Ulam versus dessert Yung tipong cheap yung ulam mo pero expensive naman yung dessert mo hahahah. Kaninang hapon pumunta kami ng bayan kasama asawa ko at anak ko bumili kami ng isang sakong feeds pagkain ng baboy namin tapos imagine yung ulam namin na importante nakalimutan ko bilhin hahaha. Kaya ang ending pag uwi nag prito nalang ako ng talong pero okay lang favorite naman yan ng asawa ko. Tapos nung kakain na kami may kumatok sa pinto namin , hipag ko lang pala binigyan kami ng cake galing sa birthday ng Tito ng asawa ko... Tapos na kami kumain at ngayon ay nag o prepare na para matulog kasi may pasok nanaman bukas... Good night po mga kaingay! Bukas nalang po ulit. Medyo masama rin pakiramdam ko Kasi ..
4 comments
Naku sis match namam po Sa kaht anung ulam pag ka ganyan kasarap ang dessert
solb na solb na po yan, sis
Unlirice for me
Sarap niyan. Favorite ko yan sis. ❤️🥰🤤