read.cash Log in

@Buhayexperience

Joined 14 September 2021 · 67 posts

Gawing inspirasyon ang lahat ng pagsubok sa buhay.

120 KT

0 KT · $9.08 received · 0 KT · $2.15 given

Posts

@Buhayexperience

Pagpasensyahan niyo na po kung hindi muna ako makakapagsulat ng article ngayon..Busy po kasi ako sa pag asikaso ng puntod ng papa ko...Medyo pagod na din po baka mamayang gabi or bukas po ako makagawa ulit....

@Buhayexperience

Kahit nag-iingat na nasasagasaan pa din Naranasan niyo na po ba yong kayo yong nakakabatang kapatid pero feeling niyo kayo yong panganay?? Bale tatlo nalang kaming magkapatid na naiwan at ako yong pinakabata sa kanila..Pero sa oras ng kagipitan ako po talaga yong laging nilalapitan...Alam kasi siguro nila na hindi ko sila matanggihan..... **July 2020** Nasagaan ang kuya ko ng hindi inaasahan...Mabuti nalang at hindi siya namatay at yon nalang ang ipinagpasalamat namin...Habang pauwi siya ng bahay nila galing sa trabaho....Mahilig talaga siya maglakad pag-uwi para tipid daw sa pamasahe...Apat kasi ang anak niya at buntis pa ang asawa.....Hindi niya na pansin na may mabilis na truck na dadaan at patawid na siya noon....Nasagasaan yong paa niya..Dahil sa gabi na noon ay walang nakakita at tinakasan siya ng driver ng truck...Mabilis itong tumakbo palayo at hindi man lang nakuha yong plate number ng kuya... May nakakita sa kuya ko na duguan at agad itong tinulungan....Mabuti nalang at kilala siya ng mga tumulong sa kanya at agad akong pinuntahan sa bahay para ipaalam ang nangyari...9Pm na noon ng gabi at halos nataranta na din ako kasi oras na yon ng pahinga ko....Isinugod naman siya sa pribadong hospital dito malapit sa amin..Dahil sa pandemic na nga at mahirap na ang sitwasyon ay hindi ito tinanggap sa lugar namin kaya kinailangan namin dalhin sa isang private hospital dahil kailangan daw operahan.....Litong lito ako kung saan kukuha ng mga pang bayad sa hospital...Pero dahil sa tulong ng aking mga kaibigan ay nakaraos din kami...After 1week na mailabas ng kuya ko sa hospital ay kinailangan pa nitong alagaan sa bahay nila dahil hindi pa ito makalakad....Nakita ko sa mukha ng kuya ko ang sobrang sakit dahil sa sugat ng paa niya... Mabuti na lang din at may kaibigan ang kuya ko na magaling din gumamot ng sugat....kasi ako mahina talaga ako kapag sugat na yong pinag-uusapan....eh sobrang laki pa naman ng sugat niya kaya feeling ko nanghihina buong katawan ko kapag nakikita ko ito....Pinag tulong tulungan namin yong panggagamot sa kuya ko..... Makalipas ang ilang buwan ng pabalik balik namin ng hospital ay hindi pa din magaling ang kuya ko...Sobrang naawa ako sa kanya dahil kahit pag trabaho niya ay natigil na din...Araw-araw ay binibisita ko siya lagi at dinadalhan ng kanyang mga pangangailangan..... Thank you sou much sa aking mababait na sponsors..... **Message....** Dapat ay kailangan natin maging maingat.....Pero minsan hindi talaga maiiwasan ang isang aksidente......Kaya lang hindi na maibabalik ng kuya ko ang nangyari..At habang buhay niya ng dadalhin yon...dahil hindi na siya makalakad ng tulad ng dati...... Maraming salamat po sa aking mababait na readers,upvoters,sponsors and commentors....godbless you all.. Published october 24,2021 @Buhayexperience

@Buhayexperience

Kuya ano ba talaga ang nangyari? Naniniwala ba kayo na may lason yong bubog ng florescene or ilaw?For me hindi ko na alam kung ano ba talaga ang totoo.. Ang kuya ko ay mahilig talaga makisama sa kanyang mga kaibigan at minsan laging napapasama sa inuman..Nong kasal ng friend ko ay andon din ang kuya ko..Nakita ko nga ito na medyo lasing na din...Sabi ko sa kanya na umuwi na sya at sigurado hinahanap na siya ng kanyang asawa.....***May anak silang isang lalaki na 1yr old......***.Sabi sa akin ng kuya ko uuwi na daw siya isang ikot nalang ng baso...Nakita ko tumayo ang kuya ko..Akala uuwi na siya pero iihi lang pala...Umuwi na ako nong time na yon... Kinabukasan pumunta sa akin ang kuya ko at super sakit daw ng tiyan niya..Sabi ko naman baka nasobrahan ka lang ng inom kahapon..so yon din ang paniniwala ng kuya ko...Makalipas ang ilang buwan ay palala ng palala yong nararamdaman ng kuya ko...Nong time na yon ay ako lang talaga yong may work sa amin...So nag decide ako na iadmit ko siya isang public hospital dito sa amin....Ako yong nag asikaso ng lahat ng pangangailangan niya..Bilang nakakabatang kapatid ay super love ko talaga ang kuya kong yon...Super sipag niya kasi...halos 24hrs kung magtrabaho para lang sa kanyang pamilya..Sabihin na natin na isa siyang napaka responsible na asawa at ama.... Habang nasa hospital siya ay lagi niya sa akin sinasabi na yong asawa at anak niya daw baka wala ng makain...Sabi ko naman dont worry kasi marami kaming tumutulong sa kanya..Ang isipin niya lang ay gumaling siya....Dahil na din sa tulong ng mga kaibigan ay after 2weeks ay naiuwi namin siya...Then ang findings ng doc sa kanya ay ok naman daw at baka nakakain lang na hindi ayon sa kanyang panlasa...Ang payo lang ng doctor ay huwag na huwag daw siyang pakainin ng matitigas lalo na sa kanini dapat yong bagong luto daw huwag na yong tira... Sinabihan ko na yong asawa niya about sa bilin ng doc...After ko maiuwi ang kuya ko sa hospital,,ang sabi ko sa kanya ay magpahinga muna pero dahil sa iniisip ng kuya ko ang kanyang pamilya..Ay pumilit na siya magtrabaho....Gumagawa siya ng hallowblocks at binabayaran siya depende kung ilang sako ng semento yong maubos niya...Ang isang sako ng semento ay katumbas ng 80 hallowblocks at binabayaran lamang siya ng 90 pesos pa noon.. Makalipas ang ilang buwan ay lumala ulit ang sakit ng kuya ko..kaya lang ayaw niya magpadala sa hospital..Sumusuka na siya...excuse me po sa mga kumakain dyan....Tinanong ko ang kuya ko....Sabi ko sa kanya Saan ba talaga nagsimula yong pananakit ng tyan mo?Doon nga daw sa inuman nong kasal ng friend ko...Umihi daw siya,pagbalik niya ay meron ng nakalagay sa kanyang baso para inumin..dahil nahiya siyang itapon at dahil na din sa pakisama sa mga kainuman ay ininum niya daw ito...After niyang inumin nahilo na daw siya kaya pumilit na siyang umuwi..at sa bahay nga naramdaman niya na yong pananakit ng tiyan.. Makalipas ang isang taon na pagpapagamot namin sa kuya ko kung saan-saan na namin ito dinadala kahit nga sa mga albularyo pero wala pa ding nangyari......Sobrang pumayat na ang kuya ko at halos hindi ko na makilala...Ang itsura niya parang kalansay na..Nong time na yon ay kailangan ko mag doble trabaho kaya hindi ako umuuwi ng bahay..Nagpapadala nalang ako sa kanila ng pera...... Habang nasa duty ako ay tumunog yong phone ko...Nong tingnan ko ay number ng ate ko...Sinagot ko ito pero boses ng kuya ko ang sumagot..maayos pa naman kasi yong salita niya.. **Conversation namin ng kuya ko** **Ako:**Hello kuya kumusta ka na? **kuya ko:**Nhe hindi ko na kaya uwi ka na muna.. **Ako:**Sige kuya uwi ako sa sunday kasi yon yong day-off ko.....Nong tumawag ang kuya ko ay araw ng friday **Kuya ko:**Pwede bukas na kasi kung sunday ka umuwi hindi mo na ako makakausap.. ***Tumulo ang luha ko....*** **Ako**:Sige kuya kausapin ko yong boss namin at makikipag swap nalang ako... **kuya ko:**Salamat nhe.. Naputol na yong linya....Pero hindi na ako makapag concentrate magtrabaho nong time na yon.. Kinabukasan araw ng sabado ay umuwi ako ng umaga...Andon si mama,papa ko,,yong isa din na kuya ko at si ate...Pagdating ko sabi sa akin ng kuya ko bumili daw ako ng yelo..Sumunod naman...pakabili ko nito ay ilinagay ko sa isang pitsel at kumuha ako ng baso kasi ang akala ko ay iinumin ng kuya ko..pero nagulat ako dahil ibinuhos niya ito sa kanyang katawan..sobrang init daw kasi...Sa akin talaga siya naglambing....ipinakuha niya sa akin yong kanyang toothbrush at nagsipilyo pa siya...After niyang bihisan ni mama ay humiga na siya......Sabi niya sa akin....Nhe gustong-gusto ko pa sana mabuhay kaya lang parang ayaw na ata ng katawan ko...Madami pa akong gustong gawin at puntahan pero hindi ko na kaya...Sagot ko naman.....Kuya magagawa mo pa yang lahat..manalig ka lang sa itaas at gagaling ka...........Ayaw ko magpakita sa kuya ko na umiiyak ako kaya pumunta ako sa likuran namin sa labas at doon ako umiyak ng umiyak..sinundan din ako ng ate ko at umiyak din......11am na at kailangan na din umuwi ng at at kuya ko sa mga asawa nila na medyo malapit lang sa bahay namin dahil magsasaing palang sila...Tapos yong papa ko naman ay umalis muna...So kami nalang ng mama ko ang naiwan....bumalik ako sa kwarto ng kuya ko... Sabi ko sa kuya ko..ang bata mo pa kuya..23yrs old ka palang at madami ka pang magiging anak... Nong time na yon ay sa bahay din ng byanan niya nakatira yong anak at asawa niya..binibisita lang siya kasi ayaw niyang makita ng anak niya yong nangyayari sa kanya.... 2:45pm na ng hapon,wala pa din ang isa kong kuya at ate ko....Kahit si papa ay wala pa din...Tinawag ako ng kuya..... Habang nasa harapan namin siya ng mama ang una niyang kinausap ang mama ko,... Mama....maraming salamat sa lahat ng pag-aalaga at sakripisyo mo sa akin..na halos pabulong na ang sinasabi ng kuya ko... Lumingon naman sa akin ang kuya ko......Nhe pasensya na at hindi ko na masuklian yong mga naitulong mo sa akin...Habang hawak na hawak niya yong kamay ko.....Sagot ko naman sa kuya ko wala yon kuya kahit ano pang tulong gagawin ko basta gumaling ka lang.. Sabi ulit na kuya ko......nhe maraming salamat..yong anak ko huwag mong pabayaan....na halos pautal-utal na yong sinasabi ng kuya ko...😭😭😭...sabi ko naman ako na bahala sa anak mo...after ko noon sabihin sa kuya ko ay may narinig akong parang naputol na ugat sa kanyang lalamunan at nawalan na siya ng hininga....doon na ako umiyak ng umiyak... Ngayon ang anak niya ay 11yrs old na..Nasa 9yrs na nong mamatay ang kuya ko at minsan dito natutulog ang anak niya sa akin tulad ngayon..minsan naman andon sa mama niya.. Thank you so much to all my my amazing and generous sponsors.. May nakapagsabi sa amin na nilason daw yong kuya ko sa inuman...Yong nilagay daw sa baso ng iniinom ng kuya ko ay yong bubog galing sa ilaw..Unti-unti ka daw noon papatayin...at wala daw na gamot non dahil kumakapit daw yon sa bituka.......Kung totoo man yon,,si god na ang bahala sa kanya.... End...................................................... Thank you so much sa aking mga sponsors,upvoters,commentors and readers sa always na pag support po sa akin....At dahil po sa inyo ay meron na po akong 500views kaya super duper thank you po sa inyong lahat..Godbless you all.. Published october 23,2021 Saturday 7:41am Philippines @Buhayexperience

