Ang hiling ng isang ama

0 10

Anak, minahal kita, inaruga,

Pinag-aral at 'di pinabayaan,

Ako, kasama ng iyong ina,

Kaming dalawa, inalagaan ka.

Ngunit, ano itong iyong ginawa?

Mga sakripisyo ba'y hindi sapat?

Ibinigay lahat ang puso't kaluluwa,

At ang aming pagmamahal na wagas at tapat.

Nang lumaon ika'y lumisan,

Di mo sinusunod ang aming mga batas,

Mga payo namin iyong kinalimutan,

Bakit ka tumaliwas ng landas?

Anak, andito lamang ako,

Naghihintay sa pagbabalik mo,

Nakaabang sa pintuan,

Bakasakaling ika'y muling masilayan.

;naway pakinggan natin ang pagmamahal ng ating mga magulang

photo (c) : NewsLinQ

Sponsors of Ansherina
empty
empty
empty

1
$ 0.00

Comments

Tama ka jan. Pakinggan natin ang kanilang pagmamahal ant suklian din natin ng kahit kunti man lang. Ito'y ikasisiya nila.

$ 0.00
3 years ago