Rice or Bread?
Kung papipiliin ako ng kakainin between rice or Bread, i will choose RICE!
Diko talaga tu pagpapalit ehh, ewan ko ba naadict ako sa Rice, kong tutuusin ayoko mag skip ng rice, mabilis lang kasi ako magutom kapag walang rice yung kakainin pag meal time..
Kaya this is the result haha
From 47 kilos to -67 kilos na.. waaaahhh..
Need na magbawas ng rice siguro, tapos more on exercise. hihi
Pero parang diko na ata kaya, papanindigan ko nalang siguro Hahahahaha
Good morning. Umuulan na naman, sana e maging productive ang araw natin ngayon..
Happy Lord's Day
Today's ganap, the blessed us always talaga, Ang ganda ng sikat ng araw ngayon.
And then we went to church kaninang umaga, then now we preparing Cassava Cake. Dahil sa church maraming may bday ngayong October.
So ito lang naman yung Ambag namin ni Bae!
Subrang galing kasi ni Bae sa mga ganito (Baking) tapos itong Kahoy kinuha namin sa tabi ng Fishpond. Kaya libre, ang binili lang namin ay yung Asukal..hihi Yun lang!
Have a nice day po sa lahat. God bless us always.
Not My Parcel
Nasa point na naman ako na Nagagalit ng Slight. Paano naman kasi may dumating na parcel ng kapatid ko tapos nasaktong wala siya dito sa bahay, tapos nung tinawagan ko siya, ako nalang daw muna ang magbabayad.
Meju naHB ako ng slight kasi No money talaga ako , tapos yung rider pinipilit na din na bayaran ko yun. Abaaaahh... Edi narattle na talaga ako!
Tinawag ko si mama na siya na muna magbayad, aba'y isa ding walang pera, kaya ang ending kumuha ako sa store ng pera, puro barya pa yun kasi wala pa ako masyadong napagbentahan. Hayss.. Ayun nabayaran din, tas sinabi ko kaagad sa kapatid ko na magsent na ng Gcash kasi need talaga din. haha
361 pesos pala, tas ang laman daw ay Headset. Diwwoww! HAHAHA
Update
Umaraw na dito sa amin, kaya busy na naman siguro yung trabahador dito sa gumuhong lupa sa kalsada.
Sana naman mapadali ang pag-ayus nila ng daanan para makadaan na ang mga Sasakyan, madami din kasing na stranded sa magkabilang parte, yung iba daw inakyat yung bundok, ang masaklap hindi nila kinakaya.. May dalawang namatay habang umaakyat sa bundok papunta sa ibang parte. . Grabeee nagpupumilit kasi sila dahil siguro gustong gusto na nilang umuwi or ayaw nila mag absent sa mga work nila..Nakakalungkot!
Sana tuloy-tuloy na ang araw para makapagfocus sila dito. Thank you Lord.
Good morning everyone!
Yess naman umaraw na dito sa amin. Thank you Lord...
Bagong umaga, bagong pag-asa sa ating lahat.
Dito lang ako sa store nakatambay ngayon habang nakikinig ng Bombo radio.
Sana naman umaraw na talaga buong maghapon para makaani na din kami ng palay ngayon.
Wala pa akong almusal, hehe Di pa kasi ako nagugutom. ehe
Manefesting
Again and again, nakakita na naman ako sa fb na pwedeng maging style ng bahay ko someday! (Malay natin hihi)
Ganito lang gusto, maliit pero kumportable namann tignan. Basta lang may matirahan okay na ako! hihi
Nakita ko lang ito sa fb scroll scroll ko kanina, kaya Ss ko na agad kasi papakita ko sa Eng. soon. hehe Kapag may ipon na ako para sa sarili kong bahay.
Maliit na space, mas maliit ang lilinisan.. Mindset ba mindset! ahaha
My first invite.
Dahil natutuwa ako dito sa Noise.App inaloknko na din sa kapatid ko. hehe
Masaya ako kasi, may mga kamaritesan kana kumikita ka pa..Hihi yieeh
Ohh dibaa...
