My thursday morning

17 28
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Family

Sobrang busy ko ngayong araw,10am palang kanina feeling ko buong hapon na yong trabaho ko.

Kagabi palang ay naka plano na talaga yong paglalaba ko ngayong araw dahil hindi ako nakapaglaba kahapon.May inaasikaso kasi ako...Para hindi ako mahirapan ay kahapon palang ay nakababad na ito...

Pagising ko ngayong umaga 5am ay nagsimula na akong magluto ng almusal at siguro mga 6:30am ay nagsimula na ako sa paglalaba...Kaya lang dahil wala kaming washing machine ay inabot ako ng isang oras sa paglalaba...At nong nagsasampay na ako ay talagang andyan na si haring araw..

After ko maglaba,nag-igib ako ng tubig kasi sa bukal lang talaga kami kumukuha ng inumin,pampalagi at lahat na kailangan ang tubig😅😅

8:30Am kailangan kong asikasuhin ang mama ko..gutom na kasi siya...Madaming bawal na pagkain sa mama ko dahil kung makakakain ito na hindi pwede sa kanya ay malamang panay ubo nito...

Tamang-tama dumating ang ate ko galing sa palengke...binigyan ako ng isda,,,Ang tawag ng isda na ito sa amin ay kutaw,,sa bisaya daw ay bilong-bilong..ewan ko po sa lugar niyo kung anong tawag ng isdang ito..Masarap daw ito sa maasim na may sabaw....Ito kasi ang pwede sa mama ko kaya ito ang niluto ko para sa kanya...Maselan ang mama ko sa mga pagkain...nasanay siyang nagluluto sa kahoy kaya talaga dapat mong sundin para hindi ka niya mapagalitan...Amoy palang eh alam na ng mama ko kung saan ko niluto kung sa kahoy or sa gasul..hehehe

Kutaw or bilong-bilong
Malunggay
Kalamansi

Itong nasa taas yong mga ingredients para sa ulam ng mama ko....

At dahil ayaw na ayaw ng mama ko sa gasul ay dito ko ito niluto sa kahoy..Meron din kasi kaming dirty kitchen para talaga sa mama ko...so expected niyo na yong itsura ng kaserola dahil kahoy nga ang gamit ko.hahaha

Sinabawan

Para tipid sa oras at makatapos agad ako ng pagluluto..Ito naman ang request ng anak ko...Prinitong tamban...Dalawang klase kasi ng isda yong bigay ng ate ko...Medyo mapili din ang anak ko sa pagkain...syempre dahil bata ay kailangan na lutuan natin ng gusto nila para kumain at hindi ka mahirapang pakainin...Dito ko naman ito niluto sa gasul namin para mas madali..

Habang niluluto ko yong ulam ng mama ko sa kahoy....nagpiprito din ako sa kalan....At dahil nahirapan ako sa kahoy ay muntik pang masunog yong piniprito ko.hahahah.Nakalimutan ko na dahil mas kailangan kong bantayan yong sinabawan na niluluto ko dahil laging namamatay yong apoy...

Pakatapos kong makapagluto,siguro mga 11:25am na kanina ay dinalhan ko na ang mama ko ng kanyang paboritong sinabawan...

After ko pakainin ang mama ko ay yong anak ko naman yong panay sigaw.hahahah..Naku kahit siguro ang magsuklay ay hindi ko na nagawa.hahahaha..Sabagay tanghali na kasi at gutom na din ang anak ko..So pinakain ko din ito ng kanyang paboritong prinitong tamban😅😅..Nag request ng sawsawan..kaya lang nakalimutan ko magpabili kaya yong sinabawan nalang so ang daming nakain ng anak ko...sinusubuan ko siya kapag isda kasi bata pa baka matinik at mas ginaganahan siyang kumain kapag sinusubuan ko..

Tamang tama isang subo nalang siguro ako sa anak ko biglang kumulog...Dumilim yong paligid...Naku ang dami ko pa namang sinampay..Iniwan ko yong anak ko at dali-dali akong lumabas para kunin yong mga damit.....At maya-maya nga ay bumuhos ang napakalakas na ulan..Pagpasok ko sa loob ay tapos ng kumain ang anak ko...

