read.cash Log in
C@Cattt

@Cattt in October 2022

C@Cattt

Wala akong alam sa photography kaya kahit ano nalang ma capture ko hahaha. Good morning mga kaingay. Kakagising lang namin ng anak Mahal kong anak , sabado ngayon kaya nakapagbabad sa higaan. Pero kailangan na bumangon kasi kumakalam na sikmura at may naghihintay sa akin , Ang aking mga Mahal na labahan hehe. Pero bago Yan kape muna tayo , Sabado day, it's laba laba day hehe

C@Cattt

Magandang tanghali sainyo mga kaingay! Ayan na nga dipa rin ako tapos maglaba , paano naman kasi kanina habang naglalaba ako nagluluto rin ng ulam pang tanghalian , ako pa naman pag naglaba at nagpahinga ako maglaba ilang oras ko payan babalikan na mga labahan hahahah. Kaya ang ending mga uniform palang ng anak ko ang natapos ko. Naisampay ko na at Tuyo narin.. Mga tuwalya at bedsheet pa yung natira. Makiki WiFi na muna ako at mamaya ko nayan ipagpapatuloy na paglalaba ko.…

C@Cattt

Huhuhu ano po kayang nangyare biglang nawala FT ko. Bakittt kaya ? Sino po nakaranas na nito ? Babalik pa po kaya Yun?

C@Cattt

Habang ako ay Nakatambay ako dito sa kapitbahay namin at naki connect sa wifi ,biglang nagtakbuhan mga tao at nagkagulo sa kalsada , dahil marites nga ako tumakbo rin ako at naki usyoso nanaman ang Lola niyo , yung kapitbahay namin na teenager uminom pala ng zonrox kasi iniwan raw ng kaniyang boyfriend! Ay naku sus maryosep. Nung kabataan ko nasaktan rin Naman ako ng sobra , pero kahit kelan diko naisip na kitilin ang buhay ko. Kasi una palang andaming tao gusto pang mabuhay…

C@Cattt

Good afternoon po. So ayun na nga , may ayuda dito sa amin . Hindi ko lang alam kung saan galing. Pero galing to sa barangay. Nung sinabi nang kapitbahay namin na may ayuda nga raw sa barangay ay agad naman kaming pumunta. Lahat ng may asawa ay pwede mag claim ng bigas na 10kilos. Eto talaga ang gusto ko dito sa Lugar namin palaging may ayuda. Kaya kahit naglalaba ako ay iniwan ko Ang labahan ko para pumila at yun sa wakas nakakuha rin ako.

C@Cattt

Katatapos lang namin kumain ng hapunan. Sa labas ng bahay kami kumain kasabay namin Ang mga hipag ko , Wala lang , naisip lang namin na kumain ng sabay sabay. Masarap Naman kasi kumain ng sabay sabay at madami. Magkakapit bahay lang Naman kami ng biyenan ko at mga hipag ko kaya anytime na gusto namin magsama sama kumain ay pwede. Basta lang may kakainin. Hehehe. Tapos bumili ng tatlong bote ng coke kasalo yung asawa ko. Kaya solve na solve kaming lahat. Good evening po mga…

C@Cattt

Good night mga kaingay! Bukas po ulit tayo magkwentuhan. Masiyado ng maraming masamang nangyare ngayong araw. Kailangan ko ng break muna.

C@Cattt

Madaling araw palang kanina ay nagising na agad kami dahil sa ingay ng mga rider. Sobrang bibilis pa Ng takbo. Pero okay na rin kasi di na kami ma momroblema ng pang ulam kasi nasagasaan nung isang rider yung manok ng biyenan ko hahahahaha may pang tinola na. Panabong na manok pa naman yun hahahaha. Nanghinayang pa siya. E Ano pa hindi na nahinga Good morning sainyo. Kamusta kayo ?

C@Cattt

Magandang tanghali sainyo mga kaingay.! Ayun Kakatapos lang namin kumain ng anak ko ng tanghalian. Hindi na namin nahintay ang papa namin heheh sarap kasi ng ulam namin.. tinolang manok. Pero bago yan pa selfie muna ako ng Isa heheheh. Parang Hindi lang kumain e hahaha. Payat parin hindi man lang nataba. Kelan kaya ako magkakalaman .. hayyy

C@Cattt

Magandang hapon mga kaingay! Maulan dito kanina kaya nakatulog kami mag Ina. Pagka gising namin na anak ko ayan na may pasalubong hipag ko na kakanin binili niya sa Legaspi, sa anak ko naman Jollibee hamburger. Hindi ko na na picture an Kasi kinain niya na agad haha. kakauwi lang rin ng hipag ko galing pag exam sa LET . Sana naman ay makapasa na rin siya. Anyway kamusta po kayo mga kaingay? Kamusta Lugar niyo maulan rin po ba ?

C@Cattt

Magandang Gabi mga kaingay!. May kwento ako. May kasalan dito sa tapat namin sa beach... Pero Wala akong ka alam alam kung sinong ikakasal , pero sinabi ng biyenan ko na ex ng asawa ko yung ikakasal na nagwowork sa abroad. Tapos kanina pag uwi ko Sabi ng asawa ko punta raw kami sa bayan at bili raw kami ng ulam. Sabi ko sakaniya wag kana bumili ng ulam humingi ka nalang sa ex mo tapos tumawa siya. Medyo na hurt lang ako hahaha Kasi dati nung ikakasal na kami ng asawa ko 1…

C@Cattt

Good night na po sainyo mga kaingay! Ayan Hindi na niya kinaya ang antok kakalaro , tulog na agad. Bukas nanaman mga mate tayo mag kwentuhan.

C@Cattt

Magandang umaga mga kaingay!. Ang ganda ng sikat ng haring araw kanina, pero ngayon Naman maulan na dito. Yung mga nilabhan kong damit nung Saturday Hanggang ngayon Hindi parin natutuyo. Pabago bago kasi ang klema biglang iinit tapos biglang uulan. Katatapos ko lang rin magluto ng aming tanghalian. Mamaya Maya ay susundo na rin ako sa aking anak na grade 1 pero bago yan tambay muna ako dito sa kapitbahay at makiki WiFi. Kayo mga mate ? Anong ganap niyo ngayon?

C@Cattt

Before and after. Habang nakiki connect ako sa kapitbahay. Iyak ng iyak tong anak ng pinsan ng asawa ko . Ang mama niya kasi nag vo volunteer sa school walang mag aalaga kaya ayan kinuha ko na muna.. Hanggang makatulog na siya sa kandungan ko ..

C@Cattt

Magandang tanghali mga kaingay. Kaninang mga 11.00 am nag abang na ako ng tricycle para sana sunduin anak ko. Buti nalang at di pa ako nakasakay Nakita ko na yun motor ng asawa ko sakay na niya anak namin pauwi. Maaga raw siya pinalabas ni ma'am niya kasi nakabasa naraw siya... Everyday kasi na may pinapasulat sakanila e bago umuwi pinapabasa pag dika nakabasa Huli kana papauwiin Ng ma'am . Mother tounge pa naman. Bicol. Mabuti Naman sa pagbasa e madali siya maka pick up. Sa…

C@Cattt

Meryenda tayo mga kaingay. Biribid and sinapot. Pababa ako ng bahay kanina , ng dumaan yung nagtitinda nito sakto Wala akong pera kaya inutang ko na muna haha. Okay lang Naman raw. Tsaka babayaran ko naman bukas. Baka bukas pa kasi sweldo ni mister. Tsaka palagi Naman ako pinapautang ni nanay Mila yung para tinda ng sinapot... Pero pag magbabayad na ako ng utang ko sakniya. Pinapasobrhan ko nalang palagi , alam ko naman kasi na maliit lang Ang Tubo niya tapos dami pang…

C@Cattt

Magandang Gabi sainyong lahat mga kaingay! Katatapos lang ng malakas na buhos ng ulan dito sa amin. Kakauwi lang rin ng asawa ko basang basa ng ulan. Sakto naman pag gising ng anak ko nagluluto ng french fries yung hipag ko sa bahay nila binigyan ang anak ko. Ayan may meryenda na siya. Favorite niya Yan e. Kamusta po lagay ng panahon sa inyo mga noise mate ? Dito samin iinit tas uulan. Kaya ang nilabhan ko nung Saturday pa hanggang ngayon basa parin.

C@Cattt

Isa sa mga bagay nagpapakilig sa akin. Maliit man pero Malaki parin pag naipon ito . Kaya sobrang thankful ako sa mga platform na to kasi kahit graduate ka undergraduate oh kahit walang pinag aralan e qualified ka. Kaya salute sa may mga gawa nitong mga platforms na to. More earnings pa po satin mga noise.mate !

C@Cattt

Good night na po mga kaingay! Bukas nalang po ulit tayo magkulitan. Kakauwi ko lang galing binggohan , salamat panalo ng 50 pesos hahahaha. Okay nayan kesa wala... Antok na ako. Tulog na po tayo.

C@Cattt

Hello po mga kaingay! Kakauwi ko lang galing binggohan haha. Hindi naman yun sugal, libangan lang. Panalo ako ng 50 pesos hehe. Bumili na ako ng kape kanina bago ako umuwi para bukas ng Umaga mag titimpla na lang. Good night na po sainyo bukas nalang tayo ulit mag kwentuhan.

C@Cattt

Magandang Umaga mga kaingay! Haysss salamat at maganda ang sikat ng araw ngayon dito sa amin sana ay magtuloy tuloy na to hanggang hapon para matuyo na mga nilabhan ko. Pagkatapos kong ihatid sa school ang anak ko sinampay ko na mga damit namin, nung sabado ko pa kasi yun nilabhan dahil nga sa masungit na panahon di makapatuyo .. Dahil solo nanaman ako dito sa bahay , maglilinis na muna ako ng bahay at magpapakain ng mga alagang baboy at mag iisip kung ano Nanaman ulam…

C@Cattt

🇵🇭The devils' mountain of Occidental Mindoro. -an angular mountain with sharp ridges that resembles a mountain range. It was called devil's mountain due to its sharps and edges. Directions: From downtown San Jose, proceed to the tricycle terminal located beside the RoRo Bus Terminal. There are tricycles here going as far as Barangay Manoot in the town of Rizal. The route to Barangay Manoot will pass by Devil’s Mountain (takes about 45 minutes). Post via : Mindoro AdvenTours…

C@Cattt

Kaka sweldo lang ng asawa ko kahapon , pero ngayon paubos na agad sa dami ng bayarin at gastusin sa bahay. Sumabay pa tong shopee , due ko na kasi bukas sa spaylater. Inorderan ko kasi ng sapatos yung anak ko at tsaka yung intra na herbal na iniinom ko para sa mga cyst ko. Pag natapos ko tong bayaran ayoko na umutang hahahah sakit sa bulsa grabe... Okay lang siguro na kapos wag lang maraming utang... Diba mga mate ?