Mabuti nalang at gusto niya sumali ngayon, minsan kasi kapag inaalok ko siya nang mga ganito, ayaw niya, daming dahilan, mas gusto pa niya nanunuod nalang ng Kdrama..haha
Pla welcome my Sistah.. @Mhttps://noise.app/Mitsuhaxoxo/8px416vp
Magandang gabi everyone.
Another Heartbreak
Dahil sa walang tigil na ulan at malamig na panahon, unti-unting nanghihina ang mga rabbit namin, tapos yung iba namatay na..
Kanina lang ito namang isa na naman ang namatay, grabee nakakaawa..
Sa tingin ko ang kinamatay niya ay naulanan siya, Hindi pa kasi fully construction ang kanilang bahay, kaya hindi maagapan na talagang mababasa sila, lalo na't sa labas maraming dahon kaya mas gusto nila nagsilabas labas...
Fly high my Rabita! ✨
Heartbreaking News
Bagyong Neneng effect.
Nasira na ang daanan patungong Cagayan.
Ang nakakalungkot pa ay patuloy nilang sinasagawa ang pagtanggal ng lupa sa daan, kasagsagan ng malakas na ulan.
May disgrasya pang naganap during the operation.
Nahulog yung dalawang Backhoe sa dagat, mabuti nalang daw at walang nakasakay na driver dun.
Habang inaalis ang lupa sa Daan, patuloy din ang pagguho ng malalaking bato at maraming lupa sa daan.
But still Pinapanalangin pa rin na Sana safe ang Lahat, lalo pa't may bagyo na naman daw darating. Sana maayus na din ang mga daanan , dahil kailangan ng mga supplies din dito sa Ilocos-Cagayan. Lord Jesus Have mercy on Us.
Good morning Noise App Family!
Katatapos lang namin mag-almusal..
Late na ako nagising dahil late na din ako nakatulog kagabi. .
Ito pala ang aming ulam. Hotdog para sa mga Bata dito, tas pang adult yung tuyo. ehehe
plus itong dragon fruit na hiniwa sa 4 na parte.para maghati-hati kami. ehehe
Kayo guyss Ano ngay ulam niyo??
Grocery time
Subrang excited ko pati lakas ng ulan sinulong ko para lang igrocery itong natitirang 3k ko sa wallet..Hahaha
Excited na talaga akong simulan kasi ang aking Mini store kaya etu abala na ako sa pamimili.
May kalayuan din ang grocery store sa amin, 10mins biyahe din. hehe Mabuti nalang talaga at masipag at matyaga si Bae na gaya ko! Ang saya naman maligo sa Ulan Ahahaha
Gagawin ang lahat para sa Negosyo.
Tara ligo na tayo sa Ulan ka Noisemate!
#NOISEAPP
Bagyong Neneng
6 Days Rain. Day and night walang tigil. .
Kaming nasa tabing ilog ang bahay ay nababahala na.. Yung iba lumikas na din pero may mga iba na ayaw pa talagang lumikas, ayaw iwan ang bahay nila.
Kami naman still nandito pa rin, meju malayo layo din kasi kami sa ilog, meju lang...
Pero ito lang ang nag-iisang daanan na patungo sa labas (or Kalsada) kaya sana hindi masira itong hanging bridge.
Palaki ng palaki ang ilog, nakakatakot na kapag nagpatuloy ang lakas ng ulan.
Walang tubig, walang kuryent sa ibang sitio dito sa amin.
Sa Friday may darating na naman daw na Bagyo, sana hindi ito gaano malakas l, sana dadaan lang itong bagyong ito na walang masira, at makuhang buhay. Yun lang talaga ang Panalangin namin.
Lunch Time
Adobong baboy.
Binenta na namin yung isang baboy sa kapitbahay namin, tapos kinatay then binenta nila.
Kaya bumili din kami. Hahah
Oh diba ganun lang ang buhay.
Kakain na tayo mga kanoisy ferson.
Sino dito tirador ng Taba kagaya ko? ehe
Yun lang ang gusto ko sa karne ehh, Yung tataba taba tapos pacrispy!
Kahit anong luto pala basta Taba iloveit! yeeiihh Nakakagutom naaa. haha
Tara kain na tayoooooo
First time
Last night naka received ako mula sa Noise.App
Nakakatuwa naman na makita ko na may nagsesend ng mga blessings nila.
