Hello to my fellow readers and sponsors...Kumusta po yong tulog niyo ngayon?By the way dahil nga sa malapit na ang halloween ay lahat mga katatakutan yong mga nababasa niyo dito at isa na ako ngayon sa nagkukwento about sa mga horror story...May isa na naman akong ibabahagi sainyo tungkol sa spirit of the coin..Totoo ba ito o gawa-gawa lamang?Itong kwento ko ngayon ay base sa aking experience...
Ano nga ba ang ibig sabihin ng spirit of the coin?
Base sa aking kaalaman,ito daw ay isang uri ng laro but super nakakatakot...Ewan ko kung laro pa ba ang tawag dito or dinadala lang tayo sa kapahamakan....Meron ding tinatawag na spirit of the glass at mas nakakatakot yon dahil kapag nagkamali ka raw ay pwedeng makuha ang kaluluwa ng mga naglalaro....Hindi ko pa naman yon nasubukan pero nakita ko na din sa aking pinsan kong pano laruin.....Anyway balik tayo sa topic.....Ang spirit of the coin ay isang laro kung saan tumatawag tayo ng mga ligaw na kaluluwa...Ibat-iba ang ating makakasalamuha meron mababait,meron din na bad spirits,....
School building
Ang school na pinapasukan ko nong high school ay ang public school kung saan yon din ang pinakamaganda,pinakamalawak na paaralaran dito sa lugar namin...Mahirap makapasok sa school na ito kasi first year ka pa lang ay talagang pahirapan na ang pag-enrol..Mabuti na nga lang at hindi ako bumagsak sa exam nila at natanggap ako dito para ipagpatuloy ang aking pag-aaral for secondary...Marami din ang nangangarap na makapasok sa paaralan na ito dahil bukod sa mura na nga ay talagang magagaling magturo ang mga guro at talagang napakalawak ng paaralan...Marami kang makakasalumuha dito na nag-aaral galing sa 47 barangay dito sa lugar namin....Naalala ko noon.... first year palang ako ay umaabot na ng 40 sections and swerte ko nalang at napunta ako sa section 10..kaya lang nagkasakit ako noon kaya nong mag second year ako ay bumaba yong section ko,napunta ako ng section 13..At yong mga classmate ko mag babae or lalaki..Naku ang daming alam sa mga kalokohan....
Spirit of the coin game
Nong vacant namin sabi ng isa kong kaibigan na babae na try daw namin pag-uwian sa hapon na laruin yong spirit of the coins,si sarah,jean,rose,at Milba hindi totoong pangalan at ako...Bali lima kaming magkakaibigan..Sabi ko naman diba nakakatakot yon?Ang sagot nila sa akin oo daw pero try daw namin....Sabi ko nalang sige join ako sa inyo pero manunuod lang ako...
Mga bandang 5pm ay uwian na nga namin at ayon sa napag kasunduan ay nagkita-kita kaming magkakaibigan doon sa napakalawak na granstant kung saan may mga naglalaro ng volleyball..Pumunta kami sa tabi,sa ilalim ng malaking puno sa medyo madilim na lugar...
Umupo kaming lima sa damuhan,kumuha ng isang buong papel si sarah...Samantalang si jean naman ay kumuha ng piso sa kanyang wallet..Habang nakaupo ay pinagmamasdan ko sila sa kanilang ginagawa...Sa isang buong papel ay isinusulat ni sarah yong yes ,no,and go sa ibabaw tapos simula sa letter A hanggang z sa baba ng papel...Lahat ng nakasulat ay binilugan niya ito na kasing laki ng piso coin.Pakatapos niya magsulat ay may dinukot si sarah sa kanyang wallet at may kinuha na isa ulit na papel na may mga nakasulat na hindi ko maintindihan...Latin words ang mga nakasulat at kung mapapansin mo ay isang paragraph ang nakasulat dito....
Conversation
Ako:Ano ba yan sarah na nakasulat dyan at hindi ko maintindihan...
Sarah: Before tayo mag start ay manalangin muna tayo at isa ito sa babasahin natin habang magkawak ang mga kamay natin....
Ako:Hala ayaw ko sumali dyan sa mga kalokohan niyo..
Sarah:Naku pano ma ma experience kong hindi ka sasali...
