Ano po ba mararamdaman niyo kapag yong kaisa-isa niyong anak ay bigla nalang mawawala na parang bula na hindi mo alam kung saan at kung ano na ang nangyari sa kanya..
Year 2018
Lumipat kami ng bahay ng anak ko sa lumapain ng asawa ng kapatid ko...Gusto na din kasi namin tumira sa sarili naming bahay...Dati kasi ay sa mother in law pa kami nakatira pero iba pa din yong andon ka sa sarili mong bahay...
Day:Tuesday
Maagang-maaga palang ay gising na ako..Mga 5am ay kitang -kita na ang liwanag sa paligid kaya nagkakape na ako ng mga oras na yan..At mga 5:30am ay sinisimulan ko na ang paglilinis ng bahay,paghahalaman at kung ano ano pa...Masaya kasi ako sa bago naming bahay..Yong hawak ko ang aking oras at walang pinapakisamahan na ibang tao..
Dito sa malapit sa bahay namin ay may isang napakalinis na bukal kung saan dito kami kumukuha ng iniinum na tubig..Mga ilang metro din ang layo sa bahay namin at ang daanan papunta sa bukal ay napakaliit lang at madaming damo sa paligid..Minsan kapag sinisipag ako ay nililinisan ko ang daan kasi nga nakakatakot ang ahas...
Araw nga ng martes ay sinipag akong linisan ang daan papuntang bukal..Habang yong anak ko na 3yrs old palang noon ay binabantayan ng mama ko....Ewan ko kung anong nakain ko at hanggang doon sa bukal ay panay ang walis ko....Pero nagulat nalang ako kasi sumunod sa akin yong anak ko...Nakita ko nalang siya na nasa tabi ko na siya...Nagalit ako kasi delingkwente daw ang bukal na yon.Madaming storya ang naririnig ko about dito...Kaya pinagalitan ko talaga siya.Sabi ko sa anak ko bakit ka pumunta dito,,diba sabi ko sayo huwag na huwag kang pupunta dito sa bukal at hintayin mo nalang ako sa bahay...Martes pa naman ngayon baka paglaruan tayo..Ganun yong sinasabi habang tinitingnan ko yong aking anak..Pero hindi lang kumibo ang anak ko...Sabi ko sa kanya dyan ka lang muna sa tabi at huhugas lang ako ng kamay...
Kung makikita niyo po na may arrow akong iniligay sa larawan..Dyan ko po pinatayo ang anak ko...Isang daanan lang talaga pauwi sa amin at walang kahit saang sulok na pweding pang taguan ang anak ko....After kong humugas ng kamay ay lumingon ako sa anak ko pero wala na ito..(Nagtaasan balahibo ko ngayon habang nagkukwento nanariwa kasi sa akin yong nangyari)
Ang unang pumasok sa isip ko ay baka nauna na ito sa akin at hindi na nakapag hintay..Sobrang relax na relax pa ang utak ko..So naglakad ako pauwi at gusto ko siyang sundan.Habang naglalakad ako ay sumagi sa isip ko na bakit kaya ang bilis ng anak ko na maglakad..Hindi ko man lang masilayan yong kanyang katawan.....Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makauwi ako sa bahay..Tinanong ko ang mama ko...Kung nakauwi na yong anak ko..Subalit ang sagot sa akin ng mama ko"Diba sumunod sayo?Pagsabi noon ng mama ko sa akin ay agad kong hinanap sa loob ng bahay ang anak ko pero wala ito dito..
Bigla akong kinabahan tumakbo ako pabalik sa bukal baka hindi ko lang siya napansin at kawawa naman kaku kung sakaling naiwan ko siya at baka umiyak na...Pagdating ko sa bakal ay wala pa din ito..Kabang-kaba na talaga ako at sumisigaw na ako..Tinatawag ko na ang kanyang pangalan habang umiiyak ako pero walang sumasagot..Umupo ako sa bato doon mismo sa bukal..habang binibigkas ko ang pangalan ng anak ko..
Makalipas ang mahigit sampung minuto ay tumayo ako..Halos mababaliw na ako kung saan ko hahanapin ang anak ko..Nag-iisang anak ko lang siya at ikamamatay ko kapag nawala siya..Yon ang nararamdaman ko sa mga oras na yon....Sinubukan ko ulit maglakad pauwi ng may biglang magsalita sa likuran ko...Ang sabi ng isang bata"Mama saging po ba yan?Nang lingunin ko sa likuran ko ay anak ko nga...Pagkakita ko sa anak ko ay dali-dali ko itong binuhat at tinakbo pauwi sa bahay namin..
Habang nasa bahay ay ipinaupo ko sa aming kwarto at tinanong ko siya kung saan pumunta at bakit hindi ko siya nakita...Ang sagot niya sa akin ay may bumuhat daw sa kanya na isang unano at ang dami daw na buhok sa mukha..Ang haba daw ng balbas..Dinala daw siya sa bahay tapos ang daming pinapakain daw sa kanya....Ayaw niya daw kumain....(Mabuti nalang at maarte talaga ang anak ko sa pagkain kahit lugaw never mo yan mapakain)
Meron daw don na kulay itim daw na parang bigas ang pinipilit daw na pakainin sa kanya.Tinatakot daw siya kaya napilitan daw siyang kainin pero ng malasahan niya daw na sobrang pait ay isinuka niya ito at tumakbo daw siya..Tapos bigla niya nalang nakita yong bukal...
Pagkakita ng anak ko sa bukal ay nakita niya daw akong naglalakad pauwi kaya sinudan niya ako....
Habang navkukwento ang anak ko ay awang-awa ako dito...Mabuti nalang talaga at hindi kinain ng anak ko yong itim daw na parang kanin kasi baka hindi na talaga siya nakabalik sa akin....Naniniwala ako sa kwento ng anak ko kasi sa edad niyang 3yrs old ay wala pa siyang alam about sa itim na kanin.Yong drawfs medyo may alam na siya pero hindi naman siguro gagawa ng storya ang anak ko kung hindi yon ang totoong nangyari.Kaya simula noon ay never ko na talaga siyang pinapapunta sa aming bukal...Ayaw ko na ulit mangyari yon sa kanya...
Paalala
Kung meron man pong mga delengkwente sa inyong lugar ay gabayan ninyo ang inyong anak..Manalig sa ating panginoon para huwag mangyari ang nangyari sa aking anak...Mas mabuti na yong maingat para walang mapahamak at huwag magsisi sa huli...
Ending
Maraming salamat po sa aking mga readers at mababait na sponsors
By the way na ishare ko po ito sa inyo ngayon dahil sa aking nabasa about sa article ni sissy @Ling01 about sa giant and sa dwarfs heheh..Naalala ko tuloy yong nangyari sa anak ko 3yrs ago.
Thank you so much everyone and godbless..
Published
October 03,2021
Saturday
Time check
8:00pm
Philippines
Buti nakabalik siya sa inyo sis ,naku !nakakatakot naman nun