read.cash Log in

@Bebzzy

Joined 2 October 2022 · 306 posts

Something New ❤️

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Bebzzy

Tamang nuod lang ng Balita. Halos lahat ng laman ng Balita ngayon ay ang pananalanta ng Bagyong Karding. Hopefully mabilis lang humupa ang tubig sa mga apektado ng baha. Magandang gabi po sa ating lahat.

@Bebzzy

Totoo ang kasabihan, Kong ano ang tinanim yun din ang iyong aanihin. Salamat Lord sa mga Biyaya! Everyday nag aani kami ng Dragon fruit. Subrang sipag kasi mamunga.. nakakatuwa! Kaya libre ang Dessert, meryenda! Dati ayaw ko neto, pero dahil sa na engganyo ako sa kulay tas matamis pala siya, gustong gusto ko na ngayon haha Bale natutunan ko na siya kainin! Hanggang sa Everyday na akong kumakain. hehe Ikaw gusto mo din ba ng Dragon fruit?

@Bebzzy

Monday laba day! Ihiwalay ang puti sa dikolor. Unahin labhan ang puti. Tapos Magbanlaw! Kayo na magsampay! Hahaha Pinakaayaw ko is magsampay tas magtiklop. ano ayaw mo? hehe #NOISECASH

@Bebzzy

Magandang umaga mga kanoise! Maaga ako nagising ngayon dahil sa sakit ng tiyan..Hmm Tapos after ko magCr, hindi na ako bumalik sa higaan, nagwalis na ako ng bakuran para naman pagpawisan ako. May kunti pa ding masakit ngayon sa tiyan ko kaya waiting ako sa mainit na tubig. Sana after ko uminom mawala na. And isa pa ang pangit ng panaginip ko. Kaya yoko na matulog ulit kanina. Haha

@Bebzzy

Before ako matulog. Flex ko lang itong matagal na naming pangarap makapunta sa Korea!!! Yeyyy!! Char! Korean Food store pala. HAHAHA So ayun dumaan lang kami tas nagtingin-tingin lang, ni isa wala kaming nabili dahil subrang mahal. haha 33 pesos ang pinakamura. Bigla akong nanghina nang makita ko ang presyo e, umatras talaga ako, lumabas..Pinicturan ko nalang si Bae na namimili dun sa loob. Hahaha Sa totoo lang kami lang customer sana jan, wlaa talaga masyadong nagpupunta, siguro dahil nga mahal ang bilihin dun. hehe Tapos lumabas na din si bae, yung relax lang, cool lang ganurn. Sabay sabing... "wala naman dun yung hinahanap ko, tara na!" HAHAHAHA mga ganung galawan! Wala akong pambili kamo. Good night sa lahat, bawi ako bukas sa chikaha natin kaingay.

@Bebzzy

Solo Bagnet for tonight. Nilagyan ko lang ng Bagoong para mas malasa! Kumain na tayo mga kaingay. Inaantok na ako pero kailangan kong i enjoy ang aking pagkain. hehe Gusto ko din sana ng sabaw kaso wala. Ano ulam niyo mga kanoise? Magandang gabi!

@Bebzzy

Pang Limang araw na nila ngayon. Salamat talaga at kahit papaano hindi ako napagastos sa labor dahil kami kami lang din ang nagtulong-tulong para maitayo ang Tindahan. Sa awa ni Lord, kunting kembot nalang at matatapos na. Salamat Lord! Bale ang problema nalang ay Kahoy at Yero. Hindi pa ako nakabili dahil wala pa akong pera Hahah Sana later makatanggap ako ng ayuda para may pambili haha Yung iba jan katas ng Noise.. Kaya laking tulong din itong platform na ito dahil kahit papaano may naiipon ako! More earnings pa please, pambili ng kulang na materyales..hehe Only by His grace.

@Bebzzy

Busy na mag-impake yung kapatid ko, aalis na kasi siya bukas punta Vigan Ilocos sur. Doon kasi siya nag-aaral, maaga daw siya biyabiyahe bukas, mukhang di na ata babalik dahil lahat na ata ng damit kinuha haha At ako naman Busy sa pagdotdot while nanunuod ng darna. Ngayon lang ako nanuod ng darna, masasabi ko lang Oks naman ang kanilang pag-arte, Bilis ni Darna Haha Magandang Gabi everyone.

@Bebzzy

Here @ Bukid. Sinamahan ko lang mga Frenny ko sa kanilang Photoshoots. Grabe sarap ng simoy ng hangin dito, sarap sana matulog. hehe Napakaganda ng tanawin, halos green na lahat ang makikita mo! Dito ako ngayon nakasilong sa puno ng Salamagi. Kong alam niyo yun, Ibang tawag nila Tamarin. ehe Habang nagpipicture sila, dito lang ako pa cellphone cellphone. haha Lakas kasi ng Signal dito.

