Nung una ako na mahumaling sa Pinoy Loaf bread ay tag 35 peso Lang Ito ngayon grabe NASA 60 peso na siya hay parang ayaw ko na mag tinapay ah hahah . Isang kilo at kalahati Ng bigas na pala Yun.. dati kapag nabili ako nito ay tag 3 piraso ngayon pahirapan pa sa Isa eh Ang tagal ko pa pinag isipan Kung bibilhin ko ba oh Hindi hahah
18 comments
Lahat napo nagmamahal talaga. Ako na lang ang hindi. Haha. Joke.. hehe.
Hahah may hugot sissy ..
Grabe nun sis mahigit kalahati ang tinaas ng presyo
KAya nga sissy parang bibili ka na Hindi eh
Ang gardenia na brand naman nasa 75pesos na biglang taas ang presyo nila wala naman tayo maggawa kasi kasama nasa hapag kainan ang ganyng tinapay
KAya nga po . Kawawang mga mamayan talaga Tayo. KAya Ang mahirap lalong mag hihirap Kasi di na nila makayang bilhin Ang mga bilihin
Laki ng tinaas sis magugulat kana lang talaga palagi sa mga presyo ng mga bilihin.
KAya nga sissy ngayon gamit na gamit Yung tinginan Ng price sa mga grocery eh. Halos lahat nag check Ng price Bago ilagay sa cart
Bihira na kami bumili nyan nakakaloka ang presyo ibili nalang ng bigas hehe
Napabili Lang ako kanina Kasi binigyan kami ni nanay Ng pera pag punta namin dun naka benta Ng palay si nanay eh. Hehe
Hehe kami sis ndi pa sa pasko nalang hehe
Sana sa pasko mag himala mag mura na heheh para marami pa Rin Ang makabili
Ay oo yan sis sana talaga
Inflation is real
Saklap nga po eh. Kawawa na talaga Tayo nito
tumaas na nga yan ganyan sis, parehas na rin ngayon ng gardenia, gardenia na binibili nmin kahit mahal nkakabusog naman. Di na rin ako nasasarapan sa pinoy tasty ngaun.
Sobrang mahal naman
Oo nga, sobrang taas ng bilhin ngayon