read.cash Log in

@Cristmar

Joined 12 June 2020 · 4 posts

Work hard

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

C@Cristmar

Karanasan sa read.cash Unang una sa lahat maraming salamat sa nagbigay impormasyon tungkol kay read.cash, nang makita ko itong website na parang wala lang, diko alam anong gagawin dito, yan yung nasa isip ko dati. At yun nag tanong tanong ako dito, ano ba purpose nito, kung para san bato, bakit may ganto, tapos nung nalaman ko na pwede pala kumita dito ay ginawan ko ng paraan pano ba. At yun sa hilig ko mag magsulat ay meron palang patutunguhan ito. Nadevelop ko ang aking kakayahan sa pagsulat kung ano ano mang bagay na maiisip ko at bigyan ng kunting imahenasyon. Sana'y magtulungan tayong lahat dito. Maraming salamat. Malaking tulong ang read.cash para mas mapabuti pa ang aking angking kakayahan sa pagsulat.

C@Cristmar

Reflection about a story The story is all about a young woman and a stranger who met in the village because they were in the same hotel. Miss Pyrm lives in a small town of less than 300 people in the mountains. Miss Pyrm, is at the forefront of the novel, along with her interaction with a stranger who comes to town. She is given a chance to change the town for decades to come, but will she? And, the residents, once they learn the secret, how will they react…will greed or fear to motivate them? Or, will it be a combination of both? When a stranger arrives in Viscos, he brings with him a devilish offer: If anybody in town is murdered within a week, every surviving resident will receive a fortune in gold.

C@Cristmar

Ang pinagdaanan ni Mikay Isang araw si Mikay ay pumunta sa parke upang magbasketbol. Kahit na tirik na tirik ang araw, minaigi parin ni Mikay na mag ensayo upang mapahusay ang kanyang galling sa paglalaro. Habang siya ay naglalaro, tumira siya ng tres at napahagis niya ito ng malakas. Tumilapon ang bola at napunta sa mga kapunuan. Sinundan at hinanap ni Mikay ang bola, ngunit hindi niya ito makita kita. Minaigi parin niya ang paghahanap hanggang sa makakita siya ng isang butas sa sahig na napakalalim-lalim. Nilapitan niya ito, at biglang tila’y may taong bumubulong sa kanya. Hindi alam ni Mikay na engkantadyang butas pala iyon. Ng dahil sa takot, umuwi na lamang si Mikay. Paglipas ng araw na iyon, pinatuloy ni Mikay ang paghahanap sa kanyang bola at binalikan niya ang butas. At bigla na lamang kinausap ng butas si Mikay. “Hoy bata, ano ang pakay mo rito?” sabi ng butas. “Hinahanap ko lang po ang aking bola.” Nginig na nginig na sumagot si Mikay, at tumakbo pauwi. Pagdating niya sa kanilang bayan, nalaman na lamang niya na may sakit na ang kanyang ina. Hindi mawala wala sa isip ni Mikay ang engkantadyang butas na nakita at narinig niya, at dahil rito binalikan niya ito ulit. “Nagbalik ka, mayroon kabang kailangan? Ah oo, narinig ko na may sakit ang iyong ina. “Paano mo nalaman?!” sabi ni Mikay. Alam ko ang lahat ng pangyayari dito sa nayon ng Dumalag, at kaya kong magpagaling ng tao, ngunit sa isang desisyon.” Sabi ng butas. “Ano po iyon?” sagot ni Mikay. “Tulungan mo ako na ibalik ang kapayapaan at kaligayahan dito sa nayon ng Dumalag. At kung magagawa mo iyon, matutupad ang iyong kahilingan.” Sabi ng butas. At yun nagawa ni Mikay ang inutos ng Butas.