5 days and 5 nights na brown out .. kanina Bago mag 1pm nagka power din Pina charge Lang kami Ng mga phone at pagdating Ng 4pm brown out ulit ngayong Gabi Naman binuhay ulit mga ilang minuto Lang ayun Wala na ulit kuryente. Sakto nanonood na pa naman kami Ng family feud Ng mag brown out. Ito talaga Ang sama sama kamiNg nanonood eh hahah Ewan ko ba pati kami ay nakikihula Rin. Lalo na Asawa ko naku kapag Alam Niya Ang sagot at di Alam Ng player Ang ingay Niya hahah…
@Bert1317 in November 2022
Good night na po mga mate. Humupa na Rin po Ang ulan ngayon dito sa Amin. Pero pa minsan minsan ay bumubuhos pa Rin Naman Ang ulan pero di na katulad Nung bagyo na walang tigil. Bumalik na Rin Ang power supply ngayong Gabi. Pero Ang network naku nakakaluka usad pagong po talaga. Subrang Hina masakit na daliri ko kaka refresh para Lang maka open po dito. Oh siya Ako po ay matutulog na ngayon at masama pa Rin po tlaga Ang aking pakiramdam..
Finally pagkatapos Ng isang linggong bagyo sumikat na Rin si haring araw ngayon dito sa Amin at balik skwela na Rin Ang mga estudyante. Pero grabe Yung lamig nanunoot talaga sa kalamnan ko eh. KAya Naman di na nawala Wala Ang ubo at sipon ko. Mabuti nalang at Ang lagnat ko ay nawala na Rin. Ang hirap Ng may dinaramdam Lalo na at may pamilya Tayo na umaasa sa atin
Dalawang linggong labahin naipon ko sakto naglalaba ako Ng dumating Ang bagyo KAya di natapos dahil nag Brown out na at subrang lakas pa Ng ulan KAya di ko na itinuloy Ang paglalaba. At ngayon nga ay naipon na subrang dami plus Yung mga beddings ay lalabhan ko na Rin ngayon. Hanggang bukas ko na labahan na ito. Maganda na Ang sikat Ng araw dito ngayon sa Amin KAya back to normal na ulit Ang mga Tao . Kanya kanya trabaho na ulit. Yung mga kapitbahay ko dito puro sampay Ang…
Bulaklak at kandila Ngayon palang kami makakadalaw sa sementeryo di kami nakapunta kahapon dahil nga pa bugso bugso Ang ulan. Baka raw mabasa kami Ng ulan ay maglala pa Ang sakit namin. Mabuti nalang at uminit ngayon KAya makakadalaw kami sa sementeryo. Iniwan ko Muna Ang aking labahin . Pinaikot ko nalang Ang washing para mamaya pag balik ko ay pwede na hanguin Yun.
Nakaka awa Ang mga farmers eh nangitim na mga palay nila. Ang dami naming nadaanan sa highway ngayon na nagbibilad Ng mga palay halos lahat ay puro maitim na may mga tubo na Yung mga palay nila. Subo na Ang bigas nun kapag ipinagiling . Di na mabibili Yang mga palay na Yan sayang Naman . Kung may bibili man niyan baka halos hingin nalang Yan Ng mga traders. Sa nfa Naman Yan ay reject na di na Rin nila bibilhin Yan. Nakakwpag taka puro magaganda Lang Ang binibili Ng nfa na…
Merienda po Tayo Presto Creams nakakapagod po talaga Ang maglaba kahit washing pa ito . Pahinga Muna ako saglit Maya Maya Naman ulit mag laba . Mga beddings Lang Muna Ang inuna ko at mga shorts at pantalon at leggings ko bukas na Yung mga blouse at t shirt Naman. Nakaka ubos Ng lakas talaga Ang paglalaba eh. Medyo sumakit Ang ngipin ko sa merienda ko Ang tamis Kasi sumiksik sa mga butas butas Ng ngipin ko KAya ngayon ay medyo masasakit na.
Good night na po mga mate. Nakalimutan ko na may sakit nga pala ako sa puso at bawal sa akin na mapagod. Ngayon subrang sakit Ng dibdib ko grabe parang pinipiga sa sakit naNaman. Ganito Ito kapag napapagod ako at napuyat ilang araw ko na itong di nararamdaman dahil isang linggong may bagyo puro pahinga Lang ako at maaga ako nakakatulog. Share ko Lang po pala Ang Pansit na ito handa nila mama Yan kahapon . Bat Ang sarap Ng Pansit kapag iniinit na hahah mas malasa na siya. Yan…
Good morning mga mate. Sino may gcash po sa inyo? Nag ko collect Rin po ba Kayo sa gforest? Totoo po KAya Ito hahahh bale naka Tatlo na ako Ng niyog na naitanim at Socsargen raw po Yun itatanim. May certificate po kayo at Yung puno raw ay may name nyo Yun . NakAkatuwa mag ipon Ng points para makapag tanim ulit. Sana ay totoo at alagaan Rin nila Yung mga puno na itinatanim.
Maagang biyaya may nagbayad sa akin Ng isang cavan na palay bale tubo Yan Ng isang libong pera na inutang sa akin. Taon taon ay nagbibigay siya Ng tubo na isang cavan na palay dahil hanggang ngayon ay di pa Rin Niya naibabalik Ang puhunan ko na isang libo. .
Binilad na ng Asawa ko Yung isang sakong palay na Ibinayad sa Amin. .mabuti nalang at maganda Ang sikat Ng araw ngayon dahil basang basa talaga Ang palay.gawa Ng sa bagyo. Ang magnada Lang ay di pa natubo kahit na basa siya. Yung ibang mga palay Kasi ay tumubo na eh. May pang pa giling na kami kapag Naruto na ito
Fishball Nakakatikim Lang ako Ng fishball kapag naandito ako sa bayan.. KAya sinamantala ko na Rin Ang pagkakataon hahah piso Isa bale 15 Ang binili ko KAya busolve Ang mangyan . Sumama Kasi ako sa anak ko namili Ng mga paninda.at bigas
Me and my Lola. 5 years ago na po yang picture namin ni Lola. Subrang namimiss ko na siya Kasi iniwan Niya na kmi. 3 years ago na Rin. Magkamukha po ba kami,? Mama siya Ng mama ko. Ganun talaga Ang buhay una una Lang ..
My apo First time Niya Yan pumunta Ng Jollibee Nung birthday Ng pinsan Niya treat sila Ng tita Niya. Naku Ng makita Ang fries daw ay di na makausap gustong gusto Niya raw Ang fries hahah . Wag raw siyang istorbuhin busy siya kumain Ng fries. Hahah Ang kulit 1 year Ang 3 months palang po siya .
