Do you believe in Ghost?

3 43
Avatar for Becca0203
3 years ago

Bakasyon noon kaya dahil walang pasok at wala akong magawa sa bahay. naisipan ko munang mag stay sa bahay ng lola ko kahit isang linggo lamang.

Hindi naman ganoon kalayo yung bahay ng lola ko saamin before pwede siyang lakarin pwede rin naman sakay ng isang trike kung gusto mong magbayad. Pero dahil tamad ako naisipan ko na lang sumakay.

Pagdating ko sa bahay ng lola ko.papasok palang ako ng pinto. unang bungad sakin ng tita ko.

"Uy ang payat mo na ah, anong sikreto mo?" Sabi niya habang sinusuri yung katawan ko.

"Wala na po kasing makain sa bahay kaya naisipan kong pumunta rito charot!" sabi ko habang natatawa

"Haaay nako palabiro ka talaga, tara na nga at mag si pasok na tayo at para makakain ka na rin."

Pagpasok namin sa bahay ng lola ko as usual napaka ingay lalo na yung mga pinsan kong bata.

"Uy ate nagbalik ka na ulit dito after so many months"sabi sakin ng isa kong pinsan na si Maemae

"Oo eh wala rin kasi akong magawa sa bahay kaya dito na muna ako mag stay" sabi ko sabay pat ng ulo niya.

"Babasahan mo ba ulit kami ng nakakatakot ulit ate?"

"Oo naman mamayang gabi after natin kumain. basahan ko ulit kayo."

_____

Lumipas na ang ilang oras at tapos na rin kami kumain ng aming hapunan.

"Ano na ate, tapos na tayo kumain basahan mo na kami" sabi ni maemae habang hila hila ang damit ko

"Oo nga ate, basahan mo na kami excited na ako" Sagot naman ni rovie habang natalon talon.

"Oo na ito na, haay nako kayong mga bata talaga kayo. tapos after ko kayo basahan di na naman kayo makakatulog" sermon ko sakanila na may halong tawa.

"hihi sowi na po, bonding kasi natin to ate eh kaya gusto ko talaga na lagi mo kaming kinekwentuhan" saad ni maemae

"O sige ito na babasahan ko na kayo, patayin mo na yung ilaw rovie at nang makapag simula na ako magbasa."

tumayo si rovie para bumalik sa may kitchen, kaya ang ginawa ko nag hanap muna ako ng storya na sa tingin kong nakakatakot bago pa makabalik si rovie sa pwesto namin.

"Ateee, I'm back na po. start mo na yung kwento mo." sabi niya sabay upo sa may tabi ko.

At nagkwento na nga ako. ang napili kong kwento ay about sa isang babae na mag isa lamang sa kwarto tapos bigla siyang tinawag ng nanay niya. nagtataka yung babae kasi ang pagkakaalam niya umalis nanay niya para bumili sa palengke tapos out of nowhere siyang tatawagin nito para magyaya mag almusal. kaya ang ginawa ng babae binuksan niya ang pintuan ng kwarto niya. nagulat siya kasi wala naman yung nanay niya sa labas. Then after ng ilang minuto nakita niya na nag message nanay niya sakanya na pauwi na raw ito. Bigla siyang kinabahan kasi sino yung kasama niya sa bahay nila?

Natakot ng husto yung dalawa kong pinsan kaya napalapit sila ng todo sakin.

"Oh ano ngayon, natakot kayo no?" sabi ko sakanila habang natatawa.

"Ate, wag mo na kami takutin kasi feel ko nandito siya ngayon eh. natatakot po ako huhu" sabi ni maemae tapos kumapit siya sa damit ko

"Haaay nako di naman totoo yang multo na yan eh, nagpapaniwala kayo riyan, halata namang gawa gawa lang niya yung storya niya eh."

"Paano mo naman nasabi ate na hindi totoo yung mga multo?" tanong ni rovie sakin

"Syempre duh patay na sila eh, bakit pa nila maiisipang mag paramdam?" sabi ko nang natatawa kasi napaka imposible yang multo multo na yan di talaga ako naniniwala sakanila.

"Haaay nako ate, kapag ikaw nakakita ng multo tatawanan talaga kita." Sabi ni maemae at natatawa

"Ewan ko sainyo, as if naman totoo yan. ang mabuti pa umuwi na kayo at anong oras na. Paniguradong hinahanap na rin kayo sainyo." sabi ko habang pakunwareng tinataboy sila.

"Oo na po uuwi na, bye ate kath mwa mwa tsup tsup" sabi sakin nila maemae at rovie with matchng flying kiss pa.

