Magandang gabi po sa inyong lahat dito ! Sana po nasa mabuting kalagayan po kayo .Nais kung humabol sa pagsusulat gamit ang wikang tagalog .Dahil nasa katapusan na tayo ng Agosto ,nais kung maihabol tong sinulat ko .Hindi ko alam kung kaya ko bang magtagalog dahil parang mahihirapan po ako kasi isa po akong bisaya ,sana maisulat ko to ng maayos.
Agosto 31 2021 ,kaarawan ngayong ng beyanan ko ,medyo pagod ako ngayon kasi kami lang ng mga pamangkin ng asawa ko ang nag aasikaso ng mga pagkain para sa handa ng beyanan ko .Gusto ko ng matulog dahil pagod ako ngayon pero parang madami pa akong iniisip ,kahit anu anu nalang naiisip ko .Isa sa mga sumagi sa isip ko ngayon ay bukas ay kakanta na siya ,alam nyo na kung sino yung tinutukoy ko hahahha!joke lang po!!.
Dumating ba kayo sa punto ng buhay nyo na gusto ninyong kausapin sarili nyo?Ako maraming beses na pero naisipan ko ngayon na sulatan ko nalang sarili ko dahil marami akong gustong sabihin sa sarili ko .Ito ang sulat ko para kay sarili.
Mahal kong sarili,
Nais kitang batiin dahil sa mga nagawa mo ngayon ,akalain mo nakahanap ka ng paraan para tulungan asawa mo.Alam kong nahihirapan ka lalo na dahil hindi mo karaniwang ginawa yung mga ginawa mo ngayon para lang makag ipon ka.Alam kong nahihirapan ka sa pagsusulat ,pilit mong inaayos mga sinusulat mo kahit minsan hindi mo maintindahan mga sinulat mo ,pano pa kaya ang mga bumabasa nito? (hahhahah).Napakahusay mo,pagpatuloy mo lang yang mga ginagawa mo ngayon para sa pangarap nyong bahay ng asawa mo ,may awa ang panginoon ,darating din kayu jan basta wag kalimutang magdasal at syempre kilangan ding humanap ng paraan.May kasabihan nga "Nasa diyos ang awa,Nasa tao ang gawa".
Maraming salamat sayo dahil sa sobra mong pagmamahal sa pamilya mo ,lahat ginagawa mo.Salamat dahil nakita kong mabuting ina at asawa ka .Salamat dahil hindi ka sumusuko sa kabila ng mga problemang dumating sa buhay mo .Salamat dahil napakatatag mo.Salamat dahil lumaban ka sa depresyon na naranasan mo .Maraming salamat dahil pinakita mo kung gaano mo kamahal yung mga taong nakapaligid sayo.Salamat sa iyong mga pagsisikap kahit araw-araw may kalaban kang hinaharap nanatili kang nakatayo ,salamat!
Pagpasensyahan mo na dahil maraming beses na naiingit ka sa iba ,pasensya na dahil hindi ka kasing ganda ng iba.Pasensya na dahil ang taba mo na ,at hindi ka kasing ganda nila .Mataba ka?mag dyeta ka mag ehersisyo ka ,pangit ka?e di mag paganda ka (hahhahhah)joke lang yun! Hindi mo kailangan magiging katulad nila o higitan sila ,ang importante may magandang kalooban ka ,hindi mo kailangan ng magandang mukha ,pagdating ng panahon ,lilipas din yang kagandahan na nyan ,hindi mo kilangan magkaroon ng magandang katawan ,pag tanda mo ay lilipas din .Ang tunay na kagandahan ay makikita sa iyong puso .Kaya ipagpatuloy mo kung ano yung magandang gawain mo ,lalo na sa pagtulong ng iba kahit sa kunting paraang alam mo.
Bawasan mo yung pagiging mainitin ang ulo minsa dahil sa kakulitan ng mga anak mo .Minsan lang silang maging bata ,kayat hayaan mong ma enjoy nila yung kabataan nila ang importante anjan ka para gabayan sila .Nagkakalat sila?okay lang yun ,normal lang sa bata yun ,dahil pag hindi nila kinakalat mga laruan nila ,ibig sabihin hindi nila na eenjoy ang paglalaro nila.Sobrang likot nila?hayaan mo na ,malusog mga anak mo eh ,kabahan ka kung hindi sila malikot ,tiyak may nararamdaman ang mga iyan (wag naman sana).Patuloy mo lang turuan ng mabuting asal at gawaing mga anak mo.Hayaan mo kung makulit sila ,mga bata kasi yun sigurado ako pag lumaki ng mga yan ,hahanaphapin mo yung kakulitan nila .hihihi!!!
Laging mong tatandaan ,saludo ako sayo.
Nagmamahal,
Sarili
DAhil malalim na ang gabi ,kailangan ko na talagang matulog maaga pa ako bukas para mag post dahil hindi ko to ma e post ngayon kasi sobrang bagal ng internet koneskyon dito.
Maraming salamat sa pagbibigay ng oras nyo para basahin tong sinulat ko at sa mga upvoters ko ,lalo na sa mga sponsors ko maraming salamat po ! Nawa'y gabayan kayo palagi ng ating panginoon .Pwede niyong bisitahin at basahin mga artikulo nila ,kung nais nyong makabasa ng magagandang artikulo.
Ingat palagi!
It's good to appreciate ourselves. It gives us more strength and passion to continue living life with hope and faith. Eenglishen ko nalang ha Kasi nahihirapan akong magtagalog 😁