Ako ay isang batang 90's.
Puno ng saya ang aking kabataan.
Mga panahong iilan pa lang ang may teknolohiya tulad ng telebisyon at radyo.
Mga panahong wala pang cellphone pero masaya kana sa paglalaro at pakikipagkaibigan sa mga kapitbahay. Mga panahong iilan pa ang may koneksyon sa kuryente at wala pang internet.
Ang tanging liwanag ng gabi ay galing sa lampara na may gas. Ang kumot na galing sa mga pinagtagpi tagping sako ng harina.
Maligo sa sapa at maligo sa ulan. Umiyak ng malakas na malakas , gumiling sa daan kapag ayaw isama ng ina sa bayan.
Mga panahong sabik sa pasalubong ng ina galing sa bayan. Pangarap ang isang laruang baril na binibenta sa bayan.
Mga panahong lahat ay normal pa at hindi kailangan ang social distancing.
Kahapon na puno ng saya ang bawat puso ng mga kabataang walang kamuwang muwang sa teknolohiya.
May iyakan sa palo dahil sa sobrang paglalaro at mga panahong ayaw matulog tuwing hapon. Ibang iba na sa ating panahon ngayon kailangan mo ng pumalo ng bata dahil sa sobrang paglalaro ng online at offline games sa cellphone.
Lahat ay may pagbabago, sa paglipas ng panahon tatahakin ang panibagong hamon na ang tanging maiiwan ay ang mga bakas ng kahapon.
Hanggang sa muli!
Nakakamis maging bata at im proud to be be a batang 90's talaga. Lahat ng laro sa labas alam ko ksi napapalo ako non ksi tumatakas ako sa sleeping hour nmin na 1pm pero nkikipag chinese garter ako hahaha. Ala pa cp non kaya di magastos sa lod or wifi.