The barista girl

21 44
Avatar for Buhayexperience
3 years ago

Para maiba naman at lahat nalang masasakit na nangyari sa akin ang lagi kung na iishare...So move on na tayo at focus naman sa mga magagandang nanyari sa buhay ko....

Sino po ba dito sa inyo ang mahilig pumasok ng coffee shop or uminom ng kape?

My first job

May nakita akong isang magandang coffee shop dito sa lugar namin at hiring sila pero bilang isang witress....So nag try akong pumasok sa loob dala-dala ko ang aking mga requirements....Kaya lang nag -aalangan ako kasi naisip ko what if kung hindi ako matanggap...Naging nega yong isip ko but kailangan ko ng trabaho so pumasok ako sa loob...Nag assist sa akin yong isang witress akala mag-oorder ako ng kape...but sabi ko mag -aaply ako bilang isang witress..Sumimangot ba naman sa akin yong witress.hahaha....Tinawag yong supervisor nila at yon ang humarap sa akin..Nong time na yon ay nasa abroad yong mga amo nila kaya yong supervisor yong nag hired sa akin at super saya ko pag-uwi...

Tumagal ako ng more than 1 yr sa pagiging witress kaya kabisado ko na yong pasikot sikot sa loob ng coffee shop..Kahit yong pagiging barista ay alam ko na din kasi minsan kapag hindi pumapasok ang barista namin ay ako yong nauutusan gumawa ng kape....Hindi naman ako kagalingan nong time na yon at napapasubo lang minsan..heheh

Hanggang sa mag resign yong isang barista namin dahil mas pinili nyang pumunta ng abroad..Sinabi lang sa boss namin nong malapit na yong flight niya kaya medyo nagtampo yong boss namin kasi hindi madali humanap ng panibagong barista....

Ako yong nakita ng amo ko..Aralin ko daw ang pagiging barista kasi madali nalang sa akin para matutunan ito dahil medyo kabisado ko na yong espresso machine...

Espresso machine

Source unplash

Hindi ko na masyadong maalala yong mga parts ng machine na ito dahil medyo matagal na din..Pero ang natatandaan ko yong medyo mahirap sa pagawa ng espresso shot ay kailangan mong e press yong grind coffee sa lagayan para mas lumabas yong katas ng kape

Kinds of coffee

Kalinga coffee-ito yong pinaka strong na kape na ginagamit namin pero ayaw ko nito kasi super pait po talaga.hahah

Benguet coffee-Medyo maasim na kape pero masarap po siya at ito ang ginagamit namin para kumuha ng espresso shots..

Hazelnut coffee-ito yong pinaka mabangong kape na naamoy ko..nakakaadik talaga siya...

So ano po ba ang tinatawag na espresso shots?

Espresso shots

Espresso shot
Single
Double

Single shots

Ito yong ginagamit namin para sa mga clients na gusto ng strong coffee..

Double shots

Para naman sa gusto ng mild na kape lang...

Sa mga antukin po dyan at laging puyat sa trabaho..Ito ang kailagan niyo..One shot of espresso para matagal yong antok niyo..And na experience ko na po yan nong pumasok ako sa trabaho at sobrang antok ko..Uminom ako ng isang shots ng espresso nawala antok ko.hahaha..

Cappuccino

Ito ang madalas kong ginagawa at kadalasan na order ng mga costumer...ang Cappuccino...Para sa akin madali lang yong pagtimpla nito..1 espresso shots lang and 100ml fresh milk na steam ang kailangan nito...Medyo mahihirapan ka lang sa una lalo na kung bago ka...ang pagawa ng latte art sa ibabaw ng coffee..Kasi dapat sakto at tama ang pag steam mo ng gatas para at dapat hindi ma bubbles para huwag lumubog yong gatas sa ibabaw ng espresso....

Milk steamer

Ganito yong pag steam nya at may procedure din para maganda ang result kaya lang mahirap magturo kapag wala ka talaga mismo sa machine.heheh

Caramel machiatto

Yong caramel syrup yong ginagamit namin na psgdesign sa ibabaw ng coffee..

Madami pa po tulad ng Macchiatto,Cafe latte art pero ang pinaka gusto ko talagang iserve sa mga mga costumer ay ang brewed coffee kasi napakadali lang at hindi mo na kailangan mag steam..heheh

How long I'd been work at coffee shop

4Yrs akong nag stay bilang barista dahil ilinipat ako ng boss ko sa isa niyang business dahil maganda raw ako..charot.hahahah..Ginawa niya akong katiwala sa kanyang malaking Salon&Spa...Siguro next ko nalang yon ikukwento dahil tanghali na pala..hahaha.nakakagutom na....