_____

Kinabukasan pagkagising ko pumunta ako sa kusina para puntahan sila at kumain na rin. nagtaka ako bakit ni isang tao wala akong nakikita.

Kaya naman inikot ko lahat ng bahay nag babakasakaling kahit man lang yung lola ko makita ko, kaso wala talaga ni isa.

Pumunta ako sa kwarto ko para kuhain ang phone ko at kontakin sila.

"Please answer the call" bulong ko sa sarili ko.

"The number you have dialed is unable to reached please try again later."

isa pa

"The number you have dialed is unable to reached please try again later."

Damnit! Nasaan ba mga tao rito? Naiinis na talaga ako. Hindi man lang nila ako naisipang gisingin para sabihin na umalis pala sila.

No choice lalabas na lang ako rito pangpatanggal ng inis and to freshen up abit.

I can't open the door, nakasarado ang pinto.

"ANO BÀ DI NAKAKATUWA TO, PLEASE OPEN THIS DOOR NOW!" Kalabog ko sa pintuan kasi kahit anong gawin ko di ko talaga mabuksan.

"Pst" mamaya na lamang may narinig akong sumitsit sa may bandang likod ko.

"Sino yan?" sabi ko sabay tingin ko sa likod pero pag lingon ko wala naman akong nakitang tao.

"Kath" sabi ng kung sino then naramdaman ko na lamang na may pumatak na kung anong malapot sa ulo ko. kaya naman kinapa ko yung ulo ko nakita ko na ito ay dugo.

Nangilabot na ako ng sobra. kasi paano magkakaroon ng dugo sa may kisame namin. kaya tumingin ako sa taas na agad ko namang pinagsisihan. kasi nakita ko babaeng duguan ang mukha at nakatitig sakin ng masama.

"A-anong k-kailangan mo s-sakin?" sabi ko ng pautal-utal kasi natatakot na talaga ako.

"Ang kailangan ko sayo ay yung kaluluwa mo. diba hindi ka naniniwala sa multo?" sabi niya habang nababa sa kisame at unti-unting lumapit sakin.

"W-wag k-kang lalapit" sabi ko at unti-unting tumakbo sa kwarto at sinarado ang pinto.

Nagtalukbong ako ng kumot at pinkit ko ng mahigpit ang aking mga mata at binigkas nang paulit-ulit ang "Ama Namin"

Maya- maya naramdaman ko na lamang yung malakas na pagkalabog ng pinto na parang gusto itong sirain.

"A-ANO B-BA LUBAYAN MO NA AKO!" iyak kong sigaw habang nagwawala

"HAHAHA Magiging akin na yang kaluluwa mo" rinig kong sabi niya at tuluyan na ngang nabuksan ang pinto.

Naramdaman ko na lamang na unti-unting nahihila ang kumot pababa

"PLEASE UMALIS KA NA RITO" Iyak ko habang nagpapadyak

"Naniniwala ka na ba ngayon sa multo?" ramdam kong bulong nito sa may tenga ko

"OO NANINIWALA NA AKO PLEASE LUBAYAN MO NA AKO!" Sigaw ko

"KATH GISING!" ramdam kong yugyog nito sakin

"Gising ano ba, nanaginip ka" rinig kong sabi ng kung sino

Panaginip lamang ang lahat ng iyon? Bakit parang totoo?

"Kath ano bang pinagsasabi mong bata ka ah? binabangungot ka" sabi sakin ni lola sabay himas sa likod ko. "Oh ito nagdala ako ng tubig para mahimasmasan ka, inumin mo" sabi niya sabay bigay sakin ng baso na agad ko namang ininom

"La, naniniwala po ba kayo sa multo?" tanong ko sakanya

"Aba'y oo naman. kasi maski ako nararamdaman ko pa rin sila at nakikita.Kaya paalala ko lang sayo kath na kapag nalaman ng multo na hindi ka naniniwala sakanila maaaring kuhain nila yung kaluluwa mo." sabi ni Lola

At ngayo'y napagtanto ko na, Ghost are real and naniniwala na ako dahil sa naging karanasan ko.

Kaya ang tanong ko sa nagbabasa nito, "Do you believe in ghost?"

 

9
$ 1.10
$ 1.00 from @jiroshin
$ 0.10 from @Sheng04
Avatar for Becca0203
3 years ago

Comments

Scary sis! Pa bless mo kaya Ang bahay nyo.

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha di naman po totoo yan. gawa gawa ko lang po yan 🤣

$ 0.00
3 years ago

Oo naman naniniwala ako sa multo. Hindi ko papangarapin na makakita 😂

$ 0.00
3 years ago