@Bebzzy

Another 4 Bags of cement. Hindi pala biro ang magpagawa ng bahay o maliit ng room..Daming gastos at kailangan! Napapaisip ako kong kakayanin pa ba ng bulsa ko. 800 nalang natitira sa wallet ko. Bale kulang pa ako ng Hallowblocks, Yero, at mga steel bars.. Malayo na din ang narating ng mga materyales, nakakahalahati na din ni Papa. Hindi pala kasiya yung ipon ko. Pero sige lang, laban lang sa buhay, Pray lang sa Panginoon. God will provide, God will sustain. Trust His heart.

@Bebzzy

Dalandan kayo jan... Bili na mga suki...ehe Hayy madami pa akong hindi natinda, sana maubos na lahat tu para happy. hehe Para may dagdag pambili ng materyales, kulang pa kasi yung hallow blocks. 12 pana man isa yun. Subrang mahal na ang mga bilihin ngayon, dalandan ko nalang ata ang Mura hihi 40 per kilo only! Bili na kayo hehe Have a nice day everyone..

@Bebzzy

Work work work! Thank you God kasi kahit papaano bumabawi si papa sa mga pagkukulang niya sa amin. Kahit sa ganitong simpleng pagtulong niya lang sa pangarap ko (store) subrang na appreciate ko! Mag-isa lang siya sa paggawa, dahil mahal ang arawan kong magpapatrabaho pa ako sa iba. Tumutulong din si Bae Half day! Baka mamaya nandito na yun. hehe Paunti-unti maaabot natin ang mga pangarap natin, wag tayo sumuko. Wag natin pakinggan yung mga taong negative lang ang maiaambag sa atin. Do what you want, focus on your Goal. God will give you courage. Don't give up! (naks napa english tuloy! ) haha Bebzz

@Bebzzy

Meryenda tayo mga kaingay! Fishball at kikiam lang for today's picture! haha samahan ng malamig na tubig. Dahil walang budget for soft drinks. ehe Sarap na Sarap ako dito sa meryenda ko lalo na't crispy ang pagkakaluto! Kamusta po lunes niyo mga kanoise?

@Bebzzy

Kapag gipit, sa alkansiya kumapit. ehe Matagal ko nang hinahanap itong alkansiya kong ito, simula kasi nung lumipat ako ng Room Hindi ko na maalala kong saan ko sinuksuk. Grabe after 4months siguro ngayon ko lang nakita, kaya ayan sakto naman na wala me pera, hihi Binilang ko na. May total namang 810 pesos. haha Not bad! Hindi ko din sineryoso mag ipon dito, mga barya lang talaga nilalagay ko. Yung mga subra subra ko sa isang buwan or mga sukli sa tyangge. Edi may pambili na kami ng Ulam! Thank you Lord. Have a nice day po sa ating lahat! Start na din ulit ako ng Ipon Goal

@Bebzzy

Malakas na ulan at hangin na naman ang aming nararanasan ngayon. Malamig na din sa paligid. Ber months na naman pala kase. May bagyo ata..Hehe diko lang sure dahil matagal na akong di nanuod ng News. Grabe nuhh hindi pa ako updated. hehe Kamusta po jan sa inyo? #NOISECASH

@Bebzzy

Nasa point na naman kami ng buhay na sabay-sabay wala ang lahat. hehe Back to kahoy na naman kami dahil naubusan kami ng Gas. Bale antayin muna daw namin bumaba ang kahit kaunti ang Gasol bago kami bibili ulit. Dahil din sa mahal ang kuryente namin kaya naagawan yung budget para sa Gasol. Oks naman ang kahoy, lalo kapag ganitong apoy talaga! hihi Walang Gasol Walang Internet (pldt) Tiis na muna kami sa Load load sa cp hehe Mabuti nalang at meju malakas din ang Signal ng DITO sa amin. #NOISECASH

@Bebzzy

Yakult everyday, everyday Okay! This morning sinimulan ko ang araw ko sa pag-inom ng yakult. Dati hindi ko gusto lasa neto ehh, pero ngayong young adult na ako bet ko na! haha Kaya lang naman ako nakainom ng ganito dahil sa nakapanuod ako ng good feedback galing sa isang doctor na mabuti daw ang pag-inom ng Yakult every morning. Alam mo ba kong bakit walang yakult na 1Liter? Kasi daw ang isang maliit na yakult ay marami na daw naproproduce sa Good bacteria, which is sapat na para sa ating katawan. Kaya kong magtake man tayo ng ganito, isa lang sa isang araw, bawal daw subrahan or laklakin lahat ang lima. hehe So ayun, pati pala ito nagmahal na din. hihi Kapag isa lang bilhin mo 13 pesos. Pero kapag 5 yung naka Set na, 55 pesos. Kaya yung nakaset nalang mas makakamura naman tayo dun ehe Gusto mo rin ba ng Yakult?