C@Cattt

Good afternoon noisemate. Kaninang mga 1pm umulan nanaman dito sa amin kaya pinatulog ko anak ko kesa lumakwatsa nanaman at magpaulan. Dahil lumamig panahon pati ako ay nakatulog rin. Kakagising ko nga lang e. Hehe napasarap din tulog ko. Kaya ayan pumunta na muna ako ng tindahan at bumili na ng kape at dalawang sopas kung tawagin dito yang tinapay nayan.. dalawa lang binili ko baka kasi may tinapay ulit na dala asawa ko pag uwi mamaya. Palagi kasing may tinapay yun pag uwi…

C@Cattt

Magandang Gabi mga mate. Pagkauwi ng asawa ko kanina nagmeryenda kami sa beach, tapos tambay tambay narin. Ganda ng view dito. Yung pwede kang mag Muni muni pag may mga iniisip ka , buti nalang rin at abot dito ang wifi kaya naka connect parin ako. Gabi na , siguro bibili nalang kami ng ulam na luto lesa magluto pa. Feeling ko Kasi mas magastos pag nagluto pa ako ng ulam e Tatlo lang Naman kami kakain...

C@Cattt

Magandang Gabi mga kaingay. Pagkauwi ng asawa ko kanina nagmeryenda kami sa beach may dala siyang tinapay at nagtimpla akong kape, tapos tambay tambay narin sa baybayin. Ganda ng view dito. Yung pwede kang mag Muni muni pag may mga iniisip ka , buti nalang rin at abot dito ang wifi kaya naka connect parin ako. Gabi na nanaman , siguro bibili nalang kami ng ulam na luto kesa magluto pa ako. Feeling ko Kasi mas magastos pa pag nagluto pa ako ng ulam e Tatlo lang Naman kami…

C@Cattt

One week ko rin Itong inipon . Hindi narin ito masama diba. Maliit man pero para sa akin malaking halaga na rin ito. Iipunin ko to para pambili ng cellphone Ng asawa ko. Nasira kasi cellphone niya naipit ng backhoe na ino operate niya. Sayang nga yung phone nayun e. Dami pa naman namin memories doon. Pero okay lang yan. Gawa nalang ng bagong memories. Yung mas maganda mas masaya. Good night na rin po mga kaingay! Bukas nalang ulit. Tulog na ako .

C@Cattt

Good evening! Nakita ko lang somewhere on Facebook! Naalala niyo pba ? Ako naalala ko pa nung bata pa ako nakakatikim lang ako nito pag nagkasakit o nilagnat ako e. Hahahaha. Relate ba kayo mga kaingay? Ako kasi relate na relate e. Alam mo yun di mo rin naman manamnam ang tamis ng royal kasi nga mapait panlasa mo hahahah. Hay naku makatulog na nga hahaha. Kung ano ano nalang kasi naiisip ko.

C@Cattt

Good night na po mga noise ko! 12 midnight na kailangan ko nang magpahinga. Pero bago yun share ko lang muna tong selfie namin ng cutie patotie kong baby, hehe baby ng kapitbahay pala. Inggit lang ako e kaya nang aangkin ang Lola niyo... Bukas nalang ulit ,

C@Cattt

World Teachers Day👨‍🏫👩‍🏫 Saludo ako sa lahat ng Guro natin. —to an amazing teacher who not only teaches curriculum, but important lesson in life which will be carried in the heart of your student forever. "Thank you for being a great teacher" MABUHAY Mam/Sir!! #WorldTeachersDay2022 #HappyTeachersMonth2022 #teachersday #siteacherlangsakalam Good morning!

C@Cattt

Hello po mga kaingay! Good morning po. Share ko lang po Itong nangyare sa anak kong grade 1 kahapon. Pag uwi niya halos maiyak iyak na siya Kasi Sabi niya "MAMA WALA AKONG BAON. PUMUNTA AKO KAY TITA SA GRADE 4 HUMINGI AKO NG BISCUITS SAKNIYA." Bigla ko nalang naalala na oo nga pala nakalimutan ko siya padalhan ng yakult at biscuits niya. Feeling ko napaka irresponsible ko ! Sabi pa niya "MAMA DI AKO BINIGYAN NG MGA CLASSMATE KO NG BAON" which is ginagawa niya sa classmate…

C@Cattt

Salat man sa pera NOON pero Masaya, Tahimik at may Payapang pag-iisip. Sagana sa sariwang pagkain na makukuha mo lang sa mga pananim sa bakuran, mga ulam na nanggagaling sa ilog at sa mga alagang hayop. Walang mga process food , walang polusyon at sariwa ang hangin na malalanghap mo sa araw-araw dahilan kung bakit ang mga tao noon ay di halos nagkasakit at mahahaba ang buhay. Panatag ang loob mo dahil walang mga taong nalulung sa mga masasamang bisyo at walang MARITES na…

C@Cattt

Good afternoon mga kaingay. Na miss ko tumambay dito naging busy ako kanina. Paano ba naman kasi biglang dumating dito ang mga taga fisherfolk at may dalang LISTA ng mga nakasama sa ayuda biglang nawala pangalan ko e nung nakaraan lang Nakita ko pa pangalan ko doon na naka LISTA ako. Haysss nakaka dismaya lang talaga. Kaya eto ako ngayon apply nanaman ng form panibagong apply nanaman at kung kelan nanaman ma approved an. Pero sana mabilis lang to. Nagpa zerox ako ng i.d at…

C@Cattt

Ayan meryenda ko kanina. Biscuits naman sa anak ko. Grabe gutom na gutom ako kakaaiskaso ng mga papel na ipapasa ko. Good afternoon mga mate. Nag meryenda na po kayo?

C@Cattt

Isang magandang gabi sa inyo mga kaingay! Madalas kong marinig sa ibang tao na kapag may Nakita silang mag jowa or bagong kasal sasabihin nila SA UNA LANG YAN MASAYA! totoo ba yun mga mate or relate ba kayo doon ? Para sa akin opinion ko lang ha totoo yun sa una lang talaga hahaha. Minsan nga sinasabi ko na kung pwede lang ibalik e , babalik ako pero kung sakaling babalik ako sa nakaraan yung asawa ko ngayon parin ang pipiliin ko. Bakit ? Kasi Isa siyang responsableng asawa…

C@Cattt

Sa sobrang tuwa ko dahil nalipat ko na sa wallet ko yung kinita ko dito , pinakita ko sa asawa ko. Gusto ko Kasi siya ipunan para ibili ng phone niya pang surprised ba pero diko sinabi na para Yun sa phone niya. Medyo nalungkot ako kasi naliliitan siya sa kinita ko dito , sabagay gaano nga lang Naman yun kumpara sa sahod niya. So dahil may Toyo ako , nagtampo ako. Tapos nun napansin niya na nag tampo ako bigla niyang sinabi sige ituloy mo Yan basta sa tamang oras lang ang…

C@Cattt

Bakit ayaw mo umusad ha ? Galaw galaw naman diyan hahahahaha. Iiwanan kita sige ka hehe joke lang 1st love ko yata yan. Mas madalas ako doon sakabila pero wag ka mag alala paglalaanan na Kita ng oras ngayon ng sumigla ka naman... Hehe. Kamusta mga mate ?

C@Cattt

Bakit parang ayaw umusad ? Galaw galaw heheh. Sa sobrang busy ko dito nakalimutan ko na ang first love ko. Yaan mo bukas paglalaanan Kita ng oras Mahal ko. Hehe. Sa ngayon inaantok na ako. Good night mga mate.

C@Cattt

Good morning mga mate! Isang mapagpalang Umaga sa ating lahat . Kakagising lang namin ng anak ko. Wala kasi silang pasok ngayon. Pero bukas Naman ay meron na. Pero maaga umalis kanina asawa ko papuntang work. Maganda ang panahon ngayon pwedeng pwede maglaba. Pero dahil tinatamad ako sa sabado nalang ako maglalaba hehe.Tsaka Wala rin Naman mapagpasampayan dahil punuan mga sampay ng mga kapitbahay yung sampayan namin... Kamusta kayo mga kaingay?

C@Cattt

Good morning noise mates ! Totoo po ba yung first love never dies? Kwento ko lang set up namin mag asawa , bago kami nagkakilala may girlfriend pa pala siya pero di niya sinabi sa akin kasi nga parang di narin Naman siguro importante pa. Pero sila pa noon wala lang silang contact kasi nag abroad yung babae. Hanggang ngayon Hindi sila nag break. Pero Hindi narin sila nag uusap. 3 days ago kinasal na yung babae dito lang sa harap ng bahay namjn sa resort. Napansin ko lang…

C@Cattt

This Philippine historical drama titled "Maria Clara At Ibarra" caught my attention! These emotions that can be rarely seen in Philippine drama makes me want to know more about "Noli Me Tangere" or "Touch Me Not". The details on how the things are going before and now. The cinematography that can totally catch my emotions and feelings, the actors acted really well that they portrayed the emotions and feelings the way I want from a kdrama. This adaptation of noli is really…

C@Cattt

Magandang tanghali sa lahat mga kaingay katatapos ko lang kumain ng tanghalian. Pero bago ako Kumain ay naglinis na muna ako ng buong bahay namin dahil sobra na ang alikabok at mga agiw. Yung tiles namin nilampaso ko hahaha ano ba tawag diyan renoliom ba yan o carpet basta yun na yun, yung nilalagay pag wala pang tiles... Nakakapagod ha grabe. Pero nagpapahinga na ako ngayon at tambay na muna ako dito kasi naman namiss ko kayo... Ulam namin kanina adobong tilapia, luto ng…

C@Cattt

Inaantok ako gusto ko muna matulog. Kaso Itong anak ko manunuod raw tv habang naglalaro ,pinapatulog ko ayaw Naman.. Hindi naman ako pwede matulog kasi pag natulog ako baka pag gising ko lumabas na to. Kaya tiis antok nalang. Tambay na muna dito para mawala antok ko ..