Muntik ko ng makalimutan na hindi pa pala ako nananghalian dahil sa sobrang busy ko..

Ganyan po tayo para sa mga mahal natin sa buhay...Mas iniisip muna natin sila bago ang ating mga sarili...heheheh

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

Thank you so much sa aking mga mababait na sponsors...

Kayo po mga ka readers? Kumusta yong araw niyo ngayon?

Published

october 21,2021

thursday

Philippines

@Buhayexperience

7
$ 0.14
$ 0.05 from @Sweetiepie
$ 0.05 from @ibelieveistorya
$ 0.03 from @GarrethGrey07
+ 1
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Family

Comments

Wow sarap naman po, pahingi hehehheh gutom na ako

$ 0.00
3 years ago

Sarap naman po ng mga niluluto niyo. Yung tinulang isda ang the best

$ 0.00
3 years ago

Paborito ko yang malapad na parang sapsap sis.. masarap yan prito

$ 0.00
3 years ago

Nagtry nga ako sis nong isa prinito ko kaya lang nakalimutan ko na may niluluto pa pala ako...hahahah...hindi ko tuloy nakain dahil sunog na sunog binigay ko nalang sa aso kahapon.hahah

$ 0.00
3 years ago

Nakaka gutom naman po ng ulam niyo🤤 simula nung lunes puro prito po ang luto dito sa bahay eh haha kaya nasabik ako nung nakakita ako nung isada na may sabaw😅nakakagutom tuloy haha

$ 0.00
3 years ago

Kaya pala nasabik ka na sis sa may sabaw na ulam kasi 4days ng prito yong ulam mo po.hehehe..nakakasawa nga din naman.heheh

$ 0.00
3 years ago

Sis ginutom mo ako sa ulam niyo.🥺🤤 Kagabi ko pa gusto mag sabaw ng isda tas ngayon nabasa ko article mo grabe parang di ko na kaya. Ang sarap tas may malunggay pa.🤤

Pag yan ulam ko sis sigurado daming kanin mauubos ko sis at sigurado busog na busog ako.🤤🥰

$ 0.00
3 years ago

Naku sis paluto ka na dyan ng may sabaw para dami mong makain at hindi na imagination lang.hahahah

$ 0.00
3 years ago

Ang daming gawa sis,, graveh, parang Wonder woman lang,,ahahah

$ 0.00
3 years ago

Oo nga sis..napakabusy ko talaga kahapon.heheh

$ 0.00
3 years ago

Ang sipag nman.. masarap maging asawa yong mga ganito eh hahahha ung paguwi mo galing trabaho ay hanada na ang lahat malinis ang bahay nakapaglaba.. tapos aasikasohin ka pa hehe.. sana all may ganyan aswa hehehe..

$ 0.00
3 years ago

Siguro sis kung maapreciate ng asawa mo yong ginagawa mo para sa kanila..eh maswerte ka nga sa kanila..hahaha..pero maswerte naman talaga ako ngayon.heheh

$ 0.00
3 years ago

Ayy grabe nman kung hindi maappreciate yan effort mo hehe ... Talaga buti nman po at maswerte ka ngayon.. sna tuloy tuloy n po yan..

$ 0.00
3 years ago

Ang galing mong magluto sissy, masarap nga talaga ang luto sa kahoy ganyan gamit namin nong nasa mindanao pa kami. Maswerte ka naaalagaan mo pa mama mo

$ 0.00
3 years ago

Salamat sissy..hindi naman ako gaanong magaling magluto..yong mga simpleng pagkain lang ang kaya ko..hehehe..

$ 0.00
3 years ago

Ang sarap ng ulam lalo nanyong printing isda nakakamis na kainin

$ 0.00
3 years ago

Salamat sis..favorite talaga yan ng anak ko kahit hindi mo na pilitin kumain kukusa na yang pupunta sa mesa.hahah

$ 0.00
3 years ago