Wala pang 1 month nung pinatay ng kapitbahay namin yung kapitbahay lang rin namin. Tapos ngayon eto nanaman may pinatay nanaman dito. Hay grabe Hindi ko na alam kung gusto ko pa ba tumira dito. Ano na bang nangyayare sa mga tao at sila sila nagpapatayan. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa takot. Pati anak ko kanina pag pasok namin sa bahay namin Sabi niya " mama I lock mo ang pintuan pati sa kusina ma " alam mo yun takot na takot siya.... Pati anak ko nagkaka phobia nag aalaga ako sobra. Grabe na tong nangyayareng to. Sana matauhan ang mga taong may gawa ng masama at magbagong buhay na sana sila at Makita na Mali ang ginagawa nila.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
16 comments
Hala kakatakot nyan sis bakit saan ang inyo? Baka nalasing talagang pinatay talag. Kawawa naman mga bata na pobya na at natakot sa kanilang ginagawa.
Baka matagal ng alitan yan sis ingat kayo dyan kapag di safe ang lugar naku mahirap yan lalo at may mga bata dyan.
Luh ingat kayo dyan sis. Katakot naman sa lugar nyo.
Nakakatakot nga yan, sana mahuli na yung salarin.
Mgkakaphobia anak mo nian sis😥
Dyosko sis nakaka takot nga po pag ganyan double ingat pong lagi at taintim na dasal pong lagi
Ano yan ubusan ng lahi? Nakakatakot Naman dyan sa inyo. Parang di safe tumira. Wala ng kasuhan sa Barangay, sa sariling kamay na Ang hustisya pinadadaan.
Nako ingat kayo jan sis bakit hindi nahuli yqn?
Wala ba silang takot sa Diyos 😳
Nakakatakot naman sainyo. Sana nahuli na yung gumawa nun.
Nakakatakot naman sis. Mag lock kayo lagi ng pinto sis. Mag ingat kayo palagi sis.
Hala Sino Ang pinatay? Bakit pinatay? Nakakatakot Naman yun
Nakakatakot naman jan friend...magkaka kilala lang ba sila? Bat may patayan naman...always lock your doors and windows friend
Katakot nmn sis mg ingat kayo jan
Baket nagpapatayan? Asan mga pulis?
Province ba sis dapat maireport sa taas ang lugar sa inyo para sa kapakanan ng nakatira dyan.