C@Cattt

Ang sakit ng likod ng ulo ko. Grabe parang binibiyak sa sobrang sakit. Stress nanaman siguro ako. Palagi nalang itong sumasakit. Pag tumayo ako mas Lalo lang masakit. Kaya ito naka higa nanaman ako , pagka ganito nakakainis at wala man lang ako magawa , itinulog ko na nga kahit unting oras eh ganun pa rin... Buti at nakatulog rin Ang anak ko kaso hapon na siya natulog. Sigurado mamayang mga 11 nanaman to matutulog sa Gabi. Nakakagutom pa , Wala man lang dumaan yung…

C@Cattt

Ulam versus dessert Yung tipong cheap yung ulam mo pero expensive naman yung dessert mo hahahah. Kaninang hapon pumunta kami ng bayan kasama asawa ko at anak ko bumili kami ng isang sakong feeds pagkain ng baboy namin tapos imagine yung ulam namin na importante nakalimutan ko bilhin hahaha. Kaya ang ending pag uwi nag prito nalang ako ng talong pero okay lang favorite naman yan ng asawa ko. Tapos nung kakain na kami may kumatok sa pinto namin , hipag ko lang pala binigyan…

C@Cattt

Good morning mga kaingay! Medyo tinanghali na kami ng gising ,yung tipong nag alarm ka pero pinatay mo rin at natulog ka ulit. Haha. Kaya ayan nalang pinrepare kong ulam for breakfast egg with tomato. Yung mag ama ko naman sa dagat pa naligo tapos nagbanlaw sa gripo at papasok na rin sa school at work. Lakas ng trip nila nu agang aga e maliligo sa dagat. Ang lamig lamig pa naman . Ako mahina ako sa lamig , sumasakit ang tiyan ko pag masiyadong malamig. Kaya ayun pinagalitan…

C@Cattt

Magandang Umaga po ulit sainyo mga kaingay. Share ko lang tong kuha kong photo sa school ng anak ko kanina, nakatayo ako sa stage habang kinukuha ko tong magandang view na to. Kung mapapansin niyo po yung sa dulo ng bakod ay dagat na po yun. Kaya bago paman makalabas ng school anak ko sinusundo ko na at baka kasi bigla siya makaisip na maligo sa dagat. Pero ngayon kakauwi ko lang galing school pagkahatid ko sa anak ko. Ako nanaman mag Isa dito sa bahay. Pagka ganitong oras…

C@Cattt

Nakakatuwa naman talaga. Pagbukas ko ng messenger ko may pinasang mga picture ang teacher ng anak ko kasama anak ko na nagbabasa. Proud na proud ako sayo anak ko. Galingan mo pang palagi sa school. Minsan ito inaantay ko na magsend ng picture ang teacher niya habang nasa school sila kasi minsan napa paranoid ako kakaisip kung ano na kaya ginagawa niya school kasi minsan may Toyo rin yan tong anak ko pag ayaw niya magsulat di yan mapilit ni ma'am niya. Kaya natutuwa talaga…

C@Cattt

Wow lucky 7777 Sana next time anim na 7 na yan ha hehehhe. Hoping lang na mas tumaas pa. Natutuwa ako sobra kahit na 2 days e yan palang earnings ko sa noise app pero di na masama kesa Wala diba mga mate. May Kita ka na may mga kaibigan ka pa...kesa sa Facebook na puro toxic dito kana tumambay . More earnings pa po sa atin lahat mate.

C@Cattt

Salampati sa bicol Kalapate sa Tagalog Ang munting alaga ng aking anak. Request niya Yan sa papa niya nung nasa city pa na destino ang papa niya , kaya ayan request granted Naman. Tuwing nagpapakain ako ng baboy ay pinapakain niya rin yan at kung Wala naman siya o di kaya ay nasa school siya , ako nagpapakain. Naalala ko nga kahapon nakatakas yan dun na sa may kalsada hinabol habol ko pa para hulihin para akong Ewan doon hahahah. Inaalagaan niya yan kasi Sabi ko kaniya pwede…

C@Cattt

Katatapos ko lang maglaba. Naglaba na ako ngayon kesa bukas pa, sigurado maglalaba bukas yung biyenan ko kaya nauna na ako maglaba ngayon para di kami magkasabay sabay sa poso kasi hirap ng siksikan sa poso habang naglalaba. Una kong sinampay mga damit ni hubby, dinowny ko yan kasi nagrereklamo siya amoy kulob raw mga damit namin. Siempre nung nakaraan na may bagyong karding 5days bago natuyo mga damit namin dahil sa ulan , kaya amoy kulob mga damit . Anyway gutom na ako ,…

C@Cattt

Magandang gabi mga kaingay! May kasabihan akong narinig dati pero di ko nga lang matandaan kung saan ko ba narinig Yun hahaha sabi nila malalaman mo raw kung low tide o high tide sa pamamagitan ng Mata ng pusa , pag maliit raw yung itim sa gitna ng Mata ng pusa low tide raw pag Malaki naman raw yung itim ay high tide . Ewan ko lang totoo yun hehe. Pero napansin ko rin kakaiba ang Mata nitong pusa na to magkaiba ang kulay ng Mata niya kabilaan. Naalala ko dati may pusa rin na…

C@Cattt

Sinend ng grade 1 teacher ng anak ko ang picture nila kanina pagkatapos siguro nila magbasa to. Alam niyo ba lahat ng pictures dito na Makita lang ng anak ko tong si baby girl na katabi ni maam na naka uniform palagi sinasabi ng anak ko na Mama ang Ganda ni Alyssa. Yieehhhhh pumapag ibig na yata ang anak ko. Kahit kanino ko kasi ikumpara si baby girl siya talaga tinuturo ng anak ko na maganda hahahahah. May taste na ang anak ko ah... Grade 1 palang Yann hahahahah... Pag…

C@Cattt

I am new here , I hope you will welcome me. I'm trying to make an article.

C@Cattt

Good morning po mga kaingay! Salamat naman at uminit ngayon. Maisasampay ko na rin mga nilabhan ko kahapon ng hapon. Ramdam ko parin yung pagod ko sa paglalaba kahapon. Alam niyo ba guys pag ganiyan na naglaba ako, yung asawa ko na mag pu pwesto ng pagkain sa lamesa at siya narin naghuhugas ng Plato pagkatapos namin kumain. Pag alam niyang pagod ako tinutulungan niya ako , kaya sobrang swerte ko talaga sa asawa ko kahit diko man nasasabi sakaniya yan, kaya minsan parang nag…

C@Cattt

Kurombot dito sa bicol sa Tagalog Naman Ewan ko hahah. Ang Dami nito dito sa amin sa likod ng bahay kaya ayan nanungkit ako dami ko nakuha pero kinain ko na yung nagtira lang ako ng Isa para ipakita ko sa inyo hehe. Ano po tawag nito sa inyo mga kaingay? Sa Mindoro hindi ko alam kung meron ba nito , dito lang Kasi ako Nakakita at nakakain nito e. Good day po

C@Cattt

San ka punta? To the moon road trip Hello noise mates. Since wala yung anak ko dito dahil isinama ng hipag ko sa lolo nila, para magdala ng pagkain kasi nag powersew ng kahoy sa kabilang barangay yung biyenan kong lalaki. Kaya eto maglalakwatsa na muna ako ng walang nanghihila Hila ng damit ko hahahah. Bahala na kung San ako mapadpad, pero naisip ko sa baybayin nalang ako tambay muna since medyo mabigat ang aking pakiramdam ngayon. Dahil may unting pain parin akong…

C@Cattt

So ayun nga, dahil wala pa yung anak ko tumambay na muna ako dito sa tabing dagat. Amazing talaga ng dagat nu , sobrang ganda. Dati pangarap ko lang yung tumira malapit sa dagat ngayon natupad na nga may bunos pa kasi tabing dagat lang aking napangasawa. Nag lunch na po kayo ? Ako tapos na. Uuwi narin ako para maligo na. Sobrang init kasi. Pero kahit na malapit kami sa dagat ayoko parin naliligo sa dagat. Baka umitim Lalo ako Sayang peeling lotion hahaha. Feeling lang pala…

C@Cattt

Birthday na ng aking Unico hijo bukas.. Wala man lang kapera pera pang handa. Nataon pa talaga ngayon na gipit na gipit kami. Pero okay lang basta healthy lang Ang anak ko at always happy e okay na ako. Sana meron man lang pumasok na kahit kaunting biyaya bukas ng kahit pancit man lang ay makapag luto ako. Kaninang hapon ito , tumambay kami sa baybayin habang nagkakape. Good evening noisemate!

C@Cattt

Magandang morning mga kaingay! Ang sarap magbasa ng komiks o pocketbook habang nakahiga.. Makikinig ng drama sa radio 📻 habang nakahilata sahig... Nakasalampak sa pagkakaupo habang kumakain ng meryinda.. O kaya pakuya-kuyakoy habang nagkwenkwentuhan ng masaya.. Lalatagan ng banig para masarap ang tulog hanggang umaga. Ang dami nating masasayang ala-ala sa sahig na kawayan, hindi ba? Dagdag pa yung nabubutas ang mga suot nating pambaba. Ganito ang bahay namin dati noong Bata…

C@Cattt

Happy Sunday morning po mga kaingay! Black coffee muna at walang pang 3 in 1 sa ngayon. Birthday pala ng anak ko ngayon, 6 years old na siya ngayon. Diko pa alam kung anong lulutuin ko o kung may lulutuin nga ba talaga ako. Kasi kapos na kapos kami ngayon. Haysss mainam parin talaga ang may negosyo kesa sa trabaho lang, kasi sa negosyo ikaw ang boss at Malaki ang kikitain mo kesa sa nag wowork ka lang everyday ganun lang Kita mo. Kaya kahit masipag ka talo ka parin kung wala…

C@Cattt

Magandang tanghali mga kaingay! Natuyo na rin yung mga nilabhan ko nung isang araw kaya ito tinupi ko na ngayon kasi masiyado ng makalat dito sa bahay namin. Habang nagtutupi ako nag sa sounds ako sa speaker na binili ko kamakailan lang sa shopee. Nagpapatugtog ako para iwas antok narin. Ang pinakikinggan ko yung usong kanta ngayon na pak BOM BOM ba yun. Basta yung bagong song ngayon na madalas ko mapanood sa TikTok... Nakaka buhay kasi siya ng katawan Lalo na kung tamad na…

C@Cattt

Inflation is real Nakakalungkot lang sobra, bilihin, gas, etc nagtataas pero ang sahod grabe ipinagdadamot. Magtataas lang Ang sahod 30 or 20 pesos lang, ilang years pa bago magtaas pero ang mga bilihin halos araw araw pataas ng pataas ang presyo. Lahat na nagmahalan , ako nalang ang di niya Mahal. Charooooooot. Kayo mga kaingay ano masasabi niyo sa nangyayare ngayon sa Bansa natin?

C@Cattt

May bisita ako sa bahay, pinsan ng aking Mahal na anak. kagigising lang nito Hinahanap niya kuya niya , yung anak ko. Wala dito anak ko kasi sumama sa papa niya sa trabaho nag deliver ng graba sa kabilang barangay. Hihintayin niya raw kaya ayan siya sa pintuan namin inaabangan yung truck na binabyahe ng asawa ko... Pagka nandito anak ko palaging makulit palaging maingay bibig ko pero pagka wala naman siya dito naboboring naman ako haha. Wierd diba... Pero mas gusto ko na…

C@Cattt

Ang sarap balikan ng buhay noon. Yung wala pang gadget at internet, lahat ay busy sa kanya-kanyang mga gawain, makikita mo sa bakuran ang mga kabataan na masasayang naglalaro at isang tawag lang nang magulang ay uuwi na agad at susunod sa kung ano man ang utos, lahat ay desiplinado at mababait . Sariwa ang hangin, tahimik at payapa. Ang ganda rin ng panahon noon hindi pa gaanong mainit at lahat ng itatanim mo ay matataba di na kailangan ng commercial fertilizer. Sagana sa…

C@Cattt

Good evening noisemate! Kaninang hapon pagka uwi ng asawa ko galing sa kaniyang work ,sumama pa siya Kay kuya niya na manghuli ng bolinao o dilis sa Tagalog. Mga 2 hours umuwi na rin sila , may huli sila kaso nga konti lang pang ulam lang walang nang pang benta. Pero okay nayun para di na mamroblema ng uulamin bukas . Kayo mga mate ano pong ulam niyo?