@Buhayexperience

Bakit kaya ganito ang aking panaginip Naranasan niyo na ba mga ka readers na kapag kakaibang panaginip at feeling niyo sa isang panaginip na yon ay parang nagpapahiwatig ng isang babala at makalipas lang ang isang araw o hindi pa 1week ay nangyayari lahat ng napanaginipan mo?Sa akin po ay kadalasan na nangyayari kaya ayaw na ayaw ko ng managinip na parang nag hahatid sa akin ng babala...Kasi ilang beses ko ng napatunayan...Simula sa dalawang kapatid ko na namatay..by the way hindi ko pa na kukwento sa inyo yong isa kong kapatid.....Sa aking papa bago namatay,,Sa mga kapinsanan ko...ewan ko ba kung bakit ganito ang nangyayari sa akin.........Ngayon naman pagising ko ay meron naman akong kakaibang panaginip at mukhang nagbabala sa akin...Biglang pumasok sa akin ang mama ko na may sakit..."Diyos ko" huwag naman sana at ngayon palang gusto ko ng putulin ang aking paniniwala na hindi nagkakatotoo ang aking mga panaginip...Mas malakas pa din ang paniniwala ko sa itaas kaya hindi mangyayari ang panaginip ko ngayon...... Kahit yong nangyaring super typhoon rolly before nagsimula yong bagyo ay nakita ko sa aking panaginip na nagbabala ito na super lakas daw.......ikwento ko sa inyo... 2days before dumating ang bagyong rolly ay talagang maganda pa ang panahon dito sa amin...Habang nagwawalis ako sa likuran ng bahay namin ay may nakita akong isang bata na siguro yong edad niya nasa 8 or 9yrs old..Nakatalikod at nakikita ko yong isang kamay na may hawak na isang kahoy habang nagkakalkal ng lupa...Sure akong lalaki siya dahil sa suot niyang damit at sa ulo na talaga namang lalaki...Ang sumagi sa isip ay yong pamangkin ko lang kaya hindi ko ito pinansin dahil gusto ko ng matapos yong winawalis ko....Tinalikuran ko yong bata at nagulat ako dahil nakita ko yong pamangkin sa may harapan ng bahay namin..biglang tingin ulit ako sa likuran ko at wala na yong bata....Nagtaka ako kung anong ibig sabihin noon?Actually yong mga nakikita ko ay natural na talaga yon sa akin kaya ang iniisip ko nalang noon ay kung ano ang ibig sabihin ng ipinapakita niya sa akin at bakit siya nagkakalkal ng lupa...Alam ko talaga noon may papalapit na bagyo sa lugar namin....Kinagabihan din ng araw na yon ay nanaginip ako..Napakalaking baha,tapos yong mangga namin sa likuran ay nakikita ko na yong mga ugat na napuputol....Tapos napakalakas ng hangin at nililipad yong mga yero....Nagising ako noon...Naisip ko bakit kahit sa panaginip ko ay may babala ulit.. Kinabukasan bago dumating ang bagyong si rolly ay dinig na dinig ko na sa aming mga kapitbahay na medyo malayo din sa bahay namin ang mga pag-aayos ng bahay...May mga naririnig akong nag-aayos ng mga bubungan...Naisip ko siguro malakas nga talaga yong bagyong paparating..Nasa work pa noon ang partner ko..Ang papa ko naman ay busy pa din sa pagtatanim...Dahil ako lang ang natira ay umakyat din ako ng bubungan para ayusin bahay namin..may dala-dala akong gamit like pang gakot para talian yong bubong namin kasi gawa lang sa kahoy at anahaw...Tapos busy na din akong ayusin yong mga bintana linagyan ko ng harang para hindi pasukin ng hangin at ulan.....Yong mama ko super nag wowory na dahil sa malakas na ulan... Kinahapunan ay pumunta na nga kami lahat sa evacuation at naiwan si papa ko na susunod nalang daw ...At siguro ay nabasa niyo na yong article ko na **karanasang hinding hindi ko makakalimutan**..Doon ko naikuwento yong nangyari...pero sa papa ko ata yon naka focus at hindi ko nabanggit na yong bahay namin ay kalahati nalang yong natira at yong ibang bahagi ay kinain na ng ilog....Feeling ko nagkatotoo nga yong panaginip ko..... Kaya ngayon ay nag wowory ulit ako sa aking panaginip..Ako kasi yong tao na bihira lang managinip... By the way thank you so much lagi sa aking mababait na sponsors..godbless you all.. ***Kung anuman ang panaginip ko ngayon sana panaginip nalang siya...*** **Maraming salamat po sa inyong lahat lalo na sa aking mga readers and commentors...** Published october 22,2021 Friday 7:02am philippines @Buhayexperience

@Buhayexperience

My thursday morning Sobrang busy ko ngayong araw,10am palang kanina feeling ko buong hapon na yong trabaho ko. Kagabi palang ay naka plano na talaga yong paglalaba ko ngayong araw dahil hindi ako nakapaglaba kahapon.May inaasikaso kasi ako...Para hindi ako mahirapan ay kahapon palang ay nakababad na ito... Pagising ko ngayong umaga 5am ay nagsimula na akong magluto ng almusal at siguro mga 6:30am ay nagsimula na ako sa paglalaba...Kaya lang dahil wala kaming washing machine ay inabot ako ng isang oras sa paglalaba...At nong nagsasampay na ako ay talagang andyan na si haring araw.. After ko maglaba,nag-igib ako ng tubig kasi sa bukal lang talaga kami kumukuha ng inumin,pampalagi at lahat na kailangan ang tubig😅😅 8:30Am kailangan kong asikasuhin ang mama ko..gutom na kasi siya...Madaming bawal na pagkain sa mama ko dahil kung makakakain ito na hindi pwede sa kanya ay malamang panay ubo nito... Tamang-tama dumating ang ate ko galing sa palengke...binigyan ako ng isda,,,Ang tawag ng isda na ito sa amin ay kutaw,,sa bisaya daw ay bilong-bilong..ewan ko po sa lugar niyo kung anong tawag ng isdang ito..Masarap daw ito sa maasim na may sabaw....Ito kasi ang pwede sa mama ko kaya ito ang niluto ko para sa kanya...Maselan ang mama ko sa mga pagkain...nasanay siyang nagluluto sa kahoy kaya talaga dapat mong sundin para hindi ka niya mapagalitan...Amoy palang eh alam na ng mama ko kung saan ko niluto kung sa kahoy or sa gasul..hehehe Itong nasa taas yong mga ingredients para sa ulam ng mama ko.... At dahil ayaw na ayaw ng mama ko sa gasul ay dito ko ito niluto sa kahoy..Meron din kasi kaming dirty kitchen para talaga sa mama ko...so expected niyo na yong itsura ng kaserola dahil kahoy nga ang gamit ko.hahaha Para tipid sa oras at makatapos agad ako ng pagluluto..Ito naman ang request ng anak ko...Prinitong tamban...Dalawang klase kasi ng isda yong bigay ng ate ko...Medyo mapili din ang anak ko sa pagkain...syempre dahil bata ay kailangan na lutuan natin ng gusto nila para kumain at hindi ka mahirapang pakainin...Dito ko naman ito niluto sa gasul namin para mas madali.. Habang niluluto ko yong ulam ng mama ko sa kahoy....nagpiprito din ako sa kalan....At dahil nahirapan ako sa kahoy ay muntik pang masunog yong piniprito ko.hahahah.Nakalimutan ko na dahil mas kailangan kong bantayan yong sinabawan na niluluto ko dahil laging namamatay yong apoy... Pakatapos kong makapagluto,siguro mga 11:25am na kanina ay dinalhan ko na ang mama ko ng kanyang paboritong sinabawan... After ko pakainin ang mama ko ay yong anak ko naman yong panay sigaw.hahahah..Naku kahit siguro ang magsuklay ay hindi ko na nagawa.hahahaha..Sabagay tanghali na kasi at gutom na din ang anak ko..So pinakain ko din ito ng kanyang paboritong prinitong tamban😅😅..Nag request ng sawsawan..kaya lang nakalimutan ko magpabili kaya yong sinabawan nalang so ang daming nakain ng anak ko...sinusubuan ko siya kapag isda kasi bata pa baka matinik at mas ginaganahan siyang kumain kapag sinusubuan ko.. Tamang tama isang subo nalang siguro ako sa anak ko biglang kumulog...Dumilim yong paligid...Naku ang dami ko pa namang sinampay..Iniwan ko yong anak ko at dali-dali akong lumabas para kunin yong mga damit.....At maya-maya nga ay bumuhos ang napakalakas na ulan..Pagpasok ko sa loob ay tapos ng kumain ang anak ko... Muntik ko ng makalimutan na hindi pa pala ako nananghalian dahil sa sobrang busy ko.. Ganyan po tayo para sa mga mahal natin sa buhay...Mas iniisip muna natin sila bago ang ating mga sarili...heheheh Thank you so much sa aking mga mababait na sponsors... Kayo po mga ka readers? Kumusta yong araw niyo ngayon? Published october 21,2021 thursday Philippines @Buhayexperience

+7 more

@Buhayexperience

Spirit of the coin true story Hello to my fellow readers and sponsors...Kumusta po yong tulog niyo ngayon?By the way dahil nga sa malapit na ang halloween ay lahat mga katatakutan yong mga nababasa niyo dito at isa na ako ngayon sa nagkukwento about sa mga horror story...May isa na naman akong ibabahagi sainyo tungkol sa spirit of the coin..Totoo ba ito o gawa-gawa lamang?Itong kwento ko ngayon ay base sa aking experience... **Ano nga ba ang ibig sabihin ng spirit of the coin?** Base sa aking kaalaman,ito daw ay isang uri ng laro but super nakakatakot...Ewan ko kung laro pa ba ang tawag dito or dinadala lang tayo sa kapahamakan....Meron ding tinatawag na spirit of the glass at mas nakakatakot yon dahil kapag nagkamali ka raw ay pwedeng makuha ang kaluluwa ng mga naglalaro....Hindi ko pa naman yon nasubukan pero nakita ko na din sa aking pinsan kong pano laruin.....Anyway balik tayo sa topic.....Ang spirit of the coin ay isang laro kung saan tumatawag tayo ng mga ligaw na kaluluwa...Ibat-iba ang ating makakasalamuha meron mababait,meron din na bad spirits,.... **School building** Ang school na pinapasukan ko nong high school ay ang public school kung saan yon din ang pinakamaganda,pinakamalawak na paaralaran dito sa lugar namin...Mahirap makapasok sa school na ito kasi first year ka pa lang ay talagang pahirapan na ang pag-enrol..Mabuti na nga lang at hindi ako bumagsak sa exam nila at natanggap ako dito para ipagpatuloy ang aking pag-aaral for secondary...Marami din ang nangangarap na makapasok sa paaralan na ito dahil bukod sa mura na nga ay talagang magagaling magturo ang mga guro at talagang napakalawak ng paaralan...Marami kang makakasalumuha dito na nag-aaral galing sa 47 barangay dito sa lugar namin....Naalala ko noon.... first year palang ako ay umaabot na ng 40 sections and swerte ko nalang at napunta ako sa section 10..kaya lang nagkasakit ako noon kaya nong mag second year ako ay bumaba yong section ko,napunta ako ng section 13..At yong mga classmate ko mag babae or lalaki..Naku ang daming alam sa mga kalokohan.... **Spirit of the coin game** Nong vacant namin sabi ng isa kong kaibigan na babae na try daw namin pag-uwian sa hapon na laruin yong spirit of the coins,si sarah,jean,rose,at Milba hindi totoong pangalan at ako...Bali lima kaming magkakaibigan..Sabi ko naman diba nakakatakot yon?Ang sagot nila sa akin oo daw pero try daw namin....Sabi ko nalang sige join ako sa inyo pero manunuod lang ako... Mga bandang 5pm ay uwian na nga namin at ayon sa napag kasunduan ay nagkita-kita kaming magkakaibigan doon sa napakalawak na granstant kung saan may mga naglalaro ng volleyball..Pumunta kami sa tabi,sa ilalim ng malaking puno sa medyo madilim na lugar... Umupo kaming lima sa damuhan,kumuha ng isang buong papel si sarah...Samantalang si jean naman ay kumuha ng piso sa kanyang wallet..Habang nakaupo ay pinagmamasdan ko sila sa kanilang ginagawa...Sa isang buong papel ay isinusulat ni sarah yong yes ,no,and go sa ibabaw tapos simula sa letter A hanggang z sa baba ng papel...Lahat ng nakasulat ay binilugan niya ito na kasing laki ng piso coin.Pakatapos niya magsulat ay may dinukot si sarah sa kanyang wallet at may kinuha na isa ulit na papel na may mga nakasulat na hindi ko maintindihan...Latin words ang mga nakasulat at kung mapapansin mo ay isang paragraph ang nakasulat dito.... **Conversation** **Ako:**Ano ba yan sarah na nakasulat dyan at hindi ko maintindihan... **Sarah:** Before tayo mag start ay manalangin muna tayo at isa ito sa babasahin natin habang magkawak ang mga kamay natin.... **Ako:**Hala ayaw ko sumali dyan sa mga kalokohan niyo.. **Sarah**:Naku pano ma ma experience kong hindi ka sasali... **Ako**:Sige try ko pero baka hindi na tayo makauwi nito, umayos ka sarah... **Sarah:**Makakauwi tayo basta sundin mo lang ang sasabihin ko... Si sarah yong nag lead ng prayer na latin,ilinagay nya ito sa harapan namin habang naka squat kami sa damuhan at ang posisyon namin ay pabilog..Nasa harapan namin yong papel na may mga letters at nasa ibabaw nito yong piso...Habang sa isang gilid naman yong isang papel na babasahin ni sarah....Nag hawak-hawak kami ng kamay at nagsimula na ngang manalangin si sarah habang nakapikit ang aming mga mata... Pagkatapos manalangin ay bumitaw na kami sa pagkakahawak....Yong isang daliri namin ay ilinagay namin sa piso coin. **Sarah:**Tinatawagan ko ang mga kaluluwa sa lugar na ito at kung inyong mamarapatin ay nais namin kayong makausap......Meron na bang kaluluwa na nakarinig sa amin..?Gumalaw yong piso coin habang hawak namin at pumunta sa word na Yes.. Nanindig ang aking mga balahibo dahil gumalaw yong piso coin....Pero naisip ko baka ginalaw lang ng mga kasamahan ko..Pero halata sa mukha nila Jean,Rose at Milba ang pagkagulat samantalang si sarah ay parang natural nalang ito sa kanya.. Nagsimula na ngang magtanong si sarah kung ano yong pangalan ng kaluluwa ang kausap namin..Gumalaw yong piso coin at bumuo ng isang pangalan..Para akong nanghihina sa mga nangyayari pero sabi ni sarah ay huwag na huwag daw namin tatanggalin ang aming kamay doon sa piso coin na hawak naman hanggang hindi pumapayag yong kaluluwa... Tinanong din ni sarah kung bakit namatay yong kaluluwa na kausap namin at sumagot din ito na nahulog daw sa building pinapasukan namin...Dahil sa mga letra ay makakabuo ng isang sentence sa pamamagitan ng piso coin....Hanggang sa hindi na mapakali yong iba naming kasama....Aalis na daw sila at isa-isang tinanong ni sarah sa kaluluwa kung pwede na daw umalis si Jean,Rose at Milba..Ang sagot ng kaluluwa ay yes...Kami nalang ni sarah yong naiwan.....nakalimutan ko na yong mga sumunod na nangyari basta ang natatandaan ko ay madaming kaluluwa na tinawag si sarah...Hanggang sa sabihin ni sarah...Pwede na si lerah na umalis..hindi ko totoong pangalan..Subalit hindi yes yong sinagot niya at yon ay no...Tumanong ulit si sarah kung pwede na daw siyang umalis at ang sagot ay yes...Naramdaman ko yong takot kasi bakit ako ay ayaw paalisin...Sabi ko sa kasamahan ko ay huwag nila akong iwan..Magagabi na noon malapit na mag 6pm at sigurado mapapansin na kami ng guardiya ng school..Kaya wala akong choice kundi ako yong magtanong kasi wala na si sarah sa laro...Tinanong ko yong kaluluwa kung bakit siya namatay...ang sagot niya sa akin ay pinatay daw siya...at doon ako naniniwala na gumalaw talaga yong piso coin dahil ako nalang mag-isa yong humawak dito....Para akong iiyak....At dahil don ay nabitawan ko yong piso coin..Hindi ko natapos yong laro o ritwal na ba tawag don.ewan ko...Tumakbo ako pauwi...Simula noon ay bumago na yong buhay ko..Madami na akong nakikita at minsan mga naririnig... Maraming salamat sa aking mababait na sponsors... Maraming salamat sa aking mga readers,commentors.. Published October 20,2021 9:26Pm Philippines @Buhayexperience

