Join 83,584 users already on read.cash

Choice mo din ang pumili

4 11
Avatar for Buhayexperience
Written by   57
2 months ago
Topics: Vaccinated

Hindi na ako makatulog dahil sobrang sakit ng braso ko at nilalagnat pa ako gawa ng vaccine kahapon....kaya ito naisipan ko nalang ginawa ng article....Share ko nalang sa into yong nangyari sa akin kahapon habang magpapa bakuna...Ewan ko kong may sense ito.haha.wala lang akong ibang ma topic ngayon...

Dahil nga sa alam namin Ng Pamangkin ko na sobrang tao na naman kaya inagahan talaga namin dito sa coverd court malapit lang sa Amin.....6am palang ay andon na kami at tama nga dahil pagdating namin doon ay meron na ding mga tao..karamihan mga teeneger nasa 12 to 17yrs old kasama yong parents nila kasi required nga daw.....

Gusto ko talagang bakuna ay Pfizer dahil nga sa may cyst ako sa breast kaya lang hindi daw pwede sa akin kasi naka required daw yon para lang sa mga menor de edad...Ang para daw sa amin ay sinovac and astrazeneca....yon pa naman yong bakuna na ayaw ko..mas ok pa nga yong moderna ong para sa akin..hahah..pag pasensyahan niyo na mga ka readers kong mapili talaga ako sa bakuna Sabi nga daw depende naman yan sa katawan na na nabakunahan....Kung mahina daw ang resistensiya eh talagang mararamdaman yong epekto ng bakuna...pero meron din nakapagsabi sa akin na isa sa bhw na kapag daw may epekto yong bakuna sa atin ibig sabihin daw mas maganda yon Kasi effective yong bakuna.......pero kahit na ayaw ko nga ng may karamdaman kasi ang dami kong obligasyon sa buhay..

Nong mag bigayan na ng form ay nakiusap ako sa bhw Kung pwede Pfizer sa akin..at naawa siguro kaya binigyan ako pero baka nga daw mapagalitan sila...

Nong tingnan ko yong form ng Pfizer eh para talaga sa menor de edad....

Nong mag start na ay sinabi ng nasa front na hindi daw pwede ang pfizer sa 18 yes old pataas kaya nilapitan ako ng bhw at binigyan ako ng sinovac form...wala akong choice kahit ayaw ko non.....

Dahil sa maaga kami eh nauna din kami sa pila....nakakatawa nga kasi nong malapit na ako sa interview eh umalis ulit ako sa pila kasi may nakita akong dumating na moderna..para hindi ako makilala ng bhw na naka Ilang hingi na ako ng form eh inutusan ko yong aking pamangkin na siya naman yong humingi and thanks God dahil binigyan siya...Another fill- up na naman ako hahaha..bale tatlong form yong na fill-upan ko hahaha..daming nasayang pero ok ka yon kisa naman sa mapunta ako sa ayaw kong bakuna.hahaha

At ito na nga yong final ang moderna...feeling ko habang papalapit na ako sa nurse iniisip ko na kukuha lang ako ng ayuda para huwag kabahan.hahaha

Sa wakas natapos din..paguwi ko sa bahay naglaban ako,nagwalis,naghugas ng Plato for short nagpapakabusy ako Kasi nararamdaman ko na yong sakit at pananamlay ng braso ko..feeling ko maiistroke yong kamay ko.hahahah

Nong hapon na eh napuyat talaga ako kaya nakatulog ako...kaya lang pagising ko nahirapan akong huminga...tumayo ako at nagpaka busy ulit....Tapos ito nga hindi ako makatulog ng maayos kasi masagian lang ng anak ko yong braso ko sobrang mapapasigaw na talaga ako sa sakit..Ang likot kasing matulog..tapos nahirapan din akong huminga..tapos may trangkaso pa...Kaya gumagawa ako ngayon ng article eh nakatayo talaga kasi mas comfortable akong huminga kapag nakatayo....

Sponsors of Buhayexperience
empty
empty

By the way thank you so much sa aking mababait na sponsors....

So tama nga sila kahit anong bakuna pa yan Basta mahina ang resistensiya eh mararamdaman mo din yong epekto...heheh...siguro dahil sa may sakit ako kaya Ganito..

Kayo mga ka readers lalo na po yong mga vaccinated na ano po yong naging experience niyo sa pagpapabakuna?

Published

Nov 24,2021

❤️Buhayexperience

7
$ 0.07
$ 0.05 from @LykeLyca
$ 0.02 from @BCH_LOVER
Avatar for Buhayexperience
Written by   57
2 months ago
Topics: Vaccinated
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Sa akin di pa ako nakapavaccine sis, sabay na daw kami ng partner ko kaya hintay ko nalang matapos yung trabaho niya this week

$ 0.00
2 months ago

Goodluck po sis sa inyo ng partner niyo..nakaka proud din kapag nabakunahan na Kasi feeling mo nanalo ka sa gyera.hahahah

$ 0.00
2 months ago

Sa moderna po medyomabigat sa unang dos nas mabigat po sa 2nd dose. Have some rest po😊

$ 0.00
2 months ago

Ganun po ba sis...grabe ngang sakit sa braso ko

$ 0.00
2 months ago