C@Cattt

Naalala niyo pa ba mga kaingay ? Sa halip na magkaroon ng magandang manika ay balewala yun sa atin noon, dahil sapat na sa ating mga batang 90s ang laruang papel na ito. Simple lang pero aliw na aliw tayo sa taglay netong hatid. Ito ang pinaka barbie namin nun, mag cu -cut ako ng mga damit, ako ang mag de -design tapos kapag nakakita ako ng mga colored magazine kukunin ko Yun at gagawin ko ding damit 😁, mga lumang gift wrap, and gumagawa din ako ng bahay bahayan ng manika…

C@Cattt

You lost me "One day, you’ll remember the girl who loved you so much that she forgot to love herself. You’ll remember her when you wake up, when you eat, when you’re about to sleep. She will be your greatest nightmare. You will be the one crying, and she will be the one happy with someone else. One day, you’ll regret losing her. You lost the girl who did everything for you. You lost the girl who was always there for you when no one else is. You lost her because of your ego.…

C@Cattt

Good morning mga ka ingay! Monday nanaman and it's a busy day sa ating lahat. Lalo na sa mga students at mga nag wo work. Pero bago ang lahat huwag natin kalimutan na magpasalamat sa ating maykapal dahil sa kabila ng mga pagsubok sa buhay ay lagi siyang nandiyan para sa atin at nakaantabay. Dahil narin sa magandang panahon ngayon ako ay natutuwa dahil sa napakagandang view na ito ay nawawala ang mga bagay na pumapasok sa utak ko na dahilan ng aking pagka stress... Buti…

C@Cattt

Huwag po natin kakalimutan ang palaging magpasalamat sa may kapal maliit man o malaki ang ating natatanggap at Ang nakahain SA ating hapagkainan, At makuntento po tayo kung anung meron na sapat lang. Ang mahalaga ay buo ang pamilya, sa hirap man o ginhawa magkakasama. Ito ang pinaka- magandang biyaya ng may likha sa atin.

C@Cattt

Hindi kawawa Ang batang inuutusan sa gawaing bahay. Ang kawawa yung lumalaki sila ng walang alam sa buhay. Ang Mga Kabataan ngayon puro selpon inaatupag. samantalang ako noong bata pa pinoproblema ko, kung panu MAGLABA sa kamay na may TUNOG, at kung paano isunong yung isang palanggana na Puno ng damit ng Hindi nalalaglag Hanggang makauwi ng bahay. Hahaha

C@Cattt

MAGANDANG HAPON MGA MATE! Isa ka rin ba sa gumagamit nito noong kabataan mo? Ako hindi ko yan nasubukan hahaha Kasi takot ako diyan. Malapit na ang pasko! Dito sa amin nag uumpisa na ang mga Bata magpaputok nito, nakalimutan ko na tawag nito sa amin. Sa inyo po mate ano tawag niyo dito sa paputok na to ?

C@Cattt

Good morning po noise mates. Breakfast po muna tayo. Kanina tanghali na kami gumising, low budget kaya ito na muna binili kong ulam namin wow ulam. Basta may maulam lang at makapasok sa work at school. Tagal pa ng katapusan , ang hirap mag budget nu Lalo na kung wala ka Naman ng ba budget in. Hahahaha. Anyway okay lang yan basta nakakain pa naman at walang nararamdaman sakit pwede na yan...

C@Cattt

Mabuti nalang at nailipat ko na sa coins ph 2 days ago yung kinita ko dito bago pa man unti unting bumagsak nanaman. Tsaka napansin ko lang po mga mate mula kahapon ng hapon until now wala ng donation na dumadating sa akin. Kayo po mga mate ? Ganun rin po ba ? Curious ako bakit kaya. Ano kayang dahilan. Naubos na kaya pan donate ? Hehe huwag Naman sana

C@Cattt

Magandang tanghali mga mate. Anak nga pala ito ng kapatid ng asawa ko. Kami ang nag aalaga mga hipag at Lola niya kasi yung mama niya is teacher, kaya ito pinag aagawan namin alagaan hahaha kasi Mahal ang bayad nito diba. Hahah pero joke lang yun siempre. Ang hirap kasi lingain nitong baby na to kasi iyakin masiyado kaya dami kumakarga para patigilin siya.. Ang init kasi ng panahon kaya siguro Isa narin yun sa dahilan bat siya iyak ng iyak.

C@Cattt

Sino nakaranas nito sa inyo mga kaingay?? Naalala ko nung highschool ako, ganito lagi nangyayare pag uwi namin galing school. Yung tipong punong puno na pero sige lang, kaya pa yan. Gustong gusto ko pa noon sa bubong Ng jeep sumakay kesa sa loob , feel na feel ko rin noon yung sumabit hahaha. Hindi alintana ang disgrasya. Yung tipong nalipad lipad pa ang palda mo hahaha. Feeling ko noon Gandang Ganda ko nayun e pag nakasabit ako. Mukha lang pala akong Ewan hahahaha. Ah basta…

C@Cattt

Grabe ubos nanaman papel ng anak ko kakapagawa niya ng eroplano, araw araw mga 10 pcs pinupunit para lang ipagawa niyang lupad lupad raw. Last time naman yung isang pad niya binigay niya sa classmate niya. Hahaha okay lang sabi ko nak magbigay pero dapat hinati mo man lang. Tapos kanina yung 3 biscuits niyang Baon yung Isa binigay niya sa classmate niya kahit na may baon rin naman yun classmate niya. Hay naku.. pero okay narin yan na mapagbigay wag lang madamot.

C@Cattt

Nakita ko lang somewhere n Facebook! Ganitong ganito ang luto ng pancit dito sa bicol. Pancit bato. Dito lang ako nakatikim niyan, masarap po siya Lalo na kung maraming bangot or sahog sa Tagalog. Pero ang sinasahog talaga nila diyan yung chorizo, medyo mabaho siya diko bet ang lasa siguro dahil sa sibuyas. Pero masarap talaga tong pancit... Try niyo po minsan..

C@Cattt

Kawawa naman ang aking baby. Siguradong Hindi siya makakapasok bukas. For the first time niyang aabsent ngayong school year. Masakit ang ngipin ng bebe ko , namamaga na ang pisngi niya sinabi ko na kasing wag ng kakain ng gummy gummy at matamis ayaw maniwala madunong pa sa akin, kaya ayan magtiis ka ngayon. Bukas nalang tayo ulit magkwentuhan at magkulitan mga kaingay. Good night na po .

C@Cattt

Napaparanoid na ako, bakit ba ganito na tong shopee na ito, Hindi na ako natutuwa sa shopee. Nag cash in ako sa shopee pay galing sa coins ph ko tapos sinend ko sa gcash ko till now hindi parin dumadating sa gcash ko. Mag ka cash out sana ako kasi nga Wala kaming pam budget bukas kaya binawasan ko yung ipon ko, Hindi ko dinirect na ipasa Mula sa coins ph to gcash kasi nga analaki ng fee , tapos Itong shopee pay nato nakakainis. Hindi naman to dating ganito , naka experience…

C@Cattt

Good morning noise mates! Hindi nakapasok ang bebelove ko , namamaga kasi ang ipin niya. Haysss sabay sabay pa ang mga gastusin ngayon. Bibili ako ng gamot mamaya , buti nalang nakahiram ako ng pera sa kapatid ko. Para pam budget namin now Hanggang sweldo. Kaso pinoproblema ko baka ma late sa mga lesson anak ko. Hayyyys.

C@Cattt

Iskol bukol Batang 80s and 90s Sino mahilig dito dati ? Naalala ko noonng bata pa ako yan din hilig ko'ng bilhin kasi my laruan sa loob.kya nkakarami akonng bili Niyan KC iniipon q yung laruan hahaha tpos ang pinakang gustong laruan diyan ay tattoo ahahaha ang saya ko n Niyan Tapos yung palaka palakaan Ang saya pag laruan pindut pindot LNG..my tattoo kna at palaka my singsing kpa hahaha . Sino sainyo nakakain na nito ?

C@Cattt

Sa mga post ng post ng masasarap na pagkain diyan. Tikman niyo ang ganti ko mga kaingay hahahah Hindi pumasok yung asawa ko ngayon sa work at ganun din yung anak ko. Fiesta kasi dun sa Lugar ng tita ng asawa ko. Every year invited kami lahat. Tuwing fiesta doon nagkakatay ng baboy o baka at palaging madaming handa. Former barangay captain kasi yung asawa ng tita ni asawa ko. Pero halos lahat naman ng bahay may handa. Ganito sila dito sa bicol. Ako lang naiwan dito sa bahay ,…

C@Cattt

Bistig and kaldereta Good afternoon noisemate! May pahabol pa po galing sa fiesta! Naalala ko nung kasal ko sa Mindoro andaming bistig na niluto yung biyenan ko pero wala man lang pumansin sa mesa kaya pag uwi nila dito sa bicol tawa raw sila ng tawa kasi dito sakanila pinag aagawan Yun sa mesa kasi purong laman. Ewan ko lang ha pero Kasi iba ang luto ng Mindoro kesa sa luto dito sa bicol , siguroy naninabago lang sila kaya di nila kinain, sa totoo lang Hindi rin naubos yung…

C@Cattt

"Kaya ka may pinagdadaanan, kase may patutunguhan ka." And what God reminded me today, is to be strong and courageous na wag akong matakot dahil Siya ang bahalang makipag laban para sa akin. At samahan ako sa Journey ko hindi madali, pero alam kong ang Lord ang tutulong sa akin para makayanan ko. Kaya ikaw, sa nagbabasa nito gusto ko lang sabihin sayo na wag kang sumuko sa lahat ng mga pagsubok sa buhay mo. Sa pamilya man yan, sa trabaho o sa Negosyo o pag-aaral mo "KAYA" mo…

C@Cattt

Medyo masama ang pakiramdam ko. Kaya matutulog na ako mga kaingay. Salamat sa maghapong kwentuhan at kulitan natin. Dito lang ako nagkaroon ng maraming kaibigan na pwede mong sandalan pag may problema. Kaya salamat sa inyo. Bukas po ulit. Good night.

