Ang Araw na ako'y Masipag

9 31
Avatar for Angel_183
3 years ago
Topics: Nonsense, Story

Ito'y isa ding mai-tuturin na achievement para sa akin dahil ito'y bihira mangyari sa akin.

Ngayon, i kukuwento ko sainyo kung paano o bakit ako naging masipag sa 2 araw(oo, hindi isang araw lang kundi dalawa pa.)

August 5, 2021

Ayan ang araw kung kelan ako naging masipag. Hindi ito dahil lang sa ako'y walang ginagawa sa bahay kundi ito ay may mga nagkasakit sa amin maliban sa akin at ang aking ate.(Bat ako di rin nagkasakit para di din mag linis? Haha joke lang, ayaw ko magkasakit😆) Ito ang araw na nagkasakit ang aking mahal na mama at aking kapatid na kuya.

Umaga - nang pagkagising ng aking kapatid na si kuya, siya ay may nararamdaman na agad. Ang tagal niya bumangon sa higaan kahit ito'y 9:00 am na. Kumain siya ngunit inutusan niya akong magtimpla ng gatas para sa kanya. Siyempre hindi ko ito sinunod kasi kala ko nagtatamad tamadan lang😆. Kumain siya at natulog uli ito sa aming kama. Habang si mama naman ay magaling na magaling at pumunta ito sa dentista upang ipabunot ang sira at sumasakit na ipin.

Tanghali - pag-kauwi nila, dito na nag simula ang aking pagiging masipag sa buong araw. Lol. Pagod na pagod ang aking ina galing sa malayong lugar upang magpa bunot ng ipin. Natagalan siya sa pag-sakay dahil walang mga pasahero kaya ang ipin niya ay sumakit. Ang aking kapatid ay may lagnat habang ang aking ama naman ay nasa trabaho. Kaming 2 nalang ng aking ate ang mag lilinis at gagawa ng mga gawing bahay. Ako ang nag-ugas ng pinaggan, nag walis at nsng punas ng lamesa habang ang aking ina at kapatid ay nasa kwarto at nagpapahinga.

Pagkatapos gumawa ng mga gawain bahay, puno ang cellphone at malayang gumagamit ng cellphone ng aking kapatid mag isa😆. (Ayaw niya mag cellphone at mag computer so wala akong ka-agaw haha) Mas maganda talaga pah may ka-agaw noh? Walang humihirap sa akin hanggang ako'y magsawa na kahit hindi pa Ito ubos. Pinili kong gumawa nalang ng mga gawaing bahay kesa gumamit ng cellphone na wala namang gagawin😆.

August 6, 2021

Ito ang araw na 2 beses ako naka hugas ng plato🤣. (For the first time in forever 😆) sa umaga at sa hapon ako naghugas habang ang aking ate naman ay sa tanghali at sa gabi nag-ugas. Palit palitan lang kami sa mga gawaing bahay dahil nga ang aking ina at isa pang kapatid ay may sakit pareho. Ang aking ina ay masakit ang ulo at ipin habang ang kuya ko naman ay may lagnat,sipon at masakit ang likod.

Ito din ang araw na sa gabi ko lang na saksak ang cellphone dahil palaging umaga ko ito sinasaksak dahil na ubos na sa gabi. Hindi naman ako ma laro ng mga laro dito kaya ito'y di masyadong nagamit.

August 7, 2021

Ito na ang araw na hindi pagiging masipag 😆. Ang aking ina ay magaling na at nakaka labas na. Nakakagawa na din ng mga gawaing bahay at naglaba na agad ng mga labahan. Habang ang aking kuya naman ay magaling na din ngunit hindi pa sobrang galing at kailangan pa mag pahinga. Gumagamit na din ito ng cellphone paminsan minsan at naka pag laro na din ng Mobile Legends ng ilang beses kaya ito'y masasabi ngang wala ng sakit haha.

Ngunit nag- ugas parin ako ng 2 beses dahil si kuya ay di parin makapag hugas🤣. Ang daming araw na di sya naka hugas, dapat ngayon buong araw siya ang mag huhugas 😝.

At diyan nagtatapos ang aking kwento. Sana ay nagustuhan ninyo ang aking pangit na kwento. Ngayon ay August 8, 2021 na at sila ay nasa church habang ako ngayon ay nandito sa bahay at nag susulat ng artikulong ito. Maraming salamat sa pagbabasa💚

Sponsors of Angel_183
empty
empty
empty

Thanks for reading my article 💚. Thanks for reading my article until the end. Thanks to all my subscriber, to all who view my article and also who comment always. Thank you to all my sponsor here and who always upvoting my article. Thank you to all your support 💚💚

5
$ 3.66
$ 3.53 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.05 from @OfficialGamboaLikeUs
+ 1
Sponsors of Angel_183
empty
empty
empty
Avatar for Angel_183
3 years ago
Topics: Nonsense, Story

Comments

Sana araw araw kang sipagin beh😂. Bakit mas gusto mo may kaagaw sa phone, hahaha

$ 0.00
3 years ago

may entry ba tayo sa buwan ng wika? HAHAHAHA sasali ako baka meron HAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Haha ewan😆. Gusto ko lang mag tagalog haha

$ 0.00
3 years ago

Entry nyo po ba ito para sa Buwan ng Wika "Tagalog Challenge" hahhahha ang lalalim po kase ng mga salita eh. Mabuti po at naging masipag kayo kahit dalawang araw lang pero sana po magtuloy tuloy na ang pagiging masipag nyo hahahhah. Salamat din po ag magaling na ang mama at kuya mo, sobrang hirap po kasi magkasakit ngayon eh buti na lang at 2 days lana at gumaling na agad sila.

$ 0.00
3 years ago

Kaya ehh. Mahirap talaga dahil baka akalain ng iba covid😆

$ 0.00
3 years ago

Opo ganun talaga iniisip ng iba ngayon pag may sakit ang isang tao.

$ 0.00
3 years ago

Nung bumili nga kami ng royal sinabi ng tinders sakin, bawal to sa may ubo😆. Yun kasi binibili pag may sakit

$ 0.00
3 years ago

Royal? As in yung softdrinks po ba?

$ 0.00
3 years ago

Opo😆

$ 0.00
3 years ago