Nakakapagod Maging Panganay

10 136
Avatar for BCH_girl
2 years ago

Kamusta!

Isang napakagandang gabi mga minamahal kong manunulat! Sa pagkakataong ito nais kong ilabas ang aking saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat.

Sponsors of BCH_girl
empty
empty
empty

Sisimulan ko muna ito sa isang tanong,

Isa ka rin bang panganay na anak?

Nawa'y maunawaan mo ang aking nararamdaman ngayon. Minsan ko na ring nabigkas ang mga katagang ito, "NAKAKAPAGOD MAGING PANGANAY". Alam nyo kung bakit? Puwes iisa-isahin natin yan.

Panganay ako sa tatlong magkakapatid, isang babae ang aming bunso, lalaki naman ang aming pangalawa at tatlong taon lang ang aming agwat. Alam natin na ang pagiging panganay na anak ay may kaakibat na responsibilidad, at di natin ito maikakaila. Tayong mga panganay ang itinuturing na protektor ng ating mga nakababatang kapatid. Tayo ang nagsisilbing sandalan sa bawat problema na hindi nila kayang ibahagi sa ating mga magulang. Tayo ang itinuturing nilang ehemplo at dumidisiplina sa kanila. Subalit, Yun lang ba ang mga tungkulin na aming ginagampanan? May mga bagay rin na syang nagbibigay saakin ng dahilan upang mapagod, kaya minsan naitatanong ko sa sarili ko bakit ako pa, at sana hindi nalang ako ang naging panganay. Gustuhin man natin subalit wala rin tayong magagawa. Kumbaga sa ingles "NO CHOICE".

NAKAKAPAGOD MAGING PANGANAY dahil,

Ako ang laging kumikilos sa mga gawaing bahay. Hindi sa pagrereklamo pero ako ang laging nauutusan kahit hindi pa ako tapos sa ibang gawain, habang yung iba kong kapatid ay sobrang busy sa kanilang mga cellphone. Halos magkandakuba na ako sa pagiigib ng tubig, ni anino ng kapatid kong lalaki di ko mahagilap. Ako ang laging naglalaba, nagluluto, at naghuhugas ng plato. Kaya ko naman lahat yan pero tao lang din naman ako napapagod at may limitasyon ang aking lakas. Ito rin ang aking paraan upang matulungan ko ang mga magulang ko na nagbabanat ng buto mula umaga hanggang gabi. Ginawa ko na ang lahat, gumawa ako ng schedule, at pinagsabihan ko na ang iba kung mga kapatid na tulungan ako sa mga gawain subalit ganun parin eh. Tumutulong naman sila, yun nga lang kailangan ko pang magalit bago sila kumilos.

NAKAKAPAGOD MAGING PANGANAY dahil,

Ako ang laging napagsasabihan at napapagalitan kapag nagkakamali ang mga kapatid ko. "Naadik na yang mga kapatid mo sa selpon kasi hinahayaan mo lang di mo rin mapagsabihan!" Ika pa ni ina. Kung pwede lang talagang sumagot , "sa totoo lang hindi ko naman kasalanan kung bakit binilhan nyo yan sila ng bagong cellphone eh, hindi dapat inispoil yan". Kapag napapaaway ang kapatid kong lalaki ako ang nasesermonan, kahit hindi naman ako ang mahilig sa away. Kaya ko pa naman iiyak ko na lang sa tago.

NAKAKAPAGOD MAGING PANGANAY dahil

Ako ang breadwinner saamin, ilang trabaho na napasukan ko sa edad kong 23 di pa ako nagkajowa haha. Pahinga muna ako ngayon dahil deserve ko din ito. Sabi ni inang mahal, ako ang magpapaaral saaking mga kapatid sa kolehiyo, at hindi ako tutol dun. Ayaw ko naman ring mag asawa muna, kaya igugol ko nalang ang aking buhay sa pagtatrabaho para saking pamilya, at nang makapagpahinga rin ang mga magulang ko. Nakakapagod mang isipin pero kailangan kong gawin, kasi nga ako ang ATE.

Yun lamang aking mga kaibigan! Sana'y naunawaan ninyo ng lubos ang aking saloobin huwag ninyo sana akong masamain, sapagkat ibinuhos ko lang ang aking mga hinaing sa platapormang ito upang mabawasan ang aking mabigat na pakiramdam. Salamat sa pagbabasa, mas komportable akong isulat ito gamit ang aming lenggwahe na "Filipino".

Magandang gabi.

Ang mga litrato ay galing sa Unsplash.com

3
$ 0.27
$ 0.22 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @BCH_LOVER
$ 0.02 from @Athaliah
Avatar for BCH_girl
2 years ago

Comments

Masasabi ko lang eh magpaka tatag ka bilang panganay. At sana, makausap mo ng maayos ang magulang mo na sana naman ay maging pantay pantay ang pagbibigay nila ng tasks sainyo magkakapatid. Nakakapagod pero isipin mo ang mga pangarap mo.

$ 0.00
2 years ago

Labaaaaaaan, kapanalig! 🤗🤗🤗

$ 0.00
2 years ago

A big hug for you sis. Ang hirap pala maging panganay sa panahon ngayon. Daming responsilidad na kailangang gampanan...Naalala ko pa noon, yung time na bata pa kami, walang ate at kuya in terms sa gawaing bahay. Lahat dapat kumikilos kasi sabi nga ng lola ko, lahat kami kumakain kaya lahat din magtulong-tulong sa gawaing bahay...Saludo ako sa kasipagan mo sis. Di biro ang iyong naranasan bilang panganay. Sana gabayan ka palagi ng Diyos at bigyan ng lakas para sa mga mahal mo sa buhay. Si Lord na ang gagantimpala sa iyo.

$ 0.00
2 years ago

Halos maiyak ako sa komento mo sis, salamat sa pagunawa napapagod man subalit andyan ang Diyos na umaalalay sakin tama ka sa kanya ako Humuhugot ng lakas. Salamat sis

$ 0.00
2 years ago

Naiintindihan ko yung sitwasyon mo sis...Walang anuman sis

$ 0.00
2 years ago

We the same experience dear, akon din Ang panganay at Kapatid Koy babae na walang Ginawa kundi humiga buong araw. Ako maagang maaga palang gumigising nako ..para gumawa Ng mga gawain sa Bahay.nmahirap talaga Ang panganay Lalo na kung ikw Ang nag sustinto sa pang araw araw

$ 0.00
2 years ago

Nakakapagod nu? Pero kailangan nating magpakaAte at Kuya kasi nga mahal natin mga magulang at nakababatang kapatid natin.

$ 0.00
2 years ago

Oo ...balang araw may ganting pala din tayu sa lahat Ng ating hirap o masusuklian ito...magpakabuti pa tayo sa lahat Ng bagay friend,,at maging mabuting halimbawa sa iba.

$ 0.00
2 years ago

Pamdamay maging panganay

$ 0.00
2 years ago

Kung pwede lang maging bunso

$ 0.00
2 years ago