C@Cattt

Omg! Good morning guys. Zero balance to kagabi nung natulog ako tapos pagising ko ito na. Diko alam kunh saan galing. Check niyo rin po sainyo baka meron rin

C@Cattt

Isang maulan na umaga sa atin mga kaingay! Mabuti nalang at pumasok na sa work at school ang asawa ko ,bago pa man tuluyang bumagsak ang malakas na ulan. Sana lang itong dalawang batang studyante sa picture ay nakarating na sa school bago paman sila maabutan ng malakas na ulan. Two days absent ang anak ko dahil sa ngipin niya sumasakit mabuti nalang at kumipis narin ang pamamaga , pero medyo masakit parin raw Sabi niya. Sabi ko nga huwag na muna siyang pumasok pero siya na…

C@Cattt

Another blessings, may bumaba na lista galing sa itaas at kasama ang pangalan ko sa makakuha ng ayuda. 3k food assistance galing sa Fisherfolk. Ito ang gusto ko dito sa Lugar nato daming organization na nagbibigay ng mga ayuda.

C@Cattt

Good morning again Another blessings ulit, may bumaba na lista galing sa itaas at kasama ang pangalan ko sa makakuha ng ayuda. 3k food assistance. Ito ang gusto ko dito sa Lugar nato daming organization na nagbibigay ng mga ayuda. Kaya kung anong meron organization na pumupunta dito lahat sinasalihan ko para kung may mga assistance e palagi akong kasama. Malaking tulong na rin kasi Yun sa amin Lalo na ngayon na mahirap ang buhay...

C@Cattt

Magandang hapon noise mates Nasobrahan kakalaro tong anak ko , nung tinawag ko ayan na nakatulog agad. Half day lang kasi palagi ang pasok nila kaya pagdating ng hapon kesa maglaro siya diyan sa initan pinapatulog ko siya. Mga 4pm gigising narin yan. Ako Ito medyo inaantok rin kaso Hindi ako pwede matulog kasi may mga alaga akong baboy Hindi yun pwedeng pabayaan , baka kasi biglang dumumi at diko nalinisan e magkreklamo kapitbahay namin kaya oras oras ko tinitignan. Mahirap…

C@Cattt

Meryenda na po tayo mga kaingay! Masarap sana to isawsaw sa bagoong na may sili. Kaso lang wala bagoong e, sa asukal nalang. Binigay to ng biyenan ko. Nilagang saging. Andami kasi doon sa pinsan ng biyenan ko halos mabulok na raw kaya inuwi nalang ni mama. Kayo mga kaingay ano pong meryenda niyo?

C@Cattt

Good evening mate. Opening ng perya kanina dito sa aming bayan. Nag Aya itong asawa ko na pumunta raw kami, kaya GO Naman kami ng anak ko. Kaso pagdating namin doon ay may entrance na 10 pesos children or adult may bayad. Wow ha grabe naman bat kailangan pa may bayad. Pero ayun bumili parin Naman ako , nandun na kami e. Pinauna kami ng asawa ko ,tapos mamaya maya nagkita nalang kami sa loob. Ang kj e ayaw pa samin sumabay kanina papasok rin naman pala. Tapos yun nga Sabi…

C@Cattt

Good morning noise mates Kagabi nagising ako sa sobrang lakas ng ulan kidlat at kulog. Mga 12 midnight na yun. Yung kusina Naman namin basang basa kasi tumutulo doon sa part na paglalagyan ng hagdan pa second floor , Hindi pa kasi tapos kaya ayun bumaha sa kusina. Buti nalang at di pumasok sa mismong tulugan namin. Mga 1 am tumigil na rin. Pero ngayon Umaga makulimlim nanaman at mukhang uulan ulit. Andami ko pa naman binabad na mga labahan kahapon , sana ay uminit na ng…

C@Cattt

Good afternoon mga mate. Dami ng labahan ko , uminit narin dito sa min. Inuna ko nalang labhan yung mga uniform ng anak ko. Itong mga natirang labahan ko tinamad na ako maglaba paano ba naman kasi may aluhipan yung damit na nilabhan ko sa palanggana kaya sa sobrang takot ko iniwan ko nalang to. Ewan ko ba dito sa Lugar nato, daming aluhipan. Naalala ko lang sa Mindoro yung mga labahin namin ang nakikita ko naman alakdan , gusto nila dun sa mga basang damit... Sayang lang…

C@Cattt

Good afternoon noisemates! Meryenda tayo mga mate. Tinapay and star margarine at kape. Natapos ko na rin ang isang tambak kong labahin. Magsasampay nalang Ang kulang. Bukas nalang ako magsampay. Pagod na pagod ako e. Magluluto na rin ako ng ulam namin sa dinner, pisog ng antak sa bicol buto ng sitaw naman sa Tagalog. Ang sahog ay dilis or bolinao naman kung tawagin nila sa bicol... Snack po muna mga mate

C@Cattt

Good evening noisemates! Kaninang mga alas singko pagkatapos ko maglaba dumating yung order ko sa shopee , tumbler 130 lang yan pero inutang ko pa Kay spay hahahaha. Gipit ako now e. One month na rin kasi Yan hinihiling ng anak ko kaya ayan binilhan ko na siya. 4 days lang dumating na. Kaya tuwang tuwa pag gising niya kaninang hapon , ikinabit namin mga sticker na free. Ang gaan sa pakiramdam na makita anak mo na tuwang tuwa kahit sa maliit na bagay lang...nagustuhan niya…

C@Cattt

Good morning po mga kaingay! Ang sarap ng tulog ko dahil sa malamig na panahon ang sarap mamaluktot sa kumot hehe. Yung asawa ko bumangon na para mag init ng tubig at ng makapg kape na... Gising na po kayo?

C@Cattt

Good morning noise mates! Sarap ng tulog ko kagabi dahil sa malamig na panahon dito sa amin , ang lakas ng hangin na nanggagaling sa may bandang dagat pero walang ulan. Kaya ang presko at lamig ng hangin. Bumangon na asawa ko para mag init ng tubig para makapag kape na. Kayo mga mate musta sa inyo ang panahon?

C@Cattt

Isang masiglang good morning sa inyo mga mate! Dahil natapos narin ako sa pagsasampay ayan Nakita niyo naman tirik na tirik ang araw sana naman Hanggang maghapon yan ng matuyo agad itonh mga nilabhan ko. Pero for sure matutuyo agad yan kasi malakas ang hangin dito kasing lakas ko haha. Gutom na ako Hindi pa ako nag breakfast inuna ko kasi yan magsampay. Kayo mga kaingay anong ganap niyo ngayon Sunday?

C@Cattt

https://noise.app/Jessicattt Pagkatapos namin mag almusal ng anak ko ito at nakakulong kami sa bahay nanunuod siya ng cartoons , habang ako naman nag no noise. Binilhan ko siya ng makakain niya para di na siya mag ingay. Kinulong ko siya kasi palagi pumupunta dito yung dalawang classmate niya na ang hilig makipag away. Kaya ayoko at di ko hinahayaan na makipaglaro siya doon sa dalawa. Lalo na yung isang kaklase niya iba kung mag isip. Halos araw araw balik ng balik dito para…

C@Cattt

Nakita ko lang somewhere on Facebook On a cold night, a billionaire met an old poor man outside. He asked him, "Aren't you feeling cold outside, and you're not even wearing a coat!" The old man replied, "I don't have a coat but I'm used to it. The billionaire replied, "wait for me. I'll just go home and get you a coat." The poor man was so happy and said he will wait for him. The billionaire got to his house and got busy there and forgot about the poor man. The following…

C@Cattt

Magandang hapon mga mate Yung gusto ko sana ng magandang kuha na nililipad yung buhok ko kaso bakitt ampangit. 🤣 Masiyadong maalon at mahangin. Kaya naisipan ko lang pumunta dito sa bybayin para sana mag emote kaso Sabi ko mukhang maganda mag picture heheh. Yan nga ang results, anyway nakakagutom tagal maluto nung spaghetti na niluluto ng hipag ko birthday niya kasi now.

C@Cattt

Good afternoon po mga mate! Matagal ko ng gustong bumili nitong lunch bag na ito. Para sa anak ko , lagi kasi nadudurog baon niyan mga biscuit sa bag pag may pasok. Ngayon ko lang napag desisyonan, since 91 lang naman babayaran ko kasi Free shipping na siya minus pa yung mga na claim kong points tapos 10 pesos less pag online payment gamit. Sa shien ko nga po pala inorder. Sa shopee kasi Mahal na minsan iba pa yung nadating na item. Since di naman ako binigo ni shien sa…

C@Cattt

Maray na hapon sa Indo gabos. Merindal tabi Kita nin sopas. Birthday ng hipag ko at yun may munting salo salo. Meryenda po kayo diyan mga kaingay. Habang mainit pa lantakan ko natong macaroni.

C@Cattt

Magandang Gabi mga mate. Kanina pagkatapos ko magluto ng kanin at ulam nag pwesto na ako sa lamesa ng pagkain. Nung tatawagin ko na anak ko at asawa ABA e tulog na ang dalawa. Ginising ko asawa ko at pinagalitan at hinayaan niya na matulog na anak niyang di pa kumakain... Sabi niya inantok na raw kasi sila. Kaya ayun ginising ko anak ko at pinakain na , pagkatapos niya kumain natulog na ulit. Ni Hindi na naka pag toothbrush sa sobrang pagka antok... Pork adobo po pala ulam…

C@Cattt

While browsing my news feed, Facebook notify me that I have a throwback picture 1 year ago. Naalala ko lang kasi pinagpipilitan to ng asawa ko na kamukha niya raw anak namin. Hehe alam ko kasi ako kamukha , haha kayo na humusga mga mate kung kamukha ko ba ?

C@Cattt

Good morning noise mates. Tatlo yung activity niya na ipapasa ngayon. Walang ginawa nung sabado at linggo kundi maglaro ng maglaro kaya rush our siya ngayon hahahaha. Sabi ko bukas mo nayan ipasa. Gusto niya sagutan na at baka pagalitan raw siya hehe. Pero natapos niya narin sa wakas. Kape po tayo.

C@Cattt

Good evening noisemates! Wala akong maisip na maiulam kaninang dinner since wala naman ng budget kaya ito nalang muna. Natirang kamatis at talong nung nakaraan pang namalengke ako. Yung fried chicken naman ay bigay ng hipag ko para sa anak ko. Kanina pag uwi ng asawa ko ang lungkot ng mukha niya sabi ko oh bakit ? Sabi niya sabi raw ng secretary nila na sinabi raw ng boss nila na PASENSIYA NA AT BAKA MATAGALAN ANG SWELDO NIYO KASI WALANG HULI ANG PANGULONG (Yung barkong pang…

C@Cattt

Meryenda ko kanina. So ayun hindi ako nakapag post kanina kasi nawalan ng signal ang internet namin. May kwento ulit ako hehe alam niyo kagabi halos Hindi ako nakatulog kasi may magnanakaw ng manok na muntik ng mahuli kagabi dito sa kapitbahay namin. Pero nakatakas. Ilang Gabi na may nawalan ng manok baboy dito sa amin. Grabe na talaga panahon ngayon, hirap na magtiwala. Kaya ingat nalang palagi .