@Buhayexperience

Thank you so much @ibelievestorya for renewing your sponsorship...super appreciated ko po...🥰🥰

@Buhayexperience

Aswang true story Kahapon pa ako walang maitopic sa read.cash kaya nagbasa and comments lang muna ako ng mga articles hanggang sa madaanan ko yong article ni sis @Ling01 about sa aswang.....So nagkaroon po ako ng idea..heheh **Aswang** Sino po ba ang naniniwala sa inyo na hindi lang sa tv,sa kwento or kathang-isip ang aswang?Na ito ay totoo at hindi kwento-kwento..Then masasabi ko po na isa ako sa naniniwala dito...Hindi naman ako basta-basta naniniwala kapag kwento lang kaya naiintindahan ko po yong mga hindi naninwala sa inyo..but ako talagang kita-kita ng dalawang mata ko... **Bahay namin sa bundok** Maysakit noon ang mama ko at laging inuubo..yon ang dahilan kung bakit napilitan ang mama ko na umuwi galing maynila dahil nagkasakit siya....Alam ko na ang mga nangyayari noon dahil 8yrs old na ako...Ang bahay namin ay isang bahay kubo lamang at gawa lang sa anahaw,kahoy at bamboo...Ang pinto namin ay gawa lang sa bamboo at kitang-kita ang labas..Malayo sa aming mga kapitbahay... Sa tuwing 6pm in the evening ay magsisimula ng humuni ang mga ibon at mga kuliglig..Ang pinagtataka ko noon ay bakit ang ingay ng mga ibon samantalang gabi na...Pero naririnig ko na nag-uusap ang mama at papa ko at sinasabi nila na andyan na naman at mukhang natatakot ang mga magulang ko...Narinig ko inuutusan ng papa ko ang kapatid ko na sigaan yong mga plastic at guma para daw umalis..Sunod naman ang kuya ko sa utos ng papa ko pero takot na takot din ito... Kitang-kita ko sa labas ng bahay namin yong makakapal na usok at amo'y na amoy ko yong mabahong usok dahil sa plastic at guma...Biglang tumakbo ang kuya ko papasok sa loob ng bahay... **Conversation nila** **Kuya**:Pa andyan na yong aswang... **Papa ko:**Kunin mo sa kusina yong itak at sarahan mo yong pinto.. **Kuya:**Opo ***Dali-daling kinuha ng kuya ko yong itak at ibinigay sa papa ko habang ako naman ay natatakot na din at pumasok ako sa kumot...*** Maya-maya ay may narinig kami mula sa malayo isang huni ng ibon na parang hindi kasi ang lakas niya....Parang huni ng owl na may pagka uwak.....Kwaaaaak.....Kwaaaaaak...Kwaaaaak..Kahit bata palang ako ay naramdaman ko talaga yong takot....Wala kaming imik sa loob ng bahay at nagpapakiramdaman lang...Hanggang sa tumigil yong tunog na yon at biglang humuni ulit yong mga ibon at may pumasok sa bahay namin na isang malakas na hangin at pagkatapos noon ay may bumagsak sa bubungan namin na parang isang tao na nahulog galing sa napakataas...Nayanig yong bahay namin at muntik ng masira yong bubungan namin...Ang ginawa ng papa ko ay kumuha ng asin at bawang....Pinagbubodbod nya ito sa paligid namin sa loob ng bahay at pati na din sa mga damit namin...Pakatapos non ay sumigaw yong papa ko"Minura niya yong aswang at ipinakita ng papa ko na galit na galit siya at subukan daw na lumapit yong aswang sa amin at papatayin daw niya.....Narinig namin na parang lumipad ito pataas at biglang nawala......Nakahinga ng maluwag ang papa ko pero hanggang umaga ay hindi ito natulog sa kakabantay sa amin.... Dahil sa nangyari ay naging sikat ang pamilya namin doon sa aming lugar..Yon ang naging usap-usapan..Akala namin hindi na mauulit-ulit yon..Pero nagkamali kami...Sa pangalawang gabi,pangatlo,pang-apat,panglima....Ganon din ang proseso na ginagawa ng papa ko....Dahil sa wala ng tulog ang papa ko ay may isa siyang kaibigan na mayabang at matapang daw siya....Naalala ko pa nga yong name ng kaibigan ng papa ko...Luis ang pangalan non..Nag volunter na siya daw magbabantay sa pang-anim na gabi at kahit daw matulog na daw ang papa ko...Sa isip ko ang yabang naman nito..Tingnan ko nalang kung ano ang gagawin nito kapag dumating na yong aswang... Pang-anim na gabi ay don nga natulog yong kaibigan ng papa ko..May dala-dala itong isang napakahabang espada...Kitang-kita ko yong talim nito....6pm ng gabi ay kumuha ito ng mahabang upuan at ilinabas sa bahay namin...May malaking puno ng langka sa bakuran namin at doon nilagay yong upuan at doon ito nahiga..Maya-maya ay humuni na yong mga ibon,humangin yong paligid...Tumayo si Luis....Lumapit sa amin....Tinanong ang papa ko...Yan bang yong mga sinasabi niyo eh ibon lang ang mga yan...tapos tawang-tawa pa ito...Sabi ng papa ko hindi yan maya-maya ay hintayin mo... Kwaaaaaak....kwaaaaaaaaak..kwaaaaaaaak...Agad na narinig namin mula sa malayo....Nag time na yon ay nakapagsiga na si Luis sa labas ng bahay namin....Gumawa siya ng apoy para maliwanag ang paligid...At kitang-kita ko isang napakalaking anino ang lumipad papunta sa bubungan namin..Parang napakalaking paniki na tao....Natakot si luis at tumakbo papunta sa loob ng bahay...Takot na na takot ito at sabi sa papa ko na aswang nga....Yong mayabang na mukha ni Luis ay napalitan ng takot na takot na mukha...Pero nagpakatatag sila ng papa ko at dahang-dahang lumabas habang sumisigaw sila at papatayin daw yong aswang....Paglabas nila ay sinabuyan ng asin sa bubungan ng bahay at rinig ko ang paglipad nito pataas...Hindi ko alam kong natamaan ng asin o natakot na din sa papa at ki Luis.... Kinagabihan ulit ay doon naman natulog sa bahay namin si Luis pero walang aswang na dumating....Siguro nagpahinga din... Dahil sa nangyari ay nakapag decide ang papa ko na lumipat na ng tirahan at don sa lupa sa side ng lola ko..Magkakatabi yong kapitbahay at doon ko itinuloy ang aking pag-aaral... Maraming salamat sa aking mababait na sponsors Base sa nangyari sa amin sa bundok ay kaya daw nagalit yong aswang at hindi kami tinigilan kasi galit na galit daw yan kapag sumisiga ng plastic at guma....Akala kasi namin noon ay ito yong makapagpapaalis sa kanya pero mali kami mas lalo tuloy nagalit sa amin..... Sa aking mga readers thank you so much..At sa ating mabait na si **Random Rewarder** kahit hindi mo na ako binibisita..Thank you pa din po.. Published October 19,2021 Lead Image:from my gallery @Buhayexperience

@Buhayexperience

Thank you so much @Ling01 for renewing and upgrade your sponsorship..Na appreciate ko po..And godbless po lagi..

@Buhayexperience

The barista girl Para maiba naman at lahat nalang masasakit na nangyari sa akin ang lagi kung na iishare...So move on na tayo at focus naman sa mga magagandang nanyari sa buhay ko.... Sino po ba dito sa inyo ang mahilig pumasok ng coffee shop or uminom ng kape? **My first job** May nakita akong isang magandang coffee shop dito sa lugar namin at hiring sila pero bilang isang witress....So nag try akong pumasok sa loob dala-dala ko ang aking mga requirements....Kaya lang nag -aalangan ako kasi naisip ko what if kung hindi ako matanggap...Naging nega yong isip ko but kailangan ko ng trabaho so pumasok ako sa loob...Nag assist sa akin yong isang witress akala mag-oorder ako ng kape...but sabi ko mag -aaply ako bilang isang witress..Sumimangot ba naman sa akin yong witress.hahaha....Tinawag yong supervisor nila at yon ang humarap sa akin..Nong time na yon ay nasa abroad yong mga amo nila kaya yong supervisor yong nag hired sa akin at super saya ko pag-uwi... Tumagal ako ng more than 1 yr sa pagiging witress kaya kabisado ko na yong pasikot sikot sa loob ng coffee shop..Kahit yong pagiging barista ay alam ko na din kasi minsan kapag hindi pumapasok ang barista namin ay ako yong nauutusan gumawa ng kape....Hindi naman ako kagalingan nong time na yon at napapasubo lang minsan..heheh Hanggang sa mag resign yong isang barista namin dahil mas pinili nyang pumunta ng abroad..Sinabi lang sa boss namin nong malapit na yong flight niya kaya medyo nagtampo yong boss namin kasi hindi madali humanap ng panibagong barista.... Ako yong nakita ng amo ko..Aralin ko daw ang pagiging barista kasi madali nalang sa akin para matutunan ito dahil medyo kabisado ko na yong espresso machine... **Espresso machine** Hindi ko na masyadong maalala yong mga parts ng machine na ito dahil medyo matagal na din..Pero ang natatandaan ko yong medyo mahirap sa pagawa ng espresso shot ay kailangan mong e press yong grind coffee sa lagayan para mas lumabas yong katas ng kape **Kinds of coffee** **Kalinga coffee**-ito yong pinaka strong na kape na ginagamit namin pero ayaw ko nito kasi super pait po talaga.hahah **Benguet coffee-**Medyo maasim na kape pero masarap po siya at ito ang ginagamit namin para kumuha ng espresso shots.. **Hazelnut coffee**-ito yong pinaka mabangong kape na naamoy ko..nakakaadik talaga siya... **So ano po ba ang tinatawag na espresso shots?** **Espresso shots** **Single shots** Ito yong ginagamit namin para sa mga clients na gusto ng strong coffee.. **Double shots** Para naman sa gusto ng mild na kape lang... Sa mga antukin po dyan at laging puyat sa trabaho..Ito ang kailagan niyo..One shot of espresso para matagal yong antok niyo..And na experience ko na po yan nong pumasok ako sa trabaho at sobrang antok ko..Uminom ako ng isang shots ng espresso nawala antok ko.hahaha.. Cappuccino Ito ang madalas kong ginagawa at kadalasan na order ng mga costumer...ang Cappuccino...Para sa akin madali lang yong pagtimpla nito..1 espresso shots lang and 100ml fresh milk na steam ang kailangan nito...Medyo mahihirapan ka lang sa una lalo na kung bago ka...ang pagawa ng latte art sa ibabaw ng coffee..Kasi dapat sakto at tama ang pag steam mo ng gatas para at dapat hindi ma bubbles para huwag lumubog yong gatas sa ibabaw ng espresso.... Ganito yong pag steam nya at may procedure din para maganda ang result kaya lang mahirap magturo kapag wala ka talaga mismo sa machine.heheh Caramel machiatto Yong caramel syrup yong ginagamit namin na psgdesign sa ibabaw ng coffee.. Madami pa po tulad ng Macchiatto,Cafe latte art pero ang pinaka gusto ko talagang iserve sa mga mga costumer ay ang brewed coffee kasi napakadali lang at hindi mo na kailangan mag steam..heheh How long I'd been work at coffee shop 4Yrs akong nag stay bilang barista dahil ilinipat ako ng boss ko sa isa niyang business dahil maganda raw ako..charot.hahahah..Ginawa niya akong katiwala sa kanyang malaking Salon&Spa...Siguro next ko nalang yon ikukwento dahil tanghali na pala..hahaha.nakakagutom na.... Bago ko makalimutan nais ko lang mag thank sa aking mababait na sponsors... Coffee lover Ito lang yong alam ko about sa pagiging barista at sa naka experience na din po dyan I think alam niyo din po ito... Maraming salamat po sa patuloy na nagbabasa ng aking mga articles...Sa aking mga readers... Published October 17,2021 Sunday 11:28am Philippines Source image:Unsplash @Buhayexperience

