Kulam at Barang

0 1139
Avatar for Argent
Written by
3 years ago

Marahil hindi na iba sa ating mga Pilipino ang salitang Kulam. Bahagi na ito ng kultura nating bansa at magpa sa hanggang kasalukuyan na laganap na ang modernong pamumuhay at teknolohiya, ang paniniwala ng marami sa itim na mahikang likha umano ng mga taong nagpasakop sa kadiliman ay laganap at patuloy pa rin pinapatotohanan lalong lalo na sa mga lugar na kung saan hirap at payak pa ring maituturing ang pamumuhay.

Sa katunayan, ang kulam ay hindi lamang pinaniniwalaan sa pilipinas, maging sa ibang bansa ay laganap din ang paniniwala sa kulam. Sa Caribbean at ibang parte ng South America ay may bersyon sila ng kulam na tinatawag na Voodoo. Ang voodoo ay itinuturing na relihiyon ng mga taga roon ang ganitong kaugalian na pinaghalong paniniwala mula sa roman catholic at traditional na relihiyon ng mga taga Africa.

Mulat na tayo sa ideyang ang kulam ay masama at tanging ang mga taong may layunin lamang na manakit ng kapwa tao ang makakagawa ng ganitong kahindik hindik na gawain, ngunit alam niyo ba na ang layunin ng voodoo sa ibang bansa ay upang makatulong sa mga taong nangangailangan? Gayon pa man pareho pa rin ng pamamaraan nila ng pagsasagawa ng ritwal. Kung ako ang inyong tatanungin, wala rin talagang pinagkaiba ang kulam sa pilipinas at ang voodoo sa ibang bansa .

Paano nga ba naisasagawa ang kulam at bakit nga ba marami ang tumatangkilik nito sa kabila ng masamang dulot nito sa tao?

Karaniwang gamit ng isang mangkukulam sa pagsasagawa ng ritwal ay ang manika, larawan ng taong kukulamin at karayom. Ang mga nabanggit kong instrumento ay karaniwan na mapapanood sa pelikula at mga teleserye, ngunit alam niyo ba na kahit ang manika at orasyon lamang ay sapat na upang maisagawa ang maitim na ritwal ng pangkukulam? May mga pagkakataon pa nga na kahit orasyon lamang basta’t kilala at alam ng magkukulam ang hitsura ng kaniyang biktima ay sapat na upang maisagawa niya ang maitim na mahikang nais nitong ipataw sa kaniyang biktima.

Kadalasan di umanong ipinapataw ng mga mangkukulam sa kanilang bibiktimahin ay mga karamdamang hindi maipaliwanag at mahirap gamutin. Ayon sa mga naniniwala, mararamdaman ng biktima ang karamdaman sa eksaktong parte ng katawan kung saan itinarak ng mangkukulam ang karayom sa manikang kaniyang ginamit o sa kung saang parting kaniyang naisip.

Sa kabilang banda, ang barang ay isang uri ng pangungulam na halos kasing tulad din lamang ng ordinaryong kulam ang kaibahan nga lang ay ang resulta nito sa kaniyang biktima. Kung sa kulam ay karamdaman ang ipinapataw ng mangkukulam sa kaniyang biktima sa barang naman ay kakatuwang mga insekto ang lalabas sa katawan ng biktima. Karaniwan sa mga insekto ay uod, balang at kahit ano pa mang insekto na ang layunin ay paslangin ang biktima.

Sa kabila ng banta ng itim na mahikang ito ay alam niyo bang ginagamit din umano ng mga mangkukulam at mambabarang ang ganitong Gawain upang makatulong sa ibang tao. Batid kong alam niyo na kung paano ang kalakaran sa ganitong mga eksena kung kaya’t hindi ko na bubusisihin pa ng Mabuti.

Tunay na napaka delikado at para sa iba nakamamatay pa ang itim na mahika ngunit mayroon din namang mga pamamaraan na pupwedeng makapuksa o kumontra sa mga ito. Ang isa sa mga pinaka prominenteng solusyon kontra kulam o barang ay ang magpa albularyo. Ayon sa mga naniniwala tanging ang kapwa mangkukulam o mga taong may haling tulad na kakayanan ang may pribileheyong kontrahin ito.

Base sa aking mga napapanood at obserbasyon, gamit ang isang ritwal o orasyon direkta sa biktima na hinihinalang nakulam o nabarang ay makakausap umano ng manggagamot kung sino at saan nag mula ang kulam at sa matinding negosasyon ay pipiliting bawiin o paatrasin ng albularyo ang gumagammit ng itim na mahika upang mailigtas sa tiyak na kapahamakan ang biktima.

May mga pagkakataon na talaga namang kapaipaniwala ang ganitong pangyayari ngunit sa kabilang banda ay mayroon din namang pangyayari na ang mga nababanggit na pangalan na sinasabing mangkukulam ay normal at mga taong walang kalam alam na pinagbibintangan na pala silang mangkukulam. Matatandaan na sa isang video na naipalabas pa sa isang tv news magazine show ang isang sesyon ng isang lalaking albularyo na umanoy nagpapalayas ng kulam sa isang biktima, pinilit nyang alamin mula sa biktima na nasa ilalim daw ng kaniyang orasyon ang pangalan ng umanoy mangkukulam  na kumulam sa nasabing pasiyente. Matapos maisiwalat ang pangalan ng umanoy mangkukulam ay agad namang umalma ang tinuturong mangkukulam. Nilinaw niya sa harap ng media na hinding hindi niya magagawa ang pangkukulam sa pagkat una sa lahat ay hindi naman daw niya kagalit ang naturang pasiyente ng albularyo. Umabot pa nga sa pagpapa blotter sa barangay ang naturang napagbintangan. Agad namang humingi ng dispensa ang albularyo at humarap din ito sa barangay upang pormal na humingi ng paumanhin sa umanoy mangkukulam na sa totoo lang ay wala namang alam sa pangyayari.

Muli magsilbi sanang leksyon ito sa lahat ng tao na hindi sa lahat ng pagkakataon ay maisasalba tayo ng ating masidhing paniniwala sa kadiliman. Marapat lamang po na maniwala tayo at paigtingin pa natin ang paniniwala sa ating panginoon imbes na takutin pa natin ang ating mga sarili sa kalbaryong hatid ng kulam.

Isa isip po sana natin na ang tanging gamut sa ano mang banta ng kademonyohan ay ang malakas at taniyag nating paniniwala sa Dios at sa ating walang hanggang pananampalataya sa kaniya.

Sa lahat ng makakabasa ng artikulong ito; I pray for you, for your soul and for all of us. Be safe everyone and God Bless!

1
$ 0.69
$ 0.66 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @jasglaybam
Avatar for Argent
Written by
3 years ago

Comments