Hindi lahat ng heart broken ay yong magjowa or mag asawa lang..Minsan kapag nawala isa sa mga mahal mo sa buhay.
I'm sorry if I just want to share this..Sa mga ayaw po pwede niyo naman na huwag pansinin...heheh.Gusto ko lang ilabas yong nararamdaman ko ngayon...
Ang mama ko ay laking Visaya..Sa kalibo Aklan..Ang papa ko naman taga bicol..Ang layo nila sa isat-isa..Pero dahil sa mahal ng mama ko ang papa ko ay mas pinili ng mama ko na sumama sa papa ko dito sa bicol..Sa manila sila nagkita at nagkaibigan....For a short story...Napawalay ang mama ko sa kanyang pamilya at 48yrs na mula noon na never silang nagkikita ng kanyang mga kapatid..Super layo po kasi talaga ng mama ko ...Nong mauso nga yong vediocall ay saka palang sila nagkita..Naalala ko ngayong taon lang yong last paguusap nila ng mama ko at kitang-kita ang tuwa sa kanyang mga mata...
Ngayon hindi ko alam kong anong sasabihin ko sa mama ko na wala na ang kapatid niya.Galing ako sa friend ko kahapon at para akong lutang na hindi ko maintindihan..Kahit nga yong friend ko nahalata din yong attitude ko kahapon..Paguwi ko ng bahay ay lutang pa din ako..Hanggang kinagabihan ay may natanggap akong mensahe galing sa aklan na wala na nga ang kapatid ng mama ko...
Matanda na ang mama ko ngayon..Nasa 70yrs old na siya at may karamdaman..Lagi niya sa akin sinasabi na magvevediocall sila ng kapatid niya..Kaya lang paano ko sasabihin gayong may malubhang sakit din ang mama ko.Bilang isang anak ay iniisip lang namin ang kanyang kapakanan.At kapag nalaman niya ay lubos na itong ipagdaramdam..At baka ito din ang magiging sanhi ng mas lalo niyang paghina.Natatakot kami na mawala din siya..Kaya lang sa isang side ng utak ko ay kailangan naming sabihin sa kanya dahil karapatan niya yon at baka kapag hindi namin sinabi at malaman niya kapag nalibing na ay baka magdamdam ng labis sa amin...
Sobrang nahihirapan ako mag decide ngayon..Nasasaktan ako sa pagkawala ng auntie ko..Kaya mas minabuti ko munang pumunta ng dalampasigan ngayon..Para ma refresh ang utak ko at makapag isip ng tama...
Sobrang ganda ng beach ngayon kaya lang high tide...Ang sarap langhapin ang sariwang hangin...
AUTHOR'S NOTE:
Ipagpaumanhin niyo ang aking kwento sadyang nasasaktan lang ako ngayon.Maraming salamat sa aking mga readers na patuloy na naniniwala sa akin..
Big thanks to my sponsors
Godbless us all
I feel your pain sis.. I hope that your mother will accept it eventually magpakatatag lang po kayo at may awa ang diyos.. may dahilan ang lahat kung bakit nangyari yun.. ppagpray nalang natin ang kaniyang kaluluwa.