Makita kang muli
Akala ko nabawasan na yong hapdi na nararamdaman ko simula ng mawala ang papa ko...Akala ko kapag nagkita ulit kami ng papa ko sa puntod ay nabawasan na yong sakit na nararamdaman ko...Mali pala ako... Habang papasok ako sa cemetery kung saan nakalibing ang papa ko ay unti-unting nanghihina ang katawan ko..........Ang naaalala ko,na ang huling pagdalaw ko dito sa cemetery ay nong libing ng papa ko na halos hindi pa nga isang taon ngayon nong ilibing siya.....Itong larawan ay yong huling tanaw ko sa mukha ng papa ko na labis labis ang aking pagluha dahil sa kanyang pamamaalam....
Ngayon naman ay ang muling pagkikita namin dahil walang ibang mag aasikaso sa puntod ng papa ko kundi ako....Binisita ko siya para malagyan na din sana ng pangalan ang kaniyang puntod......Hindi ko pa kasi napapalagyan dahil may mga pamahiin dito sa lugar namin na bawal daw bisitahin ng kamag-anak ang yumao hanggang hindi pa ito umaabot ng isang taon...Pero hindi ko din natupad dahil kailangan kong bisitahin ang papa ko bago dumating ang araw ng mga patay....
Hindi ako nakatagal sa puntod ng papa ko dahil nararamdaman kong pumapatak na naman ang aking mga luha...Para na naman akong binagsakan ng labis na kalungkutan...I hope na naiintindihan naman siguro ako ng papa ko..Nagpanalangin nalang ako para sa papa ko at umalis din...Umulan din kasi tsaka sabi sa akin ng bestfriend ko na yong papa niya nalang daw yong bahala sa maglinis,magpintura at mag lagay ng pangalan para daw hindi na ako mahirapan...And super thank you talaga sa kanila and sa bestfriend ko.... Maraming salamat po sa inyong lahat po lalo na po dito sa aking mababait na sponsors... ***Pagpasensyahan niyo na po lagi nalang nakakaiyak yong mga stories ko dito sa read.cash....Ang dami ko kasing pinagdadaanan na nakakaiyak...Sana balang araw yong masaya naman para maging masaya naman ang ma ishare ko po sa inyo...*** `Sa lahat po ng readers,sponsors,upvoters,commentors and sa aking subscribers..Thanks you so much po always...` Published october 25,2021 ❤️Buhayexperience
11 comments
Napaiyak naman ako sis naalala ko din ang aking ama ,ni Hindi ko na din siya nadalaw matagal na
Naiintindihan ko po yan sis..kasi kahit matagal ng yumao ay kapag naaalala natin..andon pa din yong pangungulila..
*Sending hugs to you sis, yan din feeling ko pag bumisita sa mama ko. Tagal na di ako nakadalaw sa puntod niya.*
Nakakalungkot po. Alam ko feeling na yan kasi ganyan din ako oag dinadalaw ko puntod sa mga mahal ko sa buhay
Nalungkot naman ako sa story mo n ito sis.. hirap talaga kapag mawalan ng isa sa mahal mo sa buhay.. gusto kitang yakapin alam kong sobrang nalulungkot ka sa muli ninyong pagkikita ng papa mo.
Masakit mawalan ng mahal sa buhay, naaalala ko din ang mga magulang ko, maaga pa kami nawalan ng both parents, dipa nag aasawa ang kapatid kong bunso ng mawala ang nanay at tatay ko. Pakatatag ka sissy
Nakakalungkot talaga.ramdam ko ang naramdaman mo kc ako din namatayan ng ina subrang sakit.pakiramdam ko nawala na lahat sa akin.pero kailangan nting tanggapin kc kng nasaan man cla ngaun alam kng masaya na cla sa piling ni god...
Ramdam ko ang iyong kalungkotan... Kaya mo yan para sa iyong pamilya.. isipin mo nalang na may guardian angel kana nag babantay sayo lagi at ang papa mo yun...
Salamat po sayo...tama ka po at para sa mga naiiwan nag mamahal kailangan ko na maging malakas..
Keep fighting sis, and be strong😇💪
Keep fighting