Hindi ko napansin ang oras hapon na naman pala....Kanina nagmamadali ako kasi baka maiwan ako ng service ko.heheh..Araw kasi para sa pagkuha ng module....At ngayon din araw para sa pagbibigay ng feeding para sa mga bata......Binigyan nga ng tig-iisang Alaska powder 330g ang bawat studyante...Good for 1week na din ito...kaya sayang kung hindi ako pumunta kaya parang hinahabol ako ng aso kanina sa kakamadali.hahaha.malayo kasi sa lugar namin ang paaralan ng anak ko...
Pag-uwi ko naman ng tanghali ay nakasalubong ko Ang ate ko at tumawag daw yong bhw ng barangay namin at kailangan daw mabakunahan yong anak ko..6 to 7yrs old daw...Tamang-tama sa anak ko kasi 6yrs old na siya....Sayang daw kasi ng gamot..Anti tetano at missles kaya dalawang turok yong ibinakuna sa anak ko...Habang tinitingnan ko yong karayom na itinuturok sa anak ko..Ang feeling ko ako yong nasasaktan.hahaha..pero believe ako sa anak ko kasi kahit dalawa yong itinurok sa kanya...nagawa niya pang magbiro...tinanong ko Kung masakit....Ang sagot sa akin hindi daw...dapat nga daw mga tatlo pa.hahahahahah...may pinagmanahan...
Malaking tulong na din yan para sa kalusugan ng anak ko Lalo na ngayong madaming lumalaganap na sakit.hehehe...
Actually bukas din yong re schedule ng bakuna ko for covid....Sana matuloy na at goodluck nalang sa akin.hehehe...Feeling ko para akong sasabak sa exam at kailangan kong pag handaan..hehe..
Sa aking mababait na sponsors thank you so much.....sa mga gusto din na bisitahin Ang kanilang account..click niyo lang po sila...
To all my readers,upvoters,commentors...thank din po sa walang sawang pagbabasa ng aking articles...God bless po sa ating lahat and more blessings pa po sa atin..
Published
November 22,2021
❤️Buhayexperience
Ay sana naman always hahahah may ibibigay silang gatas. Pagpalain silang mga mabubuti ang loob. Sana magpatukoy para marami din silang matulungan