+7 more

@Buhayexperience

Rape Victim Hello to my fellow readers and sponsors..Kumusta po ang araw niyo..Bago ko po simulan ang isa na namang makabagbag damdamin,tama po ba ang words ko.hehe...ay nais ko lang ipaalala po sa aking mga readers na kung nag aalangan po kayong basahin ay huwag niyo na lamang pong scroll pababa... Nais ko lang ishare ito sa inyo dahil gusto ko lang sabihin sa inyo na kung kayo ay sawa na sa buhay at parang gusto niyo ng sumuko dahil sa mga problema na pinagdadaanan niyo,,,ay hindi yan solution para bumitaw kasi hindi lang po kayo ay may hinaharap na problema..madami at mas malala pa pero patuloy na lumalaban sa buhay..dahil masarap mabuhay sa kabila ng lahat ng pagsubok sa atin... **My childhood memories** Hinding-hindi ko makakalimutan ang lugar na ito..Ito ang lupain ng lolo ko sa side ng papa ko at tanging papa ko lang ang tumira dito dahil lahat ng kapatid niya ay ayaw na ayaw sa bundok..Dito sa lugar na ito ako ipinannganak...Simula sa isilang ako hanggang sa mag grade 2 ako ay dito kami nakatira....Sa lugar na ito nakatayo ang munting bahay namin...Malayo sa kapitbahay at minsan mga pinsan or mga kaibigan ng papa at mga kapatid ko lang ang pumupunta dito lalo na kapag humihingi ng mga gulay sa papa ko.... **When I was 7 yrs old** Iniwan ako ng papa ko sa bahay..Umalis sila ng bahay...Yong mama ko noon ay nasa manila para magtrabaho...Ang papa ko lamang ang nagbabantay sa aming magkakapatid...ako lang ang babae dahil ang panganay kong kapatid na babae ay nagtatrabaho din sa manila...Ang kasama ko lamang yong dalawa kong kuya...Nong time na yon ay nag-aaral pa ang kuya ko at kami lang ng papa ko ang natitira sa bahay....Ngunit umalis ang papa ko dahil kailangan niya na magtanim na medyo malayo sa bahay namin at iniwanan na lamang ako sa bahay....Medyo matanda na din ako noon mag-isip kaya naiiwanan na talaga ako..Iba kasi yong lumaki sa hirap..Kailangan mo talaga maging matapang dahil wala ka namang aasahan na iba..Sarili mo lang..everytime kasi na iiyak ako kapag iniiwan nila ako ay lagi lang ako napapagalitan kaya nasanay nalang akong mag-isa sa bahay... **My brother friends** May mga kaibigan talaga ang kuya ko na nasa edad 14 pataas na ata..Hindi ko ito pinapansin kasi lagi ako nitong sinasabihan na maganda tapos tinitingnan ako mula baba pataas...Dahil sa aking murang edad ay wala akong alam kung bakit ganun ang tingin niya sa akin...hindi ko pa maintindihan dahil bata pa ako... Pag-alis ng papa ko ay dumating nga ang kaibigan ng kuya ko..may kasamang kasing edad niya din...Tinatanong ako kung asan daw ang papa ko..tumuro lang ako sa malayo..Tapos tinanong niya din ako kung pumasok din daw sa school yong mga kapatid ko..Sagot ko din opo... After noon pinapasok niya ako sa bahay...binuhat niya ako at pinaupo sa kwarto...***hay's akala ko naka move on na ako kaya ko ito naikwento..heheh..bigla ako ngayon nanginginig sa galit pero nasimulan ko na at kailangan kong tapusin ang kwento***.. **Conversation namin** **Boy 1**:higa tayo Yong isang kasama niya ay nanglilisik ang mga mata..natakot ako bigla...Wala akong idea nong time na yon kung anong mangyayari sa akin... **Ako:**bakit po tayo mahihiga?habang sunod naman ako sa paghiga...naisip ko non bakit kaya matutulog kami eh maaga pa naman at bakit pati sila ay matutulog din.. **Boy 2:**hubarin mo nga yong short mo.. **Ako:**Ayaw ko po"ayaw ko po"umiyak na ako ng umiyak..😭😭Takot na takot ako....Sigaw ako ng "Papa!!!!... **Boy 1**:Kumuha ng kutsilyo....ang sabi niya sa akin kapag sumigaw daw ako ulit ay sasaksakin niya ako... ***Hindi ko na ikukwento yong mga ginawa nila sa akin dahil hindi ko pala kaya..para kong pig turture ang sarili ko ngayon.heheh...*** Pagkatapos ng paghahalay nila ay umalis na sila.😭😭..bago umalis...Sinabi nila sa akin na huwag na huwag daw akong msgsusumbong dahil papatayin daw nila ang papa ko at mga kapatid ko....Wala akong nagawa takot na takot ako nong time na yon...iyak ako ng iyak at hinang-hina ako...Nakita ko nalang na may dugo sa hinihigaan ko...After kong umiyak ng umiyak ay wala pa din ang papa ko...Linakasan ko yong loob ko kasi naalala ko yong sinabi ng mga lalaki na papatayin nila ang papa at mga kapatid ko.....Naisip ko baka tutuhanin nila...Ang ginawa ko ay nagpalit ako ng damit kahit super nahihirapan ako...Pinunasan ko yong dugo sa higaan..Makalipas siguro ang isang oras ay dumating ang papa ko...Pagod na pagod sa pagtatanim...Naawa ako sa papa ko...Humingi siya sa akin ng tubig dahil nauuhaw daw siya..Kahit nanginginig yong tuhod ko ay binigyan ko siya.....Tinanong ako ng papa ko kung bakit iba na daw yong damit ko..Sabi ko nabasa kanina sa paglalaro ko....Tapos bakit daw magang-maga yong mata ko...umiyak daw ba ako?Ang sabi ko naglaro kasi ako ng lupa at napuwing ako...Hindi na nagtanong ang papa ko..... Dumaan ang maraming taon at naging sekreto ko lang yon pero binago non ang buhay ko..Lagi na akong matakutin pagdating sa mga lalaki..kahit sa panganay kong kapatid na lalaki na dalawa ay para akong napapaso kapag nahahawakan nila...Isang masamang bangungot yon para sa akin na dala-dala ko ang bigat hanggang sa ako ay magdalaga... **Message** 15yrs old ko na nasabi sa parents ko yong nangyari pero huli na ang lahat dahil nasa malayo na yong gumawa noon sa akin at hanggang ngayon ay malaya pa din sila.. **For some advice** Kung kayo po ay may mga anak na babae ay huwag na huwag niyong hahayaan na basta nalang iwanan sa bahay at huwag na huwag din tayo basta-basta nalang magtiwala kung kani-kanino kasi ang pagsisisi ay laging sa huli.... Sa mga nangyari sa aking buhay ay kinuhanan ko yon ng lakas para mas lalo akong maging matatag...Hindi man ako pinalad noon..Alam kong may nakalaan na swerte para sa akin sa tamang panahon at si god lang ang nakakaalam noon.... ****Maraming salamat po...**** Thank you so much sa aking mababait na sponsors na patuloy pong nagsusupport para sa akin... Godbless you all Published October 16,2021 Saturday 8:29Pm Philippines Source image:captured by me @Buhayexperience

@Buhayexperience

Bonding namin ng mama ko na sobrang napatawa ko siya **Daughter** Ang mama ko talaga ay napakahirap patawanin..Super seryuso niya kasing tao..At kapag binibiro mo yan sasabihin pa sayo na hindi mo daw siya nererespeto...hahaha.. Naalala ko,one time binibiro siya ng kumpare ko...Kinukumusta daw siya tapos tinatanong siya kung saan na siya nakatira...Sinabi niya yong pangalan ko tapos biniro siya ng kumpare ko na hindi daw ako kilala..Super seryuso ng mama ko kaya ikwenento niya ako pati yong itsura ko doon sa kumpare ko..Narinig ng kumare ko at sinabing binibiro lang siya ng asawa nito.....Umuwi ang mama ko na galit na galit sa kumpare ko.hahah.Pinagkukwento sa akin na porket matanda na daw siya ay ginaganon nalang siya..Sabi ko naman sa mama ko na hindi ka pa nasanay sa kumpare kong yon eh hindi talaga yon matinong kausap...Sabagay may point naman ang mama ko...Gusto niya kasi yong lagi siyang nererespeto ko kasi mas matanda daw siya...Kaya never akong sumasagot sa mama ko kahit alam kong may point naman ako..Pero yong ibang kapatid ko ay sumasagot talaga kaya ako yong feeling ko na paborito niyang anak kahit ang papa ko ganun din sa akin..Pero pagdating sa kaibigan ay joker talaga ako..Minsan nga clown ang tawag nila sa akin...hahaha.... **40Days of my fathers death** Ramdam ko yong pagkamis ng mama ko sa papa ko...Mahilig din kasi ang papa ko na uminom...Nong 40days ng papa ko ay madaming nag iinuman...Nakita ko sa mata ng mama ko ang pangungulila ng mawala ang papa ko..Sabi niya sa akin ang lungkot daw kasi kung andito daw yong papa ko sigurado daw lasing daw yon na habang sinasabi niya ay maluha-luha siya....Sa totoo lang hindi ako umiinom ng alak ang pait kaya ng lasa.haha.....Pero dahil gusto ko mawala ang luha sa mga mata ng mama ko ay biniro ko ito... **Me and my mother** **Me:**Gusto mo ma ako muna si papa inuman tayo? **My mother**:Tumigil ka nga dyan hindi ka naman umiinom tsaka mas lalo na ako.. **Me**:For you and my father iinum ako..Ayos lang yan 40days naman ngayon ni papa... Lumapit ako sa nag-iinuman kinuha ko yong isang kwatro ng alak at kumuha ako ng baso tapos umupo ako sa tabi ng mama ko...Nag-inom kaming dalawa...First time ko makita ang mama ko na tawang-tawa sa akin..hahahah... Simpleng tawa lang ng mama ko at mapagaan ko lang ang loob niya..malaking bagay na po yon sa akin.... **Kaya po mga ka readers?Kilan ang huling bonding niyo ng mama niyo?** I hope na habang buhay pa sila ay may time kayo para alagaan sila at bigyan kahit kunting oras...Minsan hindi naman talaga maiiwasan na magkaroon ng tampo tayo sa ating mga magulang pero hindi ko sinabing lahat pwedeng iilan lang...Pero bakit hindi natin subukan na pag-usapan ang bawat tampo na yon para tayo ay malinawan...Hindi pa huli ang lahat hanggang andyan po sila...Isipin natin na ang lahat ng ginagawa ng magulang ay para naman sa ating kapakanan...Mahalin natin sila at pasayahin habang may panahon pa... ***Once again,,thank you so much sa aking generous sponsors..*** **Ending** Published October 15,2021 Friday 2.50pm Philippines Source image:From my phone @Buhayexperience

@Buhayexperience

Thank you so much po sa bago kong sponsors@BCH_LOVER and @Garrethgrey07....Salamat po sa inyo...

@Buhayexperience

Ngayon palang ay super thank you po sayo sis @Sofieagang...Natuwa po talaga ako sa notification na nakita ko...Salamat po talaga sa pag sponsor po sa akin at sa tiwala po..

@Buhayexperience

May dengue daw ako Lahat na ata ng sakit,naramdaman ko na..Mawalan pa nga lang ng mga mahal sa buhay ay talagang napakasakit na..Anong sakit pa kaya ang hindi ko makakaya?? **Taong 2018** Isang taon na noong nasa abroad ang ka partner ko at iniwan lang kami ng anak ko sa bahay ng mother in law ko dahil wala pa kami noon na sariling bahay..Nasa 6months palang noon ang anak ko....Sa umaga ay hilig ko na talagang maglinis ng bakuran..At minsan iniiba-iba ko din ang design ng mga halaman...Mahilig akong magpalipat-lipat ng halaman kasi nakalagay lang naman ito sa paso... **Good morning** Habang tulog pa ang anak ko ay gumigising na ako para magwalis sa labas at para makipag good morning sa mga halaman ng mother in law ko...heheh.Hilig ko din kasing kausapin ang mga halaman habang inaayos ko ito..Feeling ko nagsasalita sila kahit hindi naman... ****Ito yong mga favorite ko noon na mga halaman..**** **Tuwang-tuwa ako kapag nakikita ko sila na namumulaklak na...** **So anong koneksiyon ng mga halaman sa dengue??** Ganito po yon... Before 7am,ng araw na yon ay tinatanggalan ko ng mga uod ang mga halaman...May nakita akong isang lamok na black & white ang kulay na galing sa mga halaman at dumapo sa akin..Akala ko natural na lamok lang yon hanggang sa kagatin yong binti ko...Makalipas ang isang oras bigla akong nakaramdam ng panghihina ng katawan...Umupo ako sa sala namin at naisip ko baka dala lang pagod ko kanina....Pero nong dumating ang tanghali ay biglang sumakit yong ulo ko...Nong hawakan ng mother in law ko yong noo ko ay may lagnat daw ako..Kaya pinainom ako ng paracetamol...Pero hindi pa din nawawala yong lagnat ko nong araw na yon at mas nahihirapan ako kasi 6months palang yong anak ko at hindi lumalapit kahit kanino..Lagi lang talaga sa akin....Natatakot ako na baka mahawaan ko ng lagnat pero wala naman akong choice kasi walang magbabantay sa kanya... Kinaumagahan ay nagsusuka ako...at sobrang taas ng temperatura ko..umaabot ng 39 to 40...Ang ginawa ng mother in law ko ay dinala ako sa isang albularyo at baka daw nasino lang ako....Pero ako parang gustong-gusto ko ng mag pa confine sa hospital kaya lang wala ngang magbabantay sa anak ko...Hanggang sa inabot ako ng 3days sa bahay at palala ng palala yong sakit ko....Napilitan na silang dalhin ako sa isang public hospital para malaman kong ano talaga ang sakit ko..Umiyak ako kasi parang hindi ko kayang mawalay sa anak ko dahil kailangan daw akong iconfine sa hospital....Naiisip ko palang na hindi ko kasama anak ko ay mas lalo akong nanghihina pero kailangan kong magpagaling...Nakita ko yong anak ko na panay iyak...Wala akong choice kundi ewan sa mother in law ko yong bata.... Habang naka confine ako ay hindi ko talaga alam ang sakit ko at hindi sumagi sa isip ko na dengue na pala yong sakit ko..Kapag may lumalapit naman sa akin na doctor ay hindi ko naman tinatanong kong ano talaga yong sakit ko...Pero nong time na yon akala ko mamamatay na ako..Sobrang hirap ng pinagdaanan ko....Kapag tumatayo ako hindi ako nakakatagal kahit isang minuto...Feeling ko kasi parang may kung anong virus na umaakyat mula sa paa ko pataas at feeling ko kapag nakaayat yon sa ulo ko ay sasabog ang utak ko...Kapag nasa tyan ko palang siya ay nahihirapan na akong huminga kaya kailangan ko lang talagang mahiga.... Makalipas ang isang araw ko sa hospital ay kinausap ng doctor yong aking bantay pero hindi ipinaparinig sa akin...Kinabukasan ulit ay sinalinan na lamang ako ng dugo....Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari kasi lagi akong inaantok..Tulog ako ng tulog...Inabot na ata ako ng 1week sa hospital at sobrang mis na mis ko na yong anak ko...Hindi ko na nararamdaman yong sakit ng katawan ko kasi mas nararamdaman ko na yong pangungulila sa anak ko......Nakita ko na din sa aking katawan na halos mapuno ang aking katawan ng kulay violet na pantal-pantal...Nakakadiri kapag tiningnan mo pero wala na ako noong pakialam...Nag request ako sa mother in law ko na papuntahin sa akin yong anak ko kaya lang pinagbabawal ng hospital kaya lagi nalang akong tulala... **After 2weeks** 2days bago ako lumabas ng hospital ay kinausap ako ng doctor kung kumusta na daw yong dengue ko??Na shock talaga ako na dengue pala yong sakit ko..Siguro hindi kasi ako nagtanong dahil mas nakatuon yong atensyon ko sa pangungulila sa anak ko...Ni hindi man lang nga ako nagtanong kung bakit ako sinasalinan ng dugo..... Paglabas ko ng hospital ay super excited talaga ako kasi gustong-gusto ko ng makita yong anak ko....Pero nong pagdating ko sa bahay at makita ako ng anak ko ay umiyak ito at yumakap sa mother in law ko..Yong feeling na kinakatakutan niya ako..Ewan ko kung dahil ba sa balat ko na kulay violet namamalat or hindi niya na ako kilala..Napaiyak talaga ako..Yong feeling na doble ang sakit na naramdaman ko compare nong andon ako sa loob ng hospital at sobrang nahihirapan...Pinipilit kong lumapit sa akin ang anak ko ng araw na yon pero hindi nangyari kasi ang tawag niya na sa mother in law ko mama.😭😭.....Nagtiis ako at sinuyo ko siya at sa wakas bago kami natulog ay lumapit siya sa akin pero katabi ang mother in law sa pagtulog.... **For the mother** Alam kong alam niyo ang pakiramdam ko nong mga panahon na yon...Ang hirap pala kapag isang araw ay bigla ka nalang kinalimutan ng anak mo..ang sakit... **Maraming salamat po sa aking mga supportive at mababait na sponsors..Sa mga readers ko po dyan,pwede niyo din pong bisitahin ang kanilang accounts..** **Author's note:** Madamdamin lang talaga ang aking mga kwento base sa totoong storya ng buhay ko..And salamat dito sa **read.cash** dahil naging bahagi ako ng platform na ito para ma ishare din ang storya ng buhay ko... **Thank you so much and godless us all** Source Image:All original @Buhayexperience

