Bago pa man dumating ang COVID-19 ay problema na ang nutrisyon lalo sa mga kabataan at mga buntis. Dahil sa mga iba't ibang kadahilanan. Maraming programa sa nutrisyon ang ipinatutupad ng pamahalaan upang mapababa ang malnutrisyon sa bansa.
Ang unang isang libong araw ng isang bata ay mahalaga o ang first 1,000 days. Ito ag golden windows of opportunity na matatawag. Nagsisimula ito sa pagbubuntis ng isang isa sa kanyang sanggol hanggang sa ikalawang taong gulang ng bata. Sa panahong ito ang mga batang mababa ang timbang at bansot ay may maaari pang matulugan sa pamamagitan ng nutrition intervention.
Isa sa mga nutrition intervention ay ang feeding program. Ngunit sa panahon ng pandemya ay hindi ito maaaring magawa dahil sa mga health protocol na dapat sundin. May panahon pang pinagbawal ang pagtimbang sa mga bata o ang operation timbang plus na regular na ginagawa buwan-buwan. Ito ay upang mamonitor ang kalusugan ng mga bata.
Kaya nag isip ang National Nutrition Council at ang mga local nutrition council ng paraan sa tulong ng mga BNS (Barangay Nutrition Scholar). Ang mga BNS ang nangangalaga at nagmomonitor ng mga kalusugan ng mga bata at buntis sa barangay level. Nagkaroon ng bahay-bahay na distribution ng mga gulay at itlog para sa mga buntis at malnourish children.
Dahil sa lockdown bumaba ang kita g bawat pamilya at ang ilan ay umasa na lamang sa mga ayuda mula sa pamahalaan. Ito ang naging dahilan ng pagtaas ng malnutrisyon sa ating bansa. Gumawa ng programa ang nutrisyon office upang masolusyunan ito. Ito ay ang distribution ng mga tray ng itlog, food supplements, at bigas sa mga bata.
Hangad ng mga nasa Nutrition Committee na mapababa ang malnutrisyon sa mga kabataan at maging sa mga ina sa panahon ng kanilang pagbubuntis. Kasabay ng nutrisyon ay lecture para sa mga ina at guardians ng mga bata. Mahalaga ang kalusugan lalo na ngayon kailangan labanan ang malnutrisyon upang lumakas ang ating katawan laban sa nakamamatay na sakit.
Magandang proyekto po ito, sana dagdagan pa ng pondo ng gobyerno. Problema pa rin talaga ng kagutuman sa bansa. Pero sa kabilang banda, may nababalita pa ng over supply ng gulay galing sa Hilaga. Sana po mas marami pa kayong matulungan.
Aabangan ko pa po ang iba mong article tungkol sa nutrisyon.