Minsan talaga may mga bagay na kailangan mong gawin kahit nahihirapan ka na...
Andito na naman ako ngayon sa sitwasyon na ayaw kong mangyari.....Araw-araw,gabi-gabi ay kitang-kita ko ang paghihirap ng mama ko habang unti-unting bumibigay ang kanyang katawan.....Sa akin hindi naman mahirap ang alagaan ang isang magulang dahil tanda lang ito ng pagmamahal natin sa kanila habang nabubuhay...Alam niyo po ba kung alin ang mas mahirap at masakit bilang isang anak???Yon ay yong wala kang magawa para mawala yong sakit na nararamdaman ng mama mo......Minsan hinihiling na nga ng mama ko na sana kunin nalang siya kasi buhay nga siya pero halos isang taon ng nahihirapan ng kanyang sakit....Dahil din sa sitwasyon ngayon ay nahirapan na din kaming dalhin siya sa hospital dahil baka doon lang mas mapadali yong buhay niya tulad ng nangyari sa antie ko.........
Akala ko kapag bunso swerte kahit sa mga obligasyon.....pero bakit ganon,ako yong bunso pero feeling ko pasan ko lahat ng obligasyon....yong bawal sa akin ang magreklamo kasi dami kong obligasyon...Feeling ko nga din nakaka quarantine ako sa bahay kasi hindi ko pwede iwan ang mama ko..kahit minsan gusto ko din magrelax para din sa kalusugan ko pero hindi pwede.Minsan gusto ko ding sabihin sa mga kapatid ko na tulungan niyo naman ako sa mama natin..24hrs kong nakikita siyang nahihirapan samantalang sila kahit isang oras lang ang dalawin Sana ang mama namin ay hindi nila magawa dahil sa dami din nilang dahilan......Minsan nakakapagod na din yong mag intindi lalo na kapag umaataki din yong sakit ko...Nanghihina din naman ako..hindi naman ako robot........Minsan kinausap ko na din sila pero wala din.....dahil may mga rason din kung bakit sila hindi nakakapunta....pero kung tutuusin pwede nga namang lakarin papunta dito sa bahay ko...Ang lapit lang nila.......Hay...pasensiya na mga ka readers gusto ko lang mailabas yong saloobin ko..sobrang bigat na kasi sa pakiramdam.....
Thank you so much to all my sponsors...
Hindi pa ako nakakapag move on sa papa ko pero ito na naman ako sa mama ko....
Ang ikli lang ng article ko na ito pero hindi ko matapos tapos ....Alam niyo po ba kung bakit kasi tinawag ako ng mama ko....Huwag ko daw siyang iwan kasi ang sobrang sakit na daw ng dibdib niya😭😭😭...Tagos sa dibdib ang sakit habang nakikiusap sa akin ang mama ko.....pasensiya na mga ka readers...Hindi na ako makapag concentrate...
❤️Buhayexperience
Sis nararamdam ko ano nararamdaman mo. Wag lang mawalan ng pag asa sis. Mag pray ka lang palagi at alam ko na tutulongan ka ni God. Basta maniwala ka lang at magdasal at maging sincere lang kay God. Sending prayers to your mom sis.🙏