+2 more

@Buhayexperience

Wow thank you po talaga sa pag renew ng sponsorship and sa pag upgrade sis @Bloghound...Appreciate ko po...😊😊

@Buhayexperience

First love never dies but my brother was died Sorry po sa meron po dyan na affected about suicide..Huwag niyo na lamang po scroll pababa kung kayo po ay nag aalangang basahin po ang aking artikulo... Before I start gusto ko lang mag thank you sa aking mababait na sponsors... True Story Sino po ba sa inyo ang mas close sa kapatid na lalaki kisa sa kapatid na babae?Ako po ay super close talaga sa aking bunsong kapatid na lalaki..Kahit ang kapatid ko ay ganon din sa akin...Kahit mas panganay ako sa kanya pero mas matangkad po siya sa akin..Nong mag dalaga ako at binata po ang kapatid ko ay madalas kaming napapagkamalan na mag jowa..Super sweet kasi namin sa isat-isa.Minsan nga po nong nag boboarding house ako dahil malayo ang bahay namin sa pinagtatrabahuhan ko ay madalas pumupunta sa akin ang bunso kong kapatid...Napakalambing niya at kung minsan may mga pasalubong pa sa akin...Kapag day-off ko naman sa trabaho ay andon lang kami ng kapatid ko sa boarding house..Walang katapusang kwentuhan....Ang laging bukang bibig niya sa akin ay ang girlfriend niya....Yon ang palagi niyang kasama kapag lalabas siya at magsisimba..Ang payo ko sa kanya bilang ate ay huwag munang seryusuhin ang pagkakaroon ng relasyon kasi 15yrs old pa lamang siya at madami pang mangyayari sa buhay niya..Focus muna siya sa kanyang mga pangarap...At bilang ate nererespeto ko naman ang relasyon nila basta sabi ko huwag niya lang ibigay lahat ng pagmamahal niya kasi bata pa sila at nag-aaral...Laging sagot sa akin ng bunso kong kapatid ay "opo ate"...Pero ang pagkakaalam ko, unang girlfriend yon ng kapatid ko...And nag wowory ako kasi nong makita ko yong girl mabigat talaga ang loob ko sa kanya...Minsan diba tayo,may mga taong unang tingin palang natin..May times na ang gaan na talaga ng loob natin sa kanya,may times naman na sa unang tingin natin parang mabigat na talaga ang pakiramdam natin...Pero kahit ganon ang naramdaman ko ay hindi ko sinabi sa kapatid ko na hindi ko gusto yong girlfriend niya kasi feeling ko kahit lalaki ang kapatid ko parang lulukuhin lang nito at sasaktan.Syempre ayaw kong mangyari yon kasi super mahal ko ang kapatid ko..Pero alam ko din na kapag pinigilan ko ang kanilang relasyon dahil hindi ko gusto si girl ay alam kong masasaktan din ang kapatid ko kaya bilang ate..Lagi ko nalang siyang pinapayuhan.... Year 2010 Araw ng Linggo,Day-off ko ng araw na yon at gusto ko sanang umuwi sa amin dahil nag-aalala ako sa kapatid ko dahil ilang days na siyang hindi bumibisita sa akin..Hindi rin nagpaparamdam sa txt..Samantalang dati naman panay ang txt sa akin at kwento about sa gf niya at halatang inlove na inlove ang kapatid ko.......Kaya lang sumama yong panahon,Kaya hindi ako natuloy...Naisip ko nalang na mag general cleaning sa loob ng aking boarding house dahil wala akong oras kapag may pasok ng trabaho..... Night Siguro mga bandang 6pm..Hindi ako mapakali...Kahit sobrang pagod ko sa mag hapong ginawa ko ay hindi ko nararamdaman yong pagod kasi parang ang bigat ng dibdib ko na kinakabahan ako...Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ko ang aking sarili ng may biglang dumaan sa likuran ko na kulay itim na damit at biglang nanlamig ang buong katawan ko....Natakot ako at pumikit at pinilit irelax ang aking sarili.....Nang biglang tumunog ang aking cellphone at nagulat ako. Numero lang ang nakikita ko na tumatawag..Hindi ito naka phonebook sa phone ko kaya nagdadalawang isip pa ako na sagutin..... Conversation **Ako**:Hello sino po ito? **Tumatawag boy**:Hello po ate? Hindi ko ma identify kong yong kapatid ko ang tumatawag or ibang tao kasi yong boses niya ay humahagolhol.. **Ako**:Ano ba ang nangyari at panay ang iyak mo?sino ba to? **Boy**:Bestfriend ito ni jessie.. **Ako**:Oh bakit ano bang nangyari sa kapatid ko? **Boy**:Wala na siya ate..😭😭😭 **Ako**:Huh????anong wala na bakit saan ba siya pumunta? **Boy**:Hindi ate patay na po siya **Ako**:Anong patay,wag kang magbiro ng ganyan.. Pagkasabi ko non ay bigla kong pinatay yong phone...Umiyak ako ng umiyak at halos hindi ko alam kung ano ang gagawin ko...Sobrang nanghina yong katawan ko...Feeling ko dalawa yong paa ko pero parang wala na akong paa..Para akong pinutulan ng dalawang paa...Umupo ako saglit para irelax ang sarili at makapag-isip ng tama...Makalipas ang sampung minuto ay nakapag pasya akong umuwi sa amin para alamin talaga ang totoong nanyari..Mahigit isang oras din yong byahe ko... Habang nasa malayo ako ay tanaw na tanaw ko ang bahay namin na madaming tao..Habang palapit ng palapit ako ay pahina ng pahina ang katawan ko pero pinipilit kong humakbang para makarating sa bahay namin....Pagpasok ko sa loob ay nakahiga ang kapatid ko sa isang mahabang upuan...Wala ng buhay....Doon bumuhos ang aking mga luha at sumigaw ako ng pangalan ng kapatid ko...Iyak ako ng iyak.😭😭😭.Hindi ko matanggap na wala na talaga ang kapatid ko..Lumapit sa akin ang papa ko at pinipilit akong itayo at ikalma ang aking sarili.... Makalipas ang isang oras ay kinausap ako ng kanyang bestfriend..Sinabi sa akin na hindi daw nila napansin yong kapatid ko..Ang akala nila ay kape lang daw yong iniinom..Kasi nakalagay daw ito sa tasa tapos pumunta sa likuran ng bahay namin...Yon pala may lason yong iniinom niya...Nang makita daw nila ito ay isinugod pa nila ng hospital kaso dead on arrival na...May inabot sa akin na cellphone ng kapatid ko at isang papel na nakatupi.. Message Nang buksan ko ang papel ay ito ang nakasulat.....Sulat kamay ng kapatid ko... **Dear Ate,at sa mga maha ko,** *Sorry ate kung hindi ako nagkukwento sayo at nagpaparamdam..Gulong-gulo kasi yong utak ko ate...Hindi ko alam kung anong gagawin ko basta mahal na mahal ko kayo ate...Sorry.....sorry..😭😭* Sa dulo ng sulat may nakalagay na Patawad kong nagawa ko ito.... Pagkabasa ko ng sulat ay humagulgol ako ng iyak....Sobrang sinisi ko ang sarili ko kasi kung umuwi ako ay baka naisave ko pa yong buhay ng kapatid ko....Sana hindi ko nalang inisip na mamabasa ako ng ulan kapag umuwi ako..Sana hindi nalang ako tinamad umuwi para hanggang ngayon buhay ang kapatid ko.... **Message from his phone** Binuksan ko yong inbox ng phone ng kapatid ko...Doon ko nalaman kong bakit nag suicide ang kapatid ko.... **Conversation from his phone** **My brother**:Pls naman bhe huwag ganito,huwag kang makipag break sa akin.. **Girlfriend**:Eh ayaw ko na nga sayo.. **My brother**:Ginagawa ko naman lahat bhe bakit ganon..Nakakita ka lang ng ibang lalaki pinalitan mo agad ako porket alam mong mahal na mahal kita.. **Girlfriend**:Sorry eh hindi na kita mahal. **My brother**:Ganun lang yon... gusto mo magpapakamatay ako para lang patunayon ko sayo na ikaw ang buhay ko at kaya kong gawin yon para lang sayo.. **Girlfriend**:Di gawin mo bahala ka kung anong gusto mo.. Pagkabasa ko ng conversation nila ay galit na galit ako sa girl..Parang gusto ko din siya saktan at parusahan....Gusto ko iparamdam sa kanya na ang sakit mawalan ng kapatid...Pero dahil may takot ako sa diyos ay ipinaubaya ko na lamang ang lahat sa kanya... **Panaginip** Dahil sa pagod ko kasama na din yong pag iyak ay hind ko namalayan na nakatulog pala ako sa sala namin...Napanaginipan ko ang aking kapatid na ang lungkot ng mukha niya at humihingi pa din ng sorry sa amin...Patawarin ko na din daw ang girlfriend niya dahil kasalanan niya naman daw ang lahat dahil hindi siya ng isip ng tama...Gusto niya pa daw mabuhay at itama ang lahat kaso huli na daw....**At bigla akong nagising sa aking panaginip.Parang totoo ang lahat...**. **Message for my readers.** Tama ang magmahal ng totoo at huwag manloko pero dapat sa tamang tao..Yong mamahalin ka din ng totoo ...At lagi natin tandaan na kung magmahal tayo ay huwag lahat-lahat..Magtira tayo ng kahit kunti para sa sarili natin para makapag-isip tayo ng tama at higit sa lahat lagi natin tandaan na anumang problema na dumaan sa buhay natin...Kapag wala man tayong makausap andyan ang panginoon para pakinggan tayo..Sa kanya natin ipaubaya ang lahat ng problema kung feeling natin ay sumusuko na tayo...Tulungan natin ang ating mga sarili na bumangon sa anumang pagsubok sa buhay.. **Message for my brother lost** Sana mapatawad mo na din ang iyong sarili at napatawad ka na din ng ating panginoon...Sana payapa ka na ngayon..11Yrs na ang nakalipas at sobrang mis na mis na kita pero kailangan ko ng tanggapin na wala ka na at kasama mo na ngayon ang papa natin... Thank you so much sa time para basahin ang kwento ng @Buhayexperience..Godbless us all.. Published October 09,2021 9:16am Philippines Lead image:Unsplash

@Buhayexperience

My mother true story year 1967 Sino po ang nakapanood na ng movie na **Titanic(1997)Jack and Rose**??Isa ito sa napakagandang movie na napanood ko... Sa mga nakapanood na po nito ay sigurado na ma iimagine niyo po ang kwentong ibabahagi ko sa inyo ngayon.. **My mother True story** **Taong 1967,November 02,Thursday**...Galing ang mother ko sa maynila at kailangan niyang umuwi ng aklan dahil malapit na ang kanyang **debut** at pinapauwi na siya ng kanyang mga magulang na andon sa aklan....Sa tita kasi siya nakatira dahil pinapag-aral siya nito sa maynila...**17yrs old** palang ang mother ko nong mangyari ang hindi inaasahan sa kanyang buhay... **Thursday Morning** Alam ng mother ko na may papalapit ng bagyo pero pinilit niya pa din sumakay ng barko dahil ang akala ng mama ko ay hindi naman ito kalakasan at makakauwi siya ng aklan ng ligtas....Maganda at malaking barko ang kanyang sinakyan na ang pangalan ay M/V Mindoro....Habang nasa kalagitnaan sila ng karagatan ay lumakas ang alon at ramdam na ramdam ng mga nakasakay doon na tila lulubog ang kanilang sinasakyan dahil sa makakapal na alon...Kinabahan ang mother ko habang nasa loob ng barko...Marami ang nagsisigawan at tila nagpapanic na dahil pumapasok na yong tubig sa loob ng barko....Kinagabihan ay halos patuhod na nila yong tubig sa loob at may umiingay na sa kanila na lulubog na barko na kanilang sinasakyan...Pinasuot sila ng life jacket para sa kanilang kaligtasan...Umiiyak na ang lahat,marami ang nananalangin na nawa'y iligtas sila sa panganip..may mga tumalon na ng bintana at dahil sa nagpanic na din ang mother ko ay tumalon na din siya ng bintana....Lumubog siya at nakainom ng tubig galing sa dagat pero dahil sa life jacket na suot nya ay lumitaw siya....Linakasan ng mother ko ang loob dahil hindi siya marunong lumangoy ..May tumulong sa kanya at dinala siya sa isang bagay na lumilitaw para hindi siya mababad sa tubig...Hanggang sa nakita nilang tumataob na yong barko na kanilang sinasakyan..Nakita rin nila na madami na rin ang nakalutang na patay....Pero ang mama ko ay malakas ang loob..Doon sa kanilang sinasakyan na parang plywood kalawak ay nagpagitna siya dahil almost 20 na tao ang nakasakay doon ...Dahil mabigat sila ay lumubog ito at hanggang dibdbib ng mother ko ang tubig.. **Whole Friday** Simula friday ay walang kain ang mother ko..Nakalutong lang sila sa gitna ng karagatan..Wala tulong na dumarating..Kinagabihan namatay ang 3 sa kasamahan nila....Walang ibang ginawa ang mother ko ay manalangin at palakasin ang loob para maka survive at makita niya pa ang kanyang mga magulang.. Whole Saturday Panibagong araw ng pagsasakripisyo..Wala pa din na dumarating para tulungan sila..Makulimlim yong panahon pero sa awa ng diyos ay nakayanan pa din ng mother ko ang gutom...Nakita ng mother ko na may mga dumadaan na maliliit na pating(shark )At kinakain ang mga katawan ng mga patay na nasa malayo sa kanila..Doon natakot ang mother ko..Nawalan ng pag-asa na baka ito na ang huling araw ng mama ko....Nawalan na din siya ng boses..Hindi na siya makapagsalita...Nakita niya din na nagsisipatayan na din yong ibang mga kasama niya... **Sunday Morning** Mainit na ang panahon...Nagising siya sa sinag ng araw..Nawalan na pala siya ng malay dahil sa gutom pagod at lamig...Subalit nagising siya dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha niya...Pagka gising niya ang akala niya ay nakasurvive na siya pero hindi pa pala..Andon pa din siya sa kalagitnaan ng karagatan....May natanaw siya sa malayo na isang mangingisda...Pinilit niyang tanggalin ang kapirasong damit ng katabi niya na patay na din para iwagayway niya ito at makita sila ng isang mangingisda...Nagwagi ang mother ko dahil sa wakas ay lumapit sa kanila ang isang mangingisda pero hindi sila nito kinuha..Agad na umalis ang mangingisda at pagbalik nito ay madami ng mga kasama....Parang lantang gulay ang mother ko at nawalan na ng malay.... Pagkagising ulit ng mama ko ay nasa gilid na sila ng dagat na nakahiga..Madaming tao at pinagkaguluhan sila...Laking pasasalamat ng mother ko dahil isa siya sa 9 na tao na nakaligtas sa trahedya na nangyari sa kanya.. **Sobrang thank you din dahil nakaligtas ang mother ko dahil kung hindi ay wala ako ngayon dito..Walang** @Buhayexperience**na bumabahagi ngayon sainyo ng ganitong karanasan...** **Thank you so much sa patuloy na sumusupport at gumagabay sa akin dito sa read.cash...especially to my very amazing and generous sponsors**... From the buttom of my heart...❤️❤️❤️ Thank you so much Godbless you all @Buhayexperience