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

Bago ko makalimutan nais ko lang mag thank sa aking mababait na sponsors...

Coffee lover

Ito lang yong alam ko about sa pagiging barista at sa naka experience na din po dyan I think alam niyo din po ito...

Maraming salamat po sa patuloy na nagbabasa ng aking mga articles...Sa aking mga readers...

Published

October 17,2021

Sunday

11:28am

Philippines

Source image:Unsplash

@Buhayexperience

9
$ 0.25
$ 0.10 from @tired_momma
$ 0.10 from @ibelieveistorya
$ 0.03 from @GarrethGrey07
+ 1
Avatar for Buhayexperience
3 years ago

Comments

Natry ko na yung cappucino.. Kaso di ko gusto yung lasa niya hahha siguro hindi lang ako sanay.. Mas gusto ko yung 3 in 1 na nga coffee hahaha

$ 0.00
3 years ago

Yes sa totoo naman talaga mas masarap yong 3 in 1..kahit sa panlasa ko din kasi hindi siya mapait..Yong cappuccino kasi wala yang halong asukal...espresso shot coffee and milk lang siya..pero sa mga mayayaman mas gusto nila yan...Pangalan pa nga lang ng kape social ng pakinggan.hehehe..Pero ang kinagandahan naman ng cappuccino ay pwede sa may mga sakit na diabetis kasi less sugar po siya..

$ 0.00
3 years ago

Benguet coffee? Nice name siya. Taga Baguio ka ba?

$ 0.00
3 years ago

Hindi po...inoorder lang po namin yan

$ 0.00
3 years ago

Natutuwa talaga ako sa art ng cappucino. I tried it once sa sm nagvolunteer ako nakakatuwa. Tinuruan kami pano maglagay tapos kanya kanyang design kaloka lang yung gawa ko pero natuwa ako magtry. 😁

$ 0.00
3 years ago

Yes tama ka sis ang sarap ng feeling kapag ikaw mismo yong nakagawa ng latte art..

$ 0.00
3 years ago

Angaling naman po. Hirao gumaya ng style sa coffee hehehhe ang ganda ng style

$ 0.00
3 years ago

Sa una lang po yan mahirap pero kapag nakuha mo po yong tamang pag steam ng milk sure ako na makakagawa ka ng isang magandang design ng latte art..

$ 0.00
3 years ago

Ganda nman ng mga design ng coffee at nakakatuwa nman at nka pagwork ka sa ganyan po.. coffee shop.. parang sa mga korean movies lang eh hehe

$ 0.00
3 years ago

Salamat po sis...sa una nahirapan din ako dabi nga try and try lang..walang sukuan and sa wakas nakuha ko din kung paano gumawa ng latte art..

$ 0.00
3 years ago

Magaling knman kasi eh..

$ 0.00
3 years ago

Ang galing nmn sis, nagkaron ka pla ng experience Nyan,pwede ka ng mag Dubai..

$ 0.00
3 years ago

Oo sis may nakapagsabi nga din sa akin na pwede daw akong mag abroad..Kaso parang hindi ko maiwan iwan ang family ko..wala kasi sa kanilang mag-aalaga tulad ng magulang ko.

$ 0.00
3 years ago

Es una arte eso que haces con el cafe. Y a mi en particular me atrae mucho pues soy amante del cafe. Te saludo y aunque por el idioma no entendi mucho . Te felicito porque se ve que le pusistes amor y eso cuenta.

$ 0.00
3 years ago

Oh I'm so sorry but I can't understand your language...but I appreciated your comment to my article and thank you for that..

$ 0.00
3 years ago

I like to try doubleshot hehe antokin ako eh hehe

$ 0.00
3 years ago

Yes try mo sis pero mas maganda yong pure espresso shots para talaga tanggal antok mo.hahaha

$ 0.00
3 years ago

Sobrang nakaka interest naman yung pagiging barista.. parang gusto ko din matuto..🥰

$ 0.00
3 years ago

maganda nga po sis kaya lang medyo mahirap sa una pero kapag willing ka naman ay madali lang matuto..hehe

$ 0.00
3 years ago

Oo basta love mo na work mo sis. I know makukuha mo agad.

$ 0.00
3 years ago

Yes tama ka po dyan sis.heheh

$ 0.00
3 years ago