read.cash Log in

@lexy16

Joined 18 February 2021 · 2 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

l@lexy16

Mitolohiya (Part 1) **Binuksan ni Yalisa ang kanyang kamay at** dito ay may isang diyamanteng kwintas. “Ito ba ang wala sa’yo?” tanong ni Yalisa. Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Seriya habang nakatitig sa kwintas. “Paano mo nakuha iyan?” tanong ni Seriya kahit na sa kaloob-looban niya ay alam na niya sagot sa kanyang tanong, sadyang hindi lang siya makapaniwala na nagawa ito ng kanyang kapatid. “Ano sa tingin mo, Seriya? Paano ko nakuha ito habang napakahimbing ang iyong tulog?” mapanghamong sagot ni Yalisa. Sa sagot na iyon ni Yalisa ay hindi na maitatago pa na galit na rin ang nararamdaman ni Seriya. Lumalakas ang ihip ng hangin sa paligid at unti-unting lumalamig sa may bandang kanan kung saan naroon si Seriya at umiinit naman sa kaliwa dahil sa apoy na kapangyarihan ni Yalisa. “Ginalaw mo ang Batong Vera, Yalisa! Alam mong hindi pwedeng galawin iyan ng kung sinu-sino lang!” sigaw ni Seriya na nagdulot pa ng kaunting pagyanig sa kinaroroonan nila. Ang kaninang mapang-asar na ngiti ni Yalisa ay napalitan ng nakakatakot na titig. “At ano, Seriya? Ikaw na lang palagi ang pwedeng makahawak sa lahat? Nasa iyo na lahat, Seriya! Wala ka nang itinira sa amin. Kung inaakala mong ikaw lang pwedeng makahawak ng batong ito, pwes nagkakamali ka dahil nasa akin na ito ngayon!” “Naririnig mo ba ang iyong sarili, Yalisa? Mapanganib ang paghawak sa Batong Vera! Hindi mo alam ang sinasabi mo! Ginamit mo ang kapangyarihan ng bato, at sa akin mo pa talaga ginamit! May kapalit ang paggamit ng batong iyan sa kasamaan, Yalisa. Pagmamay-ari ng lahat ng immortal ang bato. Huwag kang gumawa ng ikakasira ng buong kaharian.” natatakot si Seriya sa maaaring mangyari pero kailangan niyang tatagan ang kanyang loob para sa kaharian na inalagaan ng kanyang mga magulang at ninuno. “Kung masisira ang kahariang ito, hindi ko na problema iyon! Maaari akong magpatayo ng panibagong kaharian sa aking pinamumunuan.” Sagot ni Yalisa na parang siya na ang pinakamasayang tao sa lahat dahil nakaisip siya ng bagong ideya na makakasira sa kanyang kapatid. “Ang pagkasira ng kaharian ay nangangahulugang pagkawala din ng namumuno nito lalo na kung hindi pa iyon ang nakatakdang oras ng kanyang pagkamatay at wala pang papalit bilang pinuno. Hindi mo naman ako gustong mawala dito sa mundo, Yalisa, hindi ba? At isa pa, magagalit ang mga Erias at Frenshas, may usapan kami na walang gagamit ng kapangyarihan ng batong iyan.” mahinahong sabi ni Seriya sa kanyang kapatid. Kapansin-pansin ang kakaibang emosyon na dumaan sa mga mata ni Yalisa pero nawala din agad ito nang dumating ang kanyang mga kawal na kasama si Hironi. Nakatali ang mga kamay at paa ni Hironi at nang siya ay muling makita ni Yalisa, muling nagbalik ang kanyang galit. “Hironi! Anong nangyari sa’yo?” Lubos na pag-aalalang sigaw ni Seriya sa kanya habang tumatakbo siya palapit sa kasintahan ngunit hindi hinahayaan ng mga kawal na makalapit si Seriya sa kanya. Sa kaganapang iyon ay pumikit ng matagal si Seriya at lumakas ang hangin sa paligid ng mga kawal, at pagbukas ng mga mata ni Seriya ay siya ring pagkawala ng hangin na pumapalibot sa mga kawal ngunit wala ng malay ang mga kawal pagkatapos nito. Ang hangin na ginamit ni Seriya ay may halong hipnotismo. “Hindi ko akalaing kaya mong saktan ang mga Kaylens para lang sa taong mahal mo, Seriya!” ani ni Yalisa. “Hindi ko rin akalaing kaya mong sirain at patayin ang sarili mong kapatid nang dahil lang sa inggit at pagkamakasarili mo, Yalisa!” Hindi na rin napigilan ni Seriya ang galit at palakas nang palakas ang hangin sa paligid dahil sa kapangyarihan niya. Natatakot siya sa maaaring gawin ni Yalisa sa ngayon lalo na at hawak niya ang Batong Vera. Ito ang bato na naglalaman sa lahat ng kapangyarihan na mayroon sa kanilang mundo, at wala pang kahit isang sumubok na gamitin ito dahil ayon sa mga ninuno ay kailangang pangalagaan ito sapagkat ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat kung kaya’t ito’y mapanganib. “Wala akong pakialam! Makuha ko lang ang gusto, kahit mawala ka na sa buhay ko, Seriya!” Matapang na sabi ni Yalisa at itinaas ang Batong Vera at itinapat kay Seriya. May lumabas na puting ilaw dito na tumatama kay Seriya pero mabilis naman niya itong linabanan gamit ng kanyang kamay na may lumalabas na asul na ilaw. “Hindi ko akalain na ganyan kalakas, Seriya, pero hindi ko hahayaan na matatalo mo akong muli,” sabi ni Yalisa at ibinaba ang Batong Vera. “Kahit kalian ay hindi ako nanalo sa’yo dahil walang kompetisyong naganap sa pagitan nating dalawa, Yalisa. Itigil mo na ang lahat ng ito.” Sa gitna na pagtatagisan ng tingin ng magkapatid ay namimilipit naman sa sakit si Hironi dahil sa mga sugat na natamo niya mula sa mga kawal ni Yalisa at nababalot na rin siya ng pag-aalala para sa kanyang minamahal. Hindi sumagot si Yalisa sa kagustuhan ni Seriya na matigil na ang lahat ng kaguluhan na sinimulan niya bagkus ay muli niyang itinaas ang Batong Vera at itinapat kay Seriya ngunit sa bilis ng mga pangyayari ay wala ng nagawa pa si Seriya nang makita si Hironi na nakahiga na ngayon sa sahig dahil sa kanyang pagsalo sa kapangyarihan ng bato. Maging si Yalisa ay nagulat sa nangyari at si Seriya naman ay dali-daling niyakap ang wala nang buhay na katawan ni Hironi at umiyak. *Ipagpapatuloy...*

