read.cash Log in
C@Cattt more from that month

Good morning noise mates ! Totoo po ba yung first love never dies? Kwento ko lang set up namin mag asawa , bago kami nagkakilala may girlfriend pa pala siya pero di niya sinabi sa akin kasi nga parang di narin Naman siguro importante pa. Pero sila pa noon wala lang silang contact kasi nag abroad yung babae. Hanggang ngayon Hindi sila nag break. Pero Hindi narin sila nag uusap. 3 days ago kinasal na yung babae dito lang sa harap ng bahay namjn sa resort. Napansin ko lang asawa ko Hindi siya lumalabas ng bahay. Tapos inaaya niya ako mamasyal sa bayan. Pero Sabi ko Wala ako sa mood. Pagkatapos nung kasal , nakausap ko yung staff ng resort tas nagkwento siya na Sabi nga pagkagaling niyang abroad pumunta raw siya dito sa bahay raw ng asawa ko at tsaka niya lang nalaman na kinasal na pala asawa ko sa akin... Ewan ko lang ha pero feeling ko may konting pain parin na nararamdaman siguro tong asawa ko. Kasi long time girlfriend niya Yun e. Pero alam ko naman na Wala ng ibang importante sa asawa ko ngayon kundi kaming mag Ina niya... Kaya lang parang ako lang yung nanghihinayang sa love story nila.

13 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.