Abang Falls Kaninang umaga pumunta kami sa Abang falls kasama yung Teacher namin sa Church. Dahil naghahanap kami ng pwedeng pasyalan ng mga Yp para sa Yp Activity or Outing namin.. Dahil sikat ito sa social media, kaya dito namin naisip na pumunta. Maaga palang lumarga na kami, kasi kapag tanghali mainit ang daanan. Maganda naman ang Place, safe ang daanan kasi may mga kakapitan naman kapag umakyat sa Hagdan na napakahaba. hehe Kapag mahina tuhod mo sure ako na hindi mo bet dito! Haha So ito nga pala yung Falls. Isa pang pinicture ko, haha Ayoko din kasi magpost ng mga selfie ko. Kailangan magselfie nalang ako kapag kasama ko na mga Yp .haha Baka hindi na sila masurprise kapag nalaman nilang pumunta na kami. hihi Sana magustuhan ng mga Yp dito, sana mag- enjoy sila.. Madami talagang lugar na magaganda dito sa Pilipinas, ang sarap maglibot, mamasyal. Pangarap ko din ito, maghiking, mamasyal sa mga matatarik na lugar.hehe Mabuti nalang at may malapin din sa amin..
1 comment
For sure sissy magustuhan nila dyan.