Wafer Ito Ang mabili sa akin kapag Umaga sa mga estudyante KAya maaga pa pagod na Ang tendira mag benta sa mga Bata. Tag 12 Ang benta ko niyan naku Ang tubo ko .75¢ Lang nagmahal Kasi. Dati Ang kuha ko Lang niyan ay 10 naku ngayon ay 11.25 na Ang Isa . Nakakatawa Naman Ang mga Bata Kung gagawin ko pang 13 Kasi di na Rin nila KAya bumili di Naman lahat ay maraming baon na pera. Pamahal na Ng pamahal lahat Ng bilihin pero Ang sahod oh Kita ay ganun pa Rin kaliit
Maaga pa may nangbubuset na sa akin abay tinatawag ako ate Sabi ko Bakit teh Dali dito Sabi ko Bakit nga ask Niya may gin bilog ka Sabi ko Wala ay kwatro cantos ay Wala Rin Sabi ko di ako nauwi pa Ng bayan ay may sakit ako. Ay kainaman kaaga aga mangutang Ng alak.
Talbos Ng kamote Ulam namin kanina Umaga Yan Ng Asawa ko gang kaninang tanghalian. Pang pa dagdag raw Ng dugo dahil madalas ako mahilo at kulang ako sa red blood. Ginisa Lang namin sa delata para may sabaw . Solve na Ang umagahan at tanghalian na ulam .
Kakatapos ko Lang mag repak Ng mga maliliit na ponytail na Ito binili ko Yan sa shoppe Nung 30 ngayon Lang dumating. Benta ko Ng tag 5 peso isang pack. Kailangan dumiskarte para kumita. Kahit maliit Lang kapag naipon ay lalaki Rin Yan.
8 years ago profile ko Kay Lolo epbi may pa throwback eh hahah tanders na . Di ako mahilig mag palit palit Ng profile pic inaabot Ng taon Ang profile ko Bago ko maisipan na palitan at Ang cover photo ko Naman Mula noon gang ngayon Yun pa Rin hahah baby pa anak ko dun nun ngayon binata na si Justin Yun pa Rin Ang cover photo ko. KAya akala Ng iba may baby ako hahah
Rechargeable na mini fan Nagpapahanap si mama sa akin Ng rechargeable sa shoppe dahil mainit raw sa room Ng pamangkin ko. Yan Yung inorder ko para pwde isabit sa leeg naku pag dating dito super liit pala Feeling ko di man maka pawi Ng init Yung buga Niya na hangin. Tag 95 po Yan. Tas Sabi Ng anak ko sa school Rin daw nila ay mainit Rin. KAya maghahanap nalang ako mg mas malaki Dyan . Sana nga malaki na Ang mabili ko para di sayang Ang pera.at Ng may magamit sila sa school.
Magandang Umaga mga mate it's laba day naNaman Tayo mga nanay. Ibinabad ko Muna Yung mga puti na uniform Ng anak ko mamaya ko kusutin Yun pag dating ko uwi kamiNg bayan ngayon ni Justin eh IPA check up ko siya Mukhang may Magandang pangitain si bch ah heheh Sana tuloy tuloy na Ang pag taas Niya para happy Tayong lahat sa pasko..
Noon pa man di pa nuuso Ang facemask at alcohol ay mahilig na talaga ako mag facemask at mag alcohol. KAya Naman Ng mag lockdown at nag kakaubusan Ng facemask at alcohol ay meron ako stock.
Kalahating oras na yata akong nakapila dito hahah Ang daming order Ng mga sinusundan ko. Nakulo na talaga Ang sikmura ko sa gutom. Jollibee Muna kami ni Justin ngayon. Pa check up ko Kasi siya eh. Umalis Muna kami dun sa clinic Ang dami pa Rin kasing tao eh balik nalang kami mamaya..
Payat Yung chicken na naibigay sa Amin hahah Yan po Ang lunch namin ni Justin kanina. At pagkatapos namin kumain ay pumunta na ulit kami dito sa clinic para pumila . Ang dami pa Rin tao. Abutin na kami dito Ng hapon talaga.
Ang dami pa Rin pong Tao dito ngayon baka abutin pa kamiNg alas singko Bago ma check up tas mag pa ECG pa ako sa anak ko KAya malamang pabalikin pa kami nito bukas para sa result. Parang di pa Rin nabawasan Ang Tao sa dami eh.
Merienda ko po siomai hahah sa subrang gutom ko ubos ko na Bago ko naalala na picture ran. Binili Ng anak ko Yan dun sa labasan at ginutom na Rin kakaintay na tawagin kami.. masakit na Rin daliri ko kaka cp dito malibang Lang Ang sarili
Hay ngarag na Ang Lola nyo . Hanggang ngayon dito pa Rin kami sa center marami pa Rin kamiNg di na che check up Ewan ba subrang dami raw ngayon Ng pasyente na nagpa check up. Ngayon Lang raw Ito naging ganito Sabi Ng nakausap ko dito. Gabi na talaga kami matatapos.
Kakatapos Lang namin ma check up Ng anak ko. Ayun kailangan raw Niya IPA ECG tas binawalan mag gadget na. Pauwi na kami ngayon pero dumaan Muna kami dito sa may tabi Ng pkaza dahil may magpa gcash kanina withdraw ko Muna para may pang bigay ako mamaya dun sa receiver.
Good morning good morning mga mate Happy Sunday po sa lahat. Ayan po nakasilip na si haring araw sa atin. bangon bangon na po sa mga natutulog pa Dyan hehe . Galaw galaw na Tayo .
Corned beef with egg Kakatapos Lang namin kumain ngayon Ng tanghalian at Yan ulam namin Argentina Corned beef luto ni Justin. Naglalaba Kasi ako KAya siya na Ang nagluto Ng ulam namin . Mabuti nalang at may maasahan na ako mag luto kapag busy ako.
Seller affiliate Hello mga mate Sino po dito Ang seller affiliate paano po ba Yun? Paano po Ang proseso para maging seller affiliate halimbawa sa shoppe or sa tictoc po?
My medicine Tag 100 PC's po Sana lahat Yan KAya Lang ay Yan Lang Muna Ang binili ko Saka nalang ulit Ang iba kapag may pera na ulit. Wala pa Yung para sa heart Dyan. Ang hirap Ng may sakit sa laboratory palang ubos na Ang pera KAya Wala Ng pambili Ng gamot. Mabuti nalang at mura Lang Ang check up 250 Yun nga Lang tiis ka talaga sa haba Ng pila. Magaling Kasi Yung doctor KAya pinipilahan Ng mga tao at mura Ang laboratory sa kanila. Sa kanilang clinic Pina ka mura Ang Lahat Ng…
Hala alas dose na pala napasarap na ako manood Ng raffy tulfo in action. Akala ko mga 11 palang ano ba Yan nawili na ako eh. Oh siya akoy matutulog na po talaga.. good night na po sa LAHAT
Good morning noise mate maaga pa ako nag prito Ng saging kanina pagka gising ko Ito Lang Muna Ang almusal namin. Tara po Kain na Tayo mga mate.