+2 more

@Buhayexperience

The dwarfs and my baby girl true story Ano po ba mararamdaman niyo kapag yong kaisa-isa niyong anak ay bigla nalang mawawala na parang bula na hindi mo alam kung saan at kung ano na ang nangyari sa kanya.. Year 2018 Lumipat kami ng bahay ng anak ko sa lumapain ng asawa ng kapatid ko...Gusto na din kasi namin tumira sa sarili naming bahay...Dati kasi ay sa mother in law pa kami nakatira pero iba pa din yong andon ka sa sarili mong bahay... Day:Tuesday Maagang-maaga palang ay gising na ako..Mga 5am ay kitang -kita na ang liwanag sa paligid kaya nagkakape na ako ng mga oras na yan..At mga 5:30am ay sinisimulan ko na ang paglilinis ng bahay,paghahalaman at kung ano ano pa...Masaya kasi ako sa bago naming bahay..Yong hawak ko ang aking oras at walang pinapakisamahan na ibang tao.. Dito sa malapit sa bahay namin ay may isang napakalinis na bukal kung saan dito kami kumukuha ng iniinum na tubig..Mga ilang metro din ang layo sa bahay namin at ang daanan papunta sa bukal ay napakaliit lang at madaming damo sa paligid..Minsan kapag sinisipag ako ay nililinisan ko ang daan kasi nga nakakatakot ang ahas... Araw nga ng martes ay sinipag akong linisan ang daan papuntang bukal..Habang yong anak ko na 3yrs old palang noon ay binabantayan ng mama ko....Ewan ko kung anong nakain ko at hanggang doon sa bukal ay panay ang walis ko....Pero nagulat nalang ako kasi sumunod sa akin yong anak ko...Nakita ko nalang siya na nasa tabi ko na siya...Nagalit ako kasi delingkwente daw ang bukal na yon.Madaming storya ang naririnig ko about dito...*****Kaya pinagalitan ko talaga siya.Sabi ko sa anak ko bakit ka pumunta dito,,diba sabi ko sayo huwag na huwag kang pupunta dito sa bukal at hintayin mo nalang ako sa bahay...Martes pa naman ngayon baka paglaruan tayo*********..****Ganun yong sinasabi habang tinitingnan ko yong aking anak..Pero hindi lang kumibo ang anak ko...Sabi ko sa kanya dyan ka lang muna sa tabi at huhugas lang ako ng kamay... Kung makikita niyo po na may arrow akong iniligay sa larawan..Dyan ko po pinatayo ang anak ko...Isang daanan lang talaga pauwi sa amin at walang kahit saang sulok na pweding pang taguan ang anak ko....After kong humugas ng kamay ay lumingon ako sa anak ko pero wala na ito..**(******Nagtaasan balahibo ko ngayon habang nagkukwento nanariwa kasi sa akin yong nangyari)**** Ang unang pumasok sa isip ko ay baka nauna na ito sa akin at hindi na nakapag hintay..Sobrang relax na relax pa ang utak ko..So naglakad ako pauwi at gusto ko siyang sundan.Habang naglalakad ako ay sumagi sa isip ko na bakit kaya ang bilis ng anak ko na maglakad..Hindi ko man lang masilayan yong kanyang katawan.....Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makauwi ako sa bahay..Tinanong ko ang mama ko...Kung nakauwi na yong anak ko..Subalit ang sagot sa akin ng mama ko****"Diba sumunod sayo?****Pagsabi noon ng mama ko sa akin ay agad kong hinanap sa loob ng bahay ang anak ko pero wala ito dito.. Bigla akong kinabahan tumakbo ako pabalik sa bukal baka hindi ko lang siya napansin at kawawa naman kaku kung sakaling naiwan ko siya at baka umiyak na...Pagdating ko sa bakal ay wala pa din ito..Kabang-kaba na talaga ako at sumisigaw na ako..Tinatawag ko na ang kanyang pangalan habang umiiyak ako pero walang sumasagot..Umupo ako sa bato doon mismo sa bukal..habang binibigkas ko ang pangalan ng anak ko.. Makalipas ang mahigit sampung minuto ay tumayo ako..Halos mababaliw na ako kung saan ko hahanapin ang anak ko..Nag-iisang anak ko lang siya at ikamamatay ko kapag nawala siya..Yon ang nararamdaman ko sa mga oras na yon....Sinubukan ko ulit maglakad pauwi ng may biglang magsalita sa likuran ko...Ang sabi ng isang bata"Mama saging po ba yan?Nang lingunin ko sa likuran ko ay anak ko nga...Pagkakita ko sa anak ko ay dali-dali ko itong binuhat at tinakbo pauwi sa bahay namin.. Habang nasa bahay ay ipinaupo ko sa aming kwarto at tinanong ko siya kung saan pumunta at bakit hindi ko siya nakita...Ang sagot niya sa akin ay may bumuhat daw sa kanya na isang unano at ang dami daw na buhok sa mukha..Ang haba daw ng balbas..Dinala daw siya sa bahay tapos ang daming pinapakain daw sa kanya....Ayaw niya daw kumain....****(Mabuti nalang at maarte talaga ang anak ko sa pagkain kahit lugaw never mo yan mapakain)**** Meron daw don na kulay itim daw na parang bigas ang pinipilit daw na pakainin sa kanya.Tinatakot daw siya kaya napilitan daw siyang kainin pero ng malasahan niya daw na sobrang pait ay isinuka niya ito at tumakbo daw siya..Tapos bigla niya nalang nakita yong bukal... Pagkakita ng anak ko sa bukal ay nakita niya daw akong naglalakad pauwi kaya sinudan niya ako.... Habang navkukwento ang anak ko ay awang-awa ako dito...Mabuti nalang talaga at hindi kinain ng anak ko yong itim daw na parang kanin kasi baka hindi na talaga siya nakabalik sa akin....Naniniwala ako sa kwento ng anak ko kasi sa edad niyang 3yrs old ay wala pa siyang alam about sa itim na kanin.Yong drawfs medyo may alam na siya pero hindi naman siguro gagawa ng storya ang anak ko kung hindi yon ang totoong nangyari.Kaya simula noon ay never ko na talaga siyang pinapapunta sa aming bukal...Ayaw ko na ulit mangyari yon sa kanya... Paalala Kung meron man pong mga delengkwente sa inyong lugar ay gabayan ninyo ang inyong anak..Manalig sa ating panginoon para huwag mangyari ang nangyari sa aking anak...Mas mabuti na yong maingat para walang mapahamak at huwag magsisi sa huli... Ending Maraming salamat po sa aking mga readers at mababait na sponsors By the way na ishare ko po ito sa inyo ngayon dahil sa aking nabasa about sa article ni sissy @Ling01 about sa giant and sa dwarfs heheh..Naalala ko tuloy yong nangyari sa anak ko 3yrs ago. Thank you so much everyone and godbless.. Published October 03,2021 Saturday Time check 8:00pm Philippines @Buhayexperience

+3 more

@Buhayexperience

Ipagpapatuloy or susuko na? How are you today?.....Me I'm good but I feel so lazy a few days ago..I don't know why..heheh....Siguro nakakamis din yong nakikita mo sa notification na binibisita ka ni **Random Rewarder**.heheh..Sabagay more than 1week or 2weeks pa lang ata ako dito and kailangan ko pa talaga mag effort and gumawa ng articles ng mas madami para mapansin din ulit..Hehehe... When was random rewarder visited me? Pangalawang araw ko po ata dito sa read.cash nag buksan ko ang aking notification si Random Rewarder agad ang bumulaga sa akin.Napansin niya yong pangalawang articles na ginawa ko yong**"Karanasang hinding-hindi ko makakalimutan**..Dahil baguhan ako naisip ko ito na ba yong sinasabi nilang si **Rusty**?hahah...But yon din yong araw na para akong nanalo sa lotto..hahah Simula nong araw na yon ay super excited ako magbukas ng **read.cash...** Next day Kinabukasan may another blessings na dumating...May new sponsor na nga ako si @Bloghound dumating din si @Ling01 sumunod si @Sweetiepie pagkatapos ang aking matalik na kaibigan dito sa read.cash si @ibelieveistorya .....Thank you so much po sa inyo.. Dahil sa kanila mas na inspired pa po ako lalo gumawa ng gumawa ng articles...Feeling ko ang dami kong naitotopic na pwede ko ikwento dito.hahaha.. Hanggang sa more on puyat na naman ako,,sumakit yong ulo ko pero go lang ng go kasi naisip ko nakakahiya naman kung ititigil ko yong read.cash eh nakakahiya naman sa mga naniniwala sa akin lalo na po doon sa mga nag sponsors sa akin... Sa isip ko kailangan ko ulit gumawa ng panibagong articles...Kaya lang wala talagang pumapasok sa utak ko..Yong feeling na gusto mong gumawa ng isang magandang articles pero hindi mo alam kung paano simulan.hahaha..Nong nakaraang araw more on comments lang ako,likes,upvote...After that iiwan na si read.cash para malibang fb or youtube nalang ako.hahaha.. Yesterday Kahapon bukas ulit ako ng read.cash baka sabi ko may good news bisitahin ulit ako ni Random Rewarder.hahaha..Pero wala pa din but good news naman kasi andyan yong aking mga readers and sponsors na sumusupport sa akin... Naisip ko ano kaya ang pwede kong maging topic kahapon..Kaya lang wala pa din..Mahirap talaga pilitin yong utak lalo na kapag wala ka talaga sa mood.Baka pangit lang ang resulta kapag gumawa ako ng articles..Sa isip ko huwag na lang muna..Ang ginawa ko basa-basa ng mga articles and comment na din... Today Ito na nga umupo ako sa sala namin..Kinuha ko ulit ang phone ko sabay bukas ng read.cash...Wala sa isip ko na gumawa ng articles..Gusto ko lang bisitahin ulit at umikot para malibang sa pagbabasa.hahahah...And nadaanan ko ulit yong ginawang articles ni @Sweetiepie **"Dapat na ba akong sumuko agad"** Pasensya na @Sweetiepiehindi ako nagpaalam sayo.hahah...Ginawa kong model yong gawa mo.heheh...Yon na nga po binasa ko ulit siya actually nabasa ko na talaga siya dati....Ngayon habang binabasa ko yong articles na nga yon tapos nakita ko yong mga new articles na gawa ni sissy..Naisip ko kung susuko din ako walang mangyayari..Tsaka nasimulan ko na nga yong read.cash bakit pa ba ako susuko..Linagay ko sa utak ko yong iba nga dyan na mas matagal sa akin ay hindi din siguro nabibisita ni **Random Rewarder**.hahah.Ako pa kaya...Kaya ipagpapatuloy ko ang journey ko dito sa read.cash dahil alam kong mas marami pa akong matutunan dito...Isa din sa hindi dapat ako sumuko kasi andyan po kayo lalo na yong aking mga sponsors.. Author's note Kailangan bukal sa loob natin yong ginagawa natin na walang hinihintay na kapalit.Dapat masaya lang tayo sa ating ginagawa dahil ang blessings ay kusang dumarating... Mali yong hinihintay kong daanan ni Random Rewarder..Dapat gumawa lang ako ng gumawa ng articles dahil sa masaya ako sa ginagawa ko at gusto ko itong gawin.. Para sa aking mga readers na hindi din napapansin ni rusty..Ipagpatuloy niyo lang po yong pagawa ng articles kasi malay natin biglang dumating..Ang importante naman po niyan ay yong gusto pa natin yong ating ginagawa...Kung masaya pa ba tayo o hindi na... Maraming salamat po sa inyong lahat.. Welcome October Goodbye september Have a blessed day to all Time check 1:37pm Philippines Orig photos @Buhayexperience

