Kilig na alaala

6 20
Avatar for BlessedJes
3 years ago

Miss kita, alam mo ba?

Miss na miss na miss na, sobra!

Naalala kita. Naalala ko tayo.

Tayo noon. Noong unang panahon.

Highschool.. oo highschool iyon.

Tanda mo ba? Ako tanda ko pa.

Sa classroom, madalas kang sumulyap.

Mata mo lagi ako ang hanap.

Nakaupo tayo sa silya, magkaharap.

Tumitig ka sa akin, pero ako ay umirap.

Inabot mo ang kamay ko at hinaplos haplos.

Sabay kurot sa pisngi ko tapos buhok ko iyong inayos.

Sa math, ikaw ang number one.

Ako naman sa section natin pang number 21.

Tuwing flag ceremony, sa pila, sabi find your height.

Ikaw ginagawa mo, find your heart.

Isang hapon, nagdala ka ng gitara.

Tapos tinugtog mo paborito mong pyesa.

Sinabayan mo din ng pagkanta.

Ayun syempre ako naman kinilig na.

May film showing noon.

Ang simula ay alas singko ng hapon.

Inabangan mo ako sa kanto.

Sabi mo sabay na tayo.

Crush ka ng bayan eh. Heartthrob daw.

Yung napapalingon mga girls pag ikaw ang nadaan.

Swerte ko lang talaga kasi ako ang iyong napusuan.

Napansin mo ako sa dinamidami ng naggagandahan.

Sobrang kilig ko noon.

Lagi kang nakasunod saan man ako pumaroon.

Walang ibang mundo, ikaw lang.

Walang lungkot puro saya lang.

Pinaramdam mo gaano ako ka-espesyal.

Ramdam na ramdam iyong pagmamahal.

Wala naalala ko lang.

Hehehehe masarap lang balikan.

Ayan kinilig na naman ako.

Alaala mo lang tumatalon na puso ko.

Paano pa pag nagkita tayo.

Naku po sigurado baka mapa wow ako.

Ahahaha, oo nga.

Totoo, miss kita. 🥰

*********************************

Sarap lang balikan noh? Mga nakaraan natin noong bata bata pa tayo. Tawanan. Kwentuhan. Gala. Food Trip. Pagkakaibigan. Young Love. Crush. At kung ano ano pa. Nakakatuwa lang na may mga alaala tayo na ganito. Maski papano nakakabata at nakakataba ng puso. Nakakakilig kasi. Sobra! Di ba? 😍😍😍

Ikaw, anong kilig na kwento mo? I-share mo naman. Para mas madami tayong kilig na maramdaman. 🥰

😊😊😊😊💗💗💗💗💗😘😘😘😘😘

*********************************

marami pong salamat sa pagbabasa.. 🥰

lead image is mine; captured using my phone Huawei P20 lite.


____________________________

Sponsors of BlessedJes
empty
empty
empty

5
$ 0.05
$ 0.05 from @bbyblacksheep
Sponsors of BlessedJes
empty
empty
empty
Avatar for BlessedJes
3 years ago

Comments

Yey! More, more!

$ 0.00
3 years ago

hahahaha... tnry lang.. yup for sure madadagdagan..🥰😊😘

$ 0.00
3 years ago

looking forward for more writings hehe

$ 0.00
3 years ago

yup.. definitely po.. 🥰🥰🥰 more in the coming days.. 😊

$ 0.00
3 years ago

Nakakakilig nga naman ang alaalang iyan. Ang sarap bumalik sa pagiging estudyante. Welcome to read.cash by the way. 😊

$ 0.00
3 years ago

uy salamat po.. opo sobrang kilig po talaga.. 🥰 thanks di po sa pagwelcome.. 🥰

$ 0.00
3 years ago