Ang taong nagigipit sa Palawan pawnshop kumakapit. Sinanla ko po Yung bangle ko sa Palawan pawnshop kanina at karating ko Lang ngayon dito sa bahay. Luwas po Kasi ako bukas Ng Manila para dun na ako magpapa check up sa heart center.. Ayaw Sana nila tanggapin Kasi kapag di raw dating naka sanla sa kanila at Wala pang record ay di raw sila tumatanggap na. Ask nila ako Kung saan ko raw dati isinanla Yun sinabi ko na sa Palawan din ibang branch nga Lang . Nanghinayang siguro…
Di ko pa na prepared mga dadalhin Kong gamit para bukas. Parang tinatamad Kasi akong mag byahe di katulad noon na pag sinabing luluwas subrang excited ako ngayon parang Wala Lang. Feeling ko pagod na kaagad ako kapag iisipin ko Yung subrang traffic at maraming Tao sa manila parang nawawalan ako Ng lakas KAya tinatamad na akong umalis. Plus Yung haba Ng byahe parang ayaw ko Ng pagdaanan Yung mga Hilo Yung sasakay Ng barko tas sasakit ulo .. Ewan ko ba bat ganito ako ngayon.…
Mangyan syllabic script Bago pa man raw dumating Ang mga kastilang mansnskop ay meron na raw sariling pamamaraan Ng oagsulat Ang mga katutubong mangyan dito sa Amin Lugar Nung highschool ako marunong ako mag sulat at magbasa nito memorize ko lahat Ng Yan hehe mahirap sa una pero kapag inaral mo siya ay madali Lang Rin Naman intindihin.
Vape shop September 14 Nung bumili kami Ng oxva xlim ni hubby at juice Yung xlim ay 1150 at 200 Ang juice Niya. Ngayon nalang kami ulit nakabili Ng juice Ng vape Niya. 200 Lang po. KAya bale Yung juice Niya ay kulang 2 months Rin Niya na gamit Yun. Samantalang Kung yosi Ang gamit Niya 2 days Niya Lang Yun . KAya malaking tipid na po Ito . Ngayon nababahuan na siya sa nag yoyosi hahah kapag nakaya nya na Rin na di mag hithit Ng vape ay baka tuluyan Niya na Rin makalimutan Ito…
Mini stop at calamba Laguna Grabe subrang sama talaga Ng pakiramdam ko kahapon pag byahe ko. Ngayon Lang parang nag ok na Ang nararamdaman ko. Subrang hilong Hilo talaga ako. Nanibago ako mag byahe talaga.
Cubao palang kami ngayon. Grabe tanghali na di pa Rin ako nakarating sa bahay. Hilong Hilo na talaga ako sa pag byahe. Pero ako na Rin Ang sunod na ihahatid Ng van bale dalawa pala kami Ng pinsan ko kasabay ko siya na lumuwas kahapon
IMAGINE, MAG AASAWA KA 30 TAPOS MANGANGANAK KA 31, PAG EDAD MO NG 42 YEARS OLD ANAK MO 10 YEARS OLD PALANG GRADE 4, PAG EDAD MO 50 ANAK MO 18 YEARS OLD GAGRADUATE PA LANG SA GRADE 12 MAY 4 YEARS PA SA COLLEGE, TRY TO THINK AT THE AGE OF 50 KAYA PABA MAKAPATAPOS NG COLLEGE? WHAT IF TATLO ANAK MO FOR SURE AT THE AGE OF 50 MAY ELEMENTARY KAPA, TAPOS PAG NAG 60 KANA YUNG PENSION MO MAPUPUNTA SA ESTUDYANTE KASI MAY HIGH SCHOOL KA PA, SO SAAN KA? ENJOY NOW AND SUFFER LATER? OR…
May entry Rin po pala ako mg full Moon hahaha kuha po Yan kaninang umaga pag daan namin sa calamba Laguna. Kahit subrang hilong Hilo ako ay pinilit ko talaga buksan Ang phone ko para Lang maka kuha Rin Ng picture Ng full moon hahaha.. oh siya good night na po tutulog na po ulit ako para maka bawi Ng lakas. Parang lutang pa Rin Kasi Ang pkiramdam ko eh..
Good morning po Breakfast ko po kanina Umaga ay Yan Lang . Binili ko kagabi sa bakery Yan dun sa may labasan . Di pa Muna ako pumunta Ng hospital ngayon dahil subrang Hilo ko pa Rin po at Wala pa akong kasama di ko pa Kasi Alam paano makarating sa heart center eh
Need help po Pag sa Cubao na po ano pwede ko sakyan papunta sa Philippine Heart Center? Mag galing pa Kasi ako Ng Pasig eh. Hanggang Doon Lang Yung Alam ko na Lugar dito sa Manila po?
Kain po Tayo ulam namin sinigang na baboy. Lutong ulam na binili Ng pinsan ko sa labasan Lang . Hati kami na Dyan. Kailangan mag tipid tipid dito heheh walang hanapbuhay dito eh Tara po Kain na sa mga di pa nananghalian Dyan.
Seedless Ang Mahal pala heheh 200/kilo bumili ako kanina sa palengke Ng kalahating kilo Lang para maka bawi sa pagod at puyat sa pag byahe . Hanggang ngayon Kasi ay nahihilo pa Rin ako. Kailangan makabawi Ng lakas bale sa lunes pa ako maKakapag pa check up sa heart center sasamahan nalang raw ako Ng pinsan ko..tas sa RMC Naman ay nagpapa appointment ako para Naman sa opthalmologist Kasi subrang nahihirapan na Rin akong magbasa eh. Sumasakit na Rin Ang ulo ko kapag magbasa…
Good night na po. Ibang klase talaga dito sa manila Ang araw ay Gabi at Ang Gabi ay parang Araw sa kanila.. hanggang ngayon giisng pa Rin sila pero ako ay nag Sabi na sa knila na matutulog na ako at di ko KAya Ang ganito dito hahah..
Ayun po Bago ako matulog ay nag shake shake Muna ako sa shoppe para maka ipon Ng points at nanalo po ako hahaha masaya kahit napaka liit Naman . .55 Lang Naman ako tas Ang bunos ay 1.65 Lang po hahaha masaya na kahit kaunti po. Oh siya good night na po ulit
Good morning noise mate nagising ako sa tawag Ng mama ko KAya Lang ay di Rin Naman kami nag ka usap dahil mahirap Ang signal dun sa bahay nila sa bukid Ang mga kabahay ko ngayon dito mga tulog pa paano subrang dilim dito sa loob Ng bahay Ang tanging liwanag Lang sy Kung mag sindi ka mg ilaw KAya kahit tanghali na ay parang Gabi pa Rin sa kanila dahil saradong sarado at madilim Ang bahay. Ako Naman ay nag tinapay na antayin ko nalang na magising sila para magpasama ako bumili…
Hot Pandesal Pumunta kami kanina Ng pinsan ko sa labasan sa grocery para bumili Ng cocoa Kasi magluluto raw siya Ng champorado tas pag uwi namin dumaan kamiNg bakery at nagtanong ako Kung may pandesal pa sila Kasi nga tanghali na mabuti nalang at may roon pa KAya Ayan naka tikim Rin ako sa wakas Ng pandesal hahah.. Wala Kasi nito dun sa Amin eh..
Ito Yung pinsan ko na kasama ko dito ngayon sa bahay Rin. Kasabay ko siya lumuwas dito nagpapa gamot Naman siya sa mata. Dati siyang nabulag 3 years ago. Hanggang ngayon ay may gamutan siya. Magnifying glass Ang gamit Niya sa pagbabasa. Magpapa appointment nga Rin ako dun sa doctor Niya para sa mata ko eh Kasi subrang sakit Rin Ng mata ko. At hirap na hirap Rin ako magbasa Ang sakit Ng mga mata ko.
