Pamahiin ba o masamang pangitain?

5 29
Avatar for Buhayexperience
3 years ago

Akala ko dati pamahiin ang tawag sa mga sinasabi ng matatanda kapag nanaginip ka daw ng masama ay huwag mong ipagkuwento sa tao lalo na sa mga mahal mo sa buhay para hindi magkatotoo..Nalito tuloy ako?Ano ba ang totoong tawag dito?

unsplash photo

Pag-uwi ko ng bahay,galing ako sa trabaho ay nakita ko ang mama ko na nakaupo sa sala..Tulala ito,siguro dinaramdam niya yong pagkawala ng kapatid niya dahil sa wakas ay nasabi na namin ito sa kanya nong isang araw .Kaya ang ginawa ko lumapit ako sa kanya after ko magpalit ng damit..Tamang-tama ay may dala-dala akong isang buong manok na binili sa andokz,.Binigyan ko si mama at natuwa naman siya...Habang kumakain siya ay nagkwento siya about sa manok....

Pamahiin

Ang sabi ng mama ko noon daw na buhay pa ang kanyang mga magulang ay taon-taon sila sumusunod sa pamahiin..Kumakatay daw sila ng isang manok na babae at isa ding manok na lalaki..Tapos kapag nalinisan na daw ito ay lalagyan nila ng mga rekado sa loob para mas lumasa...Tapos yong balahibo na tinanggal dito at mga lamang loob ay hindi pweding makain ng kahit anong hayop tulad ng aso at pusa...Ililibing daw nila ito na ng malalim....Tapos kapag naluto na yong manok ay ihahain sa kanilang mesa..Pagkatapos daw niyan ay sasamahan pa ng iba't-ibang uri ng kakanin..Kapag kumpleto na daw ay lahat ng buong pamilya ay sama-samang kakain nito hanggang sa maubos..Tapos yong mga buto ng manok or kahit anong tira sa kanilang lamesa ay hindi pweding makain ng kahit sino.Ito din daw ay kailanga ilibing......

Tinanong ko ang mama ko kung ano ang ibig sabihin ng pamahiin na yon sa kanila at kung bakit kailangan nilang gawin yon...Ang sagot sa akin ng mama ko ay para daw walang masamang mangyari sa kanilang buong pamilya at walang magkasakit na malubha isa man sa kanila..Yon daw ang paniniwala ng aking mga lolo at lola....

Actually kanina ko lang nalaman ang pamahiin na ganyan.Naisip ko ay maganda itong gawing article sa read.cash at naalala ko yong sinabi saakin kanina ni @Ling01 Heheh..Sana magustuhan mo po ito lalo na din ng aking mga readers.heheh

Sa pinagkukwentuhan namin ng mama ko ay mas nadagdagan ang aking mga kaalaman.Naitanong ko din sa kanya yong about sa masamang panaginip..Actually may alam na din ako pero mas maganda kung talagang marinig ko mismo sa mama ko kung ano ba talaga yong totoo..Nasa 70yrs old na ang mama ko ngayon at madami na din siyang mga alam lalo na mga kasabihan ng mga matatanda.heheh...

Sabi ng mama ko iba naman daw ang pamahiin at yong about sa masamang panaginip...Kapag sa panaginip daw ang tawag noon masamang pangitain...Anyway kung ano man ang totoong tawag don ay kayo na po ang humusga.hehehe.Base lang po yon sa alam ng mama ko..

Masamang pangitain

Ngipin

Kapag nanaginip ka raw ng ngipin na nagtatanggalan ito daw isang napakasamang panaginip dahil ito daw ay may masamang pangitain na may isang mahal mo sa buhay ang mamamatay.

Karne

Kapag karne naman ang ibig sabihin ng panaginip na yon ay may masamang mangyayari sa iyong kapitbahay o kaibigan na maaari ding ikamatay.

kapag nakapanaginip daw ng masama ay huwag na huwag ipagsabi sa kahit sinong tao dahil pwede daw itong mangyari sa taong napagsabihan mo..Kung maaari daw ay ikwento daw ito sa mga bagay tulad ng puno,sa bato o kaya sa damo tapos kagatin daw ito at makikita mo ilang araw ay makikita mo nalang daw na namamatay ang mga bagay na yon...

Unsplash photo

Ito yong mga nabanggit ng mama ko hanggang sa napagod na siya sa pagkukuwento....Ang huli niyang sinabi ang pinakamagandang gawin daw ay manalagin dahil walang mas hihigit pa sa kapangyarihan sa itaas...

Nabitin ako ng kwento ng mama ko..Gusto ko pa sanang makinig sa iba niya pang kwento kaya lang dahil matanda na at may sakit pa ang mama ko ay kailangan ng mag pahinga.Natuwa lang ako kanina kasi ngayon lang ulit nagkwento ang mama ko ng medyo matagal-tagal..Kahit siya napasarap din ng kwento hanggang sa nakatapos na siyang kumain ay hindi niya pa namamalayan.hehehe...

Maganda talaga kapag meron pang matanda sa inyong pamilya or sa kakilala kasi mas madami silang alam...

BIG THANKS FROM AUTHOR

September 24,2021

published

@Buhayexperience

10
$ 0.54
$ 0.40 from @ibelieveistorya
$ 0.10 from @Ling01
$ 0.02 from @Zcharina22
+ 1
Avatar for Buhayexperience
3 years ago

Comments

Can you translate to English please?

$ 0.00
3 years ago

Nakalakihan ko na ung pamahiin sa ngipin, sa aming mga moro/muslim ay naniniwala ang karamihan sa kasabihang yan pero di aqo naniniwala at ayokong isipin din, nakakatakot

$ 0.00
3 years ago

Narinig ko na din sa mother in law ko ung tungkol sa pagkwento ng panaginip sa puno or sa mga bagay at wag ipagsasabi sa iba,bilin daw yan ng kasamahan nya sa trabaho kc ung mother in law ko ay wala namang pamahiin. Kahit na ung nanay ko ay wala ding ganun kaya hndi ako masyadong familiar sa mga paniniwala at pamahiin ng mga matatanda,kaya nakakatuwa at nabasa ko article mo.

$ 0.00
3 years ago

Yes Sissy nagustuhan ko salamaaat. Tama si Mama mo, iba yung pamahiin sa pangitain. Yung pamahiin(superstitious) yan yung mga kakaibang mana na turo sa atin, example yung bawal magsuklay basta may patay while yung pangitain(vision/premonition) yung warning or ability mo na malaman yung future or kung may masamang mangyayari. Pasok dito yung managinip ka na may nalaglag na ipin (Hahhaha dami Kong chika, pasensya Sis)

$ 0.00
3 years ago

Hindi masamang maniwala sa mga pamahiin dahil sabi nga ng iba wala namang mawawala kung maniniwala at sumunod sa mga pamahiin.

$ 0.00
3 years ago