Kailangan lang nang sipag at tiyaga para mapansin ka nila ehe
Sana tuloy-tuloy na maganda ang signal dito sa amin para maging active ako sa App at sa cash syempre.
Follow niyo po ako, para may makakwentuhan ako dun. Salamat! God bless us all
https://noise.app/Bebzzy
First time
Yeyy, This was last night. Super kilig! First time ko kasi makatanggap! Thank you so much po!
Sorry kasi kagabi lang ako active ulit, kasi naman kababalik lang ng signal dito sa amin gawa ng malakas na ulan at hangin.
Wala pang kuryente.. But now okay na, magiging active na ako! Sisipagin ko pa...
Sa buhay kailangan talaga ng sipag at tiyaga at diskarte para makaraos ka sa pang- araw-araw.
Kong katamaran ang ipairal nakooo, tayo lang din ang saSuffer.
Do your best, and God will do the Rest! God bless us all po
Suki Ako Ng PALUWAGAN
Ako lang ba ?
Every month may binabayaran ako, Hindi naman bills, kundi PALUWAGAN.
Nagstart ako sumali last year. Unang Sali ko 5K ang matatanggap, hanggang nakisali na din ako sa 10k to 20k. hahaha Take note, No admin Fee! Legit.
Pakiramdam ko kasi dito ako makakapag-ipon, Sa loob ng isang Buwan I have 5 paluwagan, pati sa mga gamit sa bahay sinasalihan ko na din para makabili ng mga appliances ganurn. Diskarte lang ba! hahah
Tapos ang bet kong # yung panghuli.
Bale this oct. 30 makakatanggap na naman ako ,10k yun yung gagawin kong pangpuhunan sa store ko. Ohh diba ang saya, kong wala akong puluwagan sa tingin ko nganga pa din ako until now, isa pa.. Dito ako nakaipon kaya nakapagpatayo ang ng Pwesto na store.
Thank you Lord.
Malaking papaya for Atsara!
Pinulot na namin yung mga nahulog na papaya sa tabi ng bahay para gawing atsara..
Sa lakas ng hangin siguro kaya nahulog!
Tamang-tama lang ang hinog nito para gawing atsara, and pwede din siyang ibabad sa suka, or isawsaw lang sa asin kong bet mo hehe
Anyways, flex ko lang naman tung Noise.App, gusto ko lang din ipaalam na may acc. na po ako dun. Wag mahihiyang Magcomment, likes, and follow. hehe
Meju tumila na ang ulan, madami na ding lumabas sa kani-kanilang bahay para maglinis ng bakuran nila.
Have a nice day!
https://noise.app/Bebzzy
My kind of Lunch food.
Yes Lunch na pero pang Breakfast tung ulam namin.. Mahirap kasi ang pera dito sa amin dahil one week nang umuulan, hindi makapagtrabaho ng maayos..Walang lumalabas ng bahay dahil sa bagyo. Sana nga tumigil na ang ulan para back to normal na, kasi inaasahan din na aanihin na namin yung palay, pero dahil sa Bagyo natumba lahat hehe
Pero thankful pa din dahil safe pa rin kami sa anumang bagyo ang dumaan sa amin lugar.
Kaya kong anuman ang meron dapat thankful pa rin tayo.
Oh tara kain na tayo! hihi Super sarap kumain kapag ganitong umuulan..
1 week Heavy rain.
Grabe walang tigil ang ulan dito sa amin..pag ganitong panahon kasi ang hirap ng Pera, walang trabaho ang iba, tapos yung iba naman hirap kumilos kasi hindi din kumportable ang place. Walang tao sa Daan, nasa bahay lang lahat. Tapos sabay pa ang pagmahal ng mga bilihin. Hays...
Yung mga palay sa Bukid natumba na din, ready to ani na sana ngayon yung mga iba.
Lumalakas na din ang mga ilog.
Pero kailangan malakas pa din ang loob natin sa mga ganing sakuna, pagsubok sa ating buhay. Wag sana tayong panghinaan ng loob.
Laban lang sa Buhay, kahit anumang bagyo ang dumating.
