Sino nakaranas nito sa inyo mga kaingay?? Naalala ko nung highschool ako, ganito lagi nangyayare pag uwi namin galing school. Yung tipong punong puno na pero sige lang, kaya pa yan. Gustong gusto ko pa noon sa bubong Ng jeep sumakay kesa sa loob , feel na feel ko rin noon yung sumabit hahaha. Hindi alintana ang disgrasya. Yung tipong nalipad lipad pa ang palda mo hahaha. Feeling ko noon Gandang Ganda ko nayun e pag nakasabit ako. Mukha lang pala akong Ewan hahahaha. Ah basta Isa yan sa pinaka masayang memories ko nung kabataan ko na Hindi ko malilimutan. Good afternoon po pala.
12 comments
Naranasan ko yan sa Bicol.
Relate na relate ako sayo sis naranasan ko rin noon nag aaral pa ang ganito sabit sa jeep kaya dapat palagi kang nakashort kasi lipad liparin ang palda mo haha
Nakatry akong sumakay sa taas ng jeep sis. Wala na akong choice nun. Sobrang natakot talaga ako.
Makikita pa kaya ng driver ang daan? Parang nakakatakot sumakay
Hindi ko pa na try sumakasy sa overloaded na jeep hehe.
Hahaha Sayang sissy ang says kaya
Me sis naranasan ko din yan noon pag pupunta ng city.Tawag namin sa taas ng jeep topload.Nakakasakay lang ako sa topload pag diko kasama si mama at papa at delikado daw.Ang presko nga sa taas kesa sa loob.Samin kasi dati lubak lubak pa daan ngayon maganda na kaya mabilis na lang biyahe.
Malapit lang samin ang school pero pagmay event ang school sa labas, experience ko sa jeep kung hindi naiipit, nakaupo doon sa may pinto ng jeep. 😅
Best memories and experience diba mate
Oo sis. Mapapangiti ka na lang sa mga mem'ries. Hehe
Na experience ko na sumakay sa bubong ng jeep pero hindi naman ganyan kapuno. hahaaha. Bawal na yan ngayon. .overloaded. .mahuhuli na ang driver hahahhha.
Na experience ko Ito noon sa bubong ako nakasakay biglang pumutok Ang gulong sigsag Ang jeep muntik na akong tumalon