Ang taong nagigipit sa Palawan pawnshop kumakapit. Sinanla ko po Yung bangle ko sa Palawan pawnshop kanina at karating ko Lang ngayon dito sa bahay. Luwas po Kasi ako bukas Ng Manila para dun na ako magpapa check up sa heart center.. Ayaw Sana nila tanggapin Kasi kapag di raw dating naka sanla sa kanila at Wala pang record ay di raw sila tumatanggap na. Ask nila ako Kung saan ko raw dati isinanla Yun sinabi ko na sa Palawan din ibang branch nga Lang . Nanghinayang siguro sila na sa iba ko pa isanla KAya kinuha na Rin nila. Sabi ko nga ay paano magakaka record sa inyo Kung dina kayo natanggap Ng bangle pag di pa raw galing sa knila. KAya ayun chenik Niya Kung tunsy. At Yan po lahat Ang napag sanlaan ko.. at sana sa madaling panahon ay matubos ko Rin siya agad.binili ko Yan 5 years ago Ng 27k ngayon ay Nasa 35k na Ang sanla Niya. KAya Kung ibebenta ko siya ngayon ay Nasa 40k na pala Yan.. KAya sa mga may extrang pera Dyan mag invest po kayo Ng gold Kasi habang matagal tumataas Ang value .at pag emergency di mo na kailangan magpakapal Ng mukha mangutang sa tao
24 comments
Mgkno nman sanla sis ng ganyan
34900 sissy. 27k Ang bili ko dyan
Ok sis
oo nga ano sis ang galing naman kapag mag iinvest diyan sa gold. ingat sa pag byahe mo bukas sis at sana ay maging okay naman yung check up mo bukas.
Salamat sissy. KAya nga sis laking tulong talaga sa akin Ng alahas. Dati na confine Rin ako sa manila nag sanla Lang Rin ako Ng alahas tas hinulog hulugan ko Lang para matubos. Mababa pati int pag sa pawnshop kesa mangutang ka sa tao na 10%
Ang laki rin ng halaga niyan
Ang bilis nga tumaas Ang halaga Niya. Nagulat pa ako kanina pag Sabi Ng teller na 34900 raw
Nadudukot sa panahon ng pangangailangan sis.
Ou sissy pag may alahas ka mabilis Lang makahiram Ng pera sa Palawan pawnshop heheh
salamat sa tips sis. Magiipon muna ako pang invest jan. Magamit talaga sa matinding pangangailangan.
Sa Palawan pawnshop meron sila bili sanla . Tas hulog hulogan nalang para baka pangalan na sayo.
sige sis salamat huh, makainvest din ako nyan soon
Sa Palawan pawnshop meron sila bili sanla . Tas hulog hulogan nalang para baka pangalan na sayo.
Wala ako isasangla na alahas 😅
Invest na sissy hehe
Ingat te sa pagluwas, may awa ang diyos te matutubos mo rin yan
KAya nga Sana di abutin Ng taon ay matubos ko Rin
Ganyan ang ibang pawnshop sis, tatanungin kung naisanla na, pano nga Kung ngayon mo lang kailangan isanla Haaay.
KAya nga sissy kaluka. Di raw sila natanggap pag di pa nanggaling sa kanila. Eh paano nga mang galing sa kanila Kung di sila Naga tanggap hahah
Hahaha nangyari narin sakin yan sis, tatanungin kung naisanla naba dati pano nga Kung marami kapang Pera dati at ngayon kalang nagipit kaya ngayon mo lang isasanla 😅
True sissy hahah minsan nakakaluka Rin sila. Alangan Naman na pag bumili ka isanla mo kaagad sa kanila para Lang ma eh registered na nila Yung alahas mo sa kanila ahahah.
Jewelry is really a good investments. That's a great amount of money. Nakakatuwa naman na umabot na sa 40k.Ganda ng bangle. Ilang grams yan madam?
12.5 g. 21k po.
Oi sis. Ng invest kami pero d nmin sinasanla, dahil kinakaskas ng sanlaan ang item. Sayang naman