C@Cattt

Good day mga mate. Sarap ngiti ng bebelove ko nayan. Kahit bungi yan pogi yan heheh. Tuwang tuwa pag uwi at nakabasa raw siya nung pinabasa siya ni ma'am niya. Sa spelling lang siya medyo nahihirapan pa. Imagine grade 1 Pina pa spelling na haha pero okay lang mas gusto ko nga yun at maaga palang e mahahasa na sa spelling..

C@Cattt

Magandang hapon noise mates. Hindi ako masiyadong nakatambay dito ngayon kasi mahina Ang net namin. Tsaka dami ko ring jniisip , 18 na pero wala paring sahod Ang aking asawa. Walang Wala ng pang budget. Gusto niya na nga lumipat ng ibang kompanya kaso another apply nanaman , makikisama nanaman. Tapos baka sa malayo pa siya ma destino , bukod sa mahirap na nga makahanap ng trabaho ngayon ang liit pa ng sweldo tapos delay pa. Hay grabeeee na talaga.

C@Cattt

Good evening po mga kaingay! Matutulog na ako kasi medyo masama ang pakiramdam ko. Feeling ko sisipunin ako. Bukas nalang po ulit tayo magkulitan at magkwentuhan. And thank you pala sa anonymous donator na walang sawang sumosupurta , more blessings and earnings rin po sa inyo. Good night na po sa inyo.

C@Cattt

Naghihingalo na aking charger at gusto ng mamaalam. Mahal pa naman ng original na charger, hay naku. Anyway good morning po pala. Ang sama ng pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko at medyo sisipunin ako. Uso ngayon dito sa amin ang lagnat. Okay lang sana kahit kapos sa pera wag lang magkasakit Lalo na sa panahon ngayon.... Kamusta po kayo ?

C@Cattt

My sweet adobo. Magandang tanghali mga kaingay! Nagkatay ng baboy yung kapitbahay namin at yun nga nag order ako ng 1kilo tas 1 kilo rin sa biyenan ko. Habang nagluluto ako sa bahay, tinawag ako ng biyenan ko at tinanong kung paano raw ba gawin yung palagi kong luto na adobo. So ayun nga tinuruan ko siya , tuwing bibili kasi sila ng Karne ay ang palagi nilang luto ay sinabawan. Kaya nung natikman nila adobo ko ay sarap na sarap sila hahahah. Kesa sa sinabawan kasi mas gusto…

C@Cattt

9k na sinuweldo ng aking asawa . 3k nalang now natira. Hindi ko alam paano pagkakasyahin Hanggang katapusan to. Sa sobrang dami Naman kasi bayarin at gastusin sa pang araw araw minsan nakakaisip na rin ako na magtrabaho. Yung bahay namin halos Hindi narin matapos tapos kasi Wala ng pam budget. Hanggang tamang tingin nalang sa picture. Minsan lang makahawak ng pera parang hangin pa kung dumaan sa kamay ko.

C@Cattt

Good evening po. Kakatapos lang namin mag binggo ng mga pinsan ng asawa ko. Libangan lang naman. Nanalo ako ng 200 pesos heheh. Kaso nga lang puro bato yung taya hahahaha. Share ko lang to nag video call kami ng mama at ate ko kanina.. miss na miss ko na ang mama ko nayan... Gusto hin ko man na umuwi sa kabila . Kaso may phobia parin ako sa pag biyahe , 4 years ago kasi ng maaksindente kami. Kaya kahit anong Aya ng asawa ko na umuwi sa lugar namin ayoko talaga. Kaya sana…

C@Cattt

Good morning everyone! Maaga ako gumising kasi excited ako , ngayon na kasi namin makukuha yung food assistance namin na 3k galing sa Dswd. Madami na siguro ako mabibili nun mga mate. Pag nakuha ko yun Ii go grocery ko na agad para di na maubos sa kung ano pa man na mga ibang bagay... Ingat po tayong lahat mga kaingay!

C@Cattt

Good morning Grabe ang pila ang haba , daming kukuha ng ayuda . Tapos nag brown out pa sobrang init . Meeon pang nagkagulo kasi sabi tatlong pila lang tapos may matigas ang ulo na sisingit singit .. sana matapos agad sinisipon pa naman ako hayssss

C@Cattt

11 na ang haba parin ng pila. Maabutan pa ata ng cut off. Gutom na , buti nalang may nagtitinda ng burger at tubig. Nagkalaman rin ang sikmurang kanina pa kumakalam hehe.

C@Cattt

11 na ng tanghali ang haba parin ng pila. Maaabutan pa ata ng cut off. Gutom na ako , buti nalang may nagtitinda ng burger at tubig. Nagkalaman rin ang sikmurang kanina pa kumakalam hehe. Iniisip ko yung asawa at anak ko baka walang ulam na binili asawa ko pag uwi galing work. Nakalimutan ko pa naman sabihin sakaniya na baka mahapunan pa kami dito...

C@Cattt

Dahil busy ako kanina. Sila ang magkasama ng papa niya sa trabaho, nagbackhoe nag loader at sumakay pa raw siya sa truck. Kwento pa ng asawa ko kanina habang nag operate siya ng loader nakatulog na pala anak niya sa tabi niya. Mga 4 pm na rin ako nakauwi sa sobrang dami ng tao at tagal ng process... Kaya ayan pagkauwi namin nagkita nalang kami sa bahay at bumalik ng bayan para magpagupit anak ko kasi mahaba na buhok niya... Happy na yan kasi gwapo nanaman raw siya... Hehe…

C@Cattt

Good evening again. Just wanna share this moment earlier, habang nagsasalita sa unahan si Congressman Didi Cabredo , picture ako ng picture pero malayo ako sakaniya kasi nga siksikan. Tapos Nakita niya ako lang picture ng picture sa dami ng tao na malapit sakniya. Kaya napukaw ko ang atensyon niya at tinawag ako at sinabing "Ikaw halika dito mag picture tayo" wow as in nakisiksikan pa ako makalapit lang hahahah ang haggard ko na dito kakapila pero oks lang Worth it Naman...…

C@Cattt

Grabe isang araw lang ako hindi masiyado nag scroll ng news feed ko dito kasi sobrang busy ko kanina. Pero tignan mo nga naman kung gaano ka active ang mga ferson sa noise. Nakakatuwa lang na ang dami ng nahuhumaling sa noise Hindi lang dahil sa earnings kundi pati na rin ang magkaroon ng bagong kakilala at kaibigan. Kaya isang malakas na palakpak para sa online platform na ito na walang pinipiling tao , professional ka man o Hindi , qualified ka.

C@Cattt

Good morning everyone! Mukhang malapit na tayong lumipat lahat dito sa noise.app kasi wala ng free tip na dumadating noise.cash 3days na. Pero mas okay nga yun diba na makalipat na lahat dito kasi minsan nakakalito na mag copy paste hahahahah. Kape po tayo..

C@Cattt

https://noise.app/Jessicattt Good afternoon mga kaingay! May pinuntahan kami ng anak ko kanina tapos nung pauwi na kami ,may Nakita siyang ice cream kaya ayan nagturo nanaman ang Bata batuta. Kaya napabili ang Ina , pero okay lang naman kasi 12 pesos lang Naman tong minicup na ice cream ng creamline. Bumili ako ng dalawa at Tig Isa kami kaya ayan, napawi ng konte ang init. Parang summer lang sa sobrang init ng panahon dito sa amin ngayon... Pag mainit nag rereklamo pag…

C@Cattt

Good morning mga kaingay! Uring sa binongan ( uling sa BAO) Kagabi pumunta kami ng kabilang barangay ng asawa ko para bumili ng uling , mabuti nalang at pagdating namin ay kakahango palang ng uling. Minsan Kasi pag pumunta kami doon palaging ubos na , kaya kahapon nauna na kaming kumuha. Dalawang Sako na binili ko. Para matagal tagal na gamitan... Ang hirap kasi maghabap pag naubusan na... Lalo na ngayon until nalang nag uuling dito sa amin.

C@Cattt

Fresh from the sea. Good day mga mate. Huli ng kapatid ng asawa ko. Kumuha ako ng isang kilo ,pinrito ko at Yung iba Naman sinabawan na may sinigang sa sampalok sayang nga lang at walang nagtitinda dito ng gulay o kahit talbos. Tanging kamatis lang sahog pero okay na rin masarap Naman at fresh pa naman yung isda. Mamaya Maya lang maglalaba na rin ako ng mga damit namin at uniform ng anak ko. Kayo mga kaingay ano pong lunch niyo ?

C@Cattt

Good afternoon noisemates ! Nakatulog yung anak ko sa bahay, kaya ayan pumunta muna ako dito sa kapitbahay para maki wifi, tapos Ito Nakita ko tong cutie patotie na inaanak ko. Ang Cute cute niyan, ninang ako sa bubu at ngayon naman November 12 ang binyag niya sa simbahan kinuha ulit akong ninang niya. Ang mama niya pinsan ng asawa ko. Naalala ko lang palagi ako kinukulit ng asawa ko na sundan na namin yung anak ko kasi 6 years old na. Ako lang ayaw , Kasi naman Hindi ko…

C@Cattt

Magandang gabi mga mate. Flex ko lang Yung anak kong mas mataray pa sa akin. Daming talent niyang Bata nayan hehehehe magaling po yan kumanta mga mate , nag wi whistle din yan hahaha kaya rin niyan pagalawin ang Tenga niya ng Hindi niya hinahawakan . Kaya niya rin magtaas ng kilay ng Hindi sabay hahahahaha. Pero gwapo po yan lalaki po yan mga mate. Lagi lang napagkakamalang beke heheh , mahilig kasi siya tumawa na parang babae pero pagdating sa mga laruan mga heavy equipment…

C@Cattt

Good night na po mga mate. Katatapos ko lang manood ng Cinemo, Ang pamagat ng pelikula Alyas Baby Face. Ang Bida ay si Ian Veneracion. Ang gwapo talaga ni Ian nung Bata pa siya kahit naman hanggang ngayon. Basta sa mga lumang pelikula siya talaga crush ko. Kaya ngayon matutulog na ako baka mapanigipan ko pa siya eh. Hehe. Bukas ulit mga mate. Sleep na po tayo. Maaga pa ako para mamalengke bukas. Kasi linggo ang market day dito sa amin...

C@Cattt

Good morning mga mate. Ang aga ko nakatulog kagabi , Hindi na ako nakapag good night pa sa inyo sa sobrang pagod at antok na rin dahil tinapos ko kahapon ng hapon ang isang tambak kong labahin. Pero Hindi ko pa nabanlawan. Ngayon ako magbabanlaw pagkatapos ko magkape para naman bago pa sumikat ang haring araw eh makapag sampay na ako ng matuyo agad. Lalo na mga uniform ng anak ko.. Kape po muna tayo mga mate 🧉!