@Bebzzy

Congratulations kuya! Sa wakas naman sa dami moong pinuntahang Shop sa Honda lang pala ang bagsak mo. ehe Thank you for purchasing Honda Click 125i May service kana sa iyong work kuya, hindi kana mahihirapan maki angkas! Kong sinuman ang gustong kumuha ng motor i recommend Honda Shop. Mabilis lang ang process nila, kunting interview lang at CI pwede kana makakuha ng Brandnew motor mo. Pwedeng cash, or Hulugan. For more info just message me hehe #NOISECASH

@Bebzzy

Kape 4da malamig na panahon. Kaninang nagising ako nagkape na ako ng black coffee lang tas isang bread. Dumapo na pala ang bagyo dito sa amin, pero thankful kami dahil hindi gaano malakas. Sana umalis din kaagad para ituloy namin yung gawain sa store. After coffee, kumain na ako ng breakfast, then nag exercise kunti. hihi Oks naman kasi meju pinagpawisan naman kunte, gusto ko na talaga din pumayat kasi nahihirapan na ako buhatin tung body ko Ahaha Feel me? hmm, kaya naman nag set na ako ng time for exercise din and less kanin. Sana mapanindigan ko ehe Mag-ingat po tayo lagi. #Noisecash

@Bebzzy

Magandang umaga kanoisy! May paparating daw na bagyo, mabuti at maganda ang sikat ng araw ngayon..Sana hindi malakas ang bagyo na paparating, sana mabilis lang siya umalis. Salamat sa Panginoon dahil cemento nalang ang kulang, makukumpleto ko na ang mga materyales na kailangan para makagawa ako ng Store. Grabe ilang months ko din itong pinag ipunan, Thank God kasi unti-unting naabot ko na ang pangarap kong magkaStore. hihi Subrang nagmahal ang mga materyales. Nagmahal na lahat ng mga bilihin talaga, sana mga sweldo rin tumaas.. Kamusta po kayo mga kanoisy?? #NOISECASH

@Bebzzy

Puto kayo jan. Sinubukan kong magluto ng puto ngayong morning... si mama nagprepare at nagtimpla pero ako ang nagluto dahil biglang niyaya ni ninang na pumunta ng palengke. Kaya kaninang paggising ko ako na mismo ang nagluto. Wala pa la itong cheese. haha Sabi ni mama mahal daw kase kaya hindi na niya nilagyan. Kain tayo, meryenda muna bago magsaing ulit ng panglunch hihi #Noisecash

@Bebzzy

Magandang umga kanoise. Dito ako ngayon sa palengke, bibili ng Bag tyaka Ulam ngayong tanghali. Sabay na din yung padala ng isang fren ko, nagpadala din kasi siya ng ititinda ko. Ayoko sana kunin kasi madami ng nagrereklamo sa akin na magpost ng mga paninda ko sa online. Wala pa kasi akong permit hanggang ngayon hehe Under construction palang kasi yung store ko kaya hindi ko pa maasikaso kumuha ng permit. Ang hirap din pala mag negosyo, lalo kapag madaming inggetera. Haha Pero still gagawin ko pa din, kahit anong negativity ang dumating sa buhay ko. hihi Pinagprepray ko nalang yung mga mapanirang peg! 😅 Kamusta po? Anong ulam niyo po? hihi #NOISECASH #NOISYPEOPLE

@Bebzzy

Masamang balita ang gumimbala sa amin ngayong umaga. Isa sa mga student ko ang nasama na nabaril dito sa amin. Grabe na talaga mga pangyayari ngayon. Bati bata nadamay. Kawawa naman si kurt.. Mamimiss ko itong napakakulit na bata sa aking klase, super energetic pa tu sa klase namin, subrang mamimiss ko ito kahit gaano pa ito kakulit na bata. Batid namin na mabigyan ng hustisiya ang kanyang kamatayan. Binaril kasi siya ng hindi pa nakikilalang rider. Until now hindi pa matukoy kong sinu. Talamak na talaga ang kasamaan dito sa mundo, pati batang walang kamuwang-muwang nadadamay na din. Lord heal our Land. #NOISECASH

@Bebzzy

Friday sunny day! Yeyyy, tirik na ang araw ngayon, parang ang sarap gumala, maligo sa ilog or dagat, hehe Pero parang may takot na ako gumala ngayon, dahil sa mga bali balitang may nangunguha ng dalaga or babae. May mga nagbebenta na din ng sabon dito na puro lalaki, modos daw nila yun para makahuli ng bibiktimain. Grabe talamak na talaga ang mga masasama ngayon. Subrang ang hirap na magtiwala. hmm Ano masasabi mo kanoise? #NOISECASH

