Hello, kumusta ka ngayong nararanasan natin ang isa sa mga pinaka nakakatakot na pandemiya?
Natatakot ka rin ba, na baka mamaya isa ka sa mga maging positive patient ng mga hospital?
Hindi natin maiiwasan na matakot dahil tao nga lang naman tayo. Hindi natin kayang labanan. Pero may paraan naman para maiwasan natin ang sakit na ito.
Paraan kung saan gobyerno o mga health workers ang nagsasabi manatili lang tayo sa mga bahay bahay natin. Kumain ng sapat, masustansiya at mga pagkain na makapagbibigay sa atin ng resistansya para lumakas ang ating mga pangangatawan at maiwasan natin ang sakit na kumakalat ngayon.
Kung natatakot ka manalig ka lang sa Diyos. Manalangin ka, humingi ka ng tulong, lakas at kalusugan. Siya lang pag asa natin ngayong nasa pandemya tayo.
Nakakaawang tingnan ang mga taong namamatay dahil sa sakit. Pero mas nakakaiyak na makita ang mga pamilya nito na nagluluksa tapos anlaki laki pa ng babayaran nila sa mga hospital dahil sa sakit tapos mawawala lang dn sila dahil sa kawalan ng gamot. May gamot na nga sa ngayon pero hindi naman sapat para magamot lahat ng pasyente ng Pilipinas.
Hindi natin alam kung totoo nga ba yung sabi nila na baka aabot pa sa dalawang taon bago matapos ito. Pero ang tanong kakayanin pa ba ng Pilipinas? Kakayanin pa ba na i accomodate ng mga hospital ng Pilipinas lahat ng mga darating na kaso?
Kakayanin pa ba nating lahat na makita ang mga mamamatay at iiwan nila? Baka darating ang panahon na makikita natin sa mga kalsada ang mga bangkay ng mga tao. Baka mahahati ang populasyon ng Pilipinas pagkatapos ng dalawang taon.
Pero hindi natin alam. Kaya stay positive lang and trust God :)
OO nga po ehhh lahat Ng Tao sa boung Mundo labis na silang naaapektuhan..Pati Yung trabaho Nila ..nababahala ang lahat .mag iingat nlng po lagi tayu ...god bless us SA lahat po