@Buhayexperience

My daughter's birthday Yesterday,september 28,2021..Ito yong araw na pinaka hihintay ng aking baby girl.Nagising siya ng 5am..Sabi sa akin,Mama birthday ko na ba?Biniro namin siya sabi namin hindi pa.Isang tulog pa bago ang birthday niya.hahaha..Na sad yong anak ko kasi sabi daw namin isang tulog nalang tapos yon pala another isang tulog nalang..Ang ginawa ng anak ko ay nagtampo sa amin..Linagyan niya ng takip ang kanyang ulo ng unan na parang gusto ulit bumalik sa pag tulog..Ang hindi niya alam ay gising na din ang kanyang mga pinsan at hinihintay lang yong pagising niya.Dali-dali pumasok yong mga pinsan niya sa kwarto kasama yong tita niya na dala-dalang yong cake habang kinakantahan ang anak ko ng happy birthday..Pagdilat ng anak ko nagulat talaga at sabay tuwang-tuwa dahil ngayon daw pala ang kaarawan niya... Nagsigisingan na lahat ng mga nasa loob ng bahay dahil ang ingay namin.....Sabi ng anak ko wala pa ba akong regalo galing sa angels ko?hahaha.Kwento ko kasi sa kanya nong gabi bago ang birthday na kapag mababait na bata ay binibigyan ng gift ng angels lalo na kapag birthday kaya matulog ka na kaku ng maaga😂😂..Kaya sumunod siya sa akin..Pero may nakahanda na talaga akong regalo sa kanya para pagising niya..Sasabihin na hindi ako sinungaling na totoo talaga yong angels na sinasabi ko.hahaha...Ito na nga yon pagtingin niya sa may likuran niya ay nakita nya yong mga binili kong mga laruan..Favorite niya kasi yong mga gamit sa kitchen kaya yon ang binili kong laruan..Pagkakita niya ng laruan agad itong tumayo at dali-daling binuksan ang mga ito at nakipaglaro agad sa bago niyang laruan na may kasamang isang maliit na parang barbie.. Super happy ng anak ko pagising niya..Naging successful yong pasurprise namin sa kaniya dahil naramdaman niya agad na special ang araw na ito para sa kanya... Next plan After namin mag almusal ay naligo na kami dahil ang pinaka importante sa lahat ay magpasalamat sa nagbigay buhay sa atin..Si papa God.Nagsindi kami ng kandila at nanalangin na din.Ang anak ko mahilig talaga siyang humawak sa kamay ng mama mary o kaya hahalik siya dito tuwing pupunta kami ng simbahan... Pakatapos ay ito na nga yong kasama sa plano namin.Ang kumain sa labas...Actually dahil sa pandemic ngayon at bawal yong maraming tao..Kami nalang muna yong kumain sa Mcdo. Pauwi na kami ay gusto ng anak ko dumaan sa kanyang mga lolo at lola sa side ng papa niya.Bilhan daw namin ng cake para yon ang ipasalubong niya sa kanyang grandma and grandpa....Ang sweet nga ng anak ko kasi siya talaga yong pumili ng cake..akala mo siya yong magbabayad.hahahah Pagkabili namin ay pumunta na nga kami sa bahay ng lolo't lola niya..Maaga pa naman..Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin na nananghalian sila at sakto dahil sa nabitin ako ng kain sa food chain ay kumain ulit ako pagdating..Nagluto ang mother in law ko ng nilagang baka,ginataang manok na medyo maanghang at may isda din para sa ayaw ng karne..Parang fiestahan lang.hahaha Nakalimutan kong kakakain lang namin sa labas.hahahah.. Pa surprise ng magpipinsan sa anak ko Gumawa yong mga bata ng kanya-kanyang design ng cake gamit ang marsmallow at bread..Nakakatuwa yong mga bata dahil wala pa silang pera at para sumaya ang anak ko ay nag effort din sila..Dahil sa ginawa nila at talaga namang natuwa yong anak ko... Meryenda sa bahay ng lolo't lola Nagluto din kami ng pansit sa bahay ng mother in law ko.Medyo matanda na din kasi sila at mahihirapan ng mag byahe papunta sa amin kaya nag celebrate din kami ng pang pa meryenda sa bahay nila....After maluto ay nag sama-sama kaming kumain...Ramdam ko talaga yong kabusuguan.hahahah Pabalik sa aming tahanan 3:30pm ay kailangan na namin umuwi dahil ang hindi alam ng anak ay may pa surprise pa sa kanya yong mga tita at tito kasama na din ang bestfriend ko para sa kanya....Habang nasa bahay kami ng lolo't lola nya ay sobrang busy naman doon sa bahay namin.May nagluluto din ng spaghetti,malagkit,pansit at meron ding mga regalo sa kanya..Meron ding vedioke at madami na ding bisita.. Pagdating namin sa bahay ay mga pagkain na naman yong bumungad sa amin.hahaha..Sabi ng anak ko..Akala ko mama tapos na yong handa ko kasi kumain na tayo sa labas tapos nagluto na din ng pansit kila lola..Madami pa pala at kitang-kita sa anak ko ang labis na kasiyahan... Pagkakita ng anak ko na luto na yong spaghetti after pumalit ng damit ay humingi sa amin at gutom na daw siya.hahahah..Favorite niya kasi yong spaghetti kaya hindi yon mawawala..Pero bigay yon ng bestfriend ko kaya thank you sa pa sponsor.heheh Pagdating ng gabi ay nagsimula na yong ingay sa bahay namin...May nagkakantahan at meron ding nag-iinuman sa labas ng aming bahay...Meron ding nag gigitara habang sa loob ng bahay ay may isang bata na kumakanta.hahahah Masaya kami dahil nagawa naming maging successful yong kaarawan ng anak ko.. Closing.. Lahat ng magulang ay gagawin ang lahat para lang maging masaya ang kanilang anak..Lalo na kong ito ay kaarawan ng ating anak.. Author's note.. Thank you so much sa lahat ng tumulong at nagbigay ng regalo sa aking anak.Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo.. Para sa aking mababait na sponsors maraming-maraming salamat sa patuloy na nagtitiwala sa akin.. Para sa aking mababait na readers...Sana hindi po kayo magsawa na basahin ang aking mga articles.. Godbless us all... Thank you so much Image soure:All original @Buhayexperience

+20 more

@Buhayexperience

Planning for my little princess on her 6th birthday As a mother or a parent ang gusto natin para sa ating anak ay maging happy lalo na sa kanyang kaarawan..For me as a mother basta nakikita ko siyang malusog at walang karamdaman super blessed na ako niyan..But for my daughter syempre dahil bata..Ang dami niyang plano para sa kanyang kaarawan. When? Bukas na po ang birthday ng anak ko.September 28,2021.Sobrang excited na po siya at lagi niyang tinatanong sa akin kung kilang tulog na lang daw bago ang birthday niya.Panay bilang ng daliri sa kanyang kamay kasi super tagal pa daw..Simula siya ng bilang simula nong month of August pa.😂😂Kaya syempre dapat on her birthday eh meron talaga kahit simple or kahit kunti kasi ayaw namin ma dissapoint yong bata.Although medyo mahirap ang sitwasyon ngayon pero kailangan gawan ng paraan.. What's the plan? Naisip namin na kumain nalang sana sa foodchain like jollibee kasi ang favorite nya lang naman ay friend chicken and spaghetti..Naisip ko din kapag nag handa ako sa bahay tapos merong karamdaman ang mama ko baka hindi maganda ang kalabasan.Kaya lang what if kung ayaw ng anak ko kasi malayo pa ang birthday nya ay excited na siya sa mga darating na bisita. My second plan. Balak namin na ganapin nalang doon sa bahay ng mother in law ko para hindi mahirapan yong mga kapinsanan niya sa side ng papa niya na pumunta dito sa lugar namin.Medyo malayo din kasi and naisip ko ang gusto ng anak ko ay yong maraming tao..Tama nakakapagod nga kapag may mga ganitong okasyon but once a year lang naman daw at para naman sa anak ko itong gagawin namin..More relatives lang naman yong andon so medyo safe naman siguro because of this pandemic.. What's the menu? Wow akala mo dami handa no.hahaha..Hindi simple lang basta ang importante yong pina request talaga ng anak ko ay yong cake,kasi daw kapag walang cake eh hindi niya daw birthday.heheh..Tsaka spaghetti at andon daw yong mga kalaro niya at kaming parents niya ay masaya na daw siya...Syempre dapat andon din sana ang bestfriend ko dahil super close din ng anak ko ang mga anak ng bestfriend ko..So I hope na kapag natuloy yong second plan ay makapunta sila..hehehe Gusto ko sana magdagdag ng breadrolls,puto at pitchi-pitchi para medyo madami din ng kunti.heheh.. Ito po yong plano palang namin para po bukas..pwede pa pong mabago yon..hehehe.Any suggestion po? By the way ang pinaka importante naman ay yong makapag thank you tayo ki god dahil sa another blessings na dumating para sa anak natin. Big thanks to my sponsors and readers @Buhayexperience

+3 more

@Buhayexperience

Dancing in the morning with my little princess My morning experience Today is sunday september 26,2021..I feel so lazy and irritated..Siguro dala pa ng sama ng pakiramdam kahapon....Kinuha ko yong phone ko para mag open ng read.cash..Gusto ko gumawa ng articles..Pero yong utak ko parang ayaw gumana..Wala akong maisip na na idea kong paano at kung saan ako magsisimula..Ang ginawa ko nag ikot-ikot ako sa read.cash.hahaha..baka sakaling magkaroon din ako ng ideas...Hanggang sa more than 5 articles na siguro yong nababasa ko pero wala pa ding pumapasok sa utak ko...Kahit nga mag comments nahirapan pa ako.hahahah...Kung tutuusin naunawaan ko naman at ramdam ko naman yong mga ginawa nilang articles but more likes and tip nalang ako..hahahaah..Hanggang sa nagsawa ako magbasa...Punta naman ako sa gallery ko baka kako meron don na picture at baka sakaling may ma itopic ako...At the end wala pa din.hahaha..Bakit ganon ako ngayon..Hirap talaga pilitin kapag walang pumapasok sa utak mo..Para na nga akong baliw kanina...Alam niyo po ba yong gusto niyo naman gumawa ng article pero yong utak niyo walang pumapasok na idea..hahaha.Mahirap naman gumawa ng article na more on immagination..Sigurado hindi maganda ang resulta..Iba pa din yong talagang nangyari na or alam mo talaga yong sinusulat mo...Kaya ang ginawa ko lumabas ako ng bahay..Andon yong anak ko nakikipaglaro sa mga pinsan.Nagsasayawan sila wala naman na togtog..Hahahah..Bigla kong naisip sabi ko sa aking sarili bakit hindi nalang ako mag zumba kasama itong mga chikiting.hahahaha.Baka sakaling kapag pinawisan ako..Mawala yong mga sakit ng katawan ko at gumana ang utak ko.hahahaha.Tinawag ki sila sabi ko sayaw tayo...hahahaha.. **BLOOTOT SPEAKER** Binuksan ko ang aking blootot speaker na nabili ko lang sa shoppe.heheh.Mura lang kasi siya don...Pakatapos ay kinuha ko din yong isang phone ko para econnect sa speaker tapos pumili ako ng mga togtog na talaga namang mapapa indak ka...Kaya lang yong mga bata may request agad sa akin yong Boom boom daw by momoland kasi alam daw nila yong steps...Kaya sabi ko sige ko ako nalang yong makikisabay sa inyo.hahaha.Ang sasaya ng mga bata habang sumasayaw..Panay tawa ko at napapasayaw na din... Mas magaling pa sila sumayaw kisa sa akin.hahaha..Pero pinag pawisan din ako.Nakalimutan kong galing pala ako sa sakit..hahaha.But super nag enjoy ako ngayong umaga...Iba pa din talaga yong na eexercise yong buong katawan..Feeling ko din na refresh yong utak ko...hahah Ang nakakatuwa pa kasi mismong anak ko ay isinayaw ako.Mahilig talagang sumayaw anak ko.Kapag nakakarinig ng togtog kahit sa kapitbahay namin,kapag nagugustuhan nya ay talagang sasayaw yan..Kanina super sweet niya sa akin...Partner daw kami..gusto niya daw ako isayaw para hindi na daw ako sad.🥰🥰 Sa ngayon ay ok na ang pakiramdam ko at ito nga po nakapag simula ng gumawa ng article..Salamat sa mga bata at sa aking anak at talagang pinagpawisan ako.. **Big thanks to my sponsors and readers** @Buhayexperience

+1 more

@Buhayexperience

Wow..Thank you so much Ibelievestorya sa pag sponsor sa akin...Pasensya na po at ngayon ko lang napansin.Nag pahinga kasi ako ng isang araw dahil sa masamang pakiramdam pero ok na po ako ngayon at mas naging ok pagkakita ko po nitong noti about po sa pag sponsor niyo..Hahaha..Maraming salamat po ulit at pinsaya niyo ang umaga ko ..godbless poh..

@Buhayexperience

Isa sa pinaka ayaw ko yong magkasakit ako.Kahit naman sino ayaw magkasakit..Kagabi habang gumagawa ako ng article about sa pamahiin..Kumikirot na talaga yong ulo kasama na siguro yong pagod...Pero naisip ko kailangan kong makatapos ng kahit isang article everyday..Kasi nakakahiya naman sa nag sponsor sa akin.hehehe At syempre po sa patuloy na naniniwala...Kaya kahit medyo masama yong pakiramdam ko ay itinuloy ko pa din at tinapos yong pamahiin..After ko ma ipublished talagang hinang-hina na ako..Kaya naisip ko ng mahiga pars makatulog na..Kaya lang yong mga aso namin ang iingay...Kahol ng kahol..pasalit-salit hanggang umaga tapos yong mama ko inatake din ng sakit niya..Kaya mas nadagdagan yong sakit na nararamdaman ko ngayon..Kaya pasensya na po kung ngayon lang ulit ako nakapag post...Yong mga hindi ko na po na reply sa comments pasensya na po..Siguro hindi ko pa po kaya sa ngayon gumawa ng article..Wala pa po kasi akong maisip dala ng aking nararamdaman..Mas maganda kasi kapag gumagawa ng isang artikulo ay yong hindi minamadali,hindi napipilitan...Dapat yong bukal sa loob mo yong pagawa ng isang article.. Pasensya na po ulit lalo na sa aking mga readers...Sana bukas ay ok na ako..Maraming salamat po sa inyong pag unawa..