@Bebzzy

Ramdam na ang bagyo dito sa amin. Mabuti nalang at may kuryente kami ngayon, sana walang masirang poste para kahit papaano ay may kuryente. Ganun din sana sa tubig, nakapag ready naman na kami kong sakaling mawala ang tubig, nag imbak na kami ng madaming tubig, tapos nagcharge na din ang mga flashlights. Malakas na ulan, at hangin ngayon dito sa amin. Dalangin ko na sana lumabas na ang bagyo, na walang mapinsala o masaktan. Salamat sa paalala at information NDRRMC Mag ingat po tayong lahat, manalangin at humingi ng tulong kay Lord, sa anumang sakuna ang dumadating sa ating buhay.

@Bebzzy

Kapag talaga bata mababaw lang ang kaligayahan, kaya ang sarap bumalik sa pagbata sana. hehe Ito nga pala yung ginawa namin sa Youth Fellowship namin, pumunta kami sa bahay tas dito kami nagluto ng Miki para sa mga bata. Bale Feeding program at may kunting pagtuturo ang naganap. Hindi kalakihan ang aming bahay, kaya naman nung bumuhos ang ulan, nagsiksikan talaga kami sa sala, yung iba sa kusina, hehe May kanya-kanya kaming gawain, yung iba magluluto, may magtuturo, tas may mag-aayos ng mga upuan, at may magpapakanta sa mga bata. Bale na divide yung mga gawain namin kaya maganda ang kinalabasan. Sarap magturo talaga, lalo kapag mga bata pa ang tuturuan, mabilis lang kasi sila matutu tas hindi sila yung pasaway talaga. Sakto naman ang miki pampainit ng sikmura kapag ganitong naulan. #NOISECASH

@Bebzzy

Makulimlim na umaga sa ating lahat. Nandito pala kami sa bayan, kukunin nila papa yung sahod nila sa Cash for work daw, matagal na kami dito, kanina pang umaga kami natambay, dahil sa mahaba ang pila, tapos ang tagal tagal pa ng usad. hehe Madaming nagsasabing kulang daw ang mga sinahod nila, 3700 lang daw ang Binigay, dapat daw 5k. hehe Kaya antayin ko si papa kong ano din laman ng subre niya haha But still a Blessings pa din, deserved naman nila ito dahil pinagtrabahuan nila ito. Ang totoo niyan, delayed pa ito, matagal na sana nila ito nakuha kaso laging postponed. Ok din yung timing para may pambili na si papa ng Abuno, tyaka mga school supplies nga mga kapatid ko.. Nakakatakam naman itong niluluto ni ate na fried chicken, amoy na amoy ko kasi nasa tapat lang ako ng shop nila nakaupo. hehe Ano po pinagkakaabalahan niyo today? #NOISECASH

@Bebzzy

Magandang umaga sa ating lahat, tara na at magsampay ng mga nilabhan.. Maganda ang araw ngayon, by the way pang tatlong araw na pala na nabibilad yang mga nilabhan namin hehe Dahil nga laging makulimlim dito sa amin tas kada happn ay umuulan. Sana naman matuyo na ngayon lahat. Ano na naman kaya ang uulamin natin ngayon? hihi Gusto ko sana ng gulay dinengdeng ganurn. #NOISECASH

@Bebzzy

Lunes is my laba day! Feel mo ba yung moment na nakapagsampay kana, yung as in tapos mo na magsampay tas biglang bumuhos ang malakas na ulan. haha Grabe yun, aligaga na kami na magsilong nang nilabhan. God is so powerful talaga nuh, subrang init lang kanina tas bigla niyang binuhos ang ulan. Mabuti na din yan na naulan ngayon para lumamig ang panahon. No worries din kami sa mga sinampay namin dahil nakaDryer naman lahat, at may Kubo kami na pwedeng isilong ang sinampay. Ano kaya pwedeng ulam kapag naulan? Yung babagay sana sa malamig na panahon hihi. #NOISECASH

@Bebzzy

That moment inantay ka talaga ng ulan matapos makapaglaba at magsampay sa labas. As in last hunger na damit buhos agad ang ulan Haha Kaya ayun aligaga ang lahat para isilong ang mga sampay! hahaha Ganap yan kaninang umaga. Maganda na din na umulan para naman maging malamig ang panahon. Subrang init na kasi, tyaka ito na ata yung buwan na kapag hapon ay uulan. Anong masarap na ulam kapag tag ulan kanoisey? #NOISECASH