Sana totoo nalang
Maaga palang ay nakapag bihis na ako dahil sa hindi ko inaasahan na isa ako sa ma imbitahan ng aming kapitana sa aming barangay na pumunta sa kanyang kaarawan....Dahil sa tuwa ko eh bago mag tanghali ay andon na ako sa bahay nila...Napaka daming tao at halos ang karamihan ay halatang may kaya sa buhay....Naisip ko na napaka swerte ko naman dahil kahit simpleng tao lang ako eh napansin ako ni kapitana na Kung tawagin sa aming lugar na "**Mommy kap"...**Super bait niya naman kasi at kahit sino lalo na kapag makakita siya ng matanda kapag kailangan ng tulong ay tinutulungan niya ito......... So ayon na nga po...Habang nasa bahay ako nila ay pumunta ako sa second floor at kitang kita ko mula sa malayo ang napaka gandang tanawin......Makikita mo sa likuran ng bahay nila yong napaka gandang ilog na may napakalinis na tubig at kitang-kita mo yong mga nag hahabulan na mga itik habang naliligo...... Maya-maya ay tumawag na nga sis Mommy kap para kumain.....Para lang kaming nasa isang napaka gandang restaurant kasi meron ding mga witress na nag seserve sa amin.....Ang sasarap naman talaga ng pagkain at super nabusog ako.hahah *****By the way gusto ko lang mag pasalamat ng marami sa aking mababait at very supportive na sponsors...old and new..*****. After kong kumain ay tumayo na nga ako at lumabas ng bahay...pumunta ako sa likuran ng biglang nakita ko ang papa ko...Medyo nasa malayo siya....Nakita ko na yong favorite niyang damit suot nito at meron pang saklay...Dahil sa tuwa ko ay tinawag ko yong kasama ko habang nakatingin ako sa papa ko at sinabi kong nag pakita sa akin ang kaluluwa ng papa ko....pero bakit kaya tiningnan lang ako ng papa ko at medyo malungkot ang mukha nito....at umalis na palayo....umiyak ako at hinabol ko siya....ng biglang magising ako.......Panaginip lang pala ang lahat pero bakit pagising ko ay umiiyak din ako...Ramdam ko yong pagkamis at sakit na kahit sa panaginip ay hindi ko man lang nayakap ang papa ko....**Sana totoo nalang**.. Ito nga ako ngayon nagising na nangungulila sa ama....But thank you sa aking panaginip dahil sa wala ako ngayong maitopic eh ito yong naisip kong itopic ngayon.hehehe ***Thank you so much sa aking mga readers,upvoters,commentors and syempre sa aking mga sponsors...****.* Published November 21,2021 ❤️Buhayexperience
18 comments
For sure sis miss ka din ng papa mo kasi nagpakita siya sa panaginip mo.
Siguro sis...Lalo ko tuloy siyang namis..
May ibig sabihin panaginip mo sis.. sana ok lang ang papa mo.sa heaven
Sana nga sis at Kung saan man siya naroroon ngayon Sana masaya na siya at wala na yong sakit na nararamdaman niya nong buhay pa siya..
Ay may ibig sabihinnyang ganyan dito samin, pag nagpapakita ang isang tao na patay na sa panaginip it is either nakalimutan niyunsiyang dalawin or miss niya kayo.
Ganun pala yon baka namis lang ako Ng papa ko Kasi sobrang miss ko na din siya.
Yes kaya kung ganyan bisitahin niyo siya sis
Namiss ka lang non ng papa mo kaya nagpakita sayo. Mgpamisa sa kanya sis ksi gnyan ako pg nanaginip ako sa mga lola ko.
Oo nga sis ang layo pa naman ng bayan dito sa Amin...Sana mapamisa ko nga siya..
*Nagparamdam yung papa mo sis, baka gusto niyang magpadalaw. Ganyan kasi sa amin sis pag nasa panaginip mo daw yung yumao mong mahal sa buhay, nagpapadalaw daw yan*
Kakapunta ko pa nga lang sa puntod Ng papa ko sis....Kaka 1yr Niya palang Kasi kaya siguro nagpakita sa akin sa panaginip.hehe
*Pwedeng ganun din sis, baka na miss nya din kayo*
Sakin sissy pinapangarap kong magparamdam o mapanaginipan ang mga magulang ko pero wala eh hanggang pangarap na lang at sa mga pictures huhu
Ang swerte ko pala sissy kasi sa akin lahat nagpaparamdam yong mga Mahal ko sa buhay na namayapa na..minsan nakakausap ko sila sa aking panaginip kaya lang mas Lalo ko tuloy silang namimis..
Cguro sakin sissy di sila nagpaparamdam kasi nabigay ko naman lahat sa kanila ,, ewan un kasi sabi bg matatanda samin kaya dina nila ako binibigyan pa ng iisipin although miss ko din sila makita kahit sa panaginip man lang
Namiss ka ng papa mo sis kaya nagpakita sayo. Gusto niya makita ka niya sis. Minsan ganyan din ang pinsan ko. Nanaginip daw siya lagi, feeling ko pag ganun namimiss kayo sis.
Kahit siya sobrang miss ko na din sis..hays
I know andyan lang si papa mo sis.