Even if You're Just a Stranger, I'll Still Love You

2 35
Avatar for Burnok
Written by
3 years ago

This is gonna be the continuation of The Strange Strangers. If you haven't read it yet, I recommend that you must read that first.


Even if you're just a stranger, I'll still love you

Matalino ka. Nasasagot mo ang mga tanong sa mga pagsusulit at mabilis mong naiintindihan ang mga leksyong itinituro nila. Nakasusulat ka din ng mga komposisyong may magagandang ideya. Magaling ka sa matematika at madali mong nauunawaan ang mga ipinasasagot nila. Ngunit, para sa iyo, hindi ka ganoon katalino. Minsan ay sinasabihan mo ang sarili mong mangmanng dahil parati kang nagkakamali at hindi mo maintindihan ang ibang tao. Wala kang tiwala sa sarili mo. Bakit ka ganiyan? Magaling ka ngunit tila may sakit ang iyong pag-iisip dahil wala kang tiwala sa sarili mo.

Alam ko kung ano ngunit hindi ko alam kung bakit. Ang mga bawat galaw mo ay alam ko kung ano ngunit hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit. Hindi ko maintindihan. Bakit ka ganiyan? Paulit-ulit kong tinatanong ang mga ‘bakit’ sa taong nasa salamin. Patuloy kong inuusisa ang estranghero sa aking harapan, ang estrangherong ako mismo. Oo, ang estranghero sa akin ay sarili ko.

Nakikita ko ang sarili kong nalulunod sa dagat ng kalungkutang ako mismo ang gumawa. Ngunit bakit ko ito ginawa? Nakikita ko ang sarili kong nasusugutan. Ang puso ko’y nabibiyak na para bang salaming nawawasak at ang mga matalim na sirang salamin ang sumusugat mula sa aking kaloob-looban. Masakit ngunit ako din ang sumira sa aking sarili. Bakit patuloy ko itong ginagawa? Narito ako, nalulunod pa rin. Pinipilit na umaahon ngunit mas lalo lang akong nalulunod.

Ah, napagtanto ko. Sinuntok ko ang salamin at nawasak ito na para bang kapag ginawa ko ito ay sinusuntok ko ang sarili ko para gumising sa malupit na katotohanan ko. Habang nakatingin ako sa salamin, habang tinititigan ko ang sarili kong mga mata at habang sinusuri ko ang tunay na ako, napagtanto kong, walang parte ng pagkatao ang mahal ko. Hindi ko magawang mahalin ang sarili ko. Hindi ko matanggap ang aking sarili. Hindi ko makita ang halaga ko.

Hindi ko maibig ang taong nasa harap ng salamin. Wasak at sira , sinong magmamahal sa kaniya? Hindi ko kayang makita ang aking halaga dahil wala naman akong halaga. Alam kong ang mundo ay hindi tatanggapin ang taong kagaya ko, walang halaga. Hindi ako malakas gaya ng iniisip ng iba dahil kaonting kalabit lang ay maguguho na.

Oo, mahina ako ngunit kailangan kong mahalin ang sarili ko. Ngunit nakakasiya ang katotohanang buhay ako dahil ibig sabihin, hindi pa ako sumusuko. Alam kong sa buhay kong walang halaga ay may mangyayaring kakaiba at nakaliligaya. May darating ding magliliwanag sa madilim kong dinaraanan. May mamumukadkad ring bulaklak at magbibigay halimuyak. Wala mang basehang ang pag-asang nararamdaman, ngunit anong masama? Kakapit ako kahit mahirap. Hindi ako magpapahulog. Kung maputol man ang tali ay tatalian ko ito ng bago. Ako mismo ang dapat na magbago, sarili ko mismo.

Kaya sinabi ko sa estrangherong nasa salaming unti-unti kong nakikilala na huwag sumuko. Sa estrangherong unti-unti kong tinatanggap, hindi ka hanggang dito lang. Kahit estranghero ka, mamahalin kita.


Are you new to my profile? If you do not know me yet, I am Burnok, your friendly neighbor who loves writing things like this and like that. Here are some of my articles, which you may want to read too.

  • Why I Love Writing

  • To Love and To Grow: Rizal’s Life

  • A Morning Routine

  • Don't Make More Reasons: Start Doing Actions

  • Blog of the the Day: Hope of the Motherland

  • Let's talk about an education that is not being talked about most of the time

  • Nothing Worthy Comes Easy

  • Momentary Bliss

  • The Art of Procrastination: Are you a Procrastinator?

  • Present Technology

4
$ 3.09
$ 3.09 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Burnok
empty
empty
empty
Avatar for Burnok
Written by
3 years ago

Comments

I have been reading your articles and they are really interesting to read. Good thing there are some written in Filipino just like this.

$ 0.00
3 years ago

Self love is one of the most important thing we all should have.

$ 0.00
3 years ago