Ito lagi ang sinasabi sa akin ng magulang ko sa tuwing magpapabili ako ng laruan.."huwag yan kasi mahal"...Naku sayang ng pera mamaya masisira lang naman... o kaya ibili nalang natin ng pagkain para mabusog ka....Mga katagang tumatak sa sa aking isipan sa tuwing may hinihingi ako sa kanila kaya simula noon ay never na ako nag request na ibili ako ng mga laruan...
Nauunawaan ko ang aking mga magulang kung bakit sila ganyan..Lumaki kasi silang mahirap at kahit kunting barya lang ay kailangan nilang pagpawisan bago ito makuha kaya't ayaw nilang gastahin ito sa mga bagay na hindi gaanong makabuluhan.
Ang ginawa ko para magkaroon ako ng laruan at ma enjoy ko ang aking pagiging bata.Narito sa baba ang aking mga naging laruan...
DRAGONFLY
Dragonfly(tutubi)-Naaalala ko minsan kapag nahihirapan akong hulihin ito ay kumukuha ako ng walis at pinapalo ko ito o kaya isang sanga ng puno na maraming dahon ang ipinapalo ko dito at kapag nahuli ko ay tuwang-tuwa ako.Minsan nasisira yong kanyang mga pakpak pero dahil sa bata ako at hindi ko pa alam ang ginagawa ko.Ito ay ipinapakain ko sa langgam.Tuwang-tuwa ako kapag nakikita kong kumpol-kumpol yong langgam habang pinag-aagawan yong dragon fly.Minsan naman kapag nahuhuli ko itong tutubi na gamit ang aking kamay ay tinatanggalan ko ito ng pakpak para hindi makalipat at nilalagay ko sa isang garapon o kaya kahon at maglalagay ako ng langgam sa loob ng garapon😂😂
GRASSHOPPER
GRASSHOPPER(TIPAKLONG)-Tuwang-tuwa ako kapag nakakakita ako ng grasshopper.Kadalasan makikita mo ito sa sa malawak na damuhan o kaya sa green grass.Kapag nakakakita ako nito ginagaya ko..Tumatalon din ako.Minsan din hinuhuli ko at kapag nahuhuli ko ito ay inuuwi ko sa amin at nilalagay ko sa kahon tapos ipinagmamalaki ko sa aking mga kapatid na mayroon akong laruan...Si tipaklong pero pinagtatawanan lang nila ako..
GREEN BEETLE
GREEN BEETLE-Hindi ko alam ang tawag nito sa salitang tagalog pero sa amin"kalibubog"ang tawag dito...Tuwing hapon nagiikot ako sa mga puno at pinagsisipa ko yong puno para magsilaglagan itong mga beetles..Ganon ko sila hinuhuli...At kapag may nahuhuli ako ay inuuwi ko ito sa bahay at kumukuha ako ng sinulid tapos tatalian ako ang paa nito pagkatapos ay pinapalipad ng pinapalipad ko siya na parang isang saranggola..Bilang isang bata ay masayang-masaya ako habang lumilipad ito at naririnig ko yong ugong ng kanyang mga pakpak..
PRAYING MANTIS
PRAYING MANTIS-Sa lahat ng laruin ko ito ang pinaka paborito ko nong bata ako.Ang praying mantis...Para kasi itong may isip na tulad ng isang tao..Kapag tinatanong ko ito kung asan ang langit?Titingala siya na animo'y tinuturo yong langit..Kapag tinatanong ko naman ito kung asan ang lupa?Yuyuko ito at kapag nakakarinig ng tugtog sa radyo ito ay sumasayaw...Kaya sobrang saya ko nong bata ako kapag meron ako nitong praying mantis....
AUTHOR'S NOTE:
Ang mga laruan na nabanggit ko sa itaas ay isa lamang na karanasaan nong aking kabataan.Hindi ko pa alam ang tama basta ang alam ko lang magkaroon ng laruan at maging masaya..Hindi ko naisip na lahat ng ginawa kong laruan ay may buhay din at dapat pinapahalagahan..Dapat inaalagaan at hindi pinaglalaruan dahil ito ay nakakaawa...Ngayong malaki na ako kapag nakakakita ako na mga bata na pinapahirapan ang katulad ng mga nabanggit ko ay pinapayuhan ko sila at pinagsasabihan na iba nalang ang paglaruan..
Maraming salamat po sainyong lahat❤️❤️
@Buhayexperience
#Source image:unsplash edited by me.
Yung tutubi, at kalibobog sis ang nalaruan ko din noon.. pero pag sapit ng gabi alitaptap nman ang aming hinuhuli kasi nkakatuwa siya don siya dumadapo sa kahoy ng mangga at ang ganda nila tingnan tas kakanta pa kami ng. " Aninipot aninipot naglalaad ang lubot, pag bangi pag bangi tigilawan mo kami..🎶 yan yung kanta nmin sa alitaptap.. dahil dito sis nabalikan ko din ang aking kabataan hehe sarao sna na don lang tayo sa time na yun.