Join 83,580 users already on read.cash

Sana totoo nalang

18 20
Avatar for Buhayexperience
Written by   57
2 months ago
Topics: Kaarawan

Maaga palang ay nakapag bihis na ako dahil sa hindi ko inaasahan na isa ako sa ma imbitahan ng aming kapitana sa aming barangay na pumunta sa kanyang kaarawan....Dahil sa tuwa ko eh bago mag tanghali ay andon na ako sa bahay nila...Napaka daming tao at halos ang karamihan ay halatang may kaya sa buhay....Naisip ko na napaka swerte ko naman dahil kahit simpleng tao lang ako eh napansin ako ni kapitana na Kung tawagin sa aming lugar na "Mommy kap"...Super bait niya naman kasi at kahit sino lalo na kapag makakita siya ng matanda kapag kailangan ng tulong ay tinutulungan niya ito.........

So ayon na nga po...Habang nasa bahay ako nila ay pumunta ako sa second floor at kitang kita ko mula sa malayo ang napaka gandang tanawin......Makikita mo sa likuran ng bahay nila yong napaka gandang ilog na may napakalinis na tubig at kitang-kita mo yong mga nag hahabulan na mga itik habang naliligo......

Maya-maya ay tumawag na nga sis Mommy kap para kumain.....Para lang kaming nasa isang napaka gandang restaurant kasi meron ding mga witress na nag seserve sa amin.....Ang sasarap naman talaga ng pagkain at super nabusog ako.hahah

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty

By the way gusto ko lang mag pasalamat ng marami sa aking mababait at very supportive na sponsors...old and new...

After kong kumain ay tumayo na nga ako at lumabas ng bahay...pumunta ako sa likuran ng biglang nakita ko ang papa ko...Medyo nasa malayo siya....Nakita ko na yong favorite niyang damit suot nito at meron pang saklay...Dahil sa tuwa ko ay tinawag ko yong kasama ko habang nakatingin ako sa papa ko at sinabi kong nag pakita sa akin ang kaluluwa ng papa ko....pero bakit kaya tiningnan lang ako ng papa ko at medyo malungkot ang mukha nito....at umalis na palayo....umiyak ako at hinabol ko siya....ng biglang magising ako.......Panaginip lang pala ang lahat pero bakit pagising ko ay umiiyak din ako...Ramdam ko yong pagkamis at sakit na kahit sa panaginip ay hindi ko man lang nayakap ang papa ko....Sana totoo nalang..

Ito nga ako ngayon nagising na nangungulila sa ama....But thank you sa aking panaginip dahil sa wala ako ngayong maitopic eh ito yong naisip kong itopic ngayon.hehehe

Thank you so much sa aking mga readers,upvoters,commentors and syempre sa aking mga sponsors....

Published

November 21,2021

❤️Buhayexperience

13
$ 0.11
$ 0.03 from @Jeansapphire39
$ 0.03 from @Sweetiepie
$ 0.03 from @Lovelyfaith
+ 1
Avatar for Buhayexperience
Written by   57
2 months ago
Topics: Kaarawan
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Namiss ka ng papa mo sis kaya nagpakita sayo. Gusto niya makita ka niya sis. Minsan ganyan din ang pinsan ko. Nanaginip daw siya lagi, feeling ko pag ganun namimiss kayo sis.

$ 0.00
2 months ago

Kahit siya sobrang miss ko na din sis..hays

$ 0.00
2 months ago

I know andyan lang si papa mo sis.

$ 0.00
2 months ago

Sakin sissy pinapangarap kong magparamdam o mapanaginipan ang mga magulang ko pero wala eh hanggang pangarap na lang at sa mga pictures huhu

$ 0.00
2 months ago

Ang swerte ko pala sissy kasi sa akin lahat nagpaparamdam yong mga Mahal ko sa buhay na namayapa na..minsan nakakausap ko sila sa aking panaginip kaya lang mas Lalo ko tuloy silang namimis..

$ 0.00
2 months ago

Cguro sakin sissy di sila nagpaparamdam kasi nabigay ko naman lahat sa kanila ,, ewan un kasi sabi bg matatanda samin kaya dina nila ako binibigyan pa ng iisipin although miss ko din sila makita kahit sa panaginip man lang

$ 0.00
2 months ago

Nagparamdam yung papa mo sis, baka gusto niyang magpadalaw. Ganyan kasi sa amin sis pag nasa panaginip mo daw yung yumao mong mahal sa buhay, nagpapadalaw daw yan

$ 0.00
2 months ago

Kakapunta ko pa nga lang sa puntod Ng papa ko sis....Kaka 1yr Niya palang Kasi kaya siguro nagpakita sa akin sa panaginip.hehe

$ 0.00
2 months ago

Pwedeng ganun din sis, baka na miss nya din kayo

$ 0.00
2 months ago

Namiss ka lang non ng papa mo kaya nagpakita sayo. Mgpamisa sa kanya sis ksi gnyan ako pg nanaginip ako sa mga lola ko.

$ 0.00
2 months ago

Oo nga sis ang layo pa naman ng bayan dito sa Amin...Sana mapamisa ko nga siya..

$ 0.00
2 months ago

Ay may ibig sabihinnyang ganyan dito samin, pag nagpapakita ang isang tao na patay na sa panaginip it is either nakalimutan niyunsiyang dalawin or miss niya kayo.

$ 0.00
2 months ago

Ganun pala yon baka namis lang ako Ng papa ko Kasi sobrang miss ko na din siya.

$ 0.00
2 months ago

Yes kaya kung ganyan bisitahin niyo siya sis

$ 0.00
2 months ago

May ibig sabihin panaginip mo sis.. sana ok lang ang papa mo.sa heaven

$ 0.00
2 months ago

Sana nga sis at Kung saan man siya naroroon ngayon Sana masaya na siya at wala na yong sakit na nararamdaman niya nong buhay pa siya..

$ 0.00
2 months ago

For sure sis miss ka din ng papa mo kasi nagpakita siya sa panaginip mo.

$ 0.00
2 months ago

Siguro sis...Lalo ko tuloy siyang namis..

$ 0.00
2 months ago