Ngayong panahon ng pandemic isa sa mga maibisang paraan para di mahawa at kumalat ang virus na dulot ng covid19 ay ang pag pirmi ng karamihan o stay at home sa mga kabahayan, pero para sa mga front liners ito ay hindi para sa kanila. Sa kabila ng panganib na dala ng pandemic ay kailangan nila tugunan ang kani kanilang mga sinumpaang tungkulin sa kani kanilang mga trabaho at nagunguna na nga dito ay ang mga medical front liners at sa kalaunan nga ay nahawa na rin ang ilan sa kanila at ang mas malungkot ay mga namatay na din dahil sa ngalan ng pag lilingkod sa serbisyo.
At isa pa nga sa maituturing na front liners ay ang ating kapulisan na bukod sa pag babantay sa kapayapaan ng ating bayan ay kailangan din na la tayong bantayan lalo na ang mga mamayan na matigas ang mga ulo na sumunod sa health protocols ng gobyerno tulad ng mandatory na ngaun na pagususot ng face mask at pag panatili ng social at physical distancing sa mga pam publikong lugar at maging pagbabantay na din ng daloy ng trapiko. Ngunit sa pagsisilbi sa bayan ay hindi maiwasan na mahawa din talaga ng virus ang mga alagad ng pulis lalo na ngat ang kalaban ay hindi nakikita,sa ngayon ay may naiulat na 1,006 ang mga kumpirmadong nag positibo sa covid19 virus, sa datus ay 9 na ang mga namataysamantalang 455 ang mga gumaling na as of July 9. Sa ngayon ay mayroong 1,252 ang mga suspected na positibo na isasalang na sa testing na 651 dito ay na identified as "probable", ayon sa PNP.
As of July 9 din 25 ang mga bagong kaso ng positibo na naitala mula sa ibat ibang regional offices ng kapulisan ang pinakamataas na bilang ay 8 na nag mula sa Central Visayas,7 mula sa NCR, at apat mula sa PNP Regional Office 4A Calabarzon, 2 mula sa Aviation Security Group at tig iisa mula sa sangay ng SAF,HPG at CIDG.
Ayon kay PNP Chief Arnold Gamboa na karamihan sa mga na hawaan ng nkamamatay na virus ay iyong mga nakatoka or nka duty sa mga ilang lugar na may check points na kung saan malaki ang exposure nila talga sa virus. Pinagtibay naman nya na mas bibigyan ng prayoridad ang ating mga kapulisan sa mga safety health measures, gaya ng higit na pag lalaan ng mga health protective equipment,pag bibigay ng mga vitamins at regular na pag check up sa kanila or pag test sa kaling me iniinda silang sintomas ng sakit.
Well sa panahon ngayon ay walang pinipili ang covid19 virus kaya dapat ay seryosohin natin itong lahat huwag na natin antayin pa na tau mismo ay mahawa or mag karoon nito ugaliin natin ang pag susuot ng face mask sa bawat pag labas sa ating mga bahay at pag sunod sa mga health protocls ng gobyerno salamt po.
Kaya kailangan talaga ng maaging pag protekta sa sarili. Pataasin ang immune system at wag ng patigasin ang ulo para hindi na lumala pa ang sitwasyon.