@Buhayexperience

Pamahiin ba o masamang pangitain? Akala ko dati pamahiin ang tawag sa mga sinasabi ng matatanda kapag nanaginip ka daw ng masama ay huwag mong ipagkuwento sa tao lalo na sa mga mahal mo sa buhay para hindi magkatotoo..Nalito tuloy ako?Ano ba ang totoong tawag dito? Pag-uwi ko ng bahay,galing ako sa trabaho ay nakita ko ang mama ko na nakaupo sa sala..Tulala ito,siguro dinaramdam niya yong pagkawala ng kapatid niya dahil sa wakas ay nasabi na namin ito sa kanya nong isang araw .Kaya ang ginawa ko lumapit ako sa kanya after ko magpalit ng damit..Tamang-tama ay may dala-dala akong isang buong manok na binili sa andokz,.Binigyan ko si mama at natuwa naman siya...Habang kumakain siya ay nagkwento siya about sa manok.... **Pamahiin** Ang sabi ng mama ko noon daw na buhay pa ang kanyang mga magulang ay taon-taon sila sumusunod sa pamahiin..Kumakatay daw sila ng isang manok na babae at isa ding manok na lalaki..Tapos kapag nalinisan na daw ito ay lalagyan nila ng mga rekado sa loob para mas lumasa...Tapos yong balahibo na tinanggal dito at mga lamang loob ay hindi pweding makain ng kahit anong hayop tulad ng aso at pusa...Ililibing daw nila ito na ng malalim....Tapos kapag naluto na yong manok ay ihahain sa kanilang mesa..Pagkatapos daw niyan ay sasamahan pa ng iba't-ibang uri ng kakanin..Kapag kumpleto na daw ay lahat ng buong pamilya ay sama-samang kakain nito hanggang sa maubos..Tapos yong mga buto ng manok or kahit anong tira sa kanilang lamesa ay hindi pweding makain ng kahit sino.Ito din daw ay kailanga ilibing...... Tinanong ko ang mama ko kung ano ang ibig sabihin ng pamahiin na yon sa kanila at kung bakit kailangan nilang gawin yon...Ang sagot sa akin ng mama ko ay para daw walang masamang mangyari sa kanilang buong pamilya at walang magkasakit na malubha isa man sa kanila..Yon daw ang paniniwala ng aking mga lolo at lola.... Actually kanina ko lang nalaman ang pamahiin na ganyan.Naisip ko ay maganda itong gawing article sa read.cash at naalala ko yong sinabi saakin kanina ni @Ling01 Heheh..Sana magustuhan mo po ito lalo na din ng aking mga readers.heheh Sa pinagkukwentuhan namin ng mama ko ay mas nadagdagan ang aking mga kaalaman.Naitanong ko din sa kanya yong about sa masamang panaginip..Actually may alam na din ako pero mas maganda kung talagang marinig ko mismo sa mama ko kung ano ba talaga yong totoo..Nasa 70yrs old na ang mama ko ngayon at madami na din siyang mga alam lalo na mga kasabihan ng mga matatanda.heheh... Sabi ng mama ko iba naman daw ang pamahiin at yong about sa masamang panaginip...Kapag sa panaginip daw ang tawag noon masamang pangitain...Anyway kung ano man ang totoong tawag don ay kayo na po ang humusga.hehehe.Base lang po yon sa alam ng mama ko.. **Masamang pangitain** **Ngipin** Kapag nanaginip ka raw ng ngipin na nagtatanggalan ito daw isang napakasamang panaginip dahil ito daw ay may masamang pangitain na may isang mahal mo sa buhay ang mamamatay. **Karne** Kapag karne naman ang ibig sabihin ng panaginip na yon ay may masamang mangyayari sa iyong kapitbahay o kaibigan na maaari ding ikamatay. kapag nakapanaginip daw ng masama ay huwag na huwag ipagsabi sa kahit sinong tao dahil pwede daw itong mangyari sa taong napagsabihan mo..Kung maaari daw ay ikwento daw ito sa mga bagay tulad ng puno,sa bato o kaya sa damo tapos kagatin daw ito at makikita mo ilang araw ay makikita mo nalang daw na namamatay ang mga bagay na yon... Ito yong mga nabanggit ng mama ko hanggang sa napagod na siya sa pagkukuwento....Ang huli niyang sinabi ang pinakamagandang gawin daw ay manalagin dahil walang mas hihigit pa sa kapangyarihan sa itaas... Nabitin ako ng kwento ng mama ko..Gusto ko pa sanang makinig sa iba niya pang kwento kaya lang dahil matanda na at may sakit pa ang mama ko ay kailangan ng mag pahinga.Natuwa lang ako kanina kasi ngayon lang ulit nagkwento ang mama ko ng medyo matagal-tagal..Kahit siya napasarap din ng kwento hanggang sa nakatapos na siyang kumain ay hindi niya pa namamalayan.hehehe... Maganda talaga kapag meron pang matanda sa inyong pamilya or sa kakilala kasi mas madami silang alam... **BIG THANKS FROM AUTHOR** September 24,2021 published @Buhayexperience

+1 more

@Buhayexperience

Preparing my viand for Dinner **Minsan nabablangko din utak ko tulad ngayon.hahah.Kaya wala akong maisip na gawing article.Habang nagluluto ako ng ulam namin ngayong hapunan ay naisip ko na ito nalang kaya yong article na gawin ko.** *I hope na magustuhan niyo po yong luto ko.heheh.* Ingredients Niyog(coconut) Tilapya Malunggay At kung ano-ano pa like bawang,sibuyas,Luya,asin at ajinamoto or magic sarap.. PROCEDURE Kailangan mo muna nating iprepare yong malunggay,Ito ang kinaiinisan ko kapag nahihimay nito.Inaantok talaga ako.hahaha.. Pakatapos ay kailangan natin kayudin yong niyog para makuha natin yong gata..Dito sa amin mano-mano lang talaga..Malayo kasi dito sa amin yong meron na may machine na kayudan para hindi ka na mahirapan ng pagkayod. Tapos kailangan malinis na yong ihahalo nating pang sahog sa gulay..Walang ibang available kaya tilapya po ang ilalagay ko. How to cook? Kapag ready na lahat ng ingredients pwede na natin simulan ang pagluluto.. Dalawang beses ako kumukuha ng gata..Yong unang gata ay siniseperate ko ito sa isang lagayan tapos yong pangalawang gata..Ito ang unang ginagamit ko.. Ilalagay ko ito sa isang kawali kasama na yong ibang mga rekado like luya,sibuyas,bawang,asin at ajinamoto. Habang pinapakuluan ko ito..Kailangan haluin hanggang sa maluto yong gata. Kapag kulong-kulo na ito ay ilagay na natin yong tilapya. Kapag luto na yong tilapya ay kailangan muna natin itong tanggalin sa kawali para hindi madurog..Ilipat muna natin ito sa isang malinis na plato. Kapag natanggal na natin yong tilapya sa kawali ay saka natin ilagay yong dahon ng malunggay..Pakuluin natin ito hanggang sa maluto.. Kapag luto na yong malunggay ay saka natin ilagay ulit yong tilapya sa ibabaw ng malunggay..Tapos ilagay na din natin yong unang gata na tinabi natin kanina..Pagkatapos ay lasahan natin base sa ating panglasa at kapag ok na ay saka siguro mga 1min lang ay kailangan na natin patayin yong apoy.Pangit naman kasi yong sobrang luto yong gulay. Author's note: I hope na nagustuhan niyo yong inihanda kong ulam.heheh.Hindi naman talaga ako magaling magluto..Lutong bahay lang ang alam ko at gusto ko lang po ishare sa inyo.Maraming salamat po sa walang sawang pagbabasa ng aking artikulo.. Source image:Captured by me.. @Buhayexperience

+12 more

@Buhayexperience

Heart Broken **Hindi lahat ng heart broken ay yong magjowa or mag asawa lang..Minsan kapag nawala isa sa mga mahal mo sa buhay.** `I'm sorry if I just want to share this..Sa mga ayaw po pwede niyo naman na huwag pansinin...heheh.Gusto ko lang ilabas yong nararamdaman ko ngayon...` Ang mama ko ay laking Visaya..Sa kalibo Aklan..Ang papa ko naman taga bicol..Ang layo nila sa isat-isa..Pero dahil sa mahal ng mama ko ang papa ko ay mas pinili ng mama ko na sumama sa papa ko dito sa bicol..Sa manila sila nagkita at nagkaibigan....For a short story...Napawalay ang mama ko sa kanyang pamilya at 48yrs na mula noon na never silang nagkikita ng kanyang mga kapatid..Super layo po kasi talaga ng mama ko ...Nong mauso nga yong vediocall ay saka palang sila nagkita..Naalala ko ngayong taon lang yong last paguusap nila ng mama ko at kitang-kita ang tuwa sa kanyang mga mata... Ngayon hindi ko alam kong anong sasabihin ko sa mama ko na wala na ang kapatid niya.Galing ako sa friend ko kahapon at para akong lutang na hindi ko maintindihan..Kahit nga yong friend ko nahalata din yong attitude ko kahapon..Paguwi ko ng bahay ay lutang pa din ako..Hanggang kinagabihan ay may natanggap akong mensahe galing sa aklan na wala na nga ang kapatid ng mama ko... Matanda na ang mama ko ngayon..Nasa 70yrs old na siya at may karamdaman..Lagi niya sa akin sinasabi na magvevediocall sila ng kapatid niya..Kaya lang paano ko sasabihin gayong may malubhang sakit din ang mama ko.Bilang isang anak ay iniisip lang namin ang kanyang kapakanan.At kapag nalaman niya ay lubos na itong ipagdaramdam..At baka ito din ang magiging sanhi ng mas lalo niyang paghina.Natatakot kami na mawala din siya..Kaya lang sa isang side ng utak ko ay kailangan naming sabihin sa kanya dahil karapatan niya yon at baka kapag hindi namin sinabi at malaman niya kapag nalibing na ay baka magdamdam ng labis sa amin... Sobrang nahihirapan ako mag decide ngayon..Nasasaktan ako sa pagkawala ng auntie ko..Kaya mas minabuti ko munang pumunta ng dalampasigan ngayon..Para ma refresh ang utak ko at makapag isip ng tama... Sobrang ganda ng beach ngayon kaya lang high tide...Ang sarap langhapin ang sariwang hangin... **AUTHOR'S NOTE:** Ipagpaumanhin niyo ang aking kwento sadyang nasasaktan lang ako ngayon.Maraming salamat sa aking mga readers na patuloy na naniniwala sa akin.. **Big thanks to my sponsors** @Ling01 @Bloghound @Sweetiepie Godbless us all

@Buhayexperience

Differences between single and married Hello my fellow readers.I just wanted to share again some of my experience about being single and married.I hope you like it❤️❤️ `Sa mga single po dyan I think makaka relate po kayo and this is for you.` One of my experience for being a single ay tanging sa magulang ko lang nagpapaalam sa tuwing uuwi ako ng bahay ng late sa bahay.. `Reason kung bakit ako late ng paguwi?` Habang nasa trabaho ako, kapag may mga ka workmates akong may birthday at hindi ko alam.Andon ko lang nalalaman kapag pumasok na ako ng trabaho ay minsan nagkakayayaan na after nang duty ay kakain sa labas or minsan nga pumupunta pa sa mga bar para sa inuman.Pero dahil hindi naman ako umiinom ng alak.hahaha..Tubig lang talaga and juice😂😂.Sumasama lang ako para kumain at para huwag ding sabihin na wala akong pakisama...hahaha..Syempre napapasama na din sa tropa at kapag napapasarap ang kwentuhan at kapag may vedioke pa ay talagang umaga na kung umuwi at galit na galit ang magulang ko kahit nagtx naman ako.Naiintindihan ko naman kasi nag aalala sila sa akin. Minsan naman kapag may mga emergency na gathering tulad ng may paparty yong mga boss at kung ano-ano pa..Go lang ako ng go kasi nga sabi nila kailangan daw natin mag enjoy habang single pa.hahah `Sumasama ka ba sa outing?` Yes kapag nagyayaya ang aking mga kaibigan na mag suswimming.Syempre sumasama din ako.At alam na yan ng mama ko kapag nag peprepare na ako ng mga pagkain,damit at kung ano-ano pa.Naaalala ko sasabihin nalang sa akin ng mama ko..Sige ingat kayo don.Huwag kayong magpapagabi at maraming lasing sa daan..Baka kung mapano kayo...Syempre sasabihin ko din na opo mama..Uuwi agad ako..hahaha.Pero hindi ko yon natutupad kasi nga kapag kasama na ang mga barkada.Nalilibang na ako masyado.Hindi na namin namamalayan yong oras.Ang alam lang namin masaya kami sa aming mga ginagawa.Wala kaming pakialam kahit umagahin ng uwi basta nakauwi naman kami ng maayos. *Isa lamang ito sa aking mga naging karanasan nong ako ay isang single.* `Ano ang pinagkaiba ng pagiging single at sa meron ng asawa?` **Relate dito yong may mga asawa na.** Madaming nabago at kailangan kong iadjust sa buhay ko nong ako ay magkaroon ng sariling pamilya.Nong wala pa akong anak medyo nagagawa ko yong mga bagay na nagagawa kong single ako.Nakakapag jamming pa din ako sa aking mga kaibigan..Pero nong magkaroon ako ng sariling anak.Doon ko naramdaman ang pagiging isang ina.Naalala ko lahat ng pag-aalaga sa akin ng aking mama.Narealize ko din kong bakit siya nagagalit sa tuwing umuuwi ako ng umaga at laging kasama ang mga barkada...Ang pagiging isang ina ang pinaka malaking resposibilad pala na kailangan ay magampanan mo ng tama para ang iyong anak ay hindi mapasama. Binago ko ang dating ako nong ako ay single.Hindi na ako sumasama sa mga kaaibigan ko kung hindi lang naman masyadong importante yong pupuntahan.Kasi naisip ko sayang ng oras.Dapat sa pag aasikaso ko na yon sa aking pamilya lalo na sa aking anak.Ayaw kung ipagkait sa bata yong kunting oras nalang na inilalagi ko sa aming tahanan dahil maghapon akong nasa trabaho.Kung noong single ako ay lagi akong umuuwi ng late.Ngayong may asawa na ako ay pakatapis ko ng trabaho ay excited agad akong umuwi ng bahay para lang makita ang aking anak.Ngayon ko lang na realize na ang totoong kaligayahan ay kapag nagkaroon ka ng sariling anak.Tama mahirap talaga ang pagiging isang ina pero hindi yon magiging mahirap kapag nagmamahal ka ng isang anak. Hindi lahat ng nagkakaroon ng sariling pamilya ay binibiyayaan ng anak kaya masasabi kong isa ako maswerte dahil isa ako sa mga pinalad na magkaroon ng sariling anak. Author's note: Thank you sa patuloy na nagbabasa ng aking artikulo.Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo..Base sa kwento ko..Ipagpaumanhin po ninyo kung hindi ako nag focus sa asawa.Mas nabago po kasi talaga yong buhay ko ng maging married ako nong magkaroon ako ng anak.Kasi 5yrs din kami nagsama bago kami binigyan ng anak pero nong mga panahon na yon nagagawa ko pa din ang pagiging single ko pero nong magkaanak ako madaming nabago sa buhay ko... Hanggang sa muli po at sana ay nagustuhan niyo ang aking kwento.Godbless po and more power.. Source images:unsplash and some are captured by me.. @Buhayexperience

+1 more

@Buhayexperience

Wow,mas lalo ko pa pong pagbubutihin ang pagawa ng artikulo.Dahil po sa mga readers ko at mga sumusupport po sa akin especially to my bestfriend mas lalo po akong na iinspired na gumawa ng article araw-araw..And gusto ko din po magpasalamat sa aking 2nd sponsor si Ma'am Bloghound..Taos puso po akong nagpapasalamat dahil sa tiwala niyo po na maging sponsor po sa akin.godbless us all po..