Isang araw nalang ay halloween na

6 43
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Mahal sa buhay

Parang ang bilis ng panahon,,parang kailan lang...Malapit na pala isang taon na hindi namin kapiling ang papa ko....Sana kasing bilis din ng panahon yong sakit na nararamdaman ko para mawala agad at makapag move on...

Habang nasa puntod ako ng papa ko at nagsindi ng kandila...Hindi ko mapigilan yong pag-iyak habang pinagmamasdan ko na tumutulo yong kandila..Naalala ko yong sinasabi ng matatanda na kapag daw madaming luha yong kandila ibig sabihin umiiyak din yong namayapa....

Habang kinakausap ko ang papa ko..Yong feeling ko andyan lang ang papa ko sa tabi ko..Bigla akong nakaramdam ng panlalamig ng katawan..Feeling ko niyakap ako ng papa ko at sinasabing ok na siya kung saan man siya naroroon....

Hindi ko maiwasan na maalala yong mga good memories namin ng papa ko habang nasa harapan niya ako........Isa sa mga naalala ko yong pangarap ko nong bata ako na makasakay ng kalabaw habang naglalakad ito..Dahil sa may alaga na kalabaw ang papa ko ay kapag nagpapastor ang papa ko nito..ay lagi nya akong isinasakay at sobrang saya ko.....Nong malaki na ako sa tuwing humihingi ako sa kanya ng buko agad naman siyang kumukuha para sa akin sa apo niya....Sa tuwing galing ako sa trabaho pag-uwi ko agad akong tatanungin ng papa ko kung meron daw akong bente pesos dahil bibili daw siya na sigarilyo.😅😅😅Nakakamis talaga yong mga moment na kahit kailan ay hindi na pweding maulit.....Kilan ko kaya matatanggap na wala na ang papa ko...Hays.....

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty
empty

Maraming salamat sa aking mababait na sponsors..At sa mga gusto silang makilala ay maaari niyo din pong bisitahin ang kanilang mga accounts...

Isang araw nalang at halloween na....Ngayon bawal ng pumasok ng sementeryo dahil sa sitwasyon natin...kaya sobrang nakakamis din yong mga time na pwede tayong dumalaw sa kanila every halloween..Madaming tao,at may kanya -kanyang dalang pagkain.....Sayang nga lang at sa unang taon ng papa ko ay hindi namin siya masamahan.....

Thank you so much sa aking mga readers..sa walang sawang pagbabasa ng aking mga artikulo kahit na nakakaiyak.heheh...

Published

october 31,2021

original photos

❤️Buhayexperience

9
$ 0.03
$ 0.03 from @Sweetiepie
Avatar for Buhayexperience
3 years ago
Topics: Mahal sa buhay

Comments

Masakit po talaga mawalan ng mahal sa buhay wala tayong magagawa kundi tanggapin nalang kahitmasakit..

$ 0.00
3 years ago

Siguro nga po sis..Sana matanggap ko na din na wala na ang papa ko...siguro sa ngayon medyo mahirap pa kasi sariwa pa masyado but darating sin siguro yong time na ok na ako..

$ 0.00
3 years ago

Nakakalungkot man sis na mawalan ng mahal sa buhay pero kilangan mag move on pero d ibig sabhin kakalimutan natin sila hehehe.. ako din gusyo ko din sumakay kalabaw kaso ang prob. Wala kmi kalabaw hehe.. Sabi daw dahil sa pandemic hindi daw pwd tayong dumalaw sa cementeryo sabi daw yung mga patay sila nalang daw ang dadalaw sa mga bahay natin heheh pero may protocol parin kilangan naka faceshield and facemask daw hahaha and social distancing parin hehe

$ 0.00
3 years ago

Sana nga po sis makapag move on na din....sa ngayon medyo mahirap pa kasi bago palang kasi...

Nakakatuwa sis sumakay ng kalabaw....sayang di mo po naranasan.heheh

$ 0.00
3 years ago

Matagal talaga tayo nakakamove on lalo na kapag mahal natin ang isang nawala

$ 0.00
3 years ago

Oo nga sissy ang hirap talaga makapag move on.

$ 0.00
3 years ago