Soon to Open
After a long time years na inimagine ko ito, ngayon nagkakatotoo na unti-unti.
Manefesting!
Grabe magbigay si Lord ng biyaya at opportunity. Totoo ang sabi sa Bible na kapag inuuna mo ang Panginoon, hindi ka Niya ihuhuli..Thank you Lord.
This is my one of my prayers, na magkaroon ng sariling Sari-sari store!
Truly, God will provide. I have nothing! But God sustain.
Kapag nalinisan na tu, Laman nalang ang kulang. hihi
The best thing to do kapag umuulan?
Matulog, Kumain.
Oh ayan na nga, sinipag ako magluto luto nang kong ano-ano! Sinubukan ko lang naman tung Potato balls with cheese sa loob.
Akala ko nga hindi masarap kasi ako ang gumawa, but... Ah ah ahh masarap siya infairness! Sa totoo lang parang pwede na siyang pang Business din . hehe
Business na naman nasa utak ko, Money money money... HAHAHA
Anyways, mag-ingat po tayong lahat, And Thank God kasi dalawang bagyo na ang dumaan dito sa amin, but still we're safe By God's mercy.
Ulaannnn... Ulaannnn...
Sinong di mababaliw sa ulan? ehe
Kape + tinapay na may Peanut butter
Pampainit ng sikmura ngayong tag-ulan at malamig ang tiyempo..
samahan ng tinapay na may palaman na Peanut butter.
Mabuti nalang at hindi ako allergic sa Peanut, may mga kakilala kasi akong allergic nila ang peanut, kapag naamoy nila ito naduduwal sila, at kapag naman natikman nila, aabot pa sa Himatayin sila..Hays! grabe effect nuh..
Naala ko pa dati sa College days ko, bumili ako ng isang supot ng Beernuts para ipamigay sa mga kaklase ko, tapos inofferan ko si Crush haha Ayaw niya! Tinanggihan niya ako, kaya ayun pinasabihan ko pa siya ng "ang arte mo" tas yun sinabi niya kong ano ang dahilan, may allergies pala siya sa mga peanuts, kaya pala nakatalukbong pa siya sa mouth niya nung ilapit ko yung nuts.
Now I know.. sorry not sorry, ang ending mga kaklase lang namin yung naging happy sa beernuts na binili ko. hehe
Thankful ad blessed naman ako dahil kahit papaano ay wala akong allergies sa mga pagkain. Dun palang blessed na ako!
Ikaw saan ka may allergies?? hehe
The Bridge of Love
Sometimes we fell in love with the place we go through. See the nature, subrang ganda!
Tapos sisirain lang ng mga tao!
Ang ganda sana sa lugar na ito kong walang kalat na puro plastic, tho I have shots naman na maaliwalas tulad nito, pero kapag talaga pinicturan ko lahat ng sulok na may kalat nakoo Hindi talaga kayo mai-inlove dito Hahaha
Dayo lang ako sa lugar na tu, we came here para mamasyal lang ganurn. . Pero ang alam ko na nagkakalat dito ay ang mga turista dinn.
May mga signs naman sa lugar na "Bawal magkalat" "Bawal kumain Dito" mga ganung simpleng signs lang, pero dahil siguro pilipino tayo hindi na natin minsan pinapansin ang mga babalang ganito .Hmm nakakalungkot!
Maganda ang lugar, pero mas maganda pa lalo ito kapag mamaintain ang kaayusan at kalinisan.
Life.
Buhay Probinsiya! Langhap ng simoy ng hangin araw-araw, tapos mamingwit ng isda sa fishpond, plus kuha lang ng gulay sa tabi-tabi. Super happy naman kapag alam mong i appreciate ang simpleng buhay.
Pero kong maluho ka at maselan hindi ka bagay dito sa Probinsiya ehe
Ito lang naman ang aming nakuhang ulam ngayong haponan namin.
After a busy long day, nagawa pang mamingwit.
Fresh tilapia at fresh na talbos ng kamote. Yummyyy!
What's your ulam for your dinner po??
Sign Language
In our church we have a Deaf Ministry. Every Saturday nag-aaral kami magsings then kanina isa ako sa mga sa harap para mag interpret.
