Hello my fellow readers.I just wanted to share again some of my experience about being single and married.I hope you like it❤️❤️
Sa mga single po dyan I think makaka relate po kayo and this is for you.
One of my experience for being a single ay tanging sa magulang ko lang nagpapaalam sa tuwing uuwi ako ng bahay ng late sa bahay..
Reason kung bakit ako late ng paguwi?
Habang nasa trabaho ako, kapag may mga ka workmates akong may birthday at hindi ko alam.Andon ko lang nalalaman kapag pumasok na ako ng trabaho ay minsan nagkakayayaan na after nang duty ay kakain sa labas or minsan nga pumupunta pa sa mga bar para sa inuman.Pero dahil hindi naman ako umiinom ng alak.hahaha..Tubig lang talaga and juice😂😂.Sumasama lang ako para kumain at para huwag ding sabihin na wala akong pakisama...hahaha..Syempre napapasama na din sa tropa at kapag napapasarap ang kwentuhan at kapag may vedioke pa ay talagang umaga na kung umuwi at galit na galit ang magulang ko kahit nagtx naman ako.Naiintindihan ko naman kasi nag aalala sila sa akin.
Minsan naman kapag may mga emergency na gathering tulad ng may paparty yong mga boss at kung ano-ano pa..Go lang ako ng go kasi nga sabi nila kailangan daw natin mag enjoy habang single pa.hahah
Sumasama ka ba sa outing?
Yes kapag nagyayaya ang aking mga kaibigan na mag suswimming.Syempre sumasama din ako.At alam na yan ng mama ko kapag nag peprepare na ako ng mga pagkain,damit at kung ano-ano pa.Naaalala ko sasabihin nalang sa akin ng mama ko..Sige ingat kayo don.Huwag kayong magpapagabi at maraming lasing sa daan..Baka kung mapano kayo...Syempre sasabihin ko din na opo mama..Uuwi agad ako..hahaha.Pero hindi ko yon natutupad kasi nga kapag kasama na ang mga barkada.Nalilibang na ako masyado.Hindi na namin namamalayan yong oras.Ang alam lang namin masaya kami sa aming mga ginagawa.Wala kaming pakialam kahit umagahin ng uwi basta nakauwi naman kami ng maayos.
Isa lamang ito sa aking mga naging karanasan nong ako ay isang single.
Ano ang pinagkaiba ng pagiging single at sa meron ng asawa?
Relate dito yong may mga asawa na.
Madaming nabago at kailangan kong iadjust sa buhay ko nong ako ay magkaroon ng sariling pamilya.Nong wala pa akong anak medyo nagagawa ko yong mga bagay na nagagawa kong single ako.Nakakapag jamming pa din ako sa aking mga kaibigan..Pero nong magkaroon ako ng sariling anak.Doon ko naramdaman ang pagiging isang ina.Naalala ko lahat ng pag-aalaga sa akin ng aking mama.Narealize ko din kong bakit siya nagagalit sa tuwing umuuwi ako ng umaga at laging kasama ang mga barkada...Ang pagiging isang ina ang pinaka malaking resposibilad pala na kailangan ay magampanan mo ng tama para ang iyong anak ay hindi mapasama.
Binago ko ang dating ako nong ako ay single.Hindi na ako sumasama sa mga kaaibigan ko kung hindi lang naman masyadong importante yong pupuntahan.Kasi naisip ko sayang ng oras.Dapat sa pag aasikaso ko na yon sa aking pamilya lalo na sa aking anak.Ayaw kung ipagkait sa bata yong kunting oras nalang na inilalagi ko sa aming tahanan dahil maghapon akong nasa trabaho.Kung noong single ako ay lagi akong umuuwi ng late.Ngayong may asawa na ako ay pakatapis ko ng trabaho ay excited agad akong umuwi ng bahay para lang makita ang aking anak.Ngayon ko lang na realize na ang totoong kaligayahan ay kapag nagkaroon ka ng sariling anak.Tama mahirap talaga ang pagiging isang ina pero hindi yon magiging mahirap kapag nagmamahal ka ng isang anak.
Hindi lahat ng nagkakaroon ng sariling pamilya ay binibiyayaan ng anak kaya masasabi kong isa ako maswerte dahil isa ako sa mga pinalad na magkaroon ng sariling anak.
Author's note:
Thank you sa patuloy na nagbabasa ng aking artikulo.Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo..Base sa kwento ko..Ipagpaumanhin po ninyo kung hindi ako nag focus sa asawa.Mas nabago po kasi talaga yong buhay ko ng maging married ako nong magkaroon ako ng anak.Kasi 5yrs din kami nagsama bago kami binigyan ng anak pero nong mga panahon na yon nagagawa ko pa din ang pagiging single ko pero nong magkaanak ako madaming nabago sa buhay ko...
Hanggang sa muli po at sana ay nagustuhan niyo ang aking kwento.Godbless po and more power..
Source images:unsplash and some are captured by me..
Grabe, wala pa akong anak pero ramdam kita. Malaki talaga ang pinagkaiba, noon wala kang ibang iniisip kundi sarili mo, ngayon kailangan mong magsumikap para sa anak mo. Yung isang ina kase ang nagsisilbinh ilaw nang tahanan kaya saludo ako sa inyo.