Bilang isang bata? Ano ang pangarap mo sa buhay? Gusto mo bang maging Doktor? Nars? Guro? Yun talaga ang kadalasang pangarap ng isang batang musmos. Ito sa lahat ang pinaka libreng bagay na pwede nating sabihing, kahit ano lang.
Noong maliit pa ako, ang gusto lang ay mag laro katulad lang din ng iba pang mga bata. Gusto ko nang maraming laruan, kaso hindi naman basta-basta makakabili nang laruan kasi mas importante pa rin ang pagkain sa hapagkainan.
Lumipas ang mga taon, na iba na ang aking paningin sa pangarap. Gusto kong mag imbento ng mga bagay na hindi pa na imbento nang ibang mga tao. Suli rin sa isip ko noon, ano kaya't lumipad din ako katulad ng ibon. Pero malabo naman yun kasi tao ako.
Noong dalaga naman ako, gusto lang kumain at gumala sa kahit saan. Pero nagawa ko naman ito pero karamihan nag iisa lang ako. So, nag hanap nanaman ako ng makakasama gumala. Kaso wala namang pera. Humantong sa punto na, nagka-crush ako. Hindi naman yan bago lalo na pag teenager ka. Pero ang problema, ako lang may gusto sa kanila. Sila, wala. So, hanggang tingin lang ako. At nag tanong ako sa sarili ko, "pangit ba ako? Bakit walang nag kakagusto sa akin?" At dumating sa panahon na nagkatrabaho na ako, pero sawi pa rin si ako. Umibig ako sa hindi umiibig sa akin. So, ang ginawa ko nalang ay nag dasal, nag dasal at nag dasal. Hanggang...
Dumating ang panahon na hinintay ko, dumating ang lalaking pinagdarasal ko nang ilang taon. Most awaited na pangarap. Yung mag walk down the aisle ka at lahat nang tao naka tingin sa yo kasi ikaw yung pinakamagandang babae sa araw na iyon. Hindi man perpekto ang aming pagsasama, may away-bati man. Normal naman yun sa buhay mag asawa. Pero mas masaya ngayon kasi may anak na kami.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon at natupad ang aking iba't ibang pangarap sa buhay.
Nalaman ko pangarap ko nung bata ako, nung naging college student ako. Halos lahat n gcourse nasubukan ko malaman ko lang talaga anong bagay saakin.