C@Cattt

Magandang tanghali po mga kaingay! Kanina maaga kami namelengke ng anak ko kasi market day dito sa amin ay tuwing linggo. Sobrang dami ng paninda na pwede pagpilian pera nalang sana kulang hahahaha. So ayun nga namili ako ng gulay , kamatis talong ampalaya grabe ang kilo ng ampalaya diko kinaya , isang piraso lang binili ko 49 pesos na. Kulang na kulang ang 1k sa ulam palang. Pagkauwi namin ng anak ko kanina ayan nagluto na ako ng ginataang ampalaya , masarap po yan mga mate…

C@Cattt

Taas ng tirik ng araw. Sige ganiyan lang Sana para matuyo na kaagad mga nilabhan ko. Lalo na mga uniform ng anak ko, pasukan na ulit bukas e. Kahapon may meeting sa school Hindi nga ako nakapunta sa dami ng nilabhan ko , Ang pinag meetingan lang naman kung sasali ba mga studyante sa Girl scout boys scout, may registration fee na 100 . Diko pa sure kung papasalihin ko anak ko. Medyo malayo kasi yung Lugar na napag usapan kung saan gaganapin.

C@Cattt

Wala pang 1 month nung pinatay ng kapitbahay namin yung kapitbahay lang rin namin. Tapos ngayon eto nanaman may pinatay nanaman dito. Hay grabe Hindi ko na alam kung gusto ko pa ba tumira dito. Ano na bang nangyayare sa mga tao at sila sila nagpapatayan. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa takot. Pati anak ko kanina pag pasok namin sa bahay namin Sabi niya " mama I lock mo ang pintuan pati sa kusina ma " alam mo yun takot na takot siya.... Pati anak ko nagkaka phobia…

C@Cattt

Good morning everyone, Ayan napuyat ako , sigurado hindi lang ako napuyat nato dahil sa takot. Kaya ayan medyo tanghali na nakapagluto. Pritong talong na lulutuin kong ulam para madali at healthy rin naman,sawsaw nalang sa Toyo naay kalamansi at kamatis. O siye mga mamaya ulit. Mag asikaso na muna ako ng studyante ko , alam niyo naman lunes nanaman... sige mga mate see ya later

C@Cattt

Ang paro-paro ay nagsisimula siya sa uod. Uod na kung saan ay maraming ayaw at pinandidirian ,pero di magtatagal magiging paro-paro rin siya at kay gandang pagmasdan. Ang buhay mo ay katulad ng paro-paro. Enjoy mo ang season mo. Enjoy mo ang bagay na mayroon ka lang muna. Enjoy mo kung nasaan ka. Huwag kang magmadali. Huwag kang mainip. Huwag kang mag-alala. Ang paro-paro na nagsimula sa Uod na mabagal maglakad ay magiging isang Paro-paro na lilipad nang mataas at kung saan…

C@Cattt

Wow. May pa ganito si shien ! Kaso nagkaroon ng delays sa shipping. Pero hindi naman talaga delay kasi ngayon rin expected date ko na dadating tong order ko . Wala lang ang Ganda lang ng service nila na may pa ganito silang points. Yung points Kasi nila is equivalent ng dollar, o diba Malaki narin to. Ang maganda yung points na makuha mo ay pwede mong I less kung oorder ka... Yan pala inorder ko lunch bag para sa anak ko... palagi kasing nadudurog biscuits niya sa bag…

C@Cattt

Mainit na hapon sa inyo mga kaingay! Nakatulog kami ng anak ko kaninang mga 12 noon , tapos mag a alas dos na ng nagising ako sobrang init. Kaya pagkatapos ko linisan yung baboy ko ay naligo na ako kasi grabe sobra ang init, Itong puno lang na ito ang nakakatabing sa bahay namin pag mainit talaga. Tirik na tirik ang sikat ng araw pagka ganitong oras ang pinaka mainit dito sa amin Kasi lantad na kami sa init.

C@Cattt

Birthday Ngayon ng aking pamangkin! Ulila na sa Ina ang mga Yan , ang aking kapatid na kanilang Ina ay pumanaw nung 2018 tapos ang kanilang ama Naman ay iniwan o inabandona sila. Sayang lang at Wala ako doon at birthday niya, miss na miss ko na ang dalawang Yan. Pakabait sana kayo diyan Kay mamang at papang at wag matigas ang ulo.

C@Cattt

Magandang hapon mga kaingay! Pagkauwi galing work ng aking asawa nag meryenda ng madali tapos eto nanaman sumama Naman siya mag laot sa kapatid niya. Sabi ko nga magpahinga na muna. Hindi naman raw siya pagod. Sana makahuli ng madami , ng maka hayahay naman paminsan minsan haha.

C@Cattt

Good evening noisemates! Share ko lang tong vitamins na dala dala ng anak ko galing sa school niya. Ubos na vitamins ng anak ko sakto may binigay teacher niya na celeen , lahat Mula grade 1 hanggang grade 6 meron . Hindi ko lang na klaro kung kanino talaga galing, ang alam ko lang ay sa school... Malaking bagay na rin sa amin to. Kaya salamat at may mga paganito ang skwelahan.

C@Cattt

Nanghihinayang ako. Since tinamad na ako magluto , pinabili ko ng wow ulam afritada yung anak ko tapos binuksan ko na para kakain kami. Pagbukas ko nung takip ng ulam namin sa lamesa mayroon kaldereta, binigay pala ng biyenan ko galing sa fiesta sa kabilang barangay. Hayssss Sayang yung wow ulam.hindi nakain pero nabuksan na...

C@Cattt

Pagkatapos namin kumain ng hapunan ng anak ko, nagsisigaw yung anak ko. Meron palang ganito sa pader namin. Since malapit kami sa dagat maraming ganito sa amin. Maraming ganito dito pero iba iba ang tawag. Itong isang to Hindi ko alam kung anong tawag dito...Ang ginawa ko kumuha ako ng walis Tambo at winalis.Ko palabas ng bahay . Nanginginig anak ko hahahah ,

C@Cattt

Good morning mga kaingay! Walang pasok ngayon anak ko kasi may webinar ang teacher nila ngayon. Kaya ito tinanghali ng gising. Ano kaya ulamin namin ng anak ko ngayon, pinagpipilian ko pa kung talong o kamatis hehehe . Hirapmag decide nu hahahahaha. Pero magkakape nalang muna ako.

C@Cattt

Ayan na , nakapag decide rin kung talong ba o kamatis ang lulutuin kong agahan haha. Hirap na hirap lang mag decide hehe. Kamatis with egg. Pagkatapos namin kumain ng anak ko ngayon ay mag aabang kami sa dagat kung may nakauwi naba na mangingisda, sabi kasi ng asawa ko gusto niya raw ng isda mamayang tanghalian kaya mag aabang ako mamaya. Sana lang e may huling isda ang mga mangingisda . Minsan kasi umuuwi silang walang huli. Kawawa Naman kung Wala. Kasi sobrang Mahal ng…

C@Cattt

So ayun nga nilipat ko na siya sa coins ko , since mas safe siya dito. Pero ewan ko nalang rin kung ano maisipan ko hahahaha..pero sana wag Naman ako matukso. Heheh Good afternoonpo mga kaingay!

C@Cattt

Hay naiinis talaga ako sa asawa ko. Gumawa kasi siya ng boga ayan paputok , e takot nga ako diyan. Tapos yung anak ng kapatid niya gusto rin magpagawa ng boga e Isa lang ginawa niya kaya ayun nag away yung anak ko at pinsan niya. Hay naku. Masakit ulo ko , kaya matutulog na muna ako mga mate... Good afternoon

C@Cattt

Maulang hapon mga kaingay! Medyo masama pakiramdam ko ngayon, siguro dahil sa panahon dito pabago bago kanina sobrang init tapos umulan tapos uminit ulit at umulan nanaman .. Ang singaw pa ng lupa ang sakit sa ilong ang sakit pa sa ulo. Habang tumatanda puro Vicks at catinco na nasa bulsa , ganito na siguro talaga pag gurang na hahahah... Meryendana po tayo.

C@Cattt

Good evening mga kaingay! Ayun nag laot nanaman asawa ko. Kami Naman ng anak ko tambay na muna sa beach ni don , katiwala ang biyenan ko dito sa beach. Nag uumpisa nanaman sila mag decorate dito at Itong mga tent na galing pa ibang Bansa. Chinese Kasi yung may ari nito. Ang kagandahan lang dito e open Itong beach kaya anytime pwede tumambay dito wag lang magkalat.

C@Cattt

Magandang gabi mga kaingay! Kaninang hapon, may dumaan na habal habal may tindang mga gulay. Bumili ako ng ano na nga tawag dito nakalimutan ko hahahaha. Basta yun na yun yung hinahalo sa pancit. Ginisa ko nalang at sinahugan ng sardinas at sinabawan ayun masarap Naman... Tapos pag uwi ng asawa ko may unting huli ng dilis o bolinao kung tawagin sa bicol... Sinabawan niya at nilagyan ng kamatis at kalamansi, ayun solve ang hapunan. Sayang diko na picturean yung dilis na…

C@Cattt

Wow. Katuwa naman, sarap gumising pagka ganito ang bubungad sa iyo. Maraming salamat po sa walang sawang donations niyo. Natulog ako kagabi zero yan pag gising ko wow 😲 kaya sarap tumambay dito e. May kaibigan kana may Kita ka pa. Again thank you po. Good morning. May pasok nanaman...

C@Cattt

Everybody isn't your friend. Just because they hang around you and laugh with you doesn't mean they are your friend. People pretend well. At the end of the day, real situations expose fake people, so pay attention. I HOPE WE ALL GET THE FRIENDSHIP WE DESERVE. ❤️ Kaya ako sa asawa ko lang talaga ako nagsasabi ng tsismis e, safe .

C@Cattt

Kahapon ng hapon hindi pumasok sa work ang asawa ko nilins niya kasi likod ng bahay namin dahil sobra na ang mga mga damo antataas na baka tirhan na ng ahas kaya nilinis niya na. Kaso dipa niya natapos itapon lahat kasi kanina pumasok na ulit sa work. Pati anak ko may pasok na rin now , kaya ako nanaman mag Isa sa bahay. Mamaya Maya lang maglilinis na rin ako ng bahay , kayo mga kaingay anong ganap niyo ngayon?

C@Cattt

Oha fresh na , pagkapasok ng asawa ko sa work at anak ko sa school, naglinis na ako ng bahay at Ng asikaso ng mga baboy pagkatapos naman ay naligo na ako. Kaya ngayon dito nanaman ako tatambay para makipag kwentuhan sa inyo mga mate. Kamusta po tulog niyo ? Nag almusal na ba ? Almusal na muna , ako tapos na kanina pa. Talong ulam namin pinrito ko tapos sawsaw sa Toyo na may kalamansi at kamatis.

