Noong akoy musmos palamang . Ang mama ko at ang papa ko ay nagtratrabaho sa ibang bansa.
2-4 years ang hihintayin namin bago sila makita o bago sila umuwi.
Nang dahil sa gusto nila kami na lumaki ng maayos at upang makapag aral ng mabuti. Sila ay nagsisikap upang matustusan ang pangangailangan namin.
Isang araw, tumawag si mama at sinabi niang nadulas sa C.R si papa. At nagdaan pa ang mga araw sinabi ni mama na hindi maganda ang lagay ni papa kasi na paralize na siya. Kaya agad nilang inuwi dito sa pilipinas.
At nung dumating na ang papa ko, niyakap ko ito at sabay sabing " apay inya nangyari kanyam ngay papa ( anong nangyari sayo papa) " . At sinabi niya wala nadulas lang ako tapos naging ganito naman na ako . Sagot ng papa ko.
Nagdaan ang mga araw na hirap na siyang maglakad, gumigising kami mga 4 am para mag mag ehersisyo para gumanda or mapabilis ang paggaling nia.
Nag daan pa ang mga araw . Habang kami ay na nananghalian. Tumabi ako sakania at sabay sabi niya " Sino ka?" , bigla akong nagulat at sabay sabing ' huh ?? Ano po sinasabi mo papa ako po eto anak mo '. Sabay sabi nia " wala akong anak, maliit pa anak ko". Kasi ang inaakala niyang anak ay isang musmos na iniwanan niya noong siya ay pumunta sa ibang bansa. Kaya bigla akong nagulat, bigla akong napaluha at tumayo , lumayo muna sakaniya .
Nung araw na yon, nag simula nang hindi makakilala si papa sakin, un pala lumalala na ang sakit niya. Hindi ko maisip na nasabi ng papa ko ang mga katagang iyon. First time na first time kong narinig yun sakaniya. Lalo akong umiyak ng umiyak sa sulok. Pero kahit na ganon ang sinabi niya ay hindi ako nagtanim ng anomang galit, kasi naiintindihan ko ang kalagayan niya.
Nagdaan pa ang mga araw na hindi na siya makatayo at dina makalakad. Nagiging agrisibo na ang mga kinikilos niya . At sa twing pinapakain siya at parang hirap na siya.
At Dumating na nga ang kinatatakutan ko, madaling araw na at narinig naming sumisigaw siya na hindi maintindihan at yun pala hindi na siya makahinga. Dalidali namin siyang itinakbo sa hospital. Habang kami ay nasa byahe palang ay napansin nang ate ko na naninigas na ang kalahati nitong katawan. At dun na kami napaluha, habang sinasabing 'PAPA LUMABAN KA.π
At nung nakadating na kami sa hospital dun na siya binawian ng buhay.
Kaya hindi ko matanggap na hanggang dun nalang pala ang aming huling pagsasama ng aking ama.
Ni hindi ko nasulit ang magkaroon ng ama.kaya ganun nalang ang inggit ko sa twing nakakakita ako ng mga batang masayang kasama ang kanilang ama.
Ni hindi ko manlang siya nakausap ng maayos makasama makabonding o kakwentuhan . At masabing mahal na mahal ko siya.
Kaya sa mga may ama pa, ang swerte niyo kasi hindi matutumbasan ng kahit anong bagay ang pagkakaroon ng ama. Kaya hanggat maaari mahalin at sulitin,pagkaingatan natin sila. Kung wala sila wala tayo sa mundong ito.
Sana'y nagustuhan niyo ang aking artikulo tungkol sakin.
Maraming salamat sa oras miyo para mabasa ang artikolo kong ito.
back me subscribe