer nila.
Kaya kung nangangarap kang pumunta sa Thailand pero hindi pa kaya sa budget. Nako dito ka nalang mas mura at malapit lang. Ayos diba?
Nice, may mga ganyan lugar Pala na, nakatago sa, laguna malapit, Lang Yan samin pero di ko pa na pupuntahan hahaha