C@Cattt

Bolinao na binilad., Nagbilad yung biyenan ko ng dilis na huli ng asawa ko at kapatid niya kagabi. Kaso nga lang biglang umulan ngayon kaya ayan Hindi pa natuyo... Sana uminit na at baka mabulok to pag di nabilad ng maayos.. masarap pa naman to , Lalo na pag nilatik o yung nilagyan ng gata tapos madaming sili , masarap siya...

C@Cattt

I'm so happy today. Kasali ang anak ko sa World Vision, at nakasama ako sa lively hood program na makakakuha ng 5k sobrang thank you thank you talaga sa nag uumapaw na blessings Lalo na ngayong kapos na kapos kami. Wala pang date kung kelan I re release, kaya ngayon palang pinag iisipa ko na kung saan ko gagamitin pero siguro sa pag aalaga nalang ng baboy since may alaga Naman akong baboy... Share ko lang po ,

C@Cattt

Kanina pang alas dos umuulan dito sa amin at hindi na tumigil. Kaya ito kami ng anak ko nakakulong dito sa bahay , at tamang nood lang siya ng cartoons. Sana tumigil na ulan ng maka bili sa labas ng meryenda, gutom na ako... Siguro magkakape nalang muna kami ng anak ko , kaso walang tinapay at nabaha pa sa labas sa lakas at walang tigil na ulan...

C@Cattt

Good afternoon mga mate. Salamat Naman at tumigil na rin ang ulan. Nakalabas na rin at nalinisan ko na tong mga alaga ko. Malapit lapit na rin Itong mabenta . Pag nabenta na bili ulit biik para meron ulit alkansiya. Katatapos lang rin namin ng anak ko mag meryenda magkape at kumain ng biscuits solve na. Hapunan nanaman ang next kung ano lulutuin hehehe.

C@Cattt

Magdamag na ulan kagabi. Ngayon naman makulimlim pa rin at mukhang walang balak sumikat ang haring araw. Medyo tinanghali kami ng anak ko gumising. Kagabi Kasi nag chat teacher niya na Wala silang pasok ngayon kasi naka leave si ma'am kaya ayun napasarap ang tulog Lalo na at malamig kagabi dahil sa ulan .. Pero kahit makulimlim balak ko parin maglaba para di matambakan mahirap kasi pag sobrang dami ng labahin , pero bago ang lahat breakfast muna tayo mga kaingay and good…

C@Cattt

Yan since malapit na magkatapusan palaging ganitong petsa low budget na hahah , kaya ayan na muna ulam namin ni Yaba ko , egg sa kaniya sa akin Naman steam na okra pwede na to healthy naman Basta maka salba lang sa ulam at pagkain araw araw okay na Yun sa akin kontento na ako Basta Wala lang kaming karamdaman... Breakfast po mga mate

C@Cattt

Katakot naman to! Sobrang dilim mukhang malakas na ulan to. Sana makalabas na kaagad ang bagyo. Pagka ganitong may bagyo natatakot ako. May phobia na Kasi ako sa bagyo...

C@Cattt

Ulam namin kanina tortang talong! Ngayon lang ulit nakabalik dito, pinatulog ko kasi muna anak ko para maka bwelo ako mag ingay dito. Nasa 4k na rin kasi unread ko. Kailangan ko ng bawasan , kaso kahit anong gawin kong basa oras oras , pag tumigil ako ilang minuto lang madami na ulit nadagdag. Ibig sabihin lang nun sobrang active ng mga tao dito...

C@Cattt

Magandang Gabi mga kaingay! Makulimlim dito mukhang uulan nanaman ngayon Gabi. Uwian na muna at kumain ng hapunan... Kain po tayo .

C@Cattt

Good morning mga kaingay! Maaga akong nagluto ng agahan kanina. Nag okoy ako ng bolinao o dilis na huli ng pinsan ng asawa ko kagabi nanghingi kami ng pang ulam.. pagkatapos mag agahan ng asawa ko pumasok na siya sa work, kaso bumalik rin siya kasi sarado ang hardware Wala raw sila work kasi signal number 2 kami.. ganun din ang skwelahan walang pasok. Kaya keep safe po sa lahat Lalo nat may bagyo ..

C@Cattt

Ay wow. May bagong update si noise.app kung tamad ka na magbasa hahaha pwede mo na mark read lahat... Pero mas gusto ko magbasa kesa mark read lahat...

C@Cattt

Papaya Unang bungang hinog ng aking tanim na papaya sa likod bahay. Kakaibang papaya to kasi kulay orange ang hinog at matamis pa Lalo na kung malamig o inilagay mo sa ref bago kainin. Tama Ito sa anak ko kasi hirap siya mag alam niyo na... Good afternoon pala...

C@Cattt

Good evening noisemates Asawa ko at anak ng kapatid niya. Dahil maghapon ang malakas na ulan ayan Hindi makalabas ang Bata batuta kanina iyak yan kasi gusto gumala gala sa labas kaso Hindi nga pwede at naulan... Kaya dito nalang sa loob nilalaro ng Tito niya para Hindi na umiyak ang Bata... Kamusta po mgahapon niyo? Maulan rin po ba sa inyo ?

C@Cattt

Good night na mga kaingay! Hindi na ako makatambay dito sa wifi yan kasi may nag iinuman mahirap na mapasabak sa inuman hahahahaha. Baka naki wifi ka lang pag uwi mo e lasing kana. Kaya matulog nalang ako sa bahay.. Throw back picture ni bebelove ko...

C@Cattt

2 days palang na ibigay ng world vision sinira na agad ng bagyo. Kawawa naman yung may ari , ang lungkot niya di niya pa niya nagagamit nasira na agad.. Hindi niya rin kasi inayos ng pagbara ang bangka niya kaya inabot ng alon at ihinampas sa mga bato kaya ayan di man lang napakinabangan... Sayang na Sayang

C@Cattt

Almost 1 day ako Hindi naging active at 0 balance ito nung iniwan ko pero tignan mo nga naman ang blessings ay nag uumapaw parin kaya sobrang thank you sa mga sponsors na walang sawang sumosupurta... Mabuhay tayong lahat Hanggang gusto natin heheh. Good morning

C@Cattt

Tinola Good morning mga mate. So dahil malamig ang panahon tamang tama tong niluto kong native na manok na tinola. Pagka ganitong malamig ang panahon tinola talaga gusto kong ulamin , pero pag walang pang tinola lucky me chicken nalang heheheh. Kamusta na sainyo mga kaingay!? Naulan paba ? Dito sa amin medyo maganda na panahon...

C@Cattt

Good afternoon mga mate. Lunch na po tayo. Nagluto ako ng chopsuey , sa bilas ko yan ulam kaso bigla silang pumuntsa sa handaan kaya pinaluto nalang sa akin kasi Hindi niya na maluluto at umalis na sila agad. Kaya ayun tinigil ko na muna paglalaba ko at niluto ko na ito , sakto naman nung naluto ko na e dumating na yung asawa ko galing work. Kayo mga kaingay ano ulam niyo? Kumain NBA kayo ?

C@Cattt

Ayan pahinga muna ako sa paglalaba. Kakatapos lang nung mga puti kaya binabad ko naman yung mga di color , habang nakababad e magbabad rin muna ako dito sa noise.app para happy hehe. Pero pag napasarap dito , bukas oo na tuloy labahin ko hahah. Pero hindi pwede kailangan ko nayun tapusin mamaya kasi nakahambalang yun labahan ko sa poso Lalo na madami gumagamit.. Ano ganap niyo ngayon mga kaingay?

C@Cattt

Grabe ka naman paeng. Ilang buwan inalagaan pinagtrabahuhan tapos oras lang ganito na agad. Kawawa naman si manong. Baka mabulok na rin to kasi nababad na sa tubig. Hindi parin naman pwede anihin. Maayos pa kaya yan...

C@Cattt

Good afternoon Tuwa ang Bata ginawan ng papa niya ng laruan na umiikot yung Elise pag tinapat sa hangin. Madalas gawan ng asawa ko anak namin ng ganiyan pag mahangin sa dagat dun kasi nila yan pinaglalaruan ...

C@Cattt

Ganda dito sa tapat namin. Nandiyan kasi yung boss ni mama na Intsik. Kanina tumbay kami sa loob niyan ang Ganda ng mga design at mga furniture ang kaso Hindi ko dala cellphone ko kanina kaya diko na picture an , ngayon Naman pag labas ko pinic Turan ko nalang sa labas kasi nahiya na ako pumasok nandiyan na Kasi si don. Ang Ganda sa loob sobrang liwanag ang daming ikaw. May sounds rin ,buti ngayon at Christmas song na ang tugtog kanina kasi puro Chinese song diko…

C@Cattt

Biglang bumigay lupa sa likod bahay namin kahapon nung sige sige ang ulan. Sigaw yung asawa ko sa akin na kunin ko yung pala pero ang nadampot ko cellphone hahahah. For documentation hehe. Mabuti nalang at naagapan namin dalawa siempre pag tapos ko mag picture kumuha na ako ng pala at tinulungan ko na asawa ko. Buti at naagapan namin bago paman pumasok ang putik sa loob ng mismong bahay namin.... Share ko lang po. Inaantok na rin ako good night na po bukas ulit

C@Cattt

Magandang haponga kaingay! Ngayon lang naka post ngayong araw , ngayon lang kasi nagka kuryente dito sa amin Brown Mula kanina pang Umaga. Wifi kasi gamit namin sa pag online, kung data lang kasi halos walang signal dito sa amin. Pag may tinext ka nga dito sigurado bukas mo pa ma recieve ang text o baka nga di mo pa ma recieve hehe. Ulam nga namin pala kanina , adobong baboy....

C@Cattt

Kanina yan habang Wala pa si Don , umupo muna ako sa upuan niya at nag picture nag feeling donya ng ilang minuto ang Lola niyo hehehe. Ganda kasi diyan ang presko.

C@Cattt

Ayan oh ang Ganda dito. Nagpapicture rin ang anak ko at pinsan niya. Happy ang dalawa. Kanina yan nung maaliwalas pa ang panahon ngayon kasi ay naulan na kaya umuwi na kami... Prepare na rin ako ng hapunan namin kasi magagabi na , bale magsasaing nalang rin nalang Naman ako kasi may natira pa kanina na adobong baboy na niluto ko. Magandang gabi mga kaingay

C@Cattt

Ang bait naman ni don namigay ng pang Noche Buena. Kaso yung Ang Pao diko naabutan ,kaka bingo ko sa kabilang bahay hahah. Sayang rin yun 200 haysss. Pero okay lang pwede na to may mapagsasaluhan na sa pasko... Good night na mga kaingay