Bagyong Neneng 6 Days Rain. Day and night walang tigil. . Kaming nasa tabing ilog ang bahay ay nababahala na.. Yung iba lumikas na din pero may mga iba na ayaw pa talagang lumikas, ayaw iwan ang bahay nila. Kami naman still nandito pa rin, meju malayo layo din kasi kami sa ilog, meju lang... Pero ito lang ang nag-iisang daanan na patungo sa labas (or Kalsada) kaya sana hindi masira itong hanging bridge. Palaki ng palaki ang ilog, nakakatakot na kapag nagpatuloy ang lakas ng ulan. Walang tubig, walang kuryent sa ibang sitio dito sa amin. Sa Friday may darating na naman daw na Bagyo, sana hindi ito gaano malakas l, sana dadaan lang itong bagyong ito na walang masira, at makuhang buhay. Yun lang talaga ang Panalangin namin.
17 comments
Oo nga. May bagyo na naman at yung baha talaga katakot. Yung bahay kasi namin sa gilid tlga ng ilog. Dalawang pato palang namin naanod. Keep safe tlga at wag kalimutang mag pray.
Aw, wawa naman yung dalawang pato. Mag ingat kayo mga sissy...
Mag iingat din kayo kung tatawid man sa tulay na yan at medyo gumegewang sa lakas ng hangin.
Tama ka jan sissy, subrang gewang niyan ngayon. Kaya dapat talaga mahigpit ang hawak mo eheh
sana naman may mag aksyon jan para tulngan kayo mahirap yung ganyan kasi yan lng ba ang pwde ninyo madaanan? sana naman gawin na sya semento para mas matibay pa
Opo yan lang papuntang kalsada..Parang isang isla kasi kami jan. Tas isang sitio na kami jan Hehe
Hala grabe walang tigil, magiingat kayo jan sissy
Hala.. mag ingat kayo dyan sis. dito maulan din
Salamat po, opo bugso ng bagyo na din yan siguro kaya naulan sa inyo sissy
Sana mapaayos ng pamahalaan ang inyong
Opo sna nga poo
Sana mapaayos ang tulay at gawing matibay ng iyong pamahalaan dahil yan pala ang kaisa isang tawiran ng lahat.
Yes po, sana mapansin nila ito kapag pinost ko sa Fb
Pls pls stay safe, sis!!
Yes po salamat. kayo din po
Hala. Ingat po kabayan. 🙏
hala e kmjs na yan jusko katakot naman niyan sissy