l@lexy16

New Journey The world has shown me its different sides; now I rule my world Photo from Unsplash I'm new in this platform. My heart is full of gratitude that I am finally writing my first article. Let me tell you about some of daisies and starry nights. I am compassionate. I like to inspire people with my words because this is the only sword that I could use. I dream the biggest dreams a person could ever think of. In short, I want to change the world. I think the world is too unbearable for us right now and I worry about the next generations. I have a lot of hobbies. I am always looking for the things that can inspire — things that are very close to my heart and soul. Plants, books, cafe, and all sorts of arts fuel my soul; it keeps me breathing. I choose my people well, maybe that's the reason why I don't have much friends. I like to stay with my mind and I enjoy my own company the most. I have full responsibility of my family. They're looking up for me to change everything. Hopefully, after how many years of hardwork, I will be the daughter they imagined. Yes, the pressure is too hard to handle sometimes that's why I'm always seeking for coping mechanism I am a human, full of emotions. Good thing is, I made such progress from the past years. Those black and whites are now full of pastels. Those pillow of tears are now fluffy like clouds. My burning heart fueled my burning dreams. I am now rising from the ashes, slowly, but will be higher as time comes. Writing what I feel helps me a lot. On any piece of paper, I scribble my emotions before it drives me out of my control. We all have things to heal from and the finest thing we need to have are self-love, self-appreciation, and self-control. The world sometimes becomes clueless on how much it hurts us, nonetheless, we have to hold on and wait for the leaves to grow on that tree again. Seasons pass, our pain shall pass too. Poetries They sound like bullet, they carve through the veins, they push through the soul. I love poetries—every line is the truth. It's more than vanilla on my coffee and the lavender on my candle. Poetries are reasons to start over. Poetries are kind and reckless and respectful. Chill Times I eat a lot to reduce my stress. I like almost everything. On my free time, I also watch TV series. Some of my favorites are The Queen's Gambit, Grey's Anatomy, and Friends. Perspectives If I could fall in love again, it is to be with someone who has a great perspective. The way you see the world, the way you understand pain, the way you embrace changes and growth, it is amusing. Fun Facts: I like carbonara more than spaghetti. I like pineapples on pizza. I talk to the objects I own (and give them names). I am not a cheesy person but I love cheese a lot. Aries ♈ I was born on a Friday the 13th. I choose dogs over cats. I am obsessed with otters. I don't like sushi. I am only either talking for hours straight or not talking at all. More? I would like to share that I've been yearning to have my oven so I could bake. Pastries are so nice and amazing. I would like to make cupcakes and cookies every day. It would feel fulfilling. How about you, what's that hobby that's been keeping you up all night? I would also like to highlight that I am still in college, caught up between the possibilities and deep roads that I need to pass by. Soon, I will be sharing you some survival tips that I have gathered. It's nice to be here and I hope that I could talk to your more often. If you read my article, I thank you a lot. This means a big to me. All the love, always.