Diet Muna Gulay Lang Muna Ang kinain ko ngayong tanghalian kagabi pa namin iniluto Ito eh. KAya kailangan Ng ubusin ngayon at baka masira.. puro matamis na Ang kinain namin kanina Umaga KAya kailangan mag diet Muna ngayon. Ang sarap Ng gulay paborito ko po Ito hinaluan namin Ng liver Ng Manok..
Champorado Almusal po Namin kanina Yan at merienda na Rin ngayon.may natira pa Kasi sa iniluto mg pinsan ko kanina eh KAya Ito na Rin po Ang merienda namin ngayon sayang Naman Kasi Kung di namin uubusin Wala Naman ibang kakain nito dito.
Feeling ko sexy ako sa salamin na Ito hahah feeling Lang hahah parang gusto ko na tuloy iuwi sa Amin itong salamin ni tita hahah. Madilim po dito sa loob Ng bahay tanging ilaw Lang nag bibigay liwanag. KAya kahit anong oras akala mo Gabi na dito sa kanila
Late dinner Ngayon palang kami maghahapunan. Dahil busog pa kanina at Kung ano ano Kasi Ang kinain. Naku Kain tulog nalang Ang gawa namin dito. Sa lunes pa Kasi ako makakapunta sa hospital eh KAya Kain tulog Lang dito sa bahay. Ayaw ko Naman mag malling nahihilo pa Rin Kasi ako atsaka Isa pa ay Wala Rin perang pang gastos .
Liver steak Breakfast po Tayo maaga pa Yung cousin ko pumunta sa labasan bumili Ng pang ulam namin. Pag gising ko nakaluto na siya KAya kumain na kami agad pag ka gising ko. Tinanghali na ako Ng gising eh. Madilim Kasi dito KAya di namalayan Ang oras na tanghali na pala.
Merienda po Tayo mga mate piattos at happy peanut.. kakagising ko Lang eh hahah Ang hirap pala Ng masubrahan sa tulog . Sakit sa ulo at sakit sa katawan. Tas Ayan pag gising ko nag Aya Ng merienda pinsan ko marami Kasi siyang curls na stock dito .Tara po snack Tayo
Pechay Nagulat ako sa presyo Ng petchay dito hahah 5 peso pala Isa Kasi 15 Yan isang Tali 3 piraso lang. Nasanay Kasi ako na tag sampu Lang dun sa Amin tas Ang laki laki pa Ng isang Tali hahah. Muntik na ako tumalikod sa ale eh Kung di Lang ako nahiya hahah.. magluluto po kami Ng pork Kasi ngayon lagyan namin Ng pechay . Ulam namin ngayong Gabi.
Puro Kain nalang Ang ginawa namin Tatlo na magpinsan dito sa bahay. . Bumili Lang kami kanina Ng pang ulam sa hapunan pero Ang dami Rin naming nabili na tinapay hahah..
Good night guys Yan po pala Yung pinsan ko mowdel raw siya Ng tinapay na merienda namin kanina hahaha. Tumaba po siya sa mga gamot na ininom Niya. .Ang dami po kasing reseta sa kanya Ang doctor para dun sa mata Niya na nabulag po dati. Sana tuluyan Ng gumwling mga mata Niya
Coffee with bread Kakagising palang namin KAya ngayon palang magkakape may mga tinapay Kasi kami kagabi na nabili eh KAya napakape ako ngayon . Ang sarap Ng tinapay isawsaw sa kape hahah.
Late post Ng breakfast namin kanina hahah na busy na Kasi kakapanood Ng YouTube eh . Natakam Kasi ako sa mga post ninyo na mga hotdogs KAya Ayan nagpabili Rin ako sa pinsan ko kanina ay Yan nga Ang ulam Rin namin kanina .. hotdog at tinapa .mamaya ay gulay Naman kami sa lunch
Pasig Palengke Jollibee. Ang haba Ng pila. Dito kami ngayon Ng pinsan ko. Merienda Muna kami Bago kami mag ikot ikot. Plan ko Kasi bumili Ng blouse na gagamitin bukas para sa check up ko sa heart center..
Solve Ang mangyan sa merienda. May lakas na mamaya sa pag iikot mag hanap Ng Kung ano ano Lang hahah. Mamili raw Kasi Ang pinsan ko eh gagamitin Niya para sa birthday Niya sa 15.
Pauwi na Rin po kami ngayon Ng pinsan ko. Nakasakay na Rin kami ngayon Ng tricycle. Wait nalang na mapuno para maka Ali's na. Grabe Ang hirap Ng position dito sa tricycle halos Yung tihod mo taTama na sa baba mo eh. Subramg Yuko na nga Ang sikip pa Kasi Ang kitid .
Kakarating Lang namin ngayon dito sa bahay. Pero Bago kami umuwi ay nag Merienda Muna kami Ng pinsan ko sa terminal Ng tricycle turon at Tropicana twister Yung sa akin at sa kanya Naman ay mountain dew..
@ Pasig City Mega Market After 3 years kanina Lang ako ulit naka balik sa Pasig Palengke. Bumili Lang ako Ng blouse na susuutin ko para bukas sa check up ko. Grabe Ang mamahal na pala Ng blouse ngayon tag 350 na. Nanibago ako sa presyuhan ah. Ang tagal ko na kasing di nabili Ng damit eh KAya di ko na Alam Ang presyo..
Maaga pa naka gayak na ako para maaga kami makaalis ngayon papunta sa Philippine Heart Center kanina pa ako nag aantay sa pinsan ko na matapos siya Ng gayak. KAya Lang ay Ang bagal Niya gumayak hahah hanggang ngayon ay naliligo pa Rin siya. Sana Lang di kami abutin Ng traffic sa daan.
Nag suklob po ako Ng long sleeve na damit Kasi naalala ko Nung huling punta ko dun ay napaka lamig dun . Universal po Kasi Ang aircon nila subrang lamig KAya dapat ay may doble Kang damit Lalo na di ako sanay sa aircon . Ingat sa Amin. Medyo malayo Rin po Kasi Yung phc dito sa Pasig
Philippine Heart Center Dito na Rin po kami ngayon. Bale pang number 2 po ako na patient. Maya pang 9 Ang check up. Naku nag tanong kami sa pulis Kung paano makarating dito hahah bale dalawa Rin napag tanungan namin Ang lalayo man Ng sinabi parang sa dami Ng sinabi ay Lalo Lang ako maliligaw mabuti nalang Yung huling natanungan ko ay tricycle driver ayun Sabi Niya mag tricycle nalang raw kami at 100 Ang bayad mismong heart center Niya raw kami ihatid. KAya nag go na ako kesa…
Wow grabe subrang lamig po dito. Nginig nginig na talaga ako sa lamig. Yung baon naming tubig ngayon parang galing na sa ref Ang lamig Niya. Nagpapawis na sa lamig. KAya Kung magpapa check up po kayo dito sa heart center naku magdala po kayo Ng pang doble na jacket dahil talagang napaka lamig po sa loob.
