Sana'y Makamtan

0 16
Avatar for Angelxiao28
3 years ago

Sa mga sandaling ako'y nag-iisa

Laging dinadalaw ng pagkabalisa

Pagkat sumasagi sa aking isipan

Mga alaala ng ating nagdaan

Mga alaalang ka'y hirap limutin

Dito sa'king puso ka'y hirap burahin

Mga paglalaro sa dalampasigan

Mga tawanan na walang katapusan

Ngunit ngayong sa piling ko'y lumisan

Tila walang saysay ang naging suyuan

Ganun pa man ako ay umaasa

Na upang maibsan yaring pagdurusa

Nawa sa'king piling ay magbalik ka

Tunay na pag-ibig Sana'y Makamtan na

Ito yung tulang sinulat ko nung grade 6 ako .Yung panahong ang tingin ko sa crush ay true love na 😁Till now na 31 y.o na ako hindi ko pa rin nakakalimutan.

3
$ 0.00

Comments

First love ba? Ganda din ng tula,,aq nmn nakagawa ng kanta noon for my first love haha..

$ 0.00
3 years ago

Ewan kong perslab un 😂 elementary palang ako eh..ngaun nga friend ko sa fb un eh.byudo na nga lang one year palang naikasal namatay si girl sa panganganak

$ 0.00
3 years ago