Ako:Sige try ko pero baka hindi na tayo makauwi nito, umayos ka sarah...
Sarah:Makakauwi tayo basta sundin mo lang ang sasabihin ko...
Si sarah yong nag lead ng prayer na latin,ilinagay nya ito sa harapan namin habang naka squat kami sa damuhan at ang posisyon namin ay pabilog..Nasa harapan namin yong papel na may mga letters at nasa ibabaw nito yong piso...Habang sa isang gilid naman yong isang papel na babasahin ni sarah....Nag hawak-hawak kami ng kamay at nagsimula na ngang manalangin si sarah habang nakapikit ang aming mga mata...
Pagkatapos manalangin ay bumitaw na kami sa pagkakahawak....Yong isang daliri namin ay ilinagay namin sa piso coin.
Sarah:Tinatawagan ko ang mga kaluluwa sa lugar na ito at kung inyong mamarapatin ay nais namin kayong makausap......Meron na bang kaluluwa na nakarinig sa amin..?Gumalaw yong piso coin habang hawak namin at pumunta sa word na Yes..
Nanindig ang aking mga balahibo dahil gumalaw yong piso coin....Pero naisip ko baka ginalaw lang ng mga kasamahan ko..Pero halata sa mukha nila Jean,Rose at Milba ang pagkagulat samantalang si sarah ay parang natural nalang ito sa kanya..
Nagsimula na ngang magtanong si sarah kung ano yong pangalan ng kaluluwa ang kausap namin..Gumalaw yong piso coin at bumuo ng isang pangalan..Para akong nanghihina sa mga nangyayari pero sabi ni sarah ay huwag na huwag daw namin tatanggalin ang aming kamay doon sa piso coin na hawak naman hanggang hindi pumapayag yong kaluluwa...
Tinanong din ni sarah kung bakit namatay yong kaluluwa na kausap namin at sumagot din ito na nahulog daw sa building pinapasukan namin...Dahil sa mga letra ay makakabuo ng isang sentence sa pamamagitan ng piso coin....Hanggang sa hindi na mapakali yong iba naming kasama....Aalis na daw sila at isa-isang tinanong ni sarah sa kaluluwa kung pwede na daw umalis si Jean,Rose at Milba..Ang sagot ng kaluluwa ay yes...Kami nalang ni sarah yong naiwan.....nakalimutan ko na yong mga sumunod na nangyari basta ang natatandaan ko ay madaming kaluluwa na tinawag si sarah...Hanggang sa sabihin ni sarah...Pwede na si lerah na umalis..hindi ko totoong pangalan..Subalit hindi yes yong sinagot niya at yon ay no...Tumanong ulit si sarah kung pwede na daw siyang umalis at ang sagot ay yes...Naramdaman ko yong takot kasi bakit ako ay ayaw paalisin...Sabi ko sa kasamahan ko ay huwag nila akong iwan..Magagabi na noon malapit na mag 6pm at sigurado mapapansin na kami ng guardiya ng school..Kaya wala akong choice kundi ako yong magtanong kasi wala na si sarah sa laro...Tinanong ko yong kaluluwa kung bakit siya namatay...ang sagot niya sa akin ay pinatay daw siya...at doon ako naniniwala na gumalaw talaga yong piso coin dahil ako nalang mag-isa yong humawak dito....Para akong iiyak....At dahil don ay nabitawan ko yong piso coin..Hindi ko natapos yong laro o ritwal na ba tawag don.ewan ko...Tumakbo ako pauwi...Simula noon ay bumago na yong buhay ko..Madami na akong nakikita at minsan mga naririnig...
Maraming salamat sa aking mababait na sponsors...
Maraming salamat sa aking mga readers,commentors..
Published
October 20,2021
9:26Pm
Philippines
Yung highschool days talaga ang may pinaka madaming kalokohan na nagagawa ang isang student. Na try din namin yan, first year high din kami noon tapos sa town plaza pa talaga namin ginawa at tanghaling tapat. Iniwan pa nga ako ng mga kasama ko sa coin dahil natakot sila. Hahaha! Natakot din ako slight pero kasi nakaka-amaze din yung gumagalaw ng kusa ang coin kahit di mo itulak. Hahaha! Isang beses lang namin ginawa yun at di na talaga kami umulit.