Masaya ako dahil kahit papaano ay na apply ko yung mga pinag-aralan namin. What a great experience!
Wag tayong mawalan ng pag-asa, hindi dahil sa Deaf ka ay hindi mo na magets yung nangyayari sa Mundo, especially sa mga pangyayari about sa Bible. Lagi nating tatandaan na may kaluluwa din ang mga Pipi, kaya kailangan din na maabot sila. Masabi sakanila ang Kaligtasan na nagmumula sa Panginoong Hesus.
Yun lang naman ang pakay namin kong bakit kami ay may Deaf Ministry.
Good evening everyone!
Sa lahat ng mga meron tayo ngayon, biyaya Yan sa atin ng Panginoon.
Sana matutu tayong magpasalamat at tanawin ang kabutihan ng Panginoon.
Foodieee!
Ito ang maganda kapag may mga okasyon sa mga kapitbahay, lalo kapag kasundo mo yung kapitbahay mo talagang invited ka. hehe
Busog na naman!! Happy tummyyy...
Happy Birthday Lolo! More more Bdaysss to come.
By the way, ako nga pala magluto ng Pancit, and I'm glad na nagustuhan naman nila kahit papaano. haha
Simula palang yan ng handaan ngayong Oktobre, Marami pang susunod. yieehh.. Looking Forward Haha
Ikaw,Kailan bday mo ?
Selfie muna habang inaantay na lumarga amg mga LTO! HAHAHA
Alam mo yung feeling na Biglang lumakas tibok ng puso mo dahil nakita mong may LTO..hehe
Grabe pala yun! Mabuti at biglang Liko kami. Hahaha
Takot pa kami sa ngayon kasi wala pang Lisensiya tung driver ko, tapos tung motor bagong labas kaya wala pang plate # ehehe
Sayang din ang multa kapag nahuli dibaa. . .
Ikaw anong nagpapatibok ng puso mo??
#Noisecash
Magandang umaga mga kanoisy!
Simulan ang umaga sa pagbingwit ng isda dito sa fishpond ehe
Kaso nga lang walang makuha, meron man pero puro maliliit aha
Okay na din basta ba may laman.
May Ladies meeting kami mamaya dito sa Church..then ako daw yung speaker tas magpapagames. Halos wala pa akong maisip na games ngayon...
Ano kaya pwedeng iPa Games sa mga Adults na mga kanoisy?? Suggest naman kayooo..hihi
Abang Falls
Kaninang umaga pumunta kami sa Abang falls kasama yung Teacher namin sa Church.
Dahil naghahanap kami ng pwedeng pasyalan ng mga Yp para sa Yp Activity or Outing namin.. Dahil sikat ito sa social media, kaya dito namin naisip na pumunta.
Maaga palang lumarga na kami, kasi kapag tanghali mainit ang daanan.
Maganda naman ang Place, safe ang daanan kasi may mga kakapitan naman kapag umakyat sa Hagdan na napakahaba. hehe
Kapag mahina tuhod mo sure ako na hindi mo bet dito! Haha
So ito nga pala yung Falls. Isa pang pinicture ko, haha Ayoko din kasi magpost ng mga selfie ko. Kailangan magselfie nalang ako kapag kasama ko na mga Yp .haha
Baka hindi na sila masurprise kapag nalaman nilang pumunta na kami. hihi
Sana magustuhan ng mga Yp dito, sana mag- enjoy sila..
Madami talagang lugar na magaganda dito sa Pilipinas, ang sarap maglibot, mamasyal.
Pangarap ko din ito, maghiking, mamasyal sa mga matatarik na lugar.hehe
Mabuti nalang at may malapin din sa amin..
Happy birthday sa aking nag-iisang mama sa mundo. Dalangin ko na sana gumaling na ang iyong karamdaman, magpatuloy ka lang sa pagsilbi sa Panginoon ma! All will paid it all, By God's grace.
Masaya ang aking mama ngayon, kahit na kunting handa lang.
Pumunta naman ang mga kaibigan niya mga amigas, kamarites niya hehe
54 na ang mama ko pero umaawra parin. Nakabakona dress pa ohh. ehehe
God bless you always ma! 🥳