read.cash Log in
@Bebzzy

Kape + tinapay na may Peanut butter Pampainit ng sikmura ngayong tag-ulan at malamig ang tiyempo.. samahan ng tinapay na may palaman na Peanut butter. Mabuti nalang at hindi ako allergic sa Peanut, may mga kakilala kasi akong allergic nila ang peanut, kapag naamoy nila ito naduduwal sila, at kapag naman natikman nila, aabot pa sa Himatayin sila..Hays! grabe effect nuh.. Naala ko pa dati sa College days ko, bumili ako ng isang supot ng Beernuts para ipamigay sa mga kaklase ko, tapos inofferan ko si Crush haha Ayaw niya! Tinanggihan niya ako, kaya ayun pinasabihan ko pa siya ng "ang arte mo" tas yun sinabi niya kong ano ang dahilan, may allergies pala siya sa mga peanuts, kaya pala nakatalukbong pa siya sa mouth niya nung ilapit ko yung nuts. Now I know.. sorry not sorry, ang ending mga kaklase lang namin yung naging happy sa beernuts na binili ko. hehe Thankful ad blessed naman ako dahil kahit papaano ay wala akong allergies sa mga pagkain. Dun palang blessed na ako! Ikaw saan ka may allergies?? hehe

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.