Pila Muna dito sa labas para makakain Ang daming tao eh subra gutom ko na talaga . Dami naming nilakad pagkatapos Ng check up kanina .. nag hanap ako Ng mapapag pa 2decho han ko. Grabe ubos Ang pera eh
Yung Ang lakas Ng loob ko magsabi Ng lahat na Yan Yun pala isang gamot palang 80 na Isa x 150 PC's edi 12,000 peso na Yun hahahah . Mabuti nalang Wala silang ganun. Kakahiya Sana eh. Isa palang Yun eh 4 lahat na klase Yan sa x 150. Oh may gulay. Wala man ako pambili Ng gamot. Paano pala ako gagaling nito. Saklap naman
Relax Self Relax Nagpa laboratory ako kanina Sana ok na lahat Yun para di na madagdagan Ang mga gamot ko. Sabi Ng doctor sa akin kanina Ng makita Yung nauna Kong result na dala dala ko. Di kaba natatakot na ganito kababa Ang red blood mo? Parang siya Yung na ngangamba para sa akin eh . Bawal raw akong mag Isa. Kasi nga baka bigla akong bumagsak. Balik ulit ako sa Monday kuha Ng result at follow up check up ulit sa heart center
Banana chips Habang kumakain kami kanina sa baba Ng Heart Center may lumapit sa aming may edad na na babae nag aalok Ng banana chips pang baon Lang raw Ng mga anak Niya pag pasok sa school. KAya kahit Wala sa budget ay bumili nalang ako para maka tulong Kay ate. 3 pack 100 peso po Yan. Naawa po talaga ako sa may edad na pero nag hanapbuhay pa Rin naalala ko Ang mama ko. Yung kahit matanda na eh naghahanap buhay pa Rin.
Good morning po punta kamiNg countryside ngayon mag hahanap ako Ng gamot. Kulang Kasi Yung nabili ko kahapon. Tas nadaanan namin itong nag iikot na nag titinda Ng ukay ukay KAya Ayan napa ukay ukay na Yung pinsan ko. Ang mura Lang Ng tinda ni kuya tag 20 lahat Ng klase.
Ensure Gold reward card Lifetime reward card na raw po Yan nag avail ako ngayon dito sa Mercury. Tas binigyan na Rin ako Ng Isa pang card Yung glucerna Yun pala Ang pwede sa diabetic tas Ang ensure gold pala ay bawal na bawal sa may diabetic. Tas Ang mother Inlaw ko Nung na hospital dahil diabetic Yan Ang nerisita Ng doctor ay bawal pala Yun Sabi Ng agent Ng ensure dito sa manila.
Ensure Gold Vanilla Ayan po ginamit ko na agad Yung discount card na binigay kanina . Naka discount po ako Ng 75 pesos dun sa tag 905 na gatas. Tas binigyan Rin po ako Ng dalawang pack na gatas pa Rin 60.6 g. Tas itong card pag uwi ko sa Amin ipapahiram ko Ito sa tita ko na palaging umiinom Ng ensure para maka discount Rin siya. Lifetime raw po Kasi Yan at pwede ipahiram sa mga kaibigan. Tas take note po bawal po ipainom sa may diabetic.
Spaghetti Dahil birthday Ng pinsan ko ngayon ay ipinagluto ko siya Ng spaghetti. Tara po kainan na. Sana magustuhan nila Ang iniluto ko . Isang kilo Lang Naman Ang noluto namin Kasi Tatlo Lang Naman kami dito sa bahay.. tas bigyan nalang namin mga umuupa dito sa tabing bahay
Cake May tira pang cake at spaghetti na handa kahapon Ng pinsan ko KAya Yan Ang almusal ko kanina Umaga. Mabuti at di pa nasira . Naku paano ba mag diet nito hahah isang linggo na ako dito sa Pasig at puro Kain tulog Lang Ang gawa ko KAya Naman tumaba na ako dito Di Rin ako lumalabas dito. Nakakatamad Naman Kasi gumala Lalo at Walang pera na budget pang gala. KAya itulog nalang Rin.
Isang mahalagang paalala po sa lahat. Ang ensure po pala ay di pwede ipainom sa may diabetic dahil may sugar raw po itong halo. Naku KAya Naman pala si mother Inlaw ko Nung na confine sa hospital ay di bumaba Ang sugar Niya dahil Yan Ang reseta Ng doctor. .kahit anong turok sa kanya Ng insulin ay mataas pa Rin. Di raw pala pwede Yan sa may diabetis Yun Ang Sabi sa akin kahapon Ng taga abbott company
Good night na po mga mate. Bukas po ulit. Tulog na po Tayo malapit na pala mag alas dose Ng hating Gabi hahah nawili na ako manood sa TikTok. KAya pala nagugutom na ako Kasi hating Gabi na hahah. Itutulog ko nalang Ito. Aga Kasi namin nag hapunan kanina eh. Oh siya night na po
Taytay tiangge Musta po mga ka ingay nakalimutan ko na mag update dito kanina paano maaga pa kami pumunta Ng taytay tiangge bumili po ako Ng mga pwede ko ibenta na mga damit pag uwi ko sa bahay para makabawi manlang sa pamasahe ko. Ang mura Ng mga damit eh. Ang sakit nga Lang sa paa mag lakad at sa balikat mag dala Ng mga pinamili ko. Balik ulit ako dun sa linggo dagdagan ko pa mga pinamili ko.para may Kita Rin pag uwi
Good night na po mga mate grabe Yung pagod ko ngayong araw heheh kakatapos ko pang Rin maglaba . Pero naka higa na Rin ako ngayon. Sarap mg ipahinga Ang pagod na katawang lupa. May naghatid Ng carbonara at Pansit ngayong Gabi birthday pala Nung kapitbahay dito.
Tinapa Happy Friday po noise mate. Kahapon Ng Umaga Yan Ang ulam namin tas may natira pa KAya ininit Ng pinsan ko. Ging prito Niya ulit. Napaka alat man niyan KAya di na ako nag ulam ulit. Yung turang gulay nalang Rin Ang inulam ko. Sumakit Kasi Ang puson ko eh baka dahil sa alat Ng tinapa.
Ito po Yung mga pinamili ko kahapon sa taytay . Sa linggo po ay babalik ulit kami dun dagdagan ko pa Yan para marami Ang maitinda ko pag uwi sa Amin. . Kailangan dumiskarte para kumita eh mabawi ko manlang Yung pamasahe ko pauwi ba
Darating Ang tita ko ngayong araw Ang may Ari Ng bahay na tinutuluyan naming mag pi pinsan dito sa Pasig. Galing siya Ng Bacolod. Di Lang namin Alam Kung anong oras Ang flight Niya . Kaya Ito general cleaning kami Ng bahay para pag dating Niya mamaya ay matuwa Naman sa Amin heheh
Good night na po. Ngayon palang ako matutulog paano napahaba Ang nap ko kanina hahah maga alas siete na Ng Gabi ako nagising at pag gising ko Yan na Ang hapunan ko pasalubong ni tita tang cookies na Yan Ang sarap po niyan gawang Bacolod.
Good morning noise mate Maaga po ako nagising ngayon dahil pupunta po kamiNg taytay tiangge ulit ngayon mag dagdag po ako Ng mga bibilhin ko na paninda na mga damit.. inom Lang ako Ng milk ngayon bago maligo..
Binili sa amin Ng 10 to P15 pesos per kilo noon, tapos presyo ngayon P10 to 15 pesos Isa ngaun?.....CNO Ang may diprensya Ang Sibuyas o Ang tao?. Grabe pahirap ginagawa Ng gobyerno sa mga farmers eh. Asan na Ang hustisya saming mga magsasaka
Champorado para sa hapunan. Dahil malamig ngayon at bagong gising Lang Rin ako Ayan sakto pa Rin Ang champorado namin hahah pang hapunan na siya. Hapon na Kasi nag luto Ang pinsan ko eh. Ako naman ay natulog pag dating kanina galing ako Ng taytay ulit. Subra akong napagod talaga .
Siomai at gulaman Merienda tanghalian ko na Yan ngayon. Gumala Kasi kami Ng pinsan ko grabe nakakapagod Rin talaga Ang maglakad Ng maglakad eh. Sulitin na Ang gala habang naandito pa Kasi malapit na wkong umuwi sa Amin.
Punta po kamiNg Pasig Palengke ngayon at nkasakay na kami sa tricycle bale Ang pasahero po ay apat sa loob dalawa sa harap dalawa sa likod at dalawa Naman sa likuran Ng driver . Ang kitid pa Ng sidecar hahah KAya Ang balikat namin Ng katabi ko ay banggsan na talaga.
Hot choco Yung akala mo malamig na Kasi subrang lamig Ng paligid mo at Ang lakas pa Ng ulan hahah ayun napaso Ang labi ko. Pag hawak ko Kasi sa cup malamig Rin siya eh Yun pala mainit pa Ang laman. Dito na kami nga pala ngayon sa heart center follow up check up ko po ngayon dito.tuloy pabasa na Rin Ng result ko sa 2decho at iba pang mga laboratory
Thank you Lord at Hindi na ako kailangan operahan at maganda Naman raw Ang result Ng puso ko. Papunta palang sa heart inlargement KAya dapat raw ay ituloy tuloy ko Lang mag inom Ang mga gamot ko para ma prevent na. Tas more fruits raw ako at low fat low salt . Kulang raw Kasi ako sa potassium KAya mag saging raw ako. Tas calcium. Pinapili ako Kung gusto ko raw mag resita Ng calcium na gamot or mag milk . Pinili ko nalang mag milk kesa uminom pa Ng gamot.
Quiapo Church Pagka tapos Ng check up ko deretso ako dito ngayon sa quiapo Church para mag Simba. Pasalamat sa puong Nazareno na di ganun kalala Ang sakit ko. At sana ay di na lumala pa. May follow up ulit ako next year..
Ito palang Ang nabibili ko na mga gamot 5300 na po lahat Yan. Dami la Ang kulang tag 150 PC's po Ang reseta eh at maintenance ko na mga Yan. Para di na lumaki Ang puso ko..
Nagpapabili Ng itim na tshirt Ang anak ko para raw may magamit na siya sa Christmas party nila at birthday Niya Rin Yan. Yung second pic Yun Ang gusto niyang design KAya Lang ay Wala akong makita KAya yang first picture ay Yan nalang Ang binili ko para sa kanya . Sana ay magustuhan Niya Yan. Maraming mga design Yun raw Ang uso ay naku kahit Yun pa Ang uso ay ayaw ko mg mga ganun para sa anak ko. Parang suot Ng mga gangster hahah. Sori na po agad sa mga mahilig dun. Basta ako…
Nagising ako ngayon na masakit at Makati Ang lalamunan tas Ang barado Ang ilong ko bahin ako Ng bahin paano subrang pagod kahapon sa dami Ng pinuntahan at layo Ng byahe namin. Tas Ang electric fan pa dito sa kwarto ay sa gilid sa tapat Ng ulo. Katabi ko si auntie matulog eh. Nung ako lang dito sa room ay sa paanan ko Ang efan KAya Lang ngayon dito na si auntie ay gusto Niya sa tapat Ng mukha Niya Ang efan. KAya no choice ako kunti Ang sumunod Kung paano siya matulog hahah .…
Bitcoin wallet notification Subrang natuwa talaga ako Ng makita ko Ito na may notification na ganito hahah akala ko bumalik na sa normal eh pag open ko 1.30 din siya tas naalala ko martes nga pala ngayon . Ayun Yan Lang Yung 1 week Kong earn sa free Bitcoin. .isang linggo tas piso Lang huhuh
Underpass sa Quiapo Ang Lugar Kung saan palagi akong naliligaw noon hahah KAya kahapon tinandaan ko na Kung saan ako lalabas. Namimiss ko na kapatid ko KAya tuwing lumuluwas ako ay bumabalik ako sa lugar na Yan. Dyan Kasi kami dumadaan noon noong Dyan pa siya naka tira sa quiapo .
Mababa raw Ang potassium at calcium ko pinapili ako mg doctor resetahan ako pang calcium oh mag inom Ng gatas pinili ko nalang Ang uminom Ng gatas tas sa potassium ganun Rin gamot oh prutas raw Sabi ko prutas nalang. Ang hirap kapag phro gamot eh. Baka masira na Ang kidney ko. Selfie ko Yan kahapon sa quiapo Church Kay cardinal . Nag talaga Ng bagong Kura na sa quiapo Church eh.
Rizal medical center Maaga pa kami naka pila na dito sa labas para magpa check up sa mata Ang pinsan ko tas isinama Niya ako para maka pa check up na Rin Ng mata dahil nanlalabo na Rin Ang mga mata ko. Subrang haba na Ng pila kabit na maaga pa kami pumunta dito
Umulit ako Ng pila ngayon Kasi Wala akong appointment. Kailangan naka appointment ka dito kapag magpapa check up. Nag paalam pa kami sa doctor na magpa appointment ngayon mabuti at pumayag Naman siya. KAya Ito naka pila naNaman ako sa pa registration.
RMC EYE TRAINING FACILITIES CENTER kakatapos ko Lang po magpa check up Ng mga mata ko dito ngayon ok pa Naman raw Ang mga mata ko nakakabasa pa Naman raw ako. Bale marumi Lang raw Ang mata ko dry ay may dandruff raw tas barado Ang daanan Ng luha. Binigyan Lang ako Ng pang patak para luminaw raw Ang mata ko. Di na ako binigyan Ng pang grado sa mata. Tas babad ko raw sa warm water Ng 10 minutes Bago wash ko raw Ng Johnson shampoo Yung mata ko. Ihalo raw sa tubig Ang jhonson…
Ito po lahat Yung mga napamili Kong mga damit sa taytay na paninda ko pag uwi sa Amin. Baka bukas po ay uwi na Rin ako.tapos na po Ang check up ko ngayon . Next year na Ang balik ko sa heart center. Panibagong ipon nanaman para may pang gastos ulit sa pagbalik ko dito sa manila.
Siomai Beef siomai Yan Ang merienda namin kanina Ng pinsan ko dun sa harapan Ng hospital kanina. Twenty apat na piraso . Busog na busog ako eh.
Good morning noise mate papunta po kamiNg City Hall ngayon Ng pinsan ko graduation Kasi nila . Nag tesda sila Ng house keeping. Inabot na nga sila Ng lock down eh. Noon pa Yan sakto Naman nag lockdown KAya ngayon nalang ginanap Ang graduation nila.
Dito na po kami ngayon sa labas Kung San nag iipon ipon Ang Lahat Ng mga ga graduate di pa pinapapasok sa loob Ang mga Tao. Isang graduate isang kasama Lang raw Ang pwede pumasok . excited to see Mayor Vico Sotto heheh
Nag uumpisa na dito ngayon Ang graduation . Dito na Rin si Mayor siya yang naka light blue Ng suot. Sana mamaya makababa ako at maka pa picture dito Kasi sa taas lahat Ng mga manood eh.
Natapos na Rin po Ang graduation dito . Nagbibigayan na Ng food pack para sa lahat Ng trainees. Mamaya pagka tapos namin dito ay punta kami Ng mall para dun magpalipas Ng oras dahil sa bahay ay may gumagawa dun maalikabok .
Good afternoon po sa lahat dito me now sa David Salon sa Robinson's Galleria binisita ko Ang friend ko na senior hair stylist dito. Subrang busy Niya daming client dito. Ay Sana all nalang talaga ako eh heheh
Binigyan kami Ng friend ko Ng 500 mag merienda raw Muna kami Ng pinsan ko at napaka busy pa Niya marami siyang client na naka pila. Sa Popeye raw kami mag merienda KAya Lang ay ayaw Ng pinsan ko dun KAya Ito nag iikot kami Ng makakinan dito sa mall
David's Salon soap 15 pcs po lahat Yan bigay Ng friend ko sa akin. Yeheeyyy libre na Ang 1 year ko na sabon. Sana mag kutis Mayaman na ako nito hahaha charot Lang. Magkano ko KAya Ito mabebenta hahah para may pera ako..
Jollibee at Robinson's Galleria Yan Ang nabili namin kanina dun sa 500 na binigay Niya sa Amin na pang merienda.. hahah sinulit talaga namin eh. Subrang busolve talaga kami kanina
170x15pcs = 2550 Rin po pala lahat Ang halaga Ng mga sabon na binigay sa akin Ng friend ko heheh maagang pamasko na Niya sa akin Yan. Search ko sa shoppe eh KAya nalaman ko Kung magkano Isa Yan. Grabe isang paayos Ng hair sa kanila inaabot Ng 10k pala plus pa mga tip na binibigay sa kanila .. Ang mga mayayaman talaga ano baliwala sa kanila Ang pera. Dami Niya client kanina eh KAya di kami naka pag usap Ng maayos. Gusto Niya bumalik ako dun Bago ako umuwi sa Amin eh
Good morning noise mate Happy morning po sa lahat. Happy na po talaga Tayo dahil bumalik na sa dati Ang sigla heheh Tara po Kain Tayo maaga pa ako nag luto Ng egg with kamatis. Yan na almusal namin ngayon.
Dito kami sa mall ngayon tambay Lang dahil nagpagawa Ng bahay Ang tita ko. Subrang maalikabok sa loob. Bawal Kasi sa Amin Ang maalikabok eh . Tas Ito habang nakatambay dito ay ikot ikot na Rin. Pati mall ngayon mga ukay ukay na Rin Ang tinda. May nabili nga akong Isa eh hahaha Yung uso ngayon na parang square pants .
30.60 dahon Ng sibuyas hay grabe Ang Mahal hahah sa Amin Ito itinatapon Lang eh. Dito sa mall subrang Mahal na pala.. parang gusto ko na mag tinda nalang Ng dahon Ng sibuyas ah hahah baka Ito na Ang pag yaman ko
Chowking Halo Halo medium tag 89 po pala yan. Tara po palamig lamig Tayo . Dito kami ngayon tambay sa second floor Ng Chowking sa Choice Market. Kailangan Kasi namin mag palipas Ng oras sa labas eh
Andito pa Rin kami hanggang ngayon sa mall paikot ikot Lang paulit ulit Lang nstingin Ng mga paninda nilang ukay heheh Wala Rin namang bibilhin. Tamang palipas Lang talaga Ng oras at Maya Maya ay uwi na Rin kami sa bahay. Para mag linis na ulit dun Ng mga Kalat Ng mga gumagawa da bahay..
Chowking Lauriat Sa subrang busog ko po kanina di na ako naka pag hapunan ngayon. Yan Yung inorder ko kanina dun sa mall pag gala namin Ng mga pinsan ko. Bale dalawang araw pa ako dito KAya sinusulit na talaga pauwi na po Kasi ako sa linggo sa Amin.
May labahin po akong kaunti lalabhan ko na Muna ngayon bago ako matulog ay naku Inday inuna pa Kasi Ang manood eh KAya Ayan Gabi na Bago mag umpisa Ng laba heheh
Good night na po sa lahat bukas na ulit mag iingay. Nakatapos na Rin ako maglaba Ng mga labahin ko. Maaga pa ako bukas gigising dahil nagpapasama Ang pinsan ko sa taytay may bibilhin raw siyang dress na gagamitin Niya na isuot pag nagpa check up siya sa hospital. Oh siya good night na po. Pic ko po pala Yan sa Robinson's Galleria Nung pumunta ako kahapon dun
Good morning po noise mate Bago simulan Ang mga Gawain mag share it Muna heheh kailangan makaipon Ng points para may pang load. Kayo po mga mate tuloy tuloy pa Rin ba kayo dito mag check in ako Kasi di ko talaga kinakaligtaan dahil sayang talaga kapag bumalik sa umpisa
Costume Nagpapahanap Ang mama ko Ng pang costume Ng mga pamangkin ko KAya Lang ay di Naman siya natawag sa akin ngayon dito na ako sa bilihan KAya di ko Alam Kung ano Ang bibilhin ko para sa story telling nila sa school . Bahala sila Dyan heheh pauwi na ako mamaya
Ready na lahat naka impake na ako. Sasakyan nalang Ang Wala pa. Sabi ay mamayang Gabi Ang sundo dito sa akin. Sana Naman totoo Kasi inip na Rin ako at excited Ng umuwi. Yun nga Lang natatakot naNaman ako na baka mag suka naNaman ako. Nung papunta Kasi ako dito ay parang mamatay ako sa pag byahe eh.
Oh may Goodness hating Gabi na Wala pa Rin Ang van na sasakyan ko pauwi sa Amin. Di ko Alam Kung sususnduin paba ako oh iniwan na ako. Antok na ako eh. Di Naman nag rereplay sa mga text ko na.
Dahil naiwan ako Ng Van at umaasa ako na masusundo kagabi Ayan inabot na ako Ng ala una sa pag aantay. Bago ko nalaman na naiwan na pala ako. Ahay nalang mga paasa talaga. KAya nagpanibagong booking ulit ako. At ngayon nga tumawag na sa akin Ang driver na susundo sa akin mga 12 raw or 1 pm ako sunduin. Bukas pa ako makarating ulit sa bahay. Kung natuloy Sana ako kahapon edi Sana ay Nasa bahay na ako ngayon
Skyway na Rin Ang ferzon yeheeyyyy pauwi na Rin . Palabas na kami Ng manila ngayon papunta na Ng Batangas pier. Mga 2 am siguro ay Nasa bahay na Rin ako mamaya..ingat sa Amin sa pag byahe
Linggo pero Ang traffic na . Mas na traffic pa kami dito ngayon sa Tagaytay kesa dun sa manila. May pasahero kasi kamiNg pi pick a pin dito eh. Tas may dalawa pa sa calaca mamaya tas ayun pa pier na sunod kami .
Dito na kami sa Calaca Batangas may pic apin kamiNg mga pasahero ulit dito. Hahanapin na Lang namin Kung San Yun. Ang gulo pa Ng sketch Ng pasahero KAya Ang hirap hanapin
Alaxan Fr Ang sakit na Ng ulo ko ngayon lumipas na Ang bisa Ng ininom Kong mediol. Mabuti nalang at binigyan ako ni kuya Ng alaxan Kasi Sabi ko masakit na Ang ulo ko. Mabuti nalang at may gamot siya. Sana ay mawala Ang sakit Ng ulo ko sa barko . Malapit na Rin kami sa pier ngayon. Custom na talaga ako eh
Pier Ng Batangas Finally nakarating na Rin kami Ng pier. Maya Maya pa Ang pasok Ng mga sasakyan sa barko. . Pang alas siyete Ang masasakyan namin na barko. 3 hours Ang barko plus 5 to 6 hours ulit by land KAya baka alas 3 or alas 4 ay Nasa bahay na Rin ako
Naka sakay na Rin po Ng barko at kaunti Lang Ang pasahero. 7:25 po umalis Ang barko sa Batangas pier. Excited na akong makarating sa Amin. Thanks God po at di ako nahilo ngayon sa byahe ..
Finally palabas na Rin kami Ng barko ngayon. Grabe pag gising ko Wala Ng Tao sa taas Ng barko nakababa na pala lahat. Hahah muntik na akong maiwan. Mabuti nalang at Yung nasa harapan namin ay di pa nakalabas KAya di pa Rin nakalabas Yung vab na sinasakyan ko..
Thank you Lord safe po akong nakarating dito sa bahay namin. 2:30 am po ako nakababa na dito sa bahay. Mabuti nalang at inuna na akong ihatid ni kuya dun sa kasabay Kung malayo Rin Ang pag hahatiran. Naawa na sa akin si kuyang driver. Ako Kasi dapat Ang last uunahin Yung Isa KAya Lang naawa na si kuya KAya inuna Niya na ako para raw makapag pahinga na ako kaagad pero gang ngayon ay di pa Rin ako nakaka tulog hahah. Kwentuhan pa Kasi kami Ng Asawa ko. Tas Ito nga kumain pa…
Bat po KAya minamanas Ang aking mga paa. Nakatulog ako Ng 4:30 kanina tas nagising ako Ng 8:00 am. Nag tataka ako ngayon Manas man Ang mga paa ko. Kinakabahan tuloy ako Kung bakit Yan namanas.
Kain po Tayo mga mate na miss ko talaga Ang sariwang gulay eh. Sinabawang ulo Ng salmon raw Yan Sabi Ng Asawa ko tas nilagyan Niya Ng sitaw kaso inubos raw Ng anak ko kagabi Ang isda hahah KAya puro gulay nalang Ang natira tas Ang katawan Ng isda ay prito. Ayaw ko Naman Ng prito dahil mamantika. .Ang sarap talaga Ng gulay eh . Sa manila Kasi ay di na sariwa Ang mga gulay at isda KAya na sabik ako sa gulay at isda ..Tara po Kain Tayo
Manas Mula pa kanina Umaga pagka gising ko ay Manas na Ang Binti at paa ko. Sabi Ng Asawa ko ay baka sa lamig Lang raw Ng aircon pero Ewan ko Lang nga ba. Medyo kinakabahan ako Kasi first time akong manasin. Hanggang ngayon ay minamanas pa Rin Ang mga paa ko
Naka bili si mama Ng ukay na pang costume Ng pamangkin ko eh di raw Niya Alam Kung costume Ng ano raw Yan KAya Ayan ging google search ko nalang at nalaman ko na queen bee pala Yan heheh . Nag papa make up mga pamangkin ko sa akin bukas raw . Natawa nalang ako sa kanila. Hahah Sabi ko ano Naman Ang Malay ko sa pag make up eh kahit nga pag polbo at di ako marunong hahah
Papaya Ito Yung masarap kapag may tanim eh. Libre na Ang prutas. Pumunta sa bukid kanina Ang Asawa ko at Yan may uwi siyang dalawang hinog na papaya. Tas isang malaking manibal na papaya rin. Ako lang Ang kumain niyan heheh Ang tamis KAya naubos ko talaga .
Dalaga na Ang pamangkin ko eh. Parang kelan Lang mga baby pa sila ngayon Ang lalaki na. Bilis Lang Ng panahon eh. Yan Ang costume na sinuot Niya kanina. Binili Lang ni mama sa ukay Yan. Pero Bago pa Rin siya.
Good night na po mga ka noise mate. Antok na ako eh. Gabi na Rin pala. Di Kasi ako makatulog gawa Ng may vediokehan dito sa kapitbahay namin. Ewan ba anong oras nila papatayin Ang vedioke nila nakaka bulahaw na Rin Ng mga matutulog at tulog na. Ang hirap makatulog kapag may maingay
Nag hahanger palang ako ngayon Ng mga paninda jong mga damit mga pinamili ko sa Rizal Nung NASA manila ako. Napapagod pa Kasi Ang katawang lupa ko sa pag byahe eh KAya di ko pa nailalabas Ng bahay. Pero may mga tumingin na Rin at may mga bumili na Rin .
Magandang hapon po mga kaingay pumunta po akong bayan kanina namili Ng kaunting paninda Saka bigas. Halos paubos na Kasi Ang paninda sa Tindahan eh tatlong linggo ba Naman akong Wala KAya tatlong linggo Rin na di naka pamili . Di Naman pwde mamili Ng marami kasi manipis na Ang gulong Ng tricycle baka sumabog. Dahan dahan nga Lang Ang patakbo Ng Asawa ko eh. Dito kami ngayon sa bilihan Ng mga gamit sa motor bumili Ang Asawa ko na
Good night na po. Tulogan time naNaman mga kaingay. Bukas po ulit. Pcensiya ko sa lahat Kung di ako nakaka reply sa inyo Kasi Po nanlalabo talaga Ang mata ko kapag matagal na naka titig sa cp. Ulam po pala namin ngayong Gabi Yan ginisang ampalaya na may itlog.bigay Ng pinsan ko.
May mga time talaga na parang gusto ko nalang sumuko sa buhay. Yung tipong parang ayaw ko na mabuhay. Ewan ko ba bat ganito Ang nararamdaman ko minsan.. Yung gusto Kong umiyak nalang Ng umiyak. Di ko Naman pwede sabihin sa iba Kasi pagtatawanan ka Lang nila at walang may maniniwala sayo. At kapag nag kwento ka sa iba mas mahaba pa Yung litanya nila sa buhay nila hahaha KAya Ang ending ikaw Lang Rin Ang mag comfort sa sarili mo. Pasensiya